Meeting My Ex As My Professor...

By ma_rgarita

498K 10.9K 563

Naya never imagined that she will be meeting her ex ever again. Akala nya nang maghiwalay sila ay maayos na a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
LAST CHAPTER

Chapter 18

5.2K 97 3
By ma_rgarita

Napabuntong hininga ako at muling nagsip ng shake na binili ni Neeon. Halos apat na araw kaming walang pasok.

Tahimik ang long weekend na nagdaan. Walang Baste na nagparamdam, pati si Calix four days kong hindi nakita. Puro text lang at tawag.

Busy sya, dahil sa mga nagdaang conferences at mga seminars na inattendan nya. I miss him. Sobrang namimiss ko na si Calix.

"Ang baho ng hininga mo, kanina ka pa buntong hininga dyan." Epal ni Sandy na naupo sa tabi ko.

Kinunutan ko sya ng noo at binugahan ng hangin. "Sige nga! Mabaho?"

Inirapan nya ako at nagpatuloy nalang ulit sa pagkain ng pizza nya.

Nandito kami ngayon sa food court ng mall kasama si Neeon. Kanina pa kami dito, kain nang kain, namamasyal at kanina galing rin kami sa archade nitong mall.

Narinig ko ang pagtawa ni Neeon na nakaupo sa tabi ni Sandy kaya naman sinamaan ko sya ng tingin. Tinawanan nya lang ako. Mukhang konti nalang mahahawa na si Neeon sa ugali ng kaibigan kong to.

Ilang linggo na rin ang lumipas mula nang ipaalam ni Sandy at Neeon na nagliligawan silang dalawa. I swear I am the happiest when I heard the news. Hindi ako makapaniwalang ang dalawa pa sa mga kaibigan ko ang magkakatuluyan.

Tumayo si Neeon at nagpaalam na mag babanyo  kaya naiwan kaming dalawa ni Sandy. Si Sandy na abalang abala sa pagkain ng pizza.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung nagtext na ba si Calix pero wala parin.

Sighs.

Namimiss ko na si Calix.

Napabuntong hininga nalang ulit ako at tinago ang cellphone ko. Agad namang napaangat ang tingin ko ng maramdaman kong may taong nakatayo sa harap namin ni Sandy.

Sandali akong napahinto nang makita ko kung sino ito.

She was standing right in front of us with her hands folded in front of her chest. Glaring at me. Agad ko ring napansin ang tatlo nyang kasama na nakatayo sa likuran niya. Katulad niya ay matatangkad din ang mga ito.

I felt nervous. Alam ko ang mga ganyan nyang mga tingin. After my several encounters with Leila I know for sure what is the meaning of her stares. It sure meant no peace.

"Naya." Mariing tawag nya sa pangalan ko.

Tumayo ako at hinarap sya. Nakatingin sya ng masama sa akin. Yung parang gusto akong apakan.

"Wow, we meet again." Mariing sabi nya. Ilang sandali pa ay nilingon nya ang mga kasama nya. "By the way girls, this is Naya, she's Axel's girlfriend." She said as she laughed mockingly. Nagtawanan naman ang mga kasama nya.

I couldn't find courage to say a word. Para akong nabato sa kinatatayuan ko.

"Hoy!" Napalingon ako kay Sandy na nagpagpag pa ng kamay. Tumayo sya sa tabi ko.

"Bakit nyo naman tinatawanan ang kaibigan ko? May nakakatawa ba sa kanya?" Nakasimangot na tanong sa kanila ni Sandy.

"Well, we just her funny looking. I don't know anong klaseng gayuma ba ang ginamit nya kay Axel bat patay na patay sa kanya." Leila laughed.

Hindi ako makaimik.

Napatawa si Sandy sa tabi ko. "Funny looking? Baka naman insecure ka lang, kasi sya nagustuhan ni Axel, ikaw hindi."

Agad na napakunot ang noo ni Leila.

"Mukhang ikaw ata ang may kailangan ng gayuma. Or maybe, gumamit ka na ng gayuma pero hindi tumalab?" Sandy added.

If only it's possible for visible smokes to come out from Leila's ear, there would be. Kitang kita ko ang galit sa mukha nito nang marinig ang sinabi ni Sandy. "You bitch!"

