Rise of the Hidden Blood

By -Wuxie

63.8K 2.8K 350

Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left e... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
-----
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
chapter 55
Epilogue
Omega's Playtime

Chapter 17

968 52 4
By -Wuxie

HINDI nya maalis ni Theron ang masamang tingin kay Griffin.

A Barize's heart blood inside that bastard? Tsk! Totally unacceptable!


Ano bang nakita ni Amaris sa lalakeng yan at mabilis na binigay ang sariling dugo? Amaris had always been anm good student, malakas ito at matalino. She's very competent. Pero bakit sya nahulog sa isang lalakeng kagaya ni Griffin? Sa lahat ng tao bakit sa isang Pravesh pa?!


That clan hates rouges the most!

"Kumalma ka Theron" awat sa kanya ni Zen "Halatang halata yang galit mo. Pag nakahalata yung ibang seniors malalaman agad nila sa si Griffin ang kinakakaglitan mo. "

"I don't give a fck!" Nanggigigil na wika nya.

"Calm down will ya! The seniors will blindly follow you. Pagkakaisahan nila si Griffin pag nalaman nilang galit ka sa kanya!" Bumuntong hininga si Zen "Nawawala pa si Amaris, paano natin sya hahanapin nito? Tanong ng tanong sila Nala at Kon, wala akong maisagot!"


Hidni nya ito pinansin at iniwan. As a member of the Barize clan, he must do something.

"Saan ka pupunta?" Hinabol sya ni Zen.

"Kay Alpha Dominic" tipid na sagot nya.



"At bakit?"

Tinignan nya ito "Magpapaalam. Hahanapin ko si Amaris."

"Hindi ka papayagan ng Alpha."mabilis na wika ni Zen "Why would they let you look for a rouge? Baka nga iniisip nila ngayon na kasabwat si Amaris ng mga umatake noong gabing yon. Being the student president is not enough reason for them to allow you-"

"She's a family" putol nya kay Zen.



Napatigil naman ito at naguguluhan na tumingin sa kanya. Alam nyang sinabihan sya ni Amaris, pero kilala nya ang mga tao sa paligid nya. Alam nya kung sino ang pwede nyang pagkatiwalaan.


"Myembro sya ng pamilya. Anak sya ng nakababatang kapatid ng aking ama na pinalayas noon ng aming pamilya. My grandparents regretted what they did,  matagal na nilang pinaghahanap ang ina ni Amaris"paliwanag nya dito "Naiintindihan mo na ba? Kaya kailangan kong maiuwi si Amaris at ang kanyang ina sa Flana Licia at protektahan sya. "


Nagulat man si Zen sa nalaman, hindi na ito nagtanong pa at tumango.


"Sasamahan na kita. I know Flana Licia is already strong, but my pack will offer any help that you will need " wika ni Zen at tinanguan naman nya.

Nagmamadali silang nagpunta sa opisina ng Alpha. Hinarang sila ng nakabantay doon.

"Wala akong panahon para sa sayo. Umalis ka daan kung ayaw mong maging huling araw mo na to sa mundo" banta nya sa bantay.


"Nagpapahinga ang alpha. Bumalik nalang kayo mamaya " walang takot na wika ng bantay.


"Papasukin mo sila Andres" wika ng alpha mula sa loob.


Hindi na nya tinapunan ng tingin ang bantay na humarang sa kanila at deretsong pumasok. He locked the door before getting near the alpha.

"Alpha, please grant me a permission to leave the academy for a while. Kailangan kong hanapin si Amaris" deretsong wika nya dito.

Akala nya tatanggi agad ito, o di kaya ay magugulag. Ngunit saglit lang na napatigil si alpha Dominic at tumingin sa kanya.



"At saan mo sya hahanapin?" Tanong nito.

"Sa rouge land" mabilis na sagot nya.

Sandali itong natahimik, saka umiling "Hindi mo sya mahahanap doon. Wala na ang rouge land Theron. Natupok na ang buong lugar ng apoy."

Pareho silang nagulat ni Zen. Nanlaki ang mga mata nya at hindi maiwasang mag alala para kay Amaris.

"Totoo ba yan sir?" Hindi makapaniwalang wika ni Zen.

