Masked, Unmasked

By alconbleu

31K 1.1K 452

Behind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise. More

1: Start
2: So Near Yet...
3: In a Very Distant Past
4: First Heartache
5: Moving Forward
6: Uncovering
7: Sad Endings + Surprising Beginning
8: Barrowed Time
9: Painful Truth
10: Two Can Play this Game
11: Present Time
12: Mood
13: The Song
14: First Signs of...
A/N
15: Trust Issues
16: Change of Heart?
17: Perturbed D
18: Stuck With You
19: Fantasy
20: Unexpected Twist
21: Is It Over Now...
22: Something to Look Forward to
23: Pent-up Emotions
24: Detour
25: One Good Reason
26: DOA
27: Marry You
28: I Do
29: The Things You Do....
30: Honeymoon eh?
31: Another Ordinary Day
32: Why
33. Reunited
34: Untitled(hahaha)
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Next
Chapter 43
Chapter 44: Missing You
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47. Ang Adobo at si Alyssa
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51: Lakas Tama
Chapter 52
Chapter 53: Loving Her

Chapter 41

506 26 12
By alconbleu

"Kung sakali bang magkabukuhan, makakaasa ba akong makakasama kita sa laban Den?" Seryoso ang pagkakasabi noon ni Alyssa.

Na labis namang ikinabigla ni Dennise! Hindi na naman tuloy ito nakaimik. Nakatulala lamang ito at bahagyang nakaawang ang mga labi!

"You should have seen your face Dennise! Hahaha. Sorry, pero huwag mo seryosohin iyong sinabi ko ha? Joke lang yun." Biglang kambiyo si Alyssa. Nakita kasi niya ang pagguhit ng labis na pagkabigla sa mukha ni Dennise.

"Huh?" Sa naguguluhang tinig ay naibulalas nito.

"Sorry if I rendered you speechless a couple of times this evening. Minsan kasi hindi ko mapigilan itong bibig ko. Huwag mo nalang seryosohin, lalo na iyong huli kong sinabi." Kakamot-kamot sa ulo na wika ni Alyssa.

"I'm sorry din, hindi ko kasi talaga alam kung paano magrereact sa mga pinagsasabi mo." Pag-amin ng arkitekto.

"Napakaimposible naman kasing mangyari iyon." Bahagyang sumandal si Alyssa sa aluminum railing. Itinukod niya ang magkabilang braso sa pinakamataas na bahagi, para suportahan ang sarili.

"Na magkabukuhan?" Nakakunot noong balik ni Dennise.

"Na sasamahan mo ako sa laban kapag nagkabukuhan." Mahinang usal ni Alyssa.

"Alyssa." Iyon lang ang nasambit ni Dennise.

"Ayos lang, ako narin mismo ang may sabing napakaimposible niyong mangyari! But if worst comes to worst at magkabukuhan man. Nakahanda na naman ako sa mga posibleng mangyari."

"So tell me Alyssa, ano ang gagawin mo incase dumating tayo sa puntong iyon?" Hindi niya mapigilang magtanong. Curiousity suddenly hits her. Curious siyang malaman kung ano ang plano nito kung sakali mang magkabukuhan.

"Sasabihin ko ang totoo. Na kasal tayong dalawa. Pero hindi naman talaga tayo mag-asawa. Not in the real sense of the word. Then, I will take it from there. To tell you the truth I am already bracing myself for the worst Den. Witnessing how you reacted earlier sa joke ko, made me conclude na wala ka talagang balak na ipaglaban ang kung anumang meron tayo. I kind of lowered my expectations narin naman! Mahirap kapag masyadong nag-eexpect, napakataas ng expectations. Sobrang sakit kapag nadisappoint." Mahina parin ang pagkakasabi noon ni Alyssa, makikita din ang isang alanganing ngiti sa mga labi nito.

Napalunok si Dennise. Tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Alyssa? Na kung sakali mang magkabukuhan. Bibitawan nalang siya nito ng basta-basta? She wasn't expecting anything herself, pero bakit parang ang sakit marinig ng mga katagang binitawan nito?

"Hindi naman talaga tayo mag-asawa!"

"I am bracing myself for the worst!"

"Mahirap kapag masyadong nag-eexpect, napakataas ng expectations. Sobrang sakit kapag nadisappoint!"

