Feelings Deleted

By Lilian_Alexxis

1.5K 412 500

Dylan concluded that love is a fraud, so he learned how to restrain and tame his emotions. But could he contr... More

From The Writer
PROLOGUE: Love is Fictitious
Chapter 1: Meet the CEO
Chapter 2: A Blessing in Disguise
Chapter 3: The Message
Chapter 4: The Heartless CEO
Chapter 5: Let's Catch a Thief
Chapter 6: The Kind CEO
Chapter 7: Connecting the Dots
Chapter 8: His almost-first kiss
Chapter 9: The good show
Chapter 10: He brought her home
Chapter 11: Family first
Chapter 12: Potential Threat
Chapter 14: Unrequited Love
Chapter 15: That Smile
Chapter 16: Software Upgrade
Chapter 17: You're Just Jealous
Chapter 18: The programmer
Chapter 19: The Broken CEO
Chapter 20: Trust and Care Without Love
Chapter 21: Business Proposal
Chapter 22: Let's connect the dots together
Chapter 23: I'll Be Your Star
Chapter 24: I want to live for her
Chapter 25: The Operation
Chapter 26: Successful Operation
Chapter 27: No Visitors Allowed
Chapter 28: Forgiveness
Chapter 29: The AI Version
Chapter 30: Betrayal
Chapter 31: The Enemy
Chapter 32: The Invitation
Chapter 33: I Stopped Believing in Love
Epilogue: Feelings Deleted

Chapter 13: Still Under Control

32 11 5
By Lilian_Alexxis

Nakaramdam nang panlalamig at medyo namamanhid ang buo katawan ni Dylan. Gusto niyang idilat ang kanyang mga mata ngunit napakabigat ng talukap ng mga ito. Nang maibuka niya nang bahagya ang kanyang mga mata, muli niyang isinara ang mga ito nang masilaw sa liwanag. Ramdam niya ang oxygen mask sa kanyang ilong at bibig, at kahit medyo hirap pang gumalaw at huminga ay hinila niya ito pataas.

"Don't remove it, bro," pakiusap ni Lee na muling ibinalik ang oxygen mask sa bibig at ilong ng pinsan. "Please hold out for 20 more minutes, we are about to land in Leicester."

Nang hindi nagpumilit si Dylan, bahagyang napayapa ang loob ni Lee. Mabuti na lamang at hindi niya inalisan ng tingin ang pinsan sa buong flight.

Dahil medyo nanghihina pa, sinunod na lamang ni Dylan si Lee. Alam niyang malala ang kanyang atake kanina. Matagal niyang pinaghandaan ang araw na ito, ngunit hindi niya inaasahan na ganito ang magiging epekto nito sa kanya. Hindi niya akalain na kaya pa rin siyang saktan ng kanyang ina. Yung taong naging sandalan niya, yung taong laging sinasabi sa kanya na mahal na mahal siya at kahit kailan ay hindi niya lubos maisip na nagawa siyang ipagpalit para sa pera. Ikinuyom ni Dylan ang kanyang mga kamao upang kontrolin ang nararamdaman galit.

Tumunog ang monitoring machine dahilan upang mapatayo si Lee sa kinauupuan kahit pa nag-anunsiyo na ang kanilang piloto na manatiling nakaupo at nakasout ng seatbelt dahil pa-land na sila.

"Dylan, kung anuman ang iniisip mo ngayon. Please lang kumalma ka," muling pakiusap ni Lee sa pinsan. Sigurado siyang naalala nito ang mga pangyayari kanina.

"Sir Lee, please take your seat and fasten your seatbelt," paalala ng flight attendant.

Tumango si Lee at muling bumalik sa pagkakaupo. Sinipat niya ang monitor sa tabi ng reclining chair ni Dylan at napansin niyang stable na ulit ang vital signs maging ang oxygen saturation ng kanyang pasyente.

Maayos silang nakalapag sa Leicester International Airport kung saan nakaabang na ang isang ambulansiya. Pagbukas ng pinto ng eroplano ay agad na pumasok ang apat na medic kasunod si Dr. Allen Howard.

"Dylan, this is Allen. I'm going to check your vital signs," pagpapaalam ni Dr. Howard kay Dylan na labing dalawang taon na niyang pasyente at itinuring na rin niyang anak.

Itinaas ni Dylan ang kaliwang kamay at saka iniangat ang kanyang hinlalaki.

Sinilip muna ng doktor ang kanyang mga mata bago pinakinggan ang kanyang dibdib at baga. Pagkuwan ay sinalat nito ang pala-pulsuan ng binata habang nakatingin sa kanyang wristwatch, tila nagbibilang.

