Feelings Deleted

By Lilian_Alexxis

1.5K 412 500

Dylan concluded that love is a fraud, so he learned how to restrain and tame his emotions. But could he contr... More

From The Writer
PROLOGUE: Love is Fictitious
Chapter 1: Meet the CEO
Chapter 2: A Blessing in Disguise
Chapter 3: The Message
Chapter 4: The Heartless CEO
Chapter 5: Let's Catch a Thief
Chapter 6: The Kind CEO
Chapter 7: Connecting the Dots
Chapter 8: His almost-first kiss
Chapter 10: He brought her home
Chapter 11: Family first
Chapter 12: Potential Threat
Chapter 13: Still Under Control
Chapter 14: Unrequited Love
Chapter 15: That Smile
Chapter 16: Software Upgrade
Chapter 17: You're Just Jealous
Chapter 18: The programmer
Chapter 19: The Broken CEO
Chapter 20: Trust and Care Without Love
Chapter 21: Business Proposal
Chapter 22: Let's connect the dots together
Chapter 23: I'll Be Your Star
Chapter 24: I want to live for her
Chapter 25: The Operation
Chapter 26: Successful Operation
Chapter 27: No Visitors Allowed
Chapter 28: Forgiveness
Chapter 29: The AI Version
Chapter 30: Betrayal
Chapter 31: The Enemy
Chapter 32: The Invitation
Chapter 33: I Stopped Believing in Love
Epilogue: Feelings Deleted

Chapter 9: The good show

28 14 20
By Lilian_Alexxis

"I'm sorry, Mr. Smidt, our CEO is still out of the country," aburidong sagot ni Lianne sa kausap sa telepono.

"You've been saying that for more than a week now," yamot na sabi ni Mr. Smidt. "When is he coming back?"

"He will travel directly to California next week for the launching of the Airtank Drone," muling sagot ni Lianne.

"Tell him not to proceed with the launching, I will pay 1 billion dollars for the project," madiin ang salita ni Mr. Smidt.

Nanlaki ang mga mata ni Lianne at napaangat ang tingin kay Dylan na tahimik na nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.

"I will tell him, but I cannot promise you anything..." Napahinto magsalita si Lianne nang marinig niya na naputol na ang kabilang linya. Pinagbabaan na siya ng kausap niya.

Kumunot ang noo niya at inis na bumulong. "Bastos!"

Tumayo si Dylan sa pagkakaupo sa kanyang mesa. "Good job, Ms. Chen!"

"Sir, ano pong gagawin ko kapag tumawag ulit si Mr. Smidt?" Tanong ni Lianne, bago pa makapasok si Dylan sa kanyang opisina.

"Hindi na ulit 'yun tatawag. Alam niyang ayaw ko siyang kausapin," sagot ni Dylan at saka tuluyang pumasok sa opisina.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Lianne. Halos araw-araw nagsasalitan sa pagtawag ang Executive Assistant ni Mr. Smidt at ang huli upang tanungin kung nakabalik na ang kanyang boss. Ang ipinasabi kasi sa kanya ni Dylan ay wala siya at nasa business trip gayung nasa Victoria City lang naman siya.

Stress na stress siya sa pagsisinungaling kay Mr. Smidt. Ang pinagtatakhan lang ni Lianne ay ayaw sabihin ng CEO na hindi siya interesado sa alok ni Mr. Smidt. Mas mapapadali sana ang trabaho niya.

Tumunog ang network messenger niya at lumabas ang maliit na window.

Lou: Girl, don't forget mamaya na ang date natin.

Napangiti si Lianne sa kulit ng kanyang kaibigan.

Lianne: Yes. See you later!

Lou: See you!

Isinubsob na muli ni Lianne ang sarili sa trabaho. Sa Huwebes na ang launching ng bago nilang project at sa California iyon gaganapin. Hindi siya pagod sa pagmo-monitor sa paghahanda sa event nila dahil efficient ang nakuha nilang events company sa US.

After lunch, isang email ang natanggap niya mula sa Stanley Aero Services. Naglalaman ito ng revised proposal nila. Agad niyang dinownload ang attached file at binasa ang laman nito. Hindi nga nagsisinungaling ang CEO ng naturang kompanya. Ginawa na nilang 1 billion dollars ang alok na halaga kapalit ng naturang proyekto.