That last sentence hit her hard.

Nadisappoint!

Yeah, disappointed ito on how she reacted doon sa magkabukuhan thingy.  Negative kasi ang implication ng reaction niya.

But, Den's also aware that she did inflicted pain and disappointment in Alyssa the moment she forgot about her birthday.

"Pasensiya na kung nakalimutan ko ang birthday mo." Mahina at sa may kababaang loob na bigkas ni Dennise.

"Paano ko ba ito sasabihin, kasi kung tatanungin mo ako kung apektado ba ako dahil nakalimutan mo ang birthday ko, ang magiging agad kong sagot doon is syempre apektado ako. Nasaktan, of all people ikaw pa ang hindi nakaalala. Nag-expect nga kasi akong kahit papaano maalala mo. Iyon bang kahit isang birthday greeting lang through text message or direct message. Pero dumating at lumipas lamang ang araw, ngunit hindi mo naalala. Sa isang banda relieved ako. Kasi, nangangahulugan din iyong limot mo na sa wakas si Alyja. Hindi ba nga we share the same birthday? Nakalimutan mong that day was also her birthday. You forgot her birthday, you forgot mine. Ganoon ka simple."

"Hindi manlang sumagi sa isip kong kaarawan din pala niya ng araw na iyon. Pasensiya na." Hindi malaman ni Alyssa kung kanino ito himihingi ng tawad. Sa kanya ba o kay Alyja.

"Pasensiya kana rin kung nabrought-up ko ang topic about Alyja. Don't dwell in it, I am pretty sure naiintindihan ka noon." Pagbibigay assurance niya pa kay Dennise. 

"Sigurado ka?" Hindi maiwasan ni Alyssa na makaramdam ng sakit, kitang-kita kasi niya kung paanong napuno ng guilt and remorse ang mukha ng kaharap.

Pumihit siya, pabalik sa una niyang posisyon. Nakaharap at nakatanaw sa mga ilaw na nasa paligid.

"Sigurado, masyado ka niyang mahal para magtanim ng sama ng loob sayo. Alam mo bang magkakasama na silang tatlo doon ngayon? Si inay, si itay at si Alyja, magkakasama na sila. Sa wakas nagawa ko na silang pagsamasamahin sa iisang lugar." Anas ni Alyssa sa tinig na may galak.

"Totoo? Masaya akong marinig iyan Alyssa! Paniguradong masaya sila ngayong sa wakas magkakasama na silang tatlo." Masayang wika ni Dennise.

"Uh huh. Kapag nakauwi ka doon, bisitahin mo sila ha, Den?" Sumilay ang isang tipid na ngiti sa mga labi nito, sabay ang paglamlam ng mga mata.

Kahit hindi hingin o sabihin ni Alyssa, paparoon talaga si Dennise para bumisita.

Ngunit sandali lang, bakit parang iba ang dating ng sinabi nitong iyon?

Idagdag pa ang tipid na pagngiti, samahan ng malamlam nitong titig, at mahinang tinig.

Kinabahang bigla ang dalaga!

"Pupunta ako, pero dapat kasama ka. Magdadala tayo ng mga bulaklak, magsisindi ng kandila at mag-aala ng panalangin. Sabay tayong pupunta!" Pinasigla niya ang boses, pilit ikinubli ang pagkaligalig.

"Hhhmm, hindi ako sigurado!"

"Anong hindi ka sigurado? Sabihin mo nga sa akin Alyssa, may problema ka ba? O may masakit sayo? Kanina lang may pajoke-joke ka pang nalalaman, ngayon naman mukhang ang tamlay-tamlay mo." Puno ng pag-aalalang wika pa ni Dennise. Hindi niya namalayang nakalapit na siya kay Alyssa. Sa pag-aakalang masama ang pakiramdam nito ay dinama niya ang noo nito gamit ang palad.

"Wala ka namang lagnat ah?" Nalitong bigla si Dennise sa bilis ng pagshift ng mood ni Alyssa.

"Ayos lang ako, wala akong dinaramdam. Bumalik ka na sa pwesto mo at may ikukwento ako sayo." Kinuha ni Alyssa ang kamay niyang nasa leeg parin nito at pinisil iyon. Pinaupo niyang muli si Dennise. Sa pagkakataong iyon ay magkatabi na silang dalawa.

