Rise of the Hidden Blood

By -Wuxie

64.2K 2.9K 350

Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left e... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
-----
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
chapter 55
Epilogue
Omega's Playtime

Chapter 13

839 44 2
By -Wuxie

MINUTES, hours, days passed. Habang tumatagal patamlay ng patamlay ang kanyang araw. Noong unang araw na wala si Griffin, sobra syang nanibago. Bigla nalang nawala yung taong nangungulit sa kanya araw araw. Wala na yung nanlalambing sa kanya. Biglang naging tahimik ang kanyang mundo.


On the first day, she miss him already. She badly wants to hear his voice and smell his scent. Akala nya unti unti syang masasanay sa mga susunod na araw pero nagkakamali sya.  Mas lalo lang lumala ang mga nararamdaman nya. Without him by her side, she couldn't function well.

Tulad nalang nang magkaroon sila ng running contest sa field. Dahil wala ang  isip nya sa ginagawa, hindi nya napansin ang bato sa daan. Nang matisod sya, malakas na bumagsak ang katawan nya sa lupa. Malakas na tumawa ang mga kaklase nya at inulan sya ng mararahas na salita. They called her idiot and airhead for not paying attention.

Pero kahit anong sabihin nila, hindi nya maramdaman ang sakit non dahil nakay Griffin ang isip nya.

"May problema ba Amaris?" Tanong ng instructor nya "Napapansin ko parang wala ka sa sarili nitong nakaraan. Hindi uso sayo ang matisod ah. Is there's something bothering you?"

Tipid syang umiling.  Kahit ang  totoo wala talaga sya sa sarili nitong nakaraan.

"C'mon, you can't lie. You're one of the best student in your class pero parang naging lutang ka. Dahil wala yung kalaban mo? Dahil ba umuwi si Griffin?"

Medyo natigilan sya nang marinig ang pangalan ng taong gusto nyang makita.

"I see. Nagiging ganito ka kase wala yung tanging taong kaya kang tapatan. I know, napansin ko rin. Your classmates are not on your level. Habang si Griffin, dahil sa pack na pinanggalingan nya hindi na ako nagtataka sa outstanding performance nya." The teacher chuckled "An amazing student needs another amazing student to match her. Ok, how about this. Wag ka munang pumasok saakin hangga't sa hindi pumapasok si Griffin. Alam kong kayang kaya mong habulin ang klase ko kahit ano pa ang ituro ko sa kanila. So pagbalik ni Griffin, sabay nyong habulin ang klase ko"

That somehow made her smile. Hindi nya inaakalang sasabihin yon ng instructor nya.

Dumaan nanaman ang mga araw, tila nawawala na ang kulay ng mundo sa kanya. Madalas syang magpunta sa secret place nila pero nagsimula na syang umiwas doon dahil mas lalo lang nyang namimiss ito.

Then after three long weeks, nalaman nyang nakabalik na si Griffin. Halos tumalon ang puso nya nang sabihin ng isang senior nya na nakita nito si Griffin kanina.

Patago syang ngumiti habang  pinapakalma ang sarili. Itinago nya ang tuwa na nararamdaman. Hindi na sya makapag hintay na makita ito, at yakapin ito.

Pagkatapos ng klase nya ng umaga, dali dali syang lumabas ng silid at pumunta sa lugar kung saan sila madalas magkita ni Griffin. Hindi na nya mapigilan ang ngiti habang nasa daan. She's finally going to see him?

Sobrang bilis ng tibok ng puso nya, parang sasabog yon dahil sa pagkasabik.

As soon as she entered the forest, naamoy na nya agad ito. He's really here, nandito si Griffin!

Mabilis na gumalaw ang kanyang mga paa, at nagpunta sa pinaka dulong kubo. At doon, nakita nya si Griffin na nakatayo sa harap ng kubo. Walang pagdadalawang isip, mahigpit syang yumakap dito.

He's right here! Magkasama na sila!

"Griffin, I miss you so much." Hindi mapigilan na wika nya habang nakasubsob sa dibdib nito "Sobrang namiss kita. Ang tagal mong nawala. Andito ka na rin sa wakas. Namiss talaga kita Griffin. "Lalong humigpit ang yakap nya dito "I miss you......I love you..."