Matapos niya itong i-print ay inilagay niya sa isang folder at nilagyan ng label. Kakatok na sana siya nang dumating si Lee.

"Hi, Ms. Chen!" Masigla nitong bati ngunit bigla ring kumunot ang noo nang makita ang label ng dala niyang folder.

"Revised proposal?"

Tumango si Lianne. "Itinaas nila ang offer sa 1 billion."

Nanlaki ang mga mata ni Lee. Napangiti ito. "Ako na lang ang magdadala niyan sa CEO. This is a good show!"

"Thank you, sir," sagot ni Lianne at saka iniabot ang hawak na folder. Lihim naman siyang nagtaka sa mga huling kataga na binitawan ni Lee.

Excited na pumasok si Lee at dire-diretsong naupo sa isang silya sa harap ng CEO. "Magpa-inom ka naman! Stanley is now offering you one billion dollars. Man, ang linis na one billion!"

Nakusot ang mukha ni Dylan. "He cannot buy me for one billion. I don't need his d*mn money!"

Nakita ni Lee ang pagtiimbagang ng kanyang pinsan.

"I will show him that this time he cannot do anything with his money, that he cannot buy everything he wants."

Napalunok si Lee. Ramdam niya ang nagpupuyos na galit mula sa puso nito. "Next week mare-realize niya na iyan."

Seryoso pa rin ang mukha ni Dylan. Pagkuwan ay tumayo ito at naglakad patungo sa lagusan paakyat sa rooftop garden.

"Kayo na lang ng R&D Team ang magsaya mamaya, put it in my tab. Pakisabihan din si Ms. Chen na puwede siyang umuwi on time today. I will go home after this." Iyon lang at pumasok na si Dylan sa pinto.

Napailing na lamang si Lee. Hanggang kailan kakayanin ng kanyang pinsan na kimkimin ang galit sa kanyang puso. Tahimik siyang lumabas ng pinto ng opisina ni Dylan.

"Ms. Chen, ayaw pa-istorbo ni Mr. James. Kung wala ka nang gagawin, you can go home on time today," seryosong bilin ni Lee kay Lianne.

Tumango lamang si Lianne. "Thank you, Sir."

Pagsapit ng alas singko, nagsimula nang magligpit ng kanyang mesa si Lianne. Ayaw niya kasing iniiwan na may tambak na mga papeles sa mesa lalo na kapag Biyernes. Pinuntahan rin niya ang opisina ng kanyang boss, at sinimulang ayusin ang mga dokumento sa mesa. Inayos din niya ang couch na bahagyang nagulo at saka inilabas ang mug na pinagkapehan nito kanina at dinala sa pantry. Siya na lamang ang naghugas nito at hindi na tinawag ang housekeeping na naka-assign sa kanila para sigurado na siyang malinis na ang lahat.

Pagbalik niya sa kanyang mesa, dinampot na niya ang kanyang shoulder bag at telepono. Naghihintay na ang mga kaibigan niya sa lobby.

Tuwang-tuwa sina Lou, Rai at Kit nang makitang papalabas na ng elevator si Lianne. Nakataas pa ang dalawang kamay ni Rai at bahagyang ipinapadyak ang mga paa sa excitement na makita ang kaibigan.

Paglapit niya ay agad na sumalubong ang kanyang mga kaibigan at saka siya niyakap. "Na-miss ka namin!"

"Grabe kayo, nasa top floor lang naman ako," natatawa sagot ni Lianne.

Sabay-sabay silang lumabas sa building at napangiti si Lianne na makitang maliwanag pa.

"Tingnan mo nga ang ngiti mo! Ngayon ka lang ulit lumabas na may liwanag pa ano?" Medyo inis na turan ni Lou.

"May liwanag naman sa poste pag umuuwi ako sa gabi!" natatawang sagot ni Lianne. Nagpapalusot siya sa mga kaibigan para hindi sisihin ang CEO.

"Napaka-workaholic kasi ng boss mo, kaya siguro late na rin nakapag-asawa si Ms. Emily dahil sa kanya," sabi muli ni Lou.

"Correction, boss natin." Nangingiting pagtatama ni Lianne.