Tumango ito "Nakatanggap ako ng report tungkol doon. Nagpadala agad ako ng tao para alamin ang lagay ng lugar na yon ngunit wala na syang naabutan. Lumikas na ang mga nakatira doon, yung iba pinatay. Turns out, may isang kilalang kriminal na nakatakas mula sa preso at doon nagtago. Habang nandon sya, inipon nya ang mga dating kasamahan saka nila sinunog ang buong lugar at pinatay ang mga pwede nilang patayin."

"Si Amaris....."napalunok sya "Sa tingin nyo po  ba kasama sya sa mga napaslang?"

"Amaris is still a student in my Academy. One of the best. So I care about her. Kaya nagrequest ako ng DNA ng mga bangkay na nahanap nila kung may tutugma kay Amaris pero wala. Who knows, maybe Amaris is still out there" wika nito.




Tumango sya at parang nakahinga ng maluwag "Ofcourse. Malakas si Amaris. Alam kong makakaligtas sya. She's been a rouge her whole life. Alam nya kung papapano iligtas ang sarili."

"That's right" sang ayon ng alpha "Kaya hindi kita maaaring payagan na umalis Theron. Ilang araw palang ang lumilipas simula nang matapos ang gulo dito. Yung ibang ng kasama nyong nakipag laban wala pang malay. "


"They'll be fine" puno ng kumpyansa na wika nya "Mas mahalagang mahanap ko si Amaris. Please sir, hayaan mo akong umuwi. May mahalaga akong bagay na kailangan ipaalam sa pamilya ko. It is something connected to Amaris "



Napakunot noo ito at napuno ng pagtatakanang mukha"It's unusual for you to care for a student Theron. Bakit ganon nalang ang kagustuhang mong mahanap si Amaris?"

"Sa tingin ko alam nyo ang tungkol sa nakababatang kapatid na babae ng aking ama na pinaalis sa aming pack noon", wika nya dito

Tumango ito "I'm aware, your parents reached out to me before. Nakiusap na baka makita namin ang tita mo "


"Ang babaeng yon ang ina ni Amaris. That makes Amaris a member of Barize clan. Kaya dapat lang na mahanap ko sila ng kanyang ina." Paliwanag nya "Sir nakikiusap ako. Amaris was not in a good condition before she left the academy. Knowing that something happened at the rouge land, nag aalala po ako na baka may nangyaring masama sa kanya. "


Bumakas ang gulat sa mukha ng Alpha dahil aa nalaman, natahimik ito at hindi parin sya binibigyan ng sagot.




"Sir please!" He clenched his first, may kutob syang may hindi magandang nangyari kay Amaris "Amaris pierced her heart to save Griffin before she left!. Hindi po ba kayo nagtataka kung paano nakaligtas si Griffin kahit sobrang dami ng lason sa katawan nya? She gave her heart blood to that fckng bastard who doesn't even deserve it!"

Parehong nagulat sila Zen at ang alpha. Ngayon naiintindihan nila kung bakit parang hinding sya mapakali. Amaris might be out there, begging for help. She might be at the verge of losing her life right now!

"Sa bawat segundo na sinasayang natin dito, baka nahihirapan na di Amaris" 



He couldn't hide his emotions anymore. Knowing that they share the same blood, he needs to find her as soon as possible.

"Fine, find that child and save her Theron. Kung nasa ganong sitwasyon sya bago umalis, hindi imposibleng nahihirapan sya ngayon" sa wakas ay ibinigay na rin nito ang permiso sa kanila.

"Thank you sir" wika nya dito at nagmamadaling umalis kasama si Zen.

Habang nasa daan, tinawagan nya ang ama. Hindi praktikal na umuwi sya sa kanilang pack dahil napakalayo. Ilang oras ang aabutin nya. Mauuna na syang maghanap kay Amaris. Sa halip, ipapaalam nalang nya ang sitwasyon sa kanyang ama saka sya hihingi ng tulong.

"Theron, I'm in a meeting-"

"Dad, this is very important. Tungkol ito sa kapatid mo. It's tita Froja" putol nya dito

"Anong nalaman mo? Nakita mo ba sya?" Agad na tanong nito.