There, she finally said it. Sinabi na nya ang nararamdaman nya dito. Wala namang silbi kung papatagalin nya pa. Hindi na nya hihintayin na si Griffin pa ang magtanong. Why bother? Sya nalang ang aamin.

Halata naman ang nararamdaman nya eh, kailangan lang nyang linawin at sabihin ng deretso. If Griffin wants their relationship to be official, then so be it. Haharapin nya ang galit ng ina, handa na syang gawin yon.

Pero lumipas ang ilang minuto, hindi parin ito umiimik. Wala itong sinasabi na kahit ano. Saka lang nya naramdaman na hindi ito nakayakap pabalik sa kanya.

Dahan dahan syang nag angat ng tingin kay Griffin, at nagtaka nang makita ang kakaibang tingin na ibinibigay nito sa kanya. It's not warm and filled with love just like before, right now the way he look at her is just cold.

"Griffin? May problema ba?"nagtatakang tanong nya.

"Meron" malamig na sagot nito "Get your filthy hands off me."

Natigilan sya sa narinig "H-Ha?"

"I said, hands off you whore" nagulat sya nang bigla nalang sya nitong itinulak.

Bumagsak sya  sa lupa, hindi nya inaasahan ang nangyari.  Puno ng gulat na tumingin kay Griffin "A-Anong problema? Bakit mo ako tinulak?"

"Why? Because I don't like you" bale walang sagot nito.

Tumayo sya at naguguluhan parin sa nangyayari. Parang hindi si Griffin ang kaharap nya ngayon. Para itong ibang tao.

"Griffin ano bang pinagsasabi mo? Prank ba to?"

"Awww, look at her. She's really dumb isn't she? "

Napatingin sya sa likod ni Griffin nang marinig ang boses ni Shelly. Kasama nito si Aya at may dalawa pang kasama na hindi nya kilala. Tumatawa ang mga to habang nakatingin sa kanya.

Masama syang tumingin dito "Anong ginagawa nyo dito?" Muli syang tumingin kay Griffin "Griffin anong ibig sabihin nito?  Bakit andito sila?"

This place is their special place. Bakit andito sila Shelly?

"They're here to hang out with me" he shrug.

"P-Pero diba sabi mo-"

"Sabi ko ano?" Putol nito sa kanya "That this is our special place? At naniwala ka naman. Just like what Shelly said, you're dumb Amaris.  "

Para syang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi sya makapaniwalang lumabas ang mga katagang yon mula sa bibig ni Griffin.

"Griffin, ano bang nangyayari sayo?" Hinawakan nya ang kamay nito "Bakit ka nagkakaganito. Hindi ba't sinabi mo na....na mahal mo ako?"

Shelly and the others snort at the back. Tumawa ang mga to lalo dahil sa sinabi nya. Pero wala syang pake alam, natatakot sya sa  nakikita nya ngayon kay Griffin. Bakit ba ito nagkakaganito?

Pero hindi nya inaasahan ang sumunod na ginawa ni Griffin. Bigla nalang itong tumawa ng malakas.

"Ahh....yon ba? Sinabi ko lang yon dahil gusto kong masubukan kung hanggang saan aabot yang katigasan mo. " Tumatawang saad nito "You were acting like a tough kid when I first met you, so I challenged myself. Gusto ko lang naman makita kung gaano katagal aabutin bago ka mahulog saakin. And look! It didn't even took that long, less than a year you're already like this. Just like those common b*tches."


Parang nagmistulang patalim ang mga sinabi nito, na dahan dahan na bumaon sa kanyang puso.

"A-Ano?" Ayaw nyang maniwala, hindi sya kayang saktan ni Griffin "N-Nagsisinungaling ka lang diba?" Mabilis na nabasa ng luha ang kanyang mga mata. Naguunahan na pumatak ang kanyang mga luha.

But Griffin just shrug, without any care about her emotions.

"Oh my gosh Griffin, you really broke her" tumatawang wika ni Aya "Look at her crying!"

"Please Griffin, sabihin mong nagsisinungaling ka lang" pagmamakaawa nya dito. Parang pinipiga ang kanyang puso habang nakatingin sa malamig na mga mata nito. "Hindi mo to magagawa saakin diba?"