"Si Mr. So ang boss namin," nakangusong sabi ni Lou na sinabayan ng tawa nina Rai at Kit.

Inakbayan naman ni Kit ang tatlong babae. "Huwag na natin sila pag-usapan dahil ngayon ay magpa-party tayo!"

"Yeah!" Pag sang-ayon nila Rai at Lou na sinabayan pa nang pagsayaw.

Napatingala naman si Lianne at pinakatitigan ang rooftop. Sigurado siyang naroon ang boss niya ngayon dahil wala ito sa opisina kanina nang magligpit siya. Okay lang kaya siya?

"Lianne! Tara na!" Pagsigaw ni Kit.

Pagbaba nang tingin ni Lianne ay nakalayo na pala ng mahigit tatlong metro ang tatlo kaya nagmamadali siyang sumunod sa mga ito.

Nagtungo sila sa mall at naglakad-lakad doon. Hinila sila ni Rai sa isang boutique at tumingin sila ng mga damit. Nang walang magustuhan ay lumipat sila sa isa pang tindahan.

Kinuha ni Rai ang isang itim na dress at itinapat sa kanyang katawan. "Lou, tingnan mo."

Nag thumbs up naman si Lou kaya agad na pumasok si Rai sa fitting room. Kinuha naman ni Lou ang isang silver haltered blouse at itim na mini skirt at saka hinila si Lianne sa fitting room.

"Isuot mo iyan. Bagay yan sa suot mong stilettos," sabi pa nito habang tinutulak si Lianne papasok sa loob.

Napapailing naman si Kit na naupo sa couch at saka nagbasa ng magazine, sigurado siyang matatagalan pa ang mga ito. Dinampot din ni Lou ang isang red bodycon dress at saka pumasok sa loob.

Halos sabay-sabay silang lumabas ng fitting room at tuwang-tuwa ang tatlo sa hitsura nila. Kanya- kanya nilang binayaran ang kanilang mga damit at isinilid sa paper bag ang mga pinagbihisan.

Napatingin si Rai sa orasan, pasado alas sais pa lamang kaya niyaya niya ang mga ito sa isang salon.

Naupo silang apat. Inayusan silang tatlong babae habang si Kit naman ay ginupitan. Tumagal sila doon ng halos isang oras.

"Oh my God!!! Ang gaganda natin!" Masayang sabi ni Lou.

Inginuso naman ni Lianne si Kit na hindi nawawala ang titig kay Rai. Sabay pang natawa silang dalawa ni Lou habang nagkibit balikat lamang si Rai at hinila na si Kit.

"Teka, nagugutom na ako. Kain na tayo!" Yaya ni Lianne paglabas nila ng Salon.

Ngumiti nang maluwag si Lou at saka hinila na sila palabas ng mall. Si Lou ang nakipag-usap sa driver ng safe ride kung saan sila dadalhin, sumakay na lamang ang tatlo.

Pagdating nila sa destinasyon ay nagulat si Lianne dahil nasa labas sila ngayon ng The Legend, isa sa sikat na bar dito sa Victoria City.

Hindi nagpahalata si Lianne na hindi pa siya nakapapasok sa ganitong uri ng lugar. Luminga-linga siya sa paligid.

"Akala ko ba gutom ka na? Tara na!" Hila ni Lou sa kanya.

Pagpasok nila ay maingay na sa loob at marami na ring tao. Magkahalo ang ingay ng musika na halatang sinasabayan ng remixes ng DJ at ang sigawan ng mga tao na nagku-kwentuhan. Kumapit si Lianne sa kamay ni Lou sa takot na mapahiwalay sa mga kaibigan. Naupo sila sa isang booth na pang-apatan at agad tinawag ni Kit ang waiter.

Umorder si Kit ng tatlong ladies drink at dalawang bote ng sikat na beer. Dahil gutom, nagrequest si Lianne ng pancit, barbeque at fish and chips.

Tahimik na nagmasid sa paligid si Lianne. Sa tingin niya ay mukha namang maaayos ang mga naroon, at walang gagawa ng gulo. 

Naramdaman ni Lianne ang pagkalabit ni Lou sa kanyang braso kaya nilingon niya ito. Nagpapakuwento ang babae sa kanya tungkol sa trabaho, ngunit hindi sila magkarinigan kaya minabuti na lamang nilang 'wag ituloy ang kuwentuhan.