"No dad, hindi ko po nakita si Froja Barize. But I found her daughter. And right now, kailangan nila ang tulong natin. " Ipinaliwanag nya ang sitwasyon sa ama at agad naman itong nagpadala ang mga tao  na tutulong sa kanila.

Konektado din ang Flana Licia  sa mga mangkukulam na nakatira malapit sa kanila. Habang nasa daan sya papunta sa rouge land, humingi ng tulong ang kanyang ama sa mga ito.

Masyadong malawak ang lugar, hindi nya alam kung saang direksyon nagtungo si Amaris.

"Sht, saan ba natin sya hahanapin?" Nahihirapan na wika ni Zen.

Masyadong magulo ang lugar. Pero sa mga bakas na naiwan doon, parang nakikita na nya sa kanyang imahinasyon ang mga nangyari noong gabing yon.

Wala silang ibang nagawa kundi ang hintayin  ang  mga kasama na ipinadala ng ama. It's not going to take long anyway if they asked help from the  witches.  

"Theron" linapitan sya ng kanyang tito Farzen nang makarating ang mga to. "Sigurado ka bang anak ni Froja ang nakita mo?"

Tumango sya "Hindi po ako pwedeng magkamali. Pareho kayo ng mga mata tito...."

"If she really have the moon eyes, then we must hurry and find her" wika nito.

They dispatch their people in different directions, and every teams have a witch to accompany them. 

Nauna ng umalis ang mga to, at naiwan sila. Kasama nya sa grupo ang tito nya at ang  isang witch.


"Theron, this is Imelda. " Pakilala ng tito nya sa mangkukulam na kasama nila.

Ngumito sa kanya ang babae at sinagot naman nya ito ng tango.

"Dahil wala tayong ideya kung saan nagpunta ang hinahanap nyo, makakatulong saatin kung may dala kayong gamit na galing sa kanya. Pwede kong gamitin yon upang maramdaman ang direksyon kung nasaan sya " suhesyon ni Imelda.

"Wala akong hawak na gamit ni Amaris. Hindi ko alam na kakailanganin pala. Kung alam ko lang, kumuha sana ako sa nga naiwan nyang gamit sa academy" saad nya.

Pero napatingin silang lahat kay Zen nang dahan dahan itong nagtaas ng kamay.

"Ahh.....meron akong gamit na nanggaling sa kanya" wika nito saka tinanggal ang pulang wristband sa kamay nito "Sa kanya ito galing. Pwede ba ito?"

Tinignan nya ng masama ang kaibigan. Bakit may gamit si Amaris kay Zen? Is he a creep?

"Wag mo akong tignan ng ganyan" takot na wika ni Zen "Inarbor ko lang ito noon sa kanya kase nagustuhan ko. "

"Gano katagal na yan sayo?" Tanong ni Imelda dito.

"Dalawang linggo" sagot nk Zen

"Nalabhan na ba?"

"Madumi yang lalakeng yan, hindi yan naglalaba" sya na ang sumagot para sa kaibigan.

Mahina naman sya nitong tinapik "Pinapahiya mo  naman ako eh."

"Marunong ka palang mahiya" sarkastikong wika nya dito at inagaw ang wristband na hawak nito saka ibinigay kay Imelda.

Hinawakan ng babae ang wristband at pumikit na tila may dinadama.

"Sige, pwede to " wika nito nang magmulat  ng mata "May nararamdaman pa akong kuneksyon nito sa kanya. Mahina pero pwede na. Sundan nyo nalang ako...."

Nauna ng naglakas ang babae at sumunod sila dito. Nang makapasok na sila sa gubat, nagsipag takip sila ng ilong dahil sa malakas na nabubulok na amoy. Alam na alam nya ang amoy na yon, at hindi nga sya nagkamali sa akala nang makita nila ang pinanggagalingan ng amoy.



"Hindi ba tayo pwedeng mag iba ng daan?" Tanong ng tito nya dito.

Parang masusuka na sila sa sobrang lakas ng amoy ng nabubulok na mga katawan. Parang halimaw ang pumatay sa mga taong yon. Their flesh si scattered, they were killed mercilessly.

"Hindi  pwede" sagot ni Imelda "Malakas ang presensya na iniwan nya dito. Yung babaeng hinahanap nyo, dumaan sya dito. "

"Theron, sa tingin mo ba may kinalaman si Amaris sa nalikita natin ngayon?" Tanong ni Zen..