Napangisi si Griffin  "Bakit hindi? I can Amaris. Actually, masaya akong nakikita kang nasasaktan. You're foolish and dumb, just like any other rouge. Kung may utak ka, noong una palang umiwas ka na saakin. Because everyone in my pack, every single person in Melten Levanna pack hates rouge. It's a common knowledge, even the dumbest rouge knows it. Kinamumuhian ko ang mga kagaya mo Amaris. Kinamumuhian kita"

Nasasaktan syang umiling, hindi nya kayang tanggapin ang mga sinabi nito. Tuluyan na syang napahikbi "Hindi, nagsisinungaling ka lang. "

Napasinghap sya nang marahas nitong sunggaban ang kanyang panga. Agad nyang naramdaman ang sakit sa kanyang pisngi dahil sa mga daliri nito.

"I'm not lying." Parang paulit ulit na sinasaksak ang kanyang puso. The way he look at her is killing her "I never love you. Isa ka lang pampalipas oras, a clown. I will never love you Amaris. Hinding hindi ako magmamahal ng isang rouge na kagaya mo. You're disgusting, criminals. You deserve nothing but death."

Malakas sya nitong itinulak. Muli syang tumama sa lupa.


"Bakit?" Humihikbi na tanong nya "Bakit mo ginawa sakin to?"

"I told you, I just hate you. " Deretsong wika nito

"Pero.....during my heat you...." Kinagat nya ang ibabang labi dahil hindi nya maituloy ang sasabihin.

But during her heat, he was there. He helped her, and was very gentle and sweet.

Griffin chuckled "Oh, your heat? Yeah, nakakita lang naman ako ng pagkakataon na tikman ka. You know, gusto ko lang magkaroon ng experience sa isang rouge. Besides, I had fun wrecking you. Inulit ko lang naman  ng inulit dahil ako ang una mo. It's fun fckng a virgin, kaya ko yon ginawa. It's nothing but sex. Sa tingin mo ba may halaga yon? Don't be dramatic over something that is common.  "

How can he......do this to her?

Paano sya nito nagawang paasahin? Bakit nito ipinaramdam ang ganong klase ng pagmamahal hindi rin naman pala totoo nag mga yon?


Wasak na wasak ang puso nya pero pilit syang umaasa na sana may makita syang kahit na kaunting emosyon sa mga mata nito. Ngunit sa tuwing tumingin sya dito, wala syang ibang makita kundi ang malamig na titig nito na may halong pang uuyam. Walang pagmamahal sa mga mata nito.

"Amaris..." Yumuko si Shelly upang tapatan sya "Wag ka ng umasa na may magmamahal sayo. You're just a toy, sa tingin mo ba deserve mo na mahalin ka ni Griffin? Don't even dream of it. You will always be seen as a criminal."

"Stop it Shelly, look at her. She looks pathetic now. Kawawa naman." Tumawa ng malakas si Aya "Gosh, do you think may mapanghahawakan ka na kay Griffin dahil lang sa nag sex kayo? Do you think you're that special just because because of that? Let me tell you this, we also did it."

Natigilan sya sa sinabi nito, dahan dahan syang tumingin kay Aya. Akala nya bumubuo lang ito ng kwento, pero nang tignan nya ang mukha ni Griffin doon nya nakumpirma na nagsasabi ito ng totoo.

"Nagsisimulang ka lang...." mahinang sambit nya. Ayaw nyang maniwala sa sinabi nito, this is not real...

"She's not lying Amaris" Shelly said while chuckling "Actually we did a threesome. Griffin fucked me and Aya". Parang proud na proud pa si Shelly sa sinabi nito.

This can't be real. Hindi yon gagawin ni Griffin. Halos manlabo na ang paningin nya dahil walang tigil na pagpatak ng luha nya. Tumingin sya kay Griffin ng punong puno ng pagmamakaawa.

"Oh I think she's so ruined now" tumatawang tumayo si Shelly saka kinuha ang bag mula sa cottage.

"Umalis na kaya tayo. Sinira na nya yung magandang atmosphere" suhesyon ng Isang lalake doon.