"You're the bitch! Nananahimik kami dito—-." Hindi na natapos pa ni Sandy ang sasabihin nya nang bigla bigla syang sampalin ni Leila.

Nagmadali akong lumapit kay Sandy at inalalayan sya pero pinigil nya ako. Maya maya pa ay lumapit sya kay Leila at sinampal nya ito pabalik.

"Sandy, tama na." Lumapit ako sa kanila at hinawakan sa braso si Sandy. Nagulat naman ako nang bigla akong hatakin ni Leila. Mabilis at malakas nya akong sinampal sa mukha.

"This is all your fault you bitch! Palagi kang umeepal sa buhay ko! Axel's mine! He's already mine, bakit bumalik ka pa!" Ilang saglit pa ay nagulat ako nang hatakin ni Leila ang buhok ko. "You don't even look pretty! You bitch!"

Nakita ko si Sandy na sinubukan pa akong hatakin papalayo kay Leila. Pero agad syang pinigilan ng mga kasama nito.

Naiiyak ako, hindi ko magawang lumaban. Sinubukan kong tanggalin ang kamay ni Leila sa buhok ko but I don't see any use of it. Tumulong pa ang ibang kasama niya sa pagsabunot sa akin.

Ang sakit.

Hanggang sa may tumulak sa akin dahilan para mapasalampak ako sa sahig.

Naramdaman ko ang pagtulo ng kung ano mula sa ilong ko kaya agad ko itong pinahiran. Mga dugo.

Hindi pa sila nasiyahan at talagang pinagpatuloy pa ang mga ginagawa nila. Nag-bblur na ang paningin ko, sobrang sakit ng ng ulo ko at nararamdaman ko parin ang pagtulo ng mga dugo mula sa ilong ko.

Lapitin talaga ako ng gulo at away. Parang kailan lang ng may mangaway sa akin sa university at pinagtutulungan ako. I swear, hindi ko ginusto to. As much as possible umiiwas ako sa mga ganitong mga bagay.

Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsisigaw sa akin ni Leila.

Hanggang sa mawalan na akong makita kundi dilim at maramdaman ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.


Ang sakit ng buong katawan ko, ang hapdi pa ng braso ko. Bahagya kong ginalaw ang braso ko at nagmulat ng mga mata.

Tatlong tao ang nakatingin sa akin. Si Neeon, si Calix at si Sandy na may band aid pa sa pisngi.

"Naya!" Naiiyak na tawag sa akin ni Sandy at agad na niyakap ako pagkaupong pagkaupo ko. "Buti nalang at nagising ka na!"

Lumayo sya at ininspect ang mga katawan ko. "Tignan mo! Tignan mo! Nagkagasgas ka pa dahil sa kanila! Tapos yan! Yan! Yang ilong mo, nagdugo!"

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Sandy. Sigurado ako na sa haba ng pagkakaibigan naming dalawa sobrang dalang na nakita ko syang umiiyak.

Hindi ko mapigilang mahawa sa kanya. Mabilis kong pinahiran ang luha ko. "Sorry, Sandy. Nadamay ka pa sa gulo."

Muli akong niyakap ni Sandy at umiyak.

"Sorry, Sandy!" Patuloy ako sa pagpahid ng mga luha ko. Ilang sandali lang naman ay humiwalay na sya sa pagkakayakap sa akin.

Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Mukhang nasa hospital pa ata ako. Huli kong natatandaan ay nawalan ako ng malay sa pinag gagagawa nila Leila sa akin.

Naramdaman ko ang paghawak ni Calix sa kamay ko.

"Hindi naman ikaw ang may kasalanan! Yung mga babaeng yun, sila ang may kasalanan. Lalo na yung Leila na yan!" Nilingon ni Sandy si Calix. "Diba kilala mo yun? Patay na patay sayo yung babaeng yon, yan tuloy si Naya ang gustong patayin!" Pasigaw na sabi ni Sandy kaya naman pinigilan na siya ni Neeon.

"I think, it's much better kung lalabas muna kami ni Sandy para naman mahimasmasan sya." Nakangiting sabi ni Neeon at inalalayang tumayo si Sandy.