Nang dumating ang pagkain at inumin ay sinimulan na nilang kumain. Manamis-namis ang inorder na ladies drink ni Kit kaya hindi namalayan ng tatlong babae na ikatlong round na nila ang nasa harap nila ngayon.

"Tara, sayaw tayo!" Yaya ni Lou kay Lianne.

Sumunod naman si Lianne. Pagdating sa dance floor, sinenyasan niya si Lou kung bakit hindi nagsasayaw ang dalawa nilang kasama.

"Magsayaw tayo, 'wag tayong istorbo sa kanila," natatawa nitong sagot.

Natawa rin si Lianne sa nais ipahiwatig ni Lou at nagsimula nang magsayaw. Nakatulong sa kanya ang dalawang baso ng ladies drink kaya hindi niya pansin ang mga tao sa paligid na sumasayaw na rin.

Mula sa VIP Lounge ay mabilis na nakita ni Lee sina Lianne at Lou. Agad niya itong kinuhanan ng litrato at saka nagtext kay Dylan.

Lee: Nasa the Legend kami, baka gusto mong sumunod.

Naalimpungatan si Dylan sa naramdamang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa. Nakatulog pala siya nang matagal sa rooftop. Inaantok siyang kinuha ang cellphone. Napakunot siya sa nabasang mensahe ni Lee.

Dylan: Hindi mag-e-enjoy ang mga kasama mo kapag sumunod ako.

Lee: Sayang hindi mo makikita, ang ganda ni Ms. Chen ngayon.

Napaayos ng upo si Dylan.

Dylan: Isinama mo siya?

Lee: Hindi. Nakita ko lang siya sa dance floor kasama ang mga kaibigan niya.

Dylan: Stop bluffing me, Lee. I'm not coming.

Lee: Here's my proof.

Ipinadala ni Lee ang picture ni Lianne na nagsasayaw kanina.

Kumunot ang noo ni Dylan. He zoomed in on the picture at mabilis na tumayo nang makumpirma niyang si Lianne nga iyon. Halatang naka-inom na ang babae.

Tinawagan niya ang kanyang security at pagbaba niya ng Victoria Tower ay nasa labas na ang mga ito ng lobby.

"Sa the legend tayo," seryosong sabi ng binata.

Nagtinginan ang kanyang bodyguards dahil bihirang nagpupunta sa mga ganoong lugar ang kanilang boss.

Pasado alas diyes na sila nakarating sa the Legend. Nakasuot man ng itim na facemask ay agaw pansin pa rin ang pagpasok ni Dylan sa loob ng bar dahil sa apat na bodyguard na nakapaligid sa kanya.

Natatawa si Lee nang makitang dumating ang kanyang pinsan, para siyang nanonood ng pelikula kapag ang temporary secretary na ng pinsan niya ang topic nila.

Iginala ni Dylan ang kanyang paningin sa paligid. Agad namang nakita ng kanyang bodyguard si Lee sa taas nang sumenyas ito sa kanila kaya agad nilang iginiya roon ang kanilang boss.

Pagdating sa Lounge, halatang nakainom na ang R&D Team.

"Sir DJ! Salamat sa treat ninyo!" Magalang pa ring bati ni Mr. Lim.

Akala naman ng ibang members ay nagbibiro lang si Mr. Lim kaya nagtawanan sila, at nanlaki ang mga mata nila na naroon nga ang CEO.

Agad silang napatayo at nagsipagyukuan.

"Maupo kayo at mag-enjoy lang. Hindi kayo narito para magtrabaho," suway niya sa mga ito.

Mabilis namang bumalik sa pagkakaupo ang mga ito. Binalingan ni Dylan si Lee. "Nasaan siya?"

Lumabas ulit ng lounge si Lee at sumunod si Dylan. Mula sa itaas ay itinuro niya si Lianne na noon ay nagsasayaw muli sa dance floor. Mukhang lasing na ito.

"Ang sabi sa akin ng waiter naka-apat nang baso ng ladies drink si Ms. Chen," bulong ni Lee sa kanyang pinsan.