"Yeah, I don't like this rouge either" dagdag pa ng isa saka naunang umalis.

Muling yumuko si Shelly para muli syang pantayan "Tandaan mo ito Amaris. No Alpha will ever fall in love with you. Why? Because you're just nothing, just a piece of trash that doesn't deserve anything. Wag mo ng pangarapin na may alpha na magkakagusto sayo. "

Ngumisi ito bago sumunod sa mga naunang mga kasama. Sumunod naman si Aya dito. Naiwan lang sila si Griffin doon.

Pinunasan nya ang luha at lumapit dito. "Griffin, may nagawa ba akong mali? Bakit kailangan mong gawin to sakin? Bakit mo ako sinasaktan?"

Wasak na wasak na sya, pero ayaw parin nyang bitawan ito. Pilit syang  umaasa na babalik ito sa dati.

But his eyes remained cold "Hindi mo ba ako narinig? Gusto mo bang ulitin ko ang mga sinabi ko kanina?"

Mabilis syang umiling. Hindi na nya kayang marinig pa ulit ang nga masasakit na sinabi nito. She'll die.

A sib escape from her lips. "Please don't do this..."

Tinangka nyang hawakan ang kamay nito pero parahas nitong tinapik ang kamay nya. Muli nyang naramdaman ang kirot sa kanyang dibdib. The rejection he's giving her is too much.

"Siguro nga dapat lang na ulitin ko ang mga sinabi mo kanina. I hate you, I hate your kind, I never loved you. At hindi ko kailangan ng dahilan para kamuhian ka. Just the fact that you're a rouge is already enough reason to hate you..."

Umiling sya at muling napahikbi "If......If I'm not a rouge.....mamahalin mo ba ako?"

Ngumisi ito "You're a rouge. You're born as one. Kaya anong sinasabi mo ngayon? Stop dreaming. I'll always hate you."

Lalagpaasan na sana sya nito pero mabilis syang lumuhod at lumapit sa damit nito.

"Griffin please!" She's desperate, ayaw nyang umalis  ito "Wag namang ganito, wag mo akong iwan please.....nagmamakaawa ako. " Tuloy tuloy ang tulo ng luha nya habang desperadang nagmamakaawa dito. Hindi nya alam kung ano ang gagawin nya pag umalis ito sa tabi nya.

Pero hindi naawa si Griffin sa kanya. Tinanggal nito ang kamay nya sa damit nito at malakas syang itinulak. Sumubsob sya sa damuhan dahil sa ginawa nito.

"Wag na wag mo na akong lalapitan. Your presence is making me wanna throw up." Malamig na wika nito bago sya iniwan mag isa.

Malakas syang humagulhol nang mawala na ito. Sobrang sakit ng puso nya, parang pinipiga sa sobrang sakit. 

Hindi nya maintindihan kung bakit kailangang sya nitong kasuklaman dahil lang sa pagiging rouge nya. Hindi naman nya deserve ang mga ganito. Bakit hindi nila matanggap ang pagkatao nya.

Paano syan nagawang saktan ni Griffin sa ganitong paraan? Akala nya totoo ang mga ipinakita nito, na mahal talaga sya nito. She thought everything is genuine. Lahat ng mga masasayang ala ala nila akala nya ay totoo. Yun pala ginagawa lang pala sya nitong katuwaan, Isang pampalipas oras.

Lahat ng mga ala ala na pinapahalagahan nya ay mga peke pala. She's just a challenge for him. She's just a game, a fckng clown!

She tightly clench her fist while hitting her chest. Hindi nya alam kung ano ang gagawin upang bawasan ang sakit na nararamdaman. Sobrang sakit ng puso nya.

Tumingin sya sa direksyon kung saan pumunta sa Griffin, gusto nyang tumayo at habulin ito. Pero hinang hina sya.






The rest of the day, wala syang ibang ginawa kundi ang umiyak. Hindi na nya namalayan ang oras, at inabot na sya ng gabi doon. Nang mapagod syang umiyak, napatulala nalang sya. Hindi pa nya namalayan ang paparating na yabag ng tao sa kinaroroonan nya.

"Sino yan?..." Dinig nyang tanong ng lalake "Amaris?"