Umiling sya"Imposible. She's to weak to do this. "

Amaris might be a Barize, but her strength is not that much. Maitim ang buhok nito tulad ng ina, kaya kumapara sa kanila alam nyang hindi ito ganon kalakas. Isa pa, may sugat si Amaris kaya alam nyang mahina ito nang nagpunta ito sa Rouge land.

Maya maya pa, hindi na nya alam kung gaano kalayo ang nilakad nila. Sobrang layo na nila sa Rouge land. Saan ba nagpunta so Amaris? May nahanap ba syang ligtas na lugar? Ofcourse she's with her mom. Kahit sino naman ay ilalayo nila ang kanilang ina sa delikadong sitwasyon.

Hindi sila tumigil sa kakalakad, dahil kailangan nyang makita si Amaris. Paano kung nasa hindi magandang sitwasyon  ito?

"Nararamdaman ko na, malapit lang sya"

Lahat sila nabuhayan dahil sa sinabi ni Imelda. Hindi na sila naglakad. Nang tumakbo ito, tumakbo na rin sila. Nahanap na rin nila ito sa wakas!


Napatigil silang lahat nang tumigil si Imelda sa pagtakbo. Nagtaka sya kung bakit, pero nang napansin nya ang pagkatulala nito sinundan nya ang direksyon na tinitignan ng mga mata nito.

And what he saw stunned him. For a minute there, he almost doubt his eyes. Parang hindi sya makapaniwala sa nakikita.

Lahat ng buhok ni Amaris, bawat hibla ay naging puti. Wala syang makitang itim na buhok.

Pero nagtaka sya nang mapansin na malapit ito sa bangin. Bakit naroon ito? Did she decided to camp in there for the night?   Hindi nya ito masyadong makita dahil medyo malayo ito. Nahihirapan na siguro ito sa posisyon nitong naka upo habang yakap ang nanay nito.

Linapitan nya ito para tignan ang sitwasyon nito pero nang malapitan nya si Amaris, saka lang nya nakita ang totoong lagay nito.

Parang bumagsak ang puso nya nang magtama ang kanilang mga mata. Naaamoy nya ang mabahong amoy ng dugo na nakabalot dito, natuyo na rin ang dugo sa mukha nito.

And her eyes, her eyes is lifeless. Kitang kita nya na pagod na pagod na si Amaris. And what make things worse, yakap yakap nito ang walang buhay na ina.

He fell on his knees, hindi kinaya ng puso nya ang nakikita nya ngayon. Hindi nya aakalain na ang matang na Amaris ay makikita nya sa ganitong sitwasyon.

Sobra ang panginginig ng kanyang kamay nang ilapit nya iyon sa ina ni Amaris. Kailangan nyang kumpirmahin.

Nang mahawakan nya ang malamig  na pisngi  ng ina nito, mariin syang napapikit. It's too late, she's gone.

Nang makita ang ginawa nya, lumapit at naguguluhan na tito nya.

Nang makita nito ang maputlang kapatid, nanlaki ang mga mata nito.

"Froja?" Nag unahang pumatak ang luha ng tito nya  nang mapagtanto na patay na ang kapatid nito. "I-Is she.... she's...."

Tumingin sya sa kanyang tito at umiling. Amaris is very fragile right now. Any word can easily hurt her.

"Base sa nakikita ko.......dalawang araw ng pumanaw ang kanyang ina" wika ni Imelda.

Two days? She's been like this for two days?

Not moving, not eating, no water or anything. Amaris just sat there, holding her dead mother for two days?

Hindi nya mapigilan ang maawa dito. Masyado na itong mahina nang umalis ito ng Academy. How did she bring her mother here? Hindi nya maisip kung paano nito ininda ang sakit para lang iligtas ang ina. How much pain did she have to endure?

"Theron....." Halos wala na itong boses. .

"You went through so much....." Kinagat nya ang loob ng labi para pigilan ang sariling humagulhol.

"I failed..." Wika nito "Hindi ko nailigtas si Mommy.....wala akong kwenta. Napaka hina ko kase...."

