Rise of the Hidden Blood

By -Wuxie

63.6K 2.8K 349

Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left e... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
-----
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
chapter 55
Epilogue
Omega's Playtime

Chapter 10

1.1K 43 4
By -Wuxie

INILAGAY nya ang huling box ng gamit sa stock room. Pagkatapos ng physical and sports class nila, inutusan ng instructor ang buong klase na ibalik  mga gamit sa stock room. Ngunit tulad ng madalas na ginagawa ng mga kaklase nya, umaalis ang mga ito at ipinapasa sa kanya ang mga trabaho.

May ilan lang na natira para tumulong pero halos sya  ang gumawa lahat.


Nameywang sya at napatingin sa box na kakalapag lang nya. She can't believe that it's been three days since her heat passed. Walang nagtanong sa kanya kung saan sya nagpunta, pero si Griffin ang tinanong ng lahat. Kinabahan sya dahil baka sabihin nito ang totoo pero sinabi lang nito na may emergency daw.

Habang naaalala ang mga nangyari, parang hindi sya makapaniwala. She really said goodbye to her virginity.

Iningatan nya ang sarili at ipinangako na ibibigay lang ang katawan sa taong mapapangasawa nya. Siguro pag narinig iyon ng ibang lobi baka pagtawanan nila sya. Preserving virginity is almost impossible to happen. Akala nya posibleng magagawa nya iyon, dahil umiinom sya ng malalakas na gamot mula sa rouge city. Sinong mag aakalang magkakaganito.

The easiest way to deal with heat is through sex. That's why sex is very common to wolves. Parang normal nalang yon sa kanila. Kaya hindi na sya nagtaka da reaction ni Griffin nang malaman na virgin sya.


Pero ngayon, hindi na natupad ang balak nya. She finally lost her virginity. Pero pinagsisisihan ba nya?




Wala syang nararamdamang pagsisisi o panghihinayang. Wala rin syang galit kay Griffin. Actually, for some reason she's glad that it's Griffin.


Halos mapatalon sya sa gulat nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod.


Nanlaki ang mga mata nya at tumingin kay Griffin. Agad syang dumistansya.

"Bakit andito ka?" Tanong nya.

Nagkibit balikat ito "Ang tagal mo eh."

Napatitig sya kay Griffin. Simula nang bumalik sila mula sa facility, nag iba ito. Mas dumikit ito sa kanya at kung walang ibang tao sa paligid para itong tigre na aatake. Minsan bigla bigla nalang itong yumayakap, minsan nagnanakaw ng halik. He became clingier and bolder.

Napansin ni Griffin ang pananahimik nya. Kaya ngumiti ito ay mabilis na tinawid ang  distansya nila at hinalikan sya.

Agad naman syang lumayo dito nang lumapat ang labi nito sa kanya. Napatakip sya ng bibig at gulat na tumingin sa binata. Parang mabibingi yata sya sa lakas ng tibok ng puso nya. Hindi na nya alam kung papaano pa aakto ng normal pag aamoy nya ito.


Everytime she smell his scent, her body reacts differently. Hindi nya maiwasan na maalala ang mga pinagsaluhan nila sa facility. Kung paano tumugon ang kanyang katawan sa bawat halik at haplos nito.

Sumimangot si Griffin dahil sa pag iwas nya "Bakit ka ba umiiwas?"

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Balik na tanong nya "Griffin may kailangan yata tayong linawin."

"At ano naman ang lilinawin natin?" Naguguluhan na tanong nito "Maayos naman ang lahat."

"Griffin we're friends!" Pabulong na sigaw nya dahil baka may makarinig sa kanila "Siguro may nangyari satin pero nangyari yon dahil kailangan. You were helping me to get through my heat. Pero ipapaalala ko lang magkaibigan tayo. At hindi naghahalikan ang magkaibigan Griffin. Now that my heat is over, dapat lang na bumalik tayo sa dati."

Unti unting naging seryoso ang mukha nito, kinabahan sya dahil parang may hindi ito nagustuhan sa sinabi nya.

"Eh paano kung ayokong bumalik pagiging magkaibigan natin?" Tanong nito na ikinatigil nya.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan na tanong nya.


"What if I don't want to go back being friends with you because I want more than that?" Dagdag nito na mas ikinalito nya.



Parang hindi nya maiproseso ang sinasabi nito. Ano daw? More than friends? Ano bang sinasabi nito.




Lalong bumilis ang tibok ng puso nya nang maglakad ito palapit sa kanya.

"Griffin-....nababaliw ka na ba? Ano bang sinasabi mo? Umayos ka nga." Natatarantang wika nya dito habang umaatras.