Hindi parin tumitigil kakaiyak si Sandy kaya naman si Neeon na ang nagpahid ng luha nito. "Tigil na, Sandy. Let's just go out, I'll buy you food." Rinig ko pang sabi nya habang isinusukbit sa balikat nya ang bag ni Sandy.

Hanggang sa paglabas ng dalawa ay rinig ko parin ang pag iyak ni Sandy. Hindi ko mapigilang makonsensya lalo na't nadamay pa sya dahil sa akin.

Pinahidan ko ang mga luha ko ng maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Calix.

"I'm sorry, Naya. I'm not there to protect you." Bulong nya.

Lumayo ako sa kanya ng maramdaman kong mahapdi sa gasgas sa braso ko. Ngumiti ako ng konti at pinagpatuloy ang pagtutuyo ng pisngi ko. "It's fine. It's not your fault, Calix. At least your here. I really missed you."

"Me too, I've missed you." Calix smiled timidly.

"Nga pala, nasan tayo?" Tanong ko sa kanya nilibot ko ang tingin ko sa buong room. "We're in the hospital."

I learned that Neeon and Sandy rushed me to the hospital when I lost my consciousnesses. Agad nilang tinawagan si Calix na nagmadali namang pumunta.

There were some tests done to check if I was okay. Fortunately, okay naman ang lahat kaya't napagdesisyunan ng doktor na palabasin din ako kaagad. Binigyan lang ako ng painkillers para sa mga sugat at kalmot na inabot ko kanina.

Calix decided not to go back to the uni anymore. He said he's called for an excuse. Tahimik kaming lumabas ng room habang hawak ni Calix ang kamay ko at buhat buhat ang bag ko.

"Naya!" 

Agad akong napahinto sa paglalakad nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Lumapit sya sa akin, pinatong nya ang mga kamay nya sa magkabilaan kong balikat at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. "Damn! Are you okay? Tita Bea called me telling you're at the hospital." Hingal na sabi nya.

"Kairo!" I smiled at him. Maybe Sandy called mom to tell her. But why does mom have to tell Kairo na nandito ako?

Mom's not in town, proxy nya ba si Kairo?

"Okay naman ako. I'm fine."

Magsasalita sana si Kairo nang matigil sya nang mapansin nya si Calix sa tabi ko. Napabitaw pa sya sa pagkakahawak sa akin.

"By the way, this... this is Calix." I just awkwardly introduced Calix to his brother. I haven't even told Calix that I met his brother neither Kairo knows that I know his brother. I cleared my throat. "Calix, my boyfriend."

I swear something's going on between them. Magkapatid sila diba? Tama naman ako diba? The last time I was with Kairo, I was so sure he's Calix's little brother.

"Calix, this is Kairo, a friend."

Wala ni isa sa kanila ang nagsalita. There was an awkward silence between the three of us. Ni wala manlang akong mabakas na emosyon sa magkapatid na to.

I cleared my throat.

Magsasalita pa sana ako ng bigla nanamang may tumawag sa pangalan ko.

"Baste!" Tawag ko pabalik  sa kanya.  Agad akong napangiti.

It's Baste! Nananaginip ba ako? Si Baste nandito.

Nandito sya, ibig sabihin ba nito hindi na sya galit.

Lalapit sana ako sa kanya nang hindi nya ako pinansin at agad na sinugod si Calix ng malakas na suntok.

"Gago ka!" Sigaw pa nya dito.

Napahinto ako sa ginawa ni Baste. Kita ko kung paanong sinuntok nya ulit si Calix. "Tangina mo! Wala kang kwenta!" Sigaw ni Baste at muli sinuntok si Calix.

Nakatayo lang si Calix at hindi gumaganti. Hinawakan sya sa kwelyo ni Baste.

"Baste!" Nangingilid ng luha ko ng makita kong sinuntok nya ulit si Calix, natigil lang sya nang pigilan sya ni Kairo.

Nagpupumiglas pa siya hanggang si Kairo na ang nasuntok nya. Agad naman siyang ginantihan ni Kairo.

"Baste! Tama na!" Umiiyak kong sigaw, natigil sya at nilingon ako. Nagpahid ako ng luha. "Please, tama na Baste, please."

Napailing sya at hinarap si Calix. Si Calix na tahimik lang at hindi sya ginawang gantihan.