"May hihingin sana ako sayo bago ako magsimula."

"Basta ba kaya ko, sabihin mo muna kung ano iyon!" Sa puntong iyon kinukutuban na ng hindi maganda si Dennise.

"Hayaan mo muna sana akong matapos nagpaliwanag bago ka magsalita." Sa unusual na tinig ay wika ni Alyssa.

Kinakabahan man, at may hindi mabilang na katanungan para sa asawa, walang magawa si Dennise kundi ang sumang-ayon sa gustong mangyari ni Alyssa.

"Noong maliit pa ako. Naisip kong napakaswerte kong bata. Kompara kasi kay Alyja, wala akong sakit. Nakakapasok ako ng eskwela, nagagawa ko kung ano man ang gustuhin ko. Ngunit hindi naglaon nagbago ang paniniwala kong iyon. Dahil nga sa may sakit siya, halos lahat ng atensiyon ng mga magulang namin napunta kay Alyja. Halos lahat ng oras ng parents namin napunta sa kanya. Nang umuwi kami ng Negros matapos mamatay ang itay, halos sa kanya na umikot ang mundo naming mag-iina. Ramdam kong espesyal ang paraan ng pag-aaruga ng aming ina sa kanya. Aaminin ko, masakit iyon para sa akin, ngunit hindi ako nagreklamo. Naiintindihan ko kung bakit iyon ginagawa ni inay. Ginagawa niya iyon dahil sa kalagayan ni Alyja. Hindi naglaon, dahil narin siguro sa nagkakaedad at nagkakaisip narin, unti-unti na akong nakapag-adjust sa sitwasyon namin. Mahirap man, nagpatuloy kaming mamuhay ng payak. Hanggang sa isang araw..."

Tumigil pansumandali si Alyssa. Binitawan niya ang kaninang hawak na kamay ng asawa. Naupo siya ng maayos saka itinuon ang kanyang paningin sa kawalan at ipinagpatuloy ang kanyang pagkukwento.

"Hanggang sa isang araw, pumunya akong patag para magpalipas ng oras. Nakaupo ako noon sa lilim ng isang puno ng may matanaw ako mula sa malayo. Isang batang babae! Pinagmasdan ko siya, mukhang ang saya niya, aliw na aliw siya habang  namimitas ng mga ligaw na bulaklak. I was fighting the urge to get near her. Pero sa huli nanaig ang aking kuryusidad. Lalo na nang makita kong akma niyang ilalapit sa sarili niyang ilong ang isa sa mga napitas niyang bulaklak."

Hindi mapigilan ni Alyssa ang pagguhit ng isang ngiti sa kanyang mga labi habang binabalikan sa isip ang partikular na alaala.

Si Dennise naman ay hindi maintindihan kung bakit bigla nalang siyang kinabahan.

"Nagulat siya ng magsalita ako buhat sa kanyang likuran. I kind of interrupted her from sniffing the flower. Funny thing was I talked to her using our native dialect, which was Hiligaynon. Na hindi pala niya naintindihan. She glared at me, with matching taas ng kilay saka nagsimulang magtaray. Nabigla ako ngunit hindi ako nagpa-intimidate, I went on explaining sa kung ano ang pwedeng mangyari once na nasinghot niya ang bulaklak. Imbes na iconsider iyong sinabi ko, nagsungit pa siyang lalo. Napakataray talaga niya! Ano ba daw ang alam ko? Eksperto daw ba ako sa larangan ng floriculture para nalaman ang masamang maidudulot ng pag-amoy sa naturang bulaklak?"

Muli ay napatigil si Alyssa. Bahagya siyang lumingon para pagmasdan ang katabi.

Walang imik ang dalaga. Nakapako ang paningin nito sa sahig! Waring may binabasa na kung ano doon!

"It's now or never!" Naisip ni Alyssa.

Humugot muna siya ng ilang malalalim na hininga bago muling nagpatuloy.