Itinutok sa kanya ni Zen ang ilaw nito. Siguro ay naglilibot ang mga member ng student council dahil gabi na.

"Amaris anong ginagawa mo dito?" Lumapit ito sa kanya, ay nang lumuhod ito upang pantayan ang kanyang mukha, natigilan ito "Umiyak ka?"

Suminghot sya at dahan dahan na pumunta sa mukha nito ang mga mata nya.

"Zen...."sambit nya sa nanginginig na boses.

Nagsalubong ang kilay nito "Anong problema? Bakit ka umiyak? Ha? What's wrong little rouge?"

Hindi nya alam kung bakit parang may pumisil sa sugat sa puso nya nang tanungin sya nito. Nag unahang pumatak nanaman ang luha nya at napahagulhol sya.

Parang nataranta naman ito "W-Wait, don't cry. " Dali dali nitong pinunasan ang luha nya "Wag kang umiyak, I'll do anything. Just don't cry ok? Hussh...."

Pero kahit anong gawin nito, hindi nya kayang tumahan. Gusto lang nyang umiyak ng umiyak, dahil sobrang nasasaktan sya. Sobrang sakit ng ginawa ni Griffin sa kanya.

Siguro senior nya si Zen, pero wala na syang pake alam. Mabilis syang yumakap dito at umiyak. After all, she needs a should to cry on. Hindi naman sya nito itinulak. Sa halip ay marahan pa nitong hinaplos ang likod nya upang pakalmahin sya.

"Ok..... it's alright. You'll be fine...." Malambing na wika nito habang hinahagod nag likod nya.

Zen let her cry as much as she wants, hindi nito tinanong kung bakit sya nagkakaganito. Basta hinayaan lang sya nito. Inirespeto nito ang nararamdaman nya, marahil ay nahalata nito ang sakit na nararamdaman nya mula sa kanyang pag iyak. Ayaw nitong buksan pa ang mga sugat nya kaya ibinigay nalang nito ang comfort na kailangan nya.

Hindi rin nya napansin ang pagdating ni Theron. Nang marinig pala sya nitong umiiyak mula sa malayo, ay dumating ito. Pero nang makita nito ang pinagdadaanan nya, nanahimik nalang ito at hinayaan syang maglabas ng bigat ng nararamdaman. Those two didn't do their work that night. Hinintay nilang gumaan ang pakiramdam nya.

"So? Anong nangyari?" Tanong ni Theron nang tumigil na sya sa pag iyak.

Sino ba naman ang hindi mapapatigil? Nang mapansin nyang nasa paligid nya si Theron unti unting kumalma ang nararamdaman nya. Hindi dahil sa nabawasan ang sakit na nararamdaman, kundi dahil nahihiya syang nakita sya nito sa ganitong sitwasyon.

She forced herself to stop crying loudly, she went back in sitting on the grass while sobbing.

"Amaris..." Theron called her name with a warning "Anong nangyari? Bakit andito ka umiiyak? "

Mabilis syang umiiling. Hindi nya pwedeng sabihin dito ang totoong nangyari. Alam nyang papagalitan lang sya nito dahil bawal ang relasyon habang nasa loob ng Academy.

Marahas na bumuntong hininga si Theron. Habang si Zen ay nakatingin sa kanyan ng may pag aalala.

"Did someone bully you?" Tanong ni Zen "Kung may gumawa ng masama sayo dapat sabihin mo. Paano namin sila paparusahan?"

Muli syang umiling, at pilit na nilalabanan ang pag iyak nya. Napansin yon ng dalawa kaya hindi na nila sya pinilit.

"Fine, kung ayaw mong sabinin di kita pipilitin. Pero gabi na oh, pumunta na tayo sa dorm" wika ni Theron sa kanya.

Inalalayan sya ni Zen na tumayo at sinamahan sya ng mga to  pabalik sa dorm. Dali dali nyang pinunasan ang luha nya nang nasa labas na sila.

"Why bother? Halata naman na umiyak ka kahit wala ng luha" wika ni Theron habang pinapanood sya.