Tumango lamang si Dylan at saka bumaba ulit ng hagdan.

"Tsk. Killjoy talaga ang pinsan ko," natatawang sabi ni Lee at saka nilagok ang whiskey na laman nang hawak niyang baso.

Malalaki ang hakbang ni Dylan na sumiksik sa mga taong nagsasayaw sa dance floor. Yamot naman ang mga tao dahil kasama ni Dylan na humahawi sa kanila ang apat na bodyguard.

Pagdating kay Lianne, napakamot si Dylan. At saka ito huminga ng malalim at lumapit sa dalaga.

"Ms. Chen, uuwi na tayo!" Pasigaw na sabi niya.

Nilingon siya ng babae at napangiti. "Kamukha mo ang boss ko!"

Napatingin naman si Lou sa kinakausap ni Lianne at napatakip sa bibig niya nang makitang ang CEO nila ito.

"Ako nga ito. Tara na!" Pagyaya ni Dylan sa babae.

"Huwag mo nga ako lokohin! Hindi ikaw ang boss ko, guwapo yun!" lasing na sagot ni Lianne.

Hindi napigilan ni Dylan na mapangisi sa sinabi ni Lianne. Napansin niya ang isang lalaki na inihaharap si Lianne sa gawi niya upang makasayaw. Sa inis ay hinila niya si Lianne at napasubsob ang babae sa kanyang dibdib. Iniyakap niya ang isang braso niya sa likod ni Lianne upang protektahan laban sa lalaki na sinamaan niya nang tingin.

Nanatili naman nakatulala si Lou at nang mapansing inilalayo na ni Dylan sa dance floor ang kaibigan ay mabilis itong sumunod.

Mabilis na dinampot ni Lou ang mga gamit ni Lianne sa booth at sumunod sa kanilang CEO na papalabas na ng bar. Hindi niya nakita sina Rai at Kit pero nagkibit balikat na lamang siya.

"Saan mo ba ako dadalhin?" pilit kumakawala si Lianne sa bisig ni Dylan.

"Iuuwi na kita, lasing ka na," mahinahon na sagot ni Dylan.

Kumunot ang noo ni Lianne at tinitigan ang mukha ni Dylan na may suot pa ring facemask. "Sino ka ba? Lou!!!"

Mabilis na lumitaw si Lou sa likod ni Dylan. "Uwi ka na raw, Lianne."

"Hindi pa ako uuwi. Hindi pa ako nagbabayad, 'diba treat ko ito sa inyo? Three months tayong hindi nagkasama. Tatlong buwan na lagi akong ginagabi sa opisina. Napaka workaholic kasi ng boss mo, Lou!" Inis na sabi ni Lianne.

Pinanlakihan ni Lou ng mga mata si Lianne. Sinenyasan niya na manahimik ang babae.

Dinukot ni Dylan ang wallet sa kanyang bulsa at sinenyasan ang kanyang bodyguard. Inabot nito ang kanyang credit card. "Samahan mo siya sa loob at bayaran mo ang bill nila."

Mabilis namang sumunod ang dalawa. Inalalayan ni Dylan na pumasok sa kotse si Lianne.

"Sino ka ba talaga? Hindi ako si Lianne. Pakawalan mo na ako!" Tila batang nagmamaktol ang dalaga.

Tinanggal ni Dylan ang kanyang facemask. "Ako ito."

Bahagyang natigalgal si Lianne pagkuwan ay natawa ito. "Uy, may guwapo!"

Napakamot si Dylan sa kanyang batok. Natatawa naman ang driver ni Dylan. 

Nang makabalik ang bodyguard ni Dylan ay umalis na sila.

"Idiretso ninyo sa bahay," seryosong sabi ni Dylan na agad sinunod ng kanyang driver.

Continue Reading

You'll Also Like

20K 567 157
Author: Xue Xiuhu Eight years after the end of the world, Wenzhu struggled to survive, and once he crossed over, but he reached a new end. The good n...
133K 3.8K 93
https://m.shubaow.net/175/175017_1/#all Lin An, an apocalyptic young man with supernatural powers, was reborn before returning to the apocalypse. He...
2.5K 171 15
The devil is real, he is not a little red man with horns and tails He can be beautiful Because he is a fallen angel, he used to be god favorite