"Hindi ko akalaing ganoon siya kataray. Makailang beses niya rin akong inirapan. But despite of that, hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ako natakot o natinag manlang. On the contrary I find her antics very amusing, which prompted me to laugh. Na-ikinairita niyang lalo. Good thing though nagawa kong takpan ang aking bibig bago pa niya ako mahuling nakatawa. Ngunit nabisto parin ako! Nahalata kasi niya ang lihim kong pagtawa. Napikon siya. Tinitigan niya ako, iyong uri ng tingin na parang nanunuot sa buo kong pagkatao. Naconscious tuloy ako, nakadama ng discomfort. Dahil siguro sa nakitang naging reaction ko sa ginawa niyang pagtitig, hindi napigilan ng batang babae na matawa. Imagine, matapos niya akong bigyan ng nakakamatay na titig, pinagtawanan niya pa ako? Sa pagkapahiya o dahil narin sa  pagkairita kaya naisipan kong tumalikod para iwanan siya!"

"Oh!" Iyon lamang ang narinig ni Alyssa.

"Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang aking braso para pigilan akong makaalis! Kasabay ng paghingi ng pasensiya for acting like a brat. Mag-iinarte pa ba ako? I ended up doing the same. Humingi din ako ng pasensiya sa kanya. We talk for abit. Then nagpaalam na siya, baka daw hinahanap na siya sa kanila. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lungkot na lumukob sa aking pagkatao ng marinig ang sinabi niyang iyon. Pero mabilis din iyong napalitan ng tuwa. Nagtanong kasi siya...."

Hindi pa tapos magsalita ni Alyssa when Dennise interrupted her.

"Tinanong niya kung pwede ba kayong magkitang muli kinabukasan!" Again it was a statement.

Bakit ganito?

Bakit alam ni Alyssa ang tungkol dito?

"Uh huh, tama ka! Then that was it, she went her way, I went mine. We went our separate ways. Both hopeful. Na kinabukasan, same time, same place, magkikita kaming muli. Tandang tanda ko pa kung gaano ako kaexcited sa isiping makikita ko siyang muli! I was beyond elated, kung pwede ko lang hatakin ang oras para mapabilis ang lahat, ginawa ko na! But, destiny decided to play games with me..." Mabilis ang pagragasa ng emosyon ni Alyssa. She did her best para huwag magpatangay.

"Ikaw iyong batang nakausap ko ng hapong iyon Alyssa, ngunit siya iyong bumalik para muling nakipagkita sa akin!" That wasn't a question but rather a statement! A confirmation!

Alyssa bit her lower lip, preventing herself from sobbing.

"Oo, siya iyong bumalik para makipagkita sa iyo Dennise!" Kasabay ng rebelasyong iyon ay ang malayang pagpatak ng mga luha ni Alyssa.

"Bakit Alyssa?" Buong pait na anas ni Dennise.

Lumingon si Alyssa paharap sa asawa. Nakita niya kung paano mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Dennise. Ang mga kamay nito na kanina lang ay hawak niya ay mahigpit nang nakakuyom!

"Patawarin mo ako Dennise!" Nagsusumamong wika ni Alyssa. Itinaas niya ang mga palad para sana mahawakan ang noo'y basa ng pisngi ng asawa ngunit nabigla siya ng palisin iyon ni Dennise!

"Bakit mo hinayaang mangyari ang ganoon?" Sa tinig na kasinglamig ng yelo ay wika nito. Pilit nitong pinupunasan ang luhang walang ampat sa pag-agos.

"Umuwi akong masaya at may galak sa puso. Hindi ko man maintindihan kung bakit ako nagkajlkaganoon, isang bagay lang ang nasisiguro ko. Masaya ako at nilolook-forward ko ang muli nating pagkikita. Ngunit ang chance encounter na iyon, na pala ang una at huling beses na magkikita at magkakausap tayo. Lingid kasi sa aking kaalaman nasaksihang lahat ni Alyja ang mga pangyayari. Nang dumating ako sa amin kaagad niya akong kinompronta patungkol doon. Marami siyang naging mga katanungan na ikinagukat ko ng husto, wala kasi iyon sa karakter ni Alyja, ang maging ganoon kausisa. Nagtanong siya. May idea ba daw ako kung sino ka? Taga saan ka daw ba? Basta marami siyang naging mga katanungan. May alinlangan man sa kung bakit siya biglang nagkainteres sa'yo, ipinagwalang bahala ko nalang. Naisip ko baka gusto lang din niyang makipagkaibigan sayo kung sakali man. Ngunit ng dumating sa puntong tinanong niya ako kung nagpakilala ba ako sayo, doon ko na napagtantong may iba talaga siyang binabalak!" Nakatungo na noon si Alyssa. She was able to control her emotions pero basag parin ang kanyang tinig.