Umiling sya "Wag mong sabihin yan. Hindi ka mahina....."

Dahan dahan itong tumingin sa kanya, maya't maya at nabasa ng luha ang mga mata nito.

"Tama ka.....dapat nag isip ako ng mabuti. Hindi ko dapat binigay sa iba ang dugo ko. Hindi kase ako nag iisip......ang tanga tanga ko...." Punong puno ng pag sisisi na wika nito "Kung.... kung hindi  ko lang sana binigay yung dugo......baka buhay pa si mommy ngayon...."

Nagsimulang manginig ang buong katawan nito. Kahit hindi sya nakadikit dito nararamdaman nyang mainit ang buong katawan ni Amaris.


"I....... I tried feeding her my blood.... I cut my heart....pero hindi sya nagising .."

Nanlaki ang mga mata nya, he looknat her in shock "Bakit mo ginawa yon?  Alam mo naman na minsan lang gagana yon?"

"Wala na kase akong maisip na paraan eh....h-hindi na sya humihinga...." Humihikbi na sagot nito "S-Subukan ko kaya ulit?"

"Amaris!" Awat nya dito "Tama na.......tama na ok? Pagod na pagod ka na. "

Tumingin ito sa ina "Pero si mommy...."

"Amaris. Kayang gamutin ng dugo natin ang kahit anong sakit pero hindi natin kayang bumuhay ng patay. " Halos pumiyok sya sa kakapigil sa pag iyak. Nananakit na ang lalamunan nya ngunit kailangan nyang tibayan ang sarili. Tumingin sya sa nanay nitong parang natutulog lang.


The rumors are true, Froja Barize is an absolute beauty. Despite of being weak, she is one of the most beautiful Barize.

Hinaplos ni Amaris ang pisngi ng nanay nito "Alam ko naman yon eh. Hindi ko lang talaga alam kung anong gagawin. Hindi ko mabitawan si mommy. Paano ko ihuhukay ang katawan nya? Ang daming sakripisyo ni mommy para sakin. I should atleast bury her in a beautiful clothes, and let her wear jewelries. Pero kahit simpleng damit lang wala ako. " Kinagat nito ang ibabang labi habang humihikbi "Manipis na tela lang ang kaya kong ibalot sa kanya. Kaya niyakap ko nalang sya kase......baka nilalamig sya..."

Mabilis na tumabi si Zen kay Amaris at niyakap ito. Tahimik na umiyak ang kaibigan nya, even Zen couldn't handle the pain.

Muling tumingin sa kanya si Amaris "Theron.......hindi ko alam ang gagawin ko.......hindi ko na alam.....hindi ko kayang  bitawan si mommy.... please....help me.." nanginginig at puno ng pagmamakaawa ang tinig ni Amaris. Malakas itong humihikbi na tila ngayon lang inilalabas ang sakit ng pagkawala ng ina nito.

Amaris finally cried loudly. They can feel her pain from her cry, they can feel how broken she is. Lalong humigpit ang yakap ni Zen dito.

Pilit man nyang pinipigilan ang sarili na umiyak, hindi nya magawa. Awang awa sya kay Amaris. Sobrang sakit ng pinag dadaanan nito. She's desperately seeking for help. Hindi nito alam ang dapat gawin.

Hinawakan nya ang duguan na kamay nito at marahan na pinisil iyon.  "Magiging maayos din ang lahat. Ako na ang bahala hmm? I'll take care of your mom. Iuuwi ko kayo. Dadamitan ko sya ng maganda pag uwi natin, susuutan ko sya ng magagandang alahas. She'll be prettier, so Amaris.......hayaan mong iuwi ko kayo...."

Hindi ito sumagot, pero nakatingin lang sa kanya ang walang buhay na mga mata nito habang lumuluha. She's really exhausted to the bones. He can see that.

He took that as a yes. Sinenyasan nya ang mga kasama nilang lalake na buhatin ang katawan ng ina ni Amaris.

Pero nang makita Amaris ang mga paparating na lalake, mabilis na nag iba ang timpla nito. Naging matalim ang tingin nya sa mga lalake, at mahigpit na niyakap ang ina.


"Anong ginagawa nyo? Lumayo kayo! Wag nyong lalapitan si mommy!" Nanginginig na banta ni Amaris sa mga  kasama nila.