Nilingon nya ulit ako, napansin ko ang pamumula ng pisngi nya gawa ng pagkakasuntok sa kanya ni Kairo.

Patuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko. Humakbang ako papalapit sa kanya. Gustong gusto kong yakapin si Baste. Sobrang namiss ko sya. Sobra. Pero sa bawat hakbang ko ang sya namang pag atras nya.

"Baste." Nangingig ang boses kong tawag sa kanya.

Inilingan nya ako bago tuluyang tumalikod sa akin. Tinalikuran nya ako at tuluyang umalis.


"Sorry, Calix" Sabi ko habang pinapahidan ng betadine ang gilid ng labi nya. Calix refused to be attended at the hospital earlier kaya naman napagdesisyunan nalang namin na dumiretso sa condo unit nya so I can attend to his wounds.

Ngumiti naman sya. "It's alright, love." Sabi nya.

Kinuha ko yung maliit na band aid sa kit nya at nilagay iyon sa gilid ng labi nya.

Nakakalungkot isipin na nagkasugat ang flawless nyang mukha dahil sa akin. Oo, dahil sa akin. Hindi si Baste, kasi alam ko namang ginawa nya yon dahil inisip nyang nasaktan ako.

Nakatingin lang sa akin si Calix.

After what happened umalis din agad si Kairo at nagpaalam. Nahihiya ako sa kanilang magkapatid, pareho silang nadamay.

Napayuko nalang ako.

"Wag ka nang malungkot." Rinig kong sabi nya. Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko.

Ngumiti ako at nilingon sya. "Hindi ako malungkot."

Kumunot ang noo nya kaya naman agad kong hinawakan iyon. "Ang noo mo, Calix." Sabi ko.

Bumuntong hininga sya at kinuha ang kamay kong nakahawak sa noo nya at hinawakan iyon. "Tell me, love. Nahihirapan ka ba?" Tanong nya.

"Nahihirapan saan?"

"About us. Nahihirapan ka ba dahil sa akin? Am I a burden to you?" Mahinang boses na tanong ni Calix.

"You're not a burden. Bakit mo naman naiisip yan?"

Napabuntong hininga si Calix. Hindi ko mapigilan na kahit gaano pa kalungkot ang eskpresyon ng mukha nya ay pansin na pansin ko parin ang kagwapuhan nya.

"All of this, this happened dahil sakin." Umayos ng upo si Calix. "Leila wont leave you alone. Ilang beses ko nang sinabihan sya na layuan ka, she won't leave you alone."

"You think that's your fault. Ano ka ba Calix, hindi mo naman kasalanan yun. Hindi mo naman kayang kontrolin ang isang tao, don't blame yourself love."  Nginitian ko sya at marahan pinisil ang pisngi nya. "Napakagwapo mo kasi, patay na patay sayo si Leila." I chuckled.

Hindi naman natawa si Calix kaya naman napahinto ako. Nanatili lang syang nakatingin sa akin.

"What's bothering you, Calix?"

"I was outside the clinic when you were conversing with your friend, Baste. He hates me that's why he's avoiding you."

Napahinto ako sa sinabi ni Calix. I didn't want for him to know that. The last thing I want to happen is have everything blamed to him. Wala naman syang kasalanan.

"I'm sorry, Naya, for everything." Calix's voice was low. I can feel sincerity and sadness. I smiled at him weakly.

Calix is a wonderful person. He should not be blaming himself.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Naramdaman ko naman agad ang pagyakap nya pabalik sa akin. "I missed you, Calix. Sobrang namiss kita." Nanatili akong nakayakap sa kanya nang ihilig ko ang ulo ko upang makita ang mukha nya. "Let's not be sad okay?"

Ngumiti smiled as he nod. Ilang sandali pa ay nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Calix at paupuin sa lap nya.

"You don't know how much I missed you, Naya." Calix said.

Nakakandong ako sa kanya habang sya naman ay nakapalupot ang kamay sa bewang ko. Ilang sandali pa ay napapikit ako nang marahang haplusin ng labi nya ang labi ko. Calix softly kissed me and so I kissed him back.

Pero lumayo agad ako ng maramdaman kong natamaan ko ang sugat nya. "Masakit ba?"

Umiling lang sya, hinawakan ko ulit ang gilid ng labi nya. "Wag in denial, Calix."