"Sana may ginawa ka para pigilan siya Alyssa! Sana hindi ka pumayag! Pero wala eh, hinayaan mo lang siyang gawin ang kanyang gusto!" Puno ng poot na wika ni Dennise.

"Gustuhin ko man wala akong magawa Dennise. Ginamit niya ang sick card to her absolute advantage. The final blow came noong ang sarili ko na mismong ina ang nakiusap at humiling na pagbigyan ko nalang si Alyja. That was very frustrating and very hard for me Dennise. Alam mo iyong pakiramdam na may nakita at nagustuhan kang isang bagay. Gustong-gusto mo iyong napasayo, pero sapilitang kinuha ng iba? I might just be what under ten years old during that time, wala pa akong kaalam-alam sa usaping puso, but believe me alam kong espesyal ang kung anumang naramdaman ko para sayo noong mga panahong iyon."

"Hindi ako sapilitang kinuha sayo ng kung sino Alyssa! Kundi hinayaan mo akong makuha ng iba! May magagawa't magagawa ka para pigilan ang kakambal mo, iyon ay kung may gusto at espesyal talaga ako para sayo! Pero hindi eh, kabaliktaran ang ginawa mo, ginusto mo ding ipamigay ako! Don't make a fool out of me Alyssa!  Lahat kayo niloko niyo ako! Accesory ka sa ginawang panloloko ng nanay mo saka ni Alyja, and I hate you for that!" Sa tinig na kasinlamig ng yelo ay naibulalas ni Dennise.

Tumayo na ito at iniwan ang noo'y umiiyak na namang si Alyssa!

"I know!" Mahinang usal niya.

**********

Friday night. A couple of days after Alyssa and Den's heated argument.

"Anong masamang hangin ang nagtulak sayo para papuntahin ako dito Dennise? And, oh my golly! When was the last time you checked yourself in front of the mirror? Look at those eyebags! Don't tell me nakikiuso ka and iyan na ang latest fashion trend nowadays! My gosh Dennise, natutulog ka pa ba?" Eksaherang ngawa ni Ella the moment na makapasok siya ng condo unit ng kaibigan.

"Syempre natutulog ako! Yun nga lang kulang! Alam mo namang busy ako ngayon, may project akong dapat trabahuhin besh." Walang ganang sagot ni Dennise kasabay ang muling pagsalampak sa sofa!

"Ako pa talaga ang lolokohin mo? Mahigit isang dekada na kitang kaibigan at kakilala. Napakaraming projects na ang nahawakan mo. Locally and abroad. Iyong iba nga mas malaki pa sa kung anong meron ka ngayon pero never, not even once na nakita kitang ganyan ka-haggard looking Architect Lazaro! Hindi ko kinaya ang dark circles na nakapalibot sa mata mo! Tapos sasabihin mo trabaho? Sinong lolokuhin mo Dennise Michelle!" Iiling-iling na ibinato ni Ella sa kabilang bahagi ng sofa iyong dalang overnight bag saka umupo, paharap sa kaibigan.

"Be my judge!" Nakaismid na turan ng arkitekto sabay mwestra sa laptop na nakapatong sa center table malapit sa sofa.

Mukhang iyon ang pinagkakaabalahan nito bago siya dumating.

Sinundan iyon ng tingin ni Ella. Isang nakabukas na file. Tumuwid siya ng upo para mabistahan ng maayos ang documento, binasa nito iyon. Tama nga si Dennise, may kaugnayan nga ang documentong iyon sa kasalukuyang proyekto ng arkitekto!

"Maniniwala na sana akong ang project talaga ang reason kung bakit ka nagmukhang zombie besh eh. Iyon ay kung hindi mo lang sana ako inimbita to have this sleepover!" Seryosong wika uli ni Ella. Evident na hindi siya naniniwala sa alibi ng kaibigan, rather she's very much determined to know as to why her bestfriend's looking like that!

The once gorgeous and very attractive Architect Lazaro is currently looking like shit!

Hindi nakaligtas kay Ella ang sunod-sunod na paghugot ng malalim na hininga ni Dennise!