"Amaris mga kasama namin sila" wika ni Zen dito.

"Wala akong pake alam! Subukan nyong lumapit kay mommy papatayin ko kayo!" Hinaplos ni Amaris ang ulo ng ina  "Papatayin ko ang sino mang lalake na humawak kay mommy. Hindi nyo na mahahawakan ang mommy ko. Hindi na....... I'll keep her safe. I'll protect her. Wala ng makakahawak sa kanya. Mamamatay lahat ng lalapit kay mommy......"


Noong una naguguluhan sya kung bakit ito nanginginig. Sobrang sama ng tingin nito sa mga lalake na kasama nila. What's worse is she is forcing herself to release a dominant aura to scare the weakest men around them. Alam nyang pagod ito, ngunit ganon nalang ang pagiging over protective nito. Makikita nya sa mga mata nito na papatayin talaga nito ang sino mang lumapit.



He was confused at first, why is she acting like this. Pero nang pagmasdan nya ng husto ang nanay nito, doon lang nya napansin na wala itong suot na kahit na anong saplot sa loob ng telang naka balot dito. And he can smell different scent of  men from her cold body.

Don't tell me this waman was-........



Nagkatinginan sila ni Zen. Just when they thought that Amaris is suffering from her mother's death, hindi lang pala yon ang nangyari. Many worse things happened even before she died. And Amaris saw it all.

Just how much is she going through right now?


Mariin syang napapikit at humugot ng malalim na hininga. Kailangan nyang magpakatatag, kailangan nyang hilahin si Amaris sa madilim na kialalagyan nito ngayon. He will help her go through the trauma. Dahil kung sa kanya nangyari ang lahat ng nangyari dito baka mababaliw na sya.

Napansin nyang lalapitan sana sila ng tito nya nang pigilan nya ito. Tu.ayo sya at lumapit dito.


"Tawagin nyo lahat ng mga babaeng  kasama natin. Sila ang magbubuhat ng katawan. Walang kahit sinong lalake ang pwedeng lumapit kay tita Froja, sino mang magtangkang lumapit sa kanya ay paparusahan ko. Warn everyone at our pack, sabihan nyo silang maghanda sa pagbabalik ng dalawang myembro ng pamilya.  " Seryosong utos nya sa mga kasama.



"Mas mabuti siguro kung mauuna na ako" suhesyon ng tito nya habang nagpupunas ng luha "Ipapaliwanag ko kay papa ang nangyari. Para maayos silang makapag handa. I don't think they can easily accept this.  "




"Tito, baka andon ang ibang relatives natin. Mas maganda siguro kung mga close members of family lang ang andon. Ayokong magkaroon sila ng pwede nilang pag usapan. " Sumulyap sya kay Amaris na nakatulala parin "Especially that tita Froja's daughter holds a great power. Baka pag narinig ni Amaris na pinagchichismisan nila ang nanay nya, makapatay sya. Tell everyone to consider her mental state."



Tumango ito "Ofcourse, ako na ang bahala. "


"Isa pa tito..... pagbalik mo doon maghanda ka ng mga alahas. Also a  new red gown. Chose the most beautiful dress. " Wika nya dito


Naguguluhan man ito ay tumango parin. His Uncle glance at Froja before leaving. Hindi maitatago sa mukha nito ang pagsisisi.

Well everyone in the family regretted kicking out Froja Barize. She may be weak, and an embarrassment but she have a good heart. She never took revenge. She always tried hard to become a good daughter, pero sa huli hindi naging sapat.

Nang umalis ito, saka lang unti unting naramdaman ng mga Barize ang halaga nya. Noong una naging matigas sila, ngunit nalusaw ang pride nila nang hindi na nila maramdaman ang presensya ng masayahing anak.

Nagsisi ang bawat isa, ngunit tila naging huli na  nang hindi na nila ito mahanap. They searched for how many years but they couldn't find her. And as time goes by, they keep missing her more. The guilt they have inside their heart grew.



May pakiramdam syang magiging mabigat ang  pagsalubong sa kanila ng mga lolo at lola nya.