Hindi nya ito pinansin. Ayaw lang naman nyang makita ng ibang seniors na umiyak sya. Simula nang pumasok sya sa academy wala pang nakapagpaiyak sa kanya. Kahit gaano kahirap abg training hindi sya nagsayang ng luha. Kinaya nya lahat ng hirap na pinagdaanan nya. Kaya magtataka talaga ang mga nasa dorm na yon kung malalaman nilang umiyak sya.

Tahimik syang pumasok sa building habang naka yuko upang iwasan ang atensyon na maaari nyang makuha. Ngunit nang malapit sya sa kanyang silid, natigilan sya nang makita ang isa sa mga instructor nya na nakatayo sa di kalayuan at seryosong nakatingin sa kanya.

Kinabahan sya sa klase ng tingin na ibinibigay nito. Alam nyang galit ito dahil hindi sya mahagilap ng ilang oras.


"Hindi ka na nga pumasok ng hapon, ginabi ka pa ng uwi. Saan ka nagpunta Amaris?" Hindi man ganon kalakas ang boses nito pero mahihimigan ang galit doon.

Napalunok sya at muling nagbaba ng tingin. Hindi nya ito masasagot, ano naman ang sasabihin nya.

"Sir, I think she's going through something. She was not ok when we found her" depensa ni Zen para sa  kanya.

Tila nakapansin naman ang ibang seniors sa paligid. Hindi man lumapit ang mga ito para maki usyoso, mahahalatang nakikinig naman ang mga to.

"Going through what?"walang pake alam na wika ng instructor "I don't care what she's going through. This Academy doesn't accept weak students. Dapat handa ka na mentally and physically bago ka pumasok dito. Kung nahihirapan ka na dahil lang sa maliliit na bagay, then maybe you should reconsider your stay here. "

"Sorry sir...." Mahinang sambit nya. Sobra sobra na ang nararamdaman nya ngayon. She can feel her seniors eyes on her back. Maliban sa sakit na nararamdaman nya ngayon, nadagdagan pa yon ng sobrang kahihiyan.

"I don't need your apology."umiiling na wika nito " Prove yourself na karapat dapat ka dito. Aa your punishment, run fifty laps on the field. Wag kang uuwi dito pag hindi mo pa natatapos yon."


"Sir, as Zen said a while ago. Mukhang may pinagdadaanan na mabigat si Amaris. Alam kong hindi dapat kami nangengealam pero, kung maaari sana bukas na yang punishment nya. She needs a break" paki usap ni Theron.

Parang hindi makapaniwala ang lahat sa paki usap ng student president. Hindi ito nakikialam sa mga issue ng mga students at istrikto ito pagdating sa punishments. Kaya naman nagulat ang mga tao sa paligid dahil sa pakikiusap nito sa instructor para sa Isang rouge.

Droplets of tears dropped when she heard Theron asking a little mercy at the teacher for her. Para sa kanya, para lang hindi madagdagan ang paghihirap nya ngayon nakiusap ito. Bagay na hindi naman talaga nito ginagawa.

Pero imbis na maawa, sumama lalo ang tingin ng guro sa kanya lalo na nang makita nito ang luha nya.

"You better wipe your tears right now" istriktong wika nito kaya dali dali syang nagpunas ng luha  "Mahigpit ang rules ng academy. Kung hindi mo na kaya, then quit. Hindi ko kailangan ng mga mahihina. Stop being dramatic. Kung gusto mong umiyak, doon ka sa field umiyak. Hindi ka papalakasin ng mga luha mo Amaris. So it's either give me a fifty laps, or  don't come to my classes anymore. " Napakalamig ng boses  nito at walang kahit na anong bahid ng simpatya.

"Pero air-" agad nyang hinawakan sa braso si Zen upang pigilan ito. Wala  namangng silbi ang pakikiusap nila dahil hindi ito makikinig. Baka mapahamak lang sila Zen at Theron dahil sa kanya.

Masaya na sya sa awa na ibinigay ng nga to sa kanya. Pero hindi nya gustong mapahamak ang dalawa dahil lang sa kanya.

Pilit syang ngumiti kay Zen at umiling. They did more than enough.

"I'll take my punishment sir" paos na wika nya "Sorry po kung hindi ako pumasok. My reason is unacceptable, hindi na po ito mauulit."