"Do you know what I realized when we were still at the facility Amaris? " Tumigil ito nang wala na syang maatrasan at sobrang lapit nito sa kanya "Gusto kitang angkinin. I want to own your body, hindi ako papayag na may ibang lalake na gagawa sa ginawa ko noon. I want to be the one guy to help you during your heat. I want to own you, gusto kong ako lang din ang isipin mo. After having a taste of you, sa tingin mo magagawa ko pang bumalik sa dati? No."

Napakuyom sya ng palad at matapang na sinalubong ang mga mata nito "Gusto mo lang sa katawan ko. You only want sex Griffin. Kaya ka nagkakaganito. I'm sure babalik ka rin sa dati. Maraming babae dyan ang may mas maganda ang katawan. Mas magaling din sila sa kama, they can satisfy you. Bakit hindi mo nalang kalimutan ang nangyari saatin? "


"You're telling me to do something imposible." Makahulugang wika nito "And yes, I want your body..."


Parang may kumurot sa puso nya sa sinabi nito. As expected....

Medyo yumuko si Griffin para pantayan ang mukha nya. Halos maramdaman nya ang pagtama ng mainit na hininga nito sa kanyang pisngi.

"But I want more than that Amaris. Hindi lang yang katawan mo ang habol ko. Gusto kong maging akin ka ng buong buo. Kung pwede lang kitang itago sa lugar kung saan ako lang ang makakakita sayo, makakausap mo, kung pwede ko lang tanggalin ang ibang bagay dyan sa isip mo hanggang sa ako pang ang laman ng utak mo. I want all of you Amaris. And this is all your fault, because your innocent body is very addicting. " Hinaplos nito ang pisngi nya habang nakatingin sa mga labi nya.


Her body shivered from his touch. Nag iba talaga si Griffin. Parang ibang tao ang nakikita nya sa mga mata nito. He's like an obsessed person.

"Griffin, I'm a rouge remember? Isa kang future Alpha. Kaya umayos ka. Don't entertain your thoughts, hindi ko na ibibigay ang sarili ko sayo." Mariing saad nya. Hindi ito maaaring magkaganito.

Nagsalubong ang kilay nito at agad na napuno ng galit ang mga mata "Anong ibig mong sabihin? Sa ibang lalake mo ibibigay ang sarili mo sa susunod? You're going to ask another bastard to help you?"

"No!" Agad na tanggi nya "May alam akong gamot na mas nakatutulong sa heat. Sisiguraduhin ko na may makukuha ako mula sa rouge land. Hindi na ako aasa sa kahit sinong lalake. So just......"

Griffin gave her a burning stare. Napakaseryoso nito."Simula ngayon, gagawin ko ang gusto ko" he said with finality "Kaya wag mong asahang magiging katulad ako ng dati. Dahil hindi na katulad ng dati ang nararamdaman ko. My heart want you, so I must pursue you. Hanggang sa  mahulog ka na rin saakin. And I don't give a damn if you're a rouge. Dahil sisiguraduhin kong magiging akin ka."


Halos magwala na ang puso nya sa sobrang lakas ng tibok non. Kitang kita sa mga mata ni Griffin na hindi ito nagbibiro.

"Baliw ka na....." Parang bibigay ang tuhod nya sa sobrang lapit nito "Lumayo ka-"

Sinapo nito ang magkabilang pisngi nya at walang anu anong siniil ng halik ang kanyang labi. Agad syang kinabahan at nag panick kase baka may pumasok sa loob ng stock room. Tinangka nya g itulak si Griffin pero hindi manlang ito natinag.


Napahinghap sya nang itulak sya nito sa pader at mas pinalalim ang halik. Wala syang maatrasan, at hindi rin nya ito maitulak. Para syang tutang walang kalaban laban. At ang tanging magagawa nya ay ang tumugon sa halik ni Griffin.

Hindi nya namalayan na napapikit na sya at nakayakap dito habang nonanamnam ang halik na pinasasaluhan nito. Parang hindi sya makapaniwala na may gusto ito sa kanya.

Sa isang katulad nya, a rouge like her. Hindi nya inaasahan na magkakagusto ito. Simula noon, hindi pa nya naranasan ang ganitong klaseng pakiramdam.

She didn't know that receiving love from someone is this good. It's making her nervous, scared, yet it's also overwhelming and makes her happy. Ito ang unang pagkakataon na may nagkagusto sa kanya. At hindi sya ganon ka inosente para hindi alam kung ano ang nararamdaman nya para kay Griffin.


Her heart wants him too.


Dahil kung hindi nya ito gusto, hindi magiging ganito kasaya ang puso nya ngayon.