"His heartbeats are slow. Let's bring him to the hospital," utos ni Dr. Howard sa mga medic na agad na binuhat si Dylan at inilipat sa stretcher. Marahan din nilang ibinaba sa eroplano ang binata habang nakasunod naman sina Dr. Howard at Lee.

Sa ambulansya na sumakay sina Dr. Howard at Lee. Naka-convoy naman ang mga bodyguard ng CEO. Pagdating sa ospital ay idiniretso na sa VIP floor si Dylan kung saan naghihintay na sina Dalton at Emily.

Pagkalipat sa hospital bed, kinabitan ng mga wire si Dylan sa dibdib at malapit sa tiyan upang ma-monitor ang kanyang heartbeat. Sinuutan muli siya ng panibagong oxygen mask at saka ipinag-utos ni Dr. Howard na kuhanan siya ng dugo para sa blood test.

"We will monitor him for 24 hours and we will also check if the pacer is still working properly," paliwanag ni Dr. Howard kay Dalton.

"Allen, tell me honestly. How is my son?" nag-aalalang tanong ni Dalton na hinila sa isang tabi ang kaibigang doctor.

"We still need to run some test before I could tell you what is exactly happening to him. Let's hope and pray that this is just due to stress," saad ni Dr. Howard at saka nito tinapik ang balikat ni Dalton bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Malungkot na napatingin si Dalton kay Emily na tahimik na nakikinig kanina. Walang kibong niyaya ni Emily sa watcher's chair ang ama ni Dylan upang maupo muna.

Nanatiling nakapikit si Dylan at tahimik na nakikinig sa bawat usapan at galaw ng mga tao. Takot siyang buksan ang mga mata at makita muli ang takot sa mga mata ng kanyang ama tulad ng huli siyang atakin halos siyam na taon na ang nakararaan.

"Lee, take your uncle home. Both of you need to rest. I will look after Dylan tonight and then you can come back tomorrow morning, so I could go home and rest too," mahinahong sabi ni Emily.

"You go home Lee. I'll stay with Emily. There's a bed in the watcher's room and this reclining chair. I can't rest at home knowing my son is here," sagot ni Dalton dahilan upang tumango si Lee.

Nilapitan ni Lee si Dylan. "Bro, magpalakas ka. Babalik ako bukas."

Isang thumbs up ang ipinakita ni Dylan sa pinsan dahilan upang mapabuntong-hininga si Dalton. Alam niyang gising ang anak at ayaw lamang idilat ang mga mata.

Nang makaalis si Lee ay nilapitan ni Dalton ang anak. "Can you open your eyes for me, son?"

Dahan-dahang ibinuka ni Dylan ang mga mata. Bumungad sa kanya ang pagal na mukha ng ama. Malamlam ang mga mata nito na puno ng pag-aalala.

Bahagyang iniangat ni Dylan ang kanyang oxygen mask at saka tipid na ngumiti. "Papa, don't worry about me. I just missed you."

Pilit na ngumiti ang ama. "Then promised me tomorrow we will go home. Let's go fishing!"

"Sure!"

Naupo naman sa isang silya si Emily sa kabilang side ng kama at saka hinawakan ang kamay ni Dylan. "Pagaling ka na ha? Para makauwi na tayo bukas, gusto na daw magpabuhat sa iyo ni Keith Liam."

Lumuwang ang ngiti sa labi ni Dylan. "Yes, ma'am!"

Pagkatapos kumain ng hapunan ay dumating si Dr. Howard. Napatayo sina Dalton at Lee upang marinig nang maayos ang sasabihin ng doktor.

"His heartbeat was consistently back to normal for 24 hours. His ECG and blood test results are good, so, I can let him go home for now," nakangiting sabi ni Dr. Howard. "But observe and monitor yourself for the next 24 hours, if ever you feel any of the symptoms again, come back here immediately."

"Yes, Doc," seryosong sagot ni Dylan.

Masaya na sana ang lahat nang biglang sumeryoso ang mukha ng doctor. "Dylan, I know you're scared, but I would still recommend a heart transplant for your case. The recent attack showed that the pacer cannot help your heart to beat properly all the time."

Nagkatinginan sina Dalton at Lee. Ayaw na ayaw kasi ni Dylan na pinag-uusapan ang heart transplant.

Kumunot ang noo ni Dylan. "Can I just try to make a better pacer?"

Umiling si Dr. Howard. "Son, I know you are a great inventor. You made me proud for inventing an AI assisted pacer, but we all know that technology has limitations."

Nagsalubong ang mga kilay ng batang CEO. "I think everything is still under control.  I will check first what I can do to improve my pacer. If I fail, I might consider your suggestion."