"Good." Binigyan muna sila nito ng matalim na tingin bago umalis.

Nag aalalang humarap sa kanya si Zen"Amaris-"

"Ok lang ako" putol nya dito "Fifty laps lang naman. Matatapos ko agad yon."

Theron Barize is known as the cold ruler in the the academy. Hindi ito nagpapakita ng emosyon, o simpatya sa mga kapwa estudyante. Hindi ito nagpakita ng kahit na anong kahinaan. Pero sa gabing yon, hindi nito naitago ang pag aalala kay Amaris. Theron's worried expression surprised everyone.

Sa loob loob ng mga seniors, may nakapagpalambot na rin sa mala-yelong puso ni Theron. A girl finally softened his heart.

Itinali ni Amaris ang buhok at dumeretso sa field upang tapusin ang parusang ibinigay sa kanya. As soon as she arrived, she started running. Akala nya kakayanin nya iyon. She thought she's just going to run.

Pero habang patagal ng patagal, parang naging palabas ang ginagawa nya. Dahil mula sa mga dorm kitang kita ang buong field. Nagsimulang dumami ang sumisilip mula sa dorm at pinapanood ang kanyang ginagawa.

Hanggang sa halos lahat ng mga silid sa dorm ay napuno ng mga naka dungaw na estudyante at pinapanood sya. They started shouting harsh painful words. Hanggang sa nakakarinig na sya ng tawanan. The humiliation started to build up inside her. Sinubukan nyang wag pansinin ang mga to ngunit nabigo sya.


She endured the pain of embarrassment and heartbreak. Habang tumatakbo, nag uunahan namang  pumatak ang mga luha nya. Parang pinipiga nanaman ang puso nya sa sobrang sakit. Halos hindi na nya makita ang daan dahil sa luha sa mga mata nya.

Tumakbo lang sya ng tumakbo, kahit parang bumibigat na ang mga hakbang nya. Pero pilit nyang binubuhat ang sarili.

But unexpectedly, she fell on the ground. Napangiwi sya dahil sa lakas ng pagkakabagsak nya. Pakiramdam nya nagkasugat sya dahil doon, lalo na sa tuhod nya.

Malakas na nagtawanan ang nga estudyante na nanonood sa kanya. But still, she endured it. Pinunasan nya ang luha at bumalik sa pagtakbo.

"Masyado pa yatang maaga ah! Hindi pa kase kayo inaantok! Siguro masyado pa kayong maraming energy ano?! How about burning all that energy?! Huh?! Gusto nyo yata syang samahan!" Malakas at sarkastikong sigaw ni Zen. Halatang galit na galit ito habang nakatayo sa tapat ng mga dorm.

Agad namang pumasok ang mga estudyante sa takot at agad na pinatay ang mga ilaw sa kanilang silid. Lalo na at ngayon lang nagpakita ng galit si Zen. The always smiling Zen, suddenly became angry.

"May mahuli lang akong mag ingay at sumilip dyan ah! Patatakbuhin ko sa field hanggang hating gabi!" Seryosong banta nito.

Thanks to her wolf hearing, she heard everything. Napakalaking bagay ng ginawa ni Zen. Dahil pakiramdam nya babagsak na sya kanina sa sobrang kahihiyan. Ngayon napakatahimik nanaman.

She drag her body until the end, pinilit nyang tapusin ang punishment nya.
At nang matapos sya, muntik na syang mawalan ng balanse. Napaupo sya sa damuhan.

Nanlalabo na rin ang kanyang paningin. She saw Nala and some seniors running towards her. She bitterly smiled before laying flat on the ground.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 51.2K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...
934K 27.9K 28
HE MADE SURE TO LEAVE HER NO CHOICE BUT TO BE HIS... Tracy's fiance was bitten by a lycan and the one thing that can save him is a bite from the prou...
19.1K 765 87
At a very young age. Lexie learned to hold every dangerous weapon, doing dangerous jobs. Ang delikadong buhay na kinagsinan niya ay biglang nagbago. ...
110K 4.8K 48
WARNING! UNEDITED JEJEMON STORY! Published way back 2016. Jhenica Mae Sandoval a.k.a Jemay Ang babaeng may malaking takot sa lahat ng klase...