Pareho silang hinihingal ni Griffin nang maghiwalay ang kanilang labi. Ngumiti ito at hinaplos ang kanyang pisngi. Hinalikan muna sya nito sa noo saka sa ilong. Mahigpit sya nitong yinakap ng ilang minuto bago sila lumabas doon.




Kahit na malinaw ang gusto nito Griffin na mangyari, sinabihan nya itong wag magpahalata. Baka mapansin ng ibang instructors ang namamagitan sa kanila, baka punishment ang ibigay ng mga to.

Kailangan parin nilang isipin ang magkaibang estado nila. She's still a rouge and  Griffin is a future alpha. Ayaw nyang magkagulo.


Pero kahit hindi nya sinasabi dito ang sariling nararamdan, walang pake alam si Griffin. Malinaw pa sa tubig kung magpakita ito ng nararamdaman sa kanya. Kahit patago, pero lagi nitong pinapabilis ang tibok ng puso nya.

Inihatid sya nito sa dorm nila tulad ng madalas nitong ginagawa. Mabilis nitong hinuli ang kanyang kamay at marahang pinisil iyon.

Pasimple nitong inilapit ang mukha sa  kanyang tenga para bumulong.


"I love you...." Bulong nito sa tenga nya na nagdulot ng kiliti sa kanya.

Nakangiting umayos ng tayo si Griffin habang sya namumula sa hiya.

"A-Alam ko!" Nahihiyang wika nya saka dali dali itong tinalikuran at pumasok sa dorm.

Magkaka heart attack yata sya dahil dito.  Simula ng araw na  sinabi  nitong may gusto ito sa kanya, lagi sya nitong inihahatid pauwi. At bago sila maghiwalay, he will remind her how much he love her without a fail.



"Amaris..."


Mabilis na nawala ang ngiti sa kanyang labi nang marinig ang boses ni Theron. Kung kanina mabilis ang tiboo ng puso nya dahil kah Griffin, ngayon naman ay sobrang kinakabahan sya.


Nakita ba sila nito?


Kinakabahan syang tumingin sa student president. "B-Bakit?"



Lumapit ito sa kanya at saglit syang tinitigan "Wala ka simula noong Friday. May nangyari ba?"


Napalunok sya "Ah, Heat happened" tipid na sagot nya "Hindi ba nasabi sayo ng dorm staff?"

"Nasabi..." Sagot nito  "I just want to confirm. Sinabi rin nya na pinuntahan ka ni Griffin ng Saturday? Halos sabay din kayo bumalik ng dito. Tama ba ang iniisip ko ngayon? Magkasama ba kayo noong nga panahong yon?"



Mahigpit syang napakapit ng bag. Hindi nya alam kung bakit sya tinatanong ni Theron tungkol sa bagay na yon kung may alam naman na sya.


"He offered to help....but I declined." Pagsisinungling nya "Magkaibigan kami ni Griffin tapos  competitive pa kami sa isa't isa. Medyo nag alala lang naman sya noong nalaman nya kung bakit wala ako. Sinubukan nyang tumulong pero........mas pinili kong idaan sa gamot ang heat period ko. But he still stayed at a hotel near the facility para makumusta nya ako kaya halos sabay kaming bumalik." Medyo napayuko sya para iwasan ang mata nito.


Nag aalala sya dahil baka hindi lumusot kay Theron ang pagsisinungling nya. Sa hindi nya malamang dahilan, hindi nya kayang tapatan ang aura ni Theron. Maybe because he is trained and too dominant. That's why his aura is enough to make a rouge sumbit. But aside from that, isa si Theron sa pinaka malakas na estudyante sa academy. Kaya nararapat lang dito ang tittle na student president.



"Are you ok now?" He ask in soft voice that she never heard from him before.

Napatingin sya dito ng may kaunting gulat. At mas lalo syang nagulat dahil sa lambot ng tingin nito sa kanya. Agad nyang itinago ang gulat. Pero ngayon lang sya tinignan ni Theron ng ganito. Lagi itong istrikto sa mga estudyante, at kahit ang boses nito ay sobrang seryoso. Pero habang nakatingin sa tao sa harap nya ngayon, parang ang bait nito.


Mahina syang tumango para sagutin ang tanong nito kanina. Pero mas ikinagulat nya nang lumapat ang isang kamay nito sa uli nya at marahang ginulo ang buhok nya.


"Magpahinga ka na..." Wika nito bago sya linagpasan at lumabas ng dorm. Siguro para maglibot sa school grounds.



Nanatili lang syang nakatayo doon at tulala sa gulat. What just happened?!