Ikinagulat nila ang mga katagang namutawi sa bibig ng batang CEO. Napangiti ang tatlong lalaki sa narinig.

"That's a development," komento ng doktor na nakaaninag ng pag-asa na papayag nang magpa-heart transplant ang kanyang pasyente. "I already instructed the nurse to facilitate your discharge. If you didn't experience any symptoms, see me before going back to Victoria City. I want to make sure you are okay."

"Yes, doc. Thank you, again," nakangiting sabi ni Dylan.

"It's nothing."

Iyon lang at sinabayan na ni Dalton ang doktor papalabas ng hospital room.

Pagbalik ng kanyang ama ay nakasakay na ito sa wheelchair na tulak-tulak ng babaeng nurse na pula ang buhok.

Kumunot ang noo ni Dylan at nakaramdam ng pag-aalala. "Pa, why are you on wheelchair?"

Ngumiti naman si Dalton at saka parang bata na sabik na tumayo nang huminto ang inuupuang de gulong na silya.

"Nurse Adi and I are just playing," masayang sagot nito na sinabayan pa ng kindat sa anak dahilan upang mapahalakhak si Lee.

Napauwang ang labi ni Dylan sa inasta ng ama at saka niya binalikan nang tingin ang nurse. Doon niya lamang napansin na hapit na hapit ang suot nitong uniform at lumilitaw rin ang cleavage. Ngumiti ang babae sa kanya at saka kinagat nito ang pang-ibabang labi.

Sumama ang mukha ni Dylan sa inasta ng nurse dahilan upang mapahiya ang huli. Nang lapitan siya ng nurse upang alalayan sa pag-upo sa wheelchair agad niyang inilayo ang kanyang katawan.

Mabilis namang lumapit ang close in bodyguard niya upang siya na ang mag-assist sa binata.

"Lee, please push my wheelchair," pakiusap ni Dylan sa pinsan.

Natatawa namang humakbang si Lee patungo kay Dylan ngunit binulungan muna ang nadaanang nurse. "Sorry, he's taken."

Nanlaki ang mga mata ni Dalton sa narinig at napangiti ng pilyo habang sumimangot naman ang nurse.

Pagdating sa mansyon, agad nagpahatid si Dylan sa kanyang kuwarto upang magpahinga. Pagkuwan ay nagpasya siyang maligo. Matapos magbihis ay nilapitan niya ang bookshelf sa kanyang silid at saka inilapat ang kanyang kamay sa isang plaque. Agad na bumukas ang shelf at pumasok doon ang binata. Kusang sumara ang shelf. Bawat hakbang niya pababa sa hagdan ay bumubukas din ang ilaw sa paligid.

Sinipat niya ang buong paligid. Matagal-tagal din siyang hindi nakabalik sa kanyang playroom. Ito ang tawag niya sa silid na ito na may secret passage mula sa kanyang kuwarto. Ang alam ng ibang tao na nakapasok na rito ay isa lamang itong home cinema at gaming room. May reclining chairs sa gitna at sofa sa magkabilang gilid habang may billiards table naman sa isang bahagi ng silid.

Tanging ang kanyang ama lamang ang nakakaalam na kapag inilapat ni Dylan ang kanyang kamay sa ilalim ng billiards table ay nako-convert ang buong paligid bilang personalized playroom niya. Sa silid na ito niya binuo sina Jerson at Max, at ang kanyang AI assisted pacer.

Pagkuwan ay naupo siya sa isang reclining chair habang nakaharap sa pader.

Agad umalingawngaw ang boses ni Jerson. "Good evening, boss. I am happy you are back!"

"Good evening, Jerson. I want you to erase the emotion that caused my attack the other day," utos ni Dylan kay Jerson.

"Okay, boss. Seat properly, close your eyes, and relax," bilin ni Jerson.

Umingit ang tunog ng makina ng ilang minuto pagkuwan ay pumailanlang ang katahimikan.

"Feelings deleted."

Continue Reading

You'll Also Like

80K 1.5K 190
Author:Peach blossoms for wine 13 Category: Danmei Zombies are rampant, and Ye Qingrang relies on a broken jade sachet and wood powers to move fo...
25.4K 529 24
"what if I liked you?" "You don't? I thought we were friends." || Ok, y/n's stupid as hell and texts the wrong number bc, well this is a chat ff, wha...
1.4M 35.2K 79
Think your childhood was great? Think it was perfect and filled with great shows? Sorry, that's why I'm here. To ruin all of those good memories of t...
25.1K 437 13
When Chu Qianxun was reborn and returned to the beginning of the apocalypse, she vowed to live a better life, live longer, and stay away from those d...