"Masakit but your kisses are my meds." Tatawa tawang sabi nya at akmang hahalikan nanaman ako. Hinarang ko ang kamay ko sa kanya, pero tinanggal nya lang iyon at hinalikan nya ako ulit.

I sure missed his lips.

Sandaling pinutol nya ang halik nya sa akin. "I love you."

Nangiti naman ako sa sinabi nya. "Me too, I love myself" Pagbibiro ko.

Kumunot naman ang noo nya.

Napatawa ako napasign of peace. "And I love you too." I smiled as cupped his face with both of my hands. "Calix..." hindi ko mapigilang tignan ang eyebags sa ilalim ng mga mga mata nya. Maliban dito ay pansin ko ang pagod sa mukha nya.

Ang gwapo ni Calix na kahit bakas sa mukha nya ang pagod natatabunan iyon. Marahan kong hinaplos ang labi nya gamit ang hinlalaki ko.

Nanatili namang nakatingin sa akin Calix tila pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"Nagkakapagpahinga ka pa ba Calix? You seem really tired." Ani ko.

Calix smiled at me. "I am now resting. Ikaw ang pahinga ko." Hinilig ni Calix ang ulo nya. Nakanatili namang nakasapo ang kamay ko sa pisngi nya. "If we could only stay like this forever." Calix smiled still closing his eyes.

Napangiti ako at hindi mapigilan ang kiligin.

Calix's face is so peaceful. He's right if only we can stay like this forever. Buong araw kong pagmamasdan ang mukha niya, hindi ako mag sasawa.

Marahan kong tinanggal ang kamay ko sa pisngi ni Calix at isinandal ang ulo nya sa balikat ko. I wrapped my arms above his shoulders, him arms still on my waist. Nakakandong parin ako sa kanya, mukhang hindi naman ata sya nabibigatan.

There was a silence between us. Marahan kong nilingon ang mukha ni Calix. Mukhang nakatulog na ata sya.

Talagang pagod ang mahal ko. I decided to gently wake him. Gusto ko sanang pahigain nalang sya sa sofa o sa kama nya para mas lalo syang makapagpahinga ng mainam.

Marahan kong tinapik ang likod nya. "Calix..." I softly called his name.

"Hmm" still his eyes were close.

"Do you want to lay down? Para makatulog ka ng maayos." I suggested.

Calix smiled, nakapikit parin. Iniling nya ang ulo nya. "Nagugutom ako." He chuckled.

"Gusto mo ba ipagluto kita?"

Kita kong napahinto si Calix. Napamulat at napaayos ng upo. Calix looked at me surprised.

"Hmm. Gulat ka no? Si Naya magluluto." Natawa ako. "Ako din nagulat."

Tinawanan ako ni Calix.

"Pero kidding aside, tingin ko kaya kong ipaghanda ka ng lunch. I've been watching manang Lyn cook, nagpaturo din ako sa kanya. Gusto ko kasi ipagluto ka rin, laging ikaw ang nagluluto. I don't want you to get tired of me."

"I'll never get tired of you." Calix smiled.

Nginitian ko sya pabalik. "O sya, ipagluluto na kita, kaya ko to."

Agad akong tumayo at nagmamadali pumunta sa kitchen. Ang yabang yabang kong sinabi na ipagluluto ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at nagsearch ng kung anong madaling lutuin at masarap na ulam.

Top lister, chicken adobo.

Walang wala, chicken na chicken, madali lang to. Madali lang katulad ng ginagawa ni manang Lyn.

Kailangan kong ipagluto si Calix.

Nagsuot ako ng apron, pinuyod ko ang buhok ko at nagprepare ng iluluto. Natigil ako saglit at inisip kung papano ba uumpisahan.

Tinignan ko yung cellphone ko at sinundan ang steps.

Hiwain lang ang mga ingredients. Kinakabahan ako, hindi naman kasi ako ganon kagamay sa ganitong gawain.

Gagayahin ko nalang ang mga ginagawa ni Calix pag ipinagluluto nya ako.

Sibuyas. Ang sakit sa mata, habang naghihiwa ako nagpupunas ako ng luha ko at nasinghot ng ilong. Tinalo ko pa ang nasa teleserye.