"What the heck was that?" Gulat na wika ni Kon nang lumabas ito sa pinagtataguan nitong pader. Nakita din nito ang nangyari dahil kanina pa ito nagtatago at kagaya nya ay nagulat din ito.


Tumingin sya sa senior habang nasa mukha parin nya ang gulat.

"Hindi ko rin alam."


"Did he just became softy for a minute?" Parang hindi  ito naniniwala sa nakita kanina, nakatingin din ito sa pinto kung saan lumabas si Theron. Kon look at her in shock "Alam mo Amaris, sa tingin ko may kakaiba kang kakayahan. You can make everyone like you. "



Napakunot noo sya "Huh?"



Malakas itong suminghap "What if may lahi kang kupido? Or maybe you're a descendant of the Goddess of love?"



Lalo syang naguluhan"Senior ano bang pinagsasabi mo?"


Agad na nalukot ang mukha nito "Amaris anong tinawag mo sakin? Diba sabi ko sayo tawagin mo akong Kon?"


"Ayoko nga, nasa dorm tayo. Baka marinig ako ng mga  caretaker bigyan pa ako ng points deduction." Saad nya


"Tsk, whatever. May favoritism ka eh. Oh, napasobra ako ng luto. Lumabas ka mamaya ha? Saluhan mo kami kase sayang naman yung mga niluto ko kung hindi makakain" ngumiti ito "Hinahanap ka rin ni Asher. Nag bake sya ng cinnamon rolls. Gusto nyang matikman mo."


Nang sambitin nito ang pagkain, agad na nagliwanag ang mukha nya. Nakangiti syang tumango at dali daling pumasok sa kanyang silid.



"Ikaw talaga pag pagkain ang usapan mabilis ka pa sa alas quarto!" Dinig pa nyang wika ni Kon bago nya isinara ang pinto.



Nothing can make her smile widely other than sweet delights!














"HERE! Tikman mo to" excited na wika nya saka nilagyan ng chicken teriyaki ang plato ni Griffin. Kaninang umaga nagluto sya ng pagkain para sa kanilang dalawa. Excited syang matikman nito ang luto nya.



Ngumiti ito at agad na tinikman ang pagkain "Hmm! Ang sarap! Ikaw ba talaga nagluto nito?"


Proud syang ngumiti "Syempre naman! Anong akala mo saakin? Hindi marunong?"

Ang totoo, nahirapan syang magluto. Dahil kinakabahan sya at wala syang gaanong alam na iluto, nagpatulong sya kay Nala. Hindi naman ito gaanong naghinala sa request nya at agad itong tumulong. Well, kapalit ng mahigpit na pagyakap yakap nito sa kanya habang nagluluto sila.


Matapos ang pinakahuling klase nila sa umaga niyaya nya si Griffin na kumain sa park. May mga hut naman doon kaya pwede silang kumain doon. Nang malaman nitong nagluto sya, mas excited pa ito kaysa sa kanya.


"Heto pa, try mo itong beef brisket. " Nilagyan nya ulit ang plato nito "Tapos itong cheese mashed potatoes."



Halos hindi na magsalito si Griffin. Panay ang subo nito sa mga pagkain na binibigay nya. Napapapikit nalang ito habang ngumunguya.

"Hmmm....." Griffin moaned as he savor the flavor of the food on his mouth "Damn....."


She's so satisfied with his expression. Halatang nasasarapan talaga ito sa luto nya. Halos napapaungol uto sa sarap.


"It's so good ..." Hindi mapigilang sambit ni Griffin "Hindi ko alam magaling ka palang magluto. Damn,  paano kung hanap hanapin ko na itong luto mo?"


Mahina syang natawa "Wag ka ngang OA. Ipagluluto parin naman kita pero  syempre hindi lagi. Aba, umuuwi din naman akong pagod galing sa training ah."



Kinuha nito ang isang kamay nya at hinalikan ang likod ng  palad nya "Thank you.....for cooking for me."


Nakangiti syang umiling "Hmmm, basta nagustuhan mo masaya na ako." Itinuro nya ang pagkain "Kain ka pa. "


Muli nitong ibinalik ang atensyon sa pagkain. Kaya nagsimula na rin syang kumain.

"Oi!" Dali daling pumasok sa kubo si Sage at deretso ang mga mata sa mga pagkain sa mesa "Teka nga!"



Kinabahan sya sa tono ng boses nito. Lalo na at napatingin ito sa kanila ni Griffin. Napagtanto na ba nito ang namamagitan sa kanila ng ni Griffin? Napansin ba nito? Masyado ba silang obvious?

Nagsimula syang pagpawisan ng malamig dahil sa kaba. Parang hindi yata sya matutunawan.