"Theron......." Mahinang tawag sa kanya ni Amaris, dahan dahan na lumipat sa kanya ang mga mata nitong parang gustong bumagsak sa sobrang pagod ".......thank you..... for protecting my mommy ..."

"Wag kang mag alala, proprotektahan ko sya. Kami ni Zen. Walang lalakeng makakalapit sa kanya. Pangako ko yan.  Kaya naman....." Hinaplos nya ang duguan na pisngi nito "Ako na ang  bahala. Magpahinga ka muna. "


Mahina itong umiling at pilit na nilalabanan ang pagbagsak ng katawan nito "Hindi pwede. .....si mommy..".



"I know, I'll protect her. Rest Amaris, close your eyes..." Pilit nya dito.


"Pero....hindi pwede...."

Kahit anong pilit nitong imulat ang mga mata, hindi na kinaya ng katawan nya. Bumagsak ang mga talukap ng mata nito  at nawalan ng malay. For a wolf to be this physically drained, Amaris obviously went through a lot.




Inalalayan ni Zen ang walang malay na katawan ni Amaris habang hinihintay nila ang pagdating ng mga kasama.



Maya maya lang, bumukas ang tatlong portal at iniluwa non ang mga kasamahan nilang mga babae mula sa pack at nga mangkukulam na kasama ng mga to.

"Alpha Theron .." bati sa kanya ng babaeng heneral ng pack nila.




"General Neza..." Bati nya pabalik.




Nang tumingin ito sa dalawang babaeng inaalalayan nya, una nitong napansin si Amaris.



"Alpha she's-" nanlaki ang mga mata nito sa gulat.



"Alam ko general. Pero kailangan muna nating itago si Amaris. Magkakagulo sa pamilya pag nalaman ng iba ang tungkol dito. " Wika nya.



"Pero paanong hindi natin nalaman ang tungkol sa kanya ng ganito katagal kung may buo syang kapangyarihan?" Nagtatakang tanong nito.


"Kailan lang naging puti ang buhok nya. Her hair was pure black just like her mother's. She went through something harsh that her sleeping power is forced to awaken. " Paliwanag nya "Pag nagising sya, mag ingat kayo. Act like you're walking on an egg shell. "



"Masusunod Alpha " mabilis na sagot nito. Natahimik ito bigla  nang pumunta kay Froja ang atensyon nito. Kahit itago nito, mahahalata parin ang lungkot sa mga mata nito "Hinanap ko talaga sya, ginawa ko ang lahat para hanapin si Miss Froja. Kung siguro mas pinag igihan ko lang ang pag hahanap baka hindi ito nangyari sa kanila. "


"Wag mo ng sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko rin naman na hindi ko agad napansin ang itinatago ni Amaris. She's always right infront of me, and I always feel like there's a connection between us but I keep on ignoring it. Kung binantayan ko lang sana ang bawat galaw nya baka hindi nga sya umabot sa ganito. O kung pinilit ko lang ang sarili ko noong gabing na habulin sya..."



"Goodness! Stop blaming yourselves. Kailangan nating dalhin sa mas maayos na lugar si Amaris nang makapagpahinga sya ng husto. She's extremely exhausted.." naiinis na wika ni Zen.

"General, kayo na ang bahala kay tita Froja. Wag nyong palapitin ang kahit sinong lalake sa kanya, that's a strict order" saad nya.



Tumango ito at solo na binuhat ang katawan ng tita nya. Tinanggal nya ang jacket at itinakip sa ulo ni Amaris. They need to hide her strength level. Pinangko nya ito at siniguradong kumportable ito kahit walang malay.




The witches opened a huge portal going to the Flana Licia pack.


Tinignan muna nya si Amaris ..... you're finally going back to where you belong. Welcome home Amaris ...




They finally marched forward. At ilang segundo lang ay nakalabas na sila. As soon he entered the grand hall  of their pack, the inner members of their family welcomed them.

Continue Reading

You'll Also Like

326K 9.4K 43
Si Nica ay simpleng dalaga na may masayang buhay kasama ang kaniyang pamilya at nag-iisang matalik na kaibigan. Ngunit nagbago ito nang mamatay ang k...
955K 25.9K 42
Surrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twi...
1.9M 51.2K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...
63.8K 2.8K 59
Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left empty with no one to rely on. Like an in...