"Avoid touching your face while cutting onions. Maiiyak ka talaga nyan." Rinig kong may sabi kaya agad na napaangat ang lingon ko.

Nakaupo si Calix sa dining table at may daladalang laptop.

Nginitian ko sya at nagpahid ng mata. "Okay, I'll try not to po."

Nginitian nya ako. "Sigurado ka bang kaya mo na yan? I can help you if want."

"Oo naman. Madali lang to, yakang yaka. Di mo dapat ako tulungan, dapat masanay ako para maging ideal wife ako." Sinet aside ko muna ang sibuyas at hiniwa naman yung iba.

Narinig ko ang pagtawa ni Calix kaya nilingon ko sya.

"You're my ideal girl, my ideal forever." Nakangiting sabi nya.

Napakagat ako sa pang ibaba kong labi at nagkunwaring hindi narinig ang sinabi nya pero sa loob loob ko mamatay matay na ko sa kilig.

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at tinuon ang buong focus ko doon. Parang madali lang naman pala. Nilingon ko ulit si Calix na abalang nagt-type ng kung ano don sa laptop nya at nagbabasa ng kung anong libro. Naka glasses pa sya.

Ang cute. Para kaming mag-asawa. Wife na abalang nagluluto para sa hubby ko.

Hinayaan ko nalang sya at nagpatuloy sa ginagawa ko. Kailangan masarap to. Nagluto ako with love syempre, para masarap.

Habang naghihiwa pa ako, hindi naiwasang nadaplisan ng kutsilyo ang daliri ko. Mabilis ko namang hinugasan iyon at hindi ko nalang pinahalata kay Calix. Masyado syang busy sa trabaho ayoko namang abalahin sya sa ginagawa nya dahil lang sa maliit na sugat.

Ilang sandali pa ay nahuhuli ko ang pasulyap sulyap sa akin ni Calix habang pinagpapatuloy ang mga ginagawa niya. Nginingitian ko lang sya at nagtuthumbs up upang malaman nya na keri ko pa naman.

Ilang minuto din ang lumipas at natapos na ako. Sana okay lang para sa kanya, sana masarap. Sinunod ko naman ng mabuti ang mga steps dito sa phone ko.

Hinintay ko nalang maluto rice at perfect na ang lahat. I felt so proud of myself. Ito ang unang beses na nagluto ako. Hindi ako makapaniwalang kinaya ko.

"I'll help you with that." Rinig kong may sabi kaya napalingon ako sa likuran ko. Sya na ang kumuha ng mga plato at kutsara.

"Salamat." Nilagay ko yung kanin at yung niluto kong ulam sa dining table. Umupo ako sa tabi nya. "Tikman mo na. Masarap yan." Nakangiti kong sabi habang patagong nakacross fingers.

Sana masarap, sana masarap.

Hindi muna ako kumain hinintay ko lang sya. Ngumiti sya at tumango. "I-it's okay. Masarap."

Hindi mapigilan ng noo ko ang mapakunot, ang fake ng reaksyon nya. Magaling talaga sya magtago ng ekspresyon nya, pero ngayon, halatang halata yung hindi totoong sabi nya.

Kumuha ako ng kutsara at tinikman yung niluto ko. "Ang pangit ng lasa, Calix!"

Hindi sya nagreact at tinignan lang ako.

"Hindi lasang adobo, bakit ganon? Sinunod ko naman yung steps sa cellphone ko. Ano bang problema ng manok na yan, bakit hindi sumarap?" Naghihimutok kong sabi.

Grabe, bakit pag si Calix nagluluto o kaya si Manang Lyn o kaya si Baste, masarap. Pag ako, hindi?

Ang sama naman. Napabagsak ang balikat ko habang nakatingin sa adobong niluto.

Napahinto ako ng makita kong nagpatuloy sya sa pagkain, kaya agad kong inagaw sa kanya yung kutsara nya. "Wag mo nang kainin. Iluwa mo dali!"

Uminom sya ng tubig at hinarap ako. "I promise, it doesn't taste that bad. May konting kulang, hindi masama ang lasa katulad ng iniisip mo. This is your first time to cook, Naya. Go easy on yourself."

Napatigil ako sa sinabi nya. Kiniss nya ako sa lips ng mabilis at muling hinarap ang pagkain.