"May kainan pala dito hindi pa kayo nagyaya!"nagtatampong wika nito saka sumimangot.


Agad syang nakahinga ng maluwag. Akala nya nabuko na sila ni Sage. Hindi nya alam kung anong gagawin pag nagkataon.


"Napasobra lang luto ko kaninang umaga tsaka binigyan ako ng mga seniors ng pagkain. Hindi ko maubos mag isa eh kaya niyaya ko di Griffin." Pagsisinungling nya dito.


Umupo si Sage sa kabilang upuan "Eh ako? Bakit hindi mo ako niyaya?"


"Ah si Griffin lagi kasama ko eh. Kami ang laging magkadikit kaya sya lang ang natawag ko. Malay ko ba kung nasaan ka." Nagkibit balikat sya.


Parang nasasaktan na napanganga si Sage "Excuse me, lagi din akong dumidikit sa inyo. Ayaw nyo lang akong pansinin eh. Mapapansin ko nalang iniwan nyo na pala ako. "



Napatingin sya kay Griffin dahil hindi nya alam ang sinasabi ni Sage. Pero napakibit balikat din ito at tila wala ring alam.



"Hah! Fine! This competition between the two of you, starting today I will become your third competitor! I will join this damn competition!" Sage loudly announced.


"Oh....ok" wika lang nya "You're welcome to do so. Pero kaya mo ba?"





"Baka di mo kayanin bro. " Wika naman ni Griffin "Minsan nga hindi ka makasabay eh."


Hindi makapaniwalang tumingin ang lalake sa kanila ni Griffin "Ah ganon?! Kakasali ko lang tino-talk sh*t nyo na ako. Hintayin nyo lang, mauungusan ko rin kayo."


"Good luck" she shrug before munching her food.


Nalukot ang mukha ni Sage dahil wala manlang silang pake alam dito. At kahit pa humaba ang nguso nito sa pag tatampo wala silang ipinapakitang pake sa drama nito.

"Nakakainis talaga kayong dalawa" maya maya ay mahinang wika nito saka walang paalam na nakisalo.


Pasimple silang nagtinginan ni Griffin at patagong ngumiti. Wala manlang ideya si Sage sa mga nangyayari sa paligid nito. At habang kumakain sila, inabot ni Griffin ang kamay nya mula sa ibaba ng mesa saka pinagsalikop iyon. Buong oras silang kumakain habang magkahawak ang  kamay.

His hand is big, she can feel  his long  on her hands. She can the warmth of his palm. Pakiramdam nya umaabot sa puso nya ang init ng kamay nito. Hindi nya mapigilan ang kiligin.


Hindi nila namalayan, napatingin pala sa kanila si Sage nang napakunot noo ito nang mapansin ang pang ngiti ngiti nila ni Griffin.


"Anong nginingiti ngiti nyong dalawa?" Sage asked suspiciously. "Bakit kayo nakangiti?"


Muli syang kinabahan. Tinangka nyang pasimple bitawan ang kamay ni Griffin bago pa mapansin iyon ni Sage pero nagulat sya nang mas hinigpitan pa ni Griffin ang pagkakahawak nito sa kamay nya. Nataranta tuloy sya.

"Ikaw, ikaw lang naman ang pwedeng tawanan eh. Natatawa kase kami sa sinabi mo kanina." Inosenteng tumingin si Grifysa kaibigan.

Sage scowled "Mga bwisit kayo..."

Muli nitong ibinalik ang atensyon sa pagkain. Sage is unbelievably ignorant. Hindi talaga ito nakapansin?




Nagkatinginan sila ni Griffin. Kinindatan sya nito at ngumiti. Alam yata nito ang pag uugali ng kaibigan nito kaya hindi ito nag aalala na baka mahuli sila.


Muli syang napangiti at nagpatuloy kumain.





Continue Reading

You'll Also Like

42.2K 2.9K 68
Fighting is required. Killing is a choice. How will you face a situation where killing is required? Simula pagkabata iniiwasan na si Gaia ng lahat d...
326K 9.4K 43
Si Nica ay simpleng dalaga na may masayang buhay kasama ang kaniyang pamilya at nag-iisang matalik na kaibigan. Ngunit nagbago ito nang mamatay ang k...
8.8K 438 58
Helliza was living in an isolated place, away from the outside world. But she could never say 'no' to her Grandfather. Labing dalawang taong gulang s...
60.9K 1.6K 26
Ash Hatman is a strong , brave and good-looking huntress. She Fears nothing, Tumatayong third in command sa Bayan ng Aurora, Ang bayan ng mga mangang...