Saksi rin siya sa kung paano itong napapikit ng mariin. Nakaunan na ito ngayon sa arm rest ng sofa, nakapikit at minamasahe ang sintido.

"Masakit ba ulo mo?" Puno ng pag-aalalang naitanong ni Ella.

Dennise completely ignored her bestfriend's query.

Sa halip...

Pansumandali itong tumigil, muling idinilat ang mga mata, saka rektang tumitig sa kanya.

"I am married besh!" Dropping the bomb, Dennise completely ignored her bestfriend's query!

"Anong?" Halos lumuwa ang mata ni Ella dahil sa labis na pagkagulat mula sa narinig! Kung iba lang ang sitwadyon nila ngayon, paniguradong hindi nito mapigilang matawa sa reaction ni Ella!

"I am married! May asawa na ako!" Casual nitong pag-ulit sa sinabi.

"Huwag kang magbiro ng ganyan Dennise, at hindi nakakatuwa! Mukha kang nadedeliryo! Matingnan nga kung nilalagnat ka!" In no time nakatayo na ito sa harap ng nakahigang si Dennise. Lumuhod ito sa sahig saka idinantay ang palad sa noo saka leeg ng kaibigan.

"Wala ka namang lagnat Dennise!" Mahinang wika pa nito!

"Sabing wala akong lagnat, itigil mo na nga iyang kabaliwan mo Jorella!" Tinabig nito ang kamay ni Ella saka bumangon at naupo.

"Hmmppp! Sino kaya ang baliw sa ating dalawa? Ikaw kaya ang kung anu-ano nalang ang pinagsasabi!" Napahalukipkip itong bumalik sa pagkakaupo, saka tinitigan ng pagkasama sama si Den.

"Ggrrr! Hay naku! Hindi ko akalaing ganyan ka kahirap kausap De Jesus! Sumasakit lalo ang ulo ko sayo!" Nayayamot na wika ni Dennise saka mabilis na tumayo at padabog na pumasok sa sarili nitong kwarto!

"Ako pa ngayon ang mahirap kausapin! Ikaw kaya iyong parang high sa drugs!" Sigaw nito mula sa sala!

"Pumasok ka dito sa kwarto! Bilisan mo!" Narinig niya ang pagsigaw nito mula sa sariling kwarto!

Pero hindi gumalaw mula sa pagkakaupo si Ella.

May ilang minuto na ang nakalilipas mula ng sabihin ni Dennise na sumunod siya sa at pumasok narin ng kwarto!

"Bingi ka ba Ella! Sabing pumasok ka dito Ella!" Muli ay ang pagsigaw ng arkitekto!

Walang magawa si Ella kundi ang sumunod.

Tumayo siya saka tinungo ang kwarto.

"Oh ano na?" Masungit nitong baling sa kaibigan. Naka halukipkip na nakatayo ito malapit sa pintuan ng kwarto.

Nakita niyang nakaupo sa may kama nito si Dennise.

"Halika dito besh." Surprisingly, kalmado na si Dennise ng magsalitang muli. Inanyayahan siya nitong lumapit.

Naglakad palapit si Ella, saka naupo sa tabi ng kaibigan.

"Alam kong nakakagulat at mukhang hindi kapanipaniwala iyong sinabi ko, but here. Tale a look at this! Ito ang pruweba na totoo iyong sinabi ko kanina!"

Nasa kamay ni Dennise ang isang papel. Iniabot niya iyon kay Ella.

Todo-todo ang kaba at nangangatog pa ang mga kamay ni Ella ng abutin nito ang naturang papel.

Marriage Certificate.

"What the fu-- Dennise? Kasal ka na nga at kay Alyssa Valdez pa?" Hindi nito mapigilang maisigaw!

_______________

A/N:

Hey everyone!

Short trivia!

Tragic stories are my cup of tea! I have this weird fascination to sad and heartbreaking stories/movies! So, the possibility of this one entering the genre, is highly probable!

Thank's for all the support guys!

Let's finish this already!

(alconbleu 04/24/23)

Continue Reading

You'll Also Like

29K 1.2K 26
Them in different worlds.
4.6M 292K 106
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
27.3K 621 35
A scenario came inside my mind and it encourage me to make this story. I wrote this out of boredom and also to somehow express my delusions over the...