Kumuha ako ng tubig at nagpatuloy nalang ulit sa pagkain. Parang tama naman sya ng konti, hindi naman ganon ka sama ang lasa pero hindi naman masarap.

Napahinto ako sa pagkain ng biglang hawakan ni Calix ang kamay ko. "Nasugat ka?" Kunot noong tanong nya.

Agad ko namang binawi sa kanya ang kamay ko. "Maliit lang, nadaplisan ng kutsilyo. Hindi naman masakit."

Kumunot lalo ang noo nya. Aba nawiwili nya sya sa pagkunot kunot ng noo.

Tumayo sya at lumabas ng kitchen, di ko alam kung san sya pupunta pero bumalik din naman agad sya. Umupo sya sa tabi ko at nilagyan ng band aid ang sugat ko.

"Tss. This is the reason why I was hesitant to let you work alone." Bulong nya habang inaayos ang pagkakalagay nung band aid sa daliri ko.

"Ano ka ba, okay lang yan. Ang liit na sugat. Duh." I rolled my eyes.

Binawi ko sa kanya ang kamay ko at sinubuan ulit sya ng pagkain. "Maliit na sugat, walang may kasalanan." Tatawa tawa kong sabi. Sinalinan ko ulit sya ng tubig mula sa pitcher at inabot iyon sa kaniya.

Nagpatuloy nalang ulit kami sa pagkain, na hindi na pinapansin kung ano man ang lasa ng ulam na linuluto ko.

"By the way, mom wants to meet you, love." Rinig kong basag ni Calix sa katahimikan.

Napahinto ako sa sinabi nya.

"We'll be having this family gathering on Sunday this week. She invited you there." Dagdag pa nya.

Binitawan ko ang hawak kong kutsara't tinidor at muling lumunok ng laway.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba nang marinig ko ang sinabi nya. His mom.

"Love."

His mom wants to meet me. I'm going to meet her again.

"Are you okay?"

Kinakabahan ako.

This isn't the first time but still it gives me this shitty feeling thinking of everything that has happened before.

"Naya."

Nung nakaraan lang na nagkita kami, kasama si mommy, we don't get a chance to talk. Siguro that time hindi nya lang alam pa na kami na ulit ni Calix, kaya siguro hindi ako tinarayan.

Pano kung ngayon alam nya na?

Will she tell me to stay away from Calix again?

"Naya, may problema ba?"

God, ayoko na magkaroon nanaman po ng rason na maghiwalay nanaman kami ni Calix.

Natatakot ako.

"Damn, Naya. Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka nagsasalita?" Napatigil ako sa malalim na pagiisip ng marinig ko ang mataas na tono ng boses ni Calix.

Nakatingin sya sa akin na parang nagaalala, lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa magkabilaang balikat. "Naya, love are you okay?"

Pinilit kong ngumiti, tinanguan ko sya at hinawakan ulit yung kutsara. Iniwasan ko sya ng tingin.

"Naya, are you okay?"

Hindi, Calix.

"Yes."

Napalunok ako, pinipigil ko ang mga luha ko, dala ng kaba.

"Hindi." rinig kong sabi nya kaya nilingon ko sya.

Tinanggal nya yung suot nyang glasses at minasahe ang mga temples nya. "Please, Naya. If there's any problem, please tell me."

Napayuko ako. "W-walang problema, kinabahan lang. You know, the thought of meeting your mom. Kinabahan lang.."

Narinig ko ang paghinga nya ng malalim, ganon din ang pagusog ng upuan nya papalapit sa akin. "Don't be."

I can't.

Kinakabahan ako sa mom mo. If only you know, Calix you probably won't be thrilled.

"I know my mom, she'll probably like you as much as I do, love." Nakangiting sabi nya. Inakbay nya ang kamay nya sa akin, kaya inililis ko ang ulo ko sa balikat nya.

Kung alam mo lang Calix. Sana naging same same nalang kayo ng standards ng mom mo. Pero hindi. Ang taas ng standards ng mom mo para sayo hindi ko maabot.

I hugged him, he kissed the top of my head. I smiled, hoping that miracle would happen. Na sana mag iba ang ihip ng hangin at magustuhan din ako ng mama nya para sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
141K 11.3K 171
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...