Feelings Deleted

By Lilian_Alexxis

1.5K 412 500

Dylan concluded that love is a fraud, so he learned how to restrain and tame his emotions. But could he contr... More

From The Writer
PROLOGUE: Love is Fictitious
Chapter 1: Meet the CEO
Chapter 2: A Blessing in Disguise
Chapter 4: The Heartless CEO
Chapter 5: Let's Catch a Thief
Chapter 6: The Kind CEO
Chapter 7: Connecting the Dots
Chapter 8: His almost-first kiss
Chapter 9: The good show
Chapter 10: He brought her home
Chapter 11: Family first
Chapter 12: Potential Threat
Chapter 13: Still Under Control
Chapter 14: Unrequited Love
Chapter 15: That Smile
Chapter 16: Software Upgrade
Chapter 17: You're Just Jealous
Chapter 18: The programmer
Chapter 19: The Broken CEO
Chapter 20: Trust and Care Without Love
Chapter 21: Business Proposal
Chapter 22: Let's connect the dots together
Chapter 23: I'll Be Your Star
Chapter 24: I want to live for her
Chapter 25: The Operation
Chapter 26: Successful Operation
Chapter 27: No Visitors Allowed
Chapter 28: Forgiveness
Chapter 29: The AI Version
Chapter 30: Betrayal
Chapter 31: The Enemy
Chapter 32: The Invitation
Chapter 33: I Stopped Believing in Love
Epilogue: Feelings Deleted

Chapter 3: The Message

62 13 24
By Lilian_Alexxis

"Wake up, heavy sleeper!"

"Jerson, please close the curtain again," yamot na utos ni Dylan.

"Aren't you going to work?"

"I'm not in the mood to work today," pangangatwiran ng lalaki. Pagkuwan ay umikot ito upang dumapa at saka isinubsob ang ulo sa unan.

"The Cyber Security Department was not successful in decrypting the message of the hacker. Aren't you going to do something?"

"Okay! You won!" Sagot ni Dylan bago tumayo at sinimulang ayusin ang kanyang kama.

"You know I always win," pakanta pang sagot ni Jerson.

"When did you learn to sing?" Nagtatakang tanong ni Dylan.

"Don't you know that I like music?"

"Yeah, right!" sagot ni Dylan bago pumasok sa banyo para maligo.

Pagkatapos maligo ay isinuot na niya ang nakahandang grey suit sa kanyang kama at nagmamadaling bumaba ng hagdan para makaalis.

"Whoops! Not so fast, young man!"

Nilingon niya sa kanyang likuran ang kanyang butler robot.

"I don't have time for breakfast today," sagot ni Dylan na muling pumihit upang tunguhin ang pinto.

Mabilis na umusad ang butler robot at sa isang iglap ay nasa harapan na siya ng binata. "You are not leaving without eating your breakfast."

Iniangat ni Dylan ang kaliwang braso at saka nilislis ang manggas ng kanyang suit upang silipin ang oras sa kanyang suot na relo.

7:45 AM

"Come on. Remove your suit jacket and eat your breakfast."

Walang nagawa ang binata kundi ang hubarin ang suit at sumunod sa kagustuhan ng kanyang butler robot.

Pinaupo siya ni Jerson sa dining table. Nang sumunod siya ay mabilis itong pumihit patungo sa kusina. Pagkuwan ay muli itong bumalik dala ang isang tray.

Nagliwanag ang mukha ni Dylan nang makita ang kanyang almusal at saka tinapunan ng tingin ang kanyang butler robot.

Minsan gusto na niyang muling kalkalin ang parts ng central processor ni Jerson. Alam niyang ginawa niya ito na mag-isip na parang tao, ngunit hindi niya inaasahan na lalagpas ito sa kanyang inaasahan.

Maingat na inilapag ni Jerson ang platito na naglalaman ng Sour Cream Coffee Cake sa harap ng binata. Kasunod ang cappuccino na nakasanayang niyang isabay sa paborito niyang cake.

"Just one cut?" Tila batang ngumuso si Dylan sa kanyang butler nang makitang isang two by three inches na hiwa ng cake lamang ang laman ng platito sa kanyang harapan.

"There's an eight by twelve inches size of a cake waiting for you inside your Maybach."

Lumabas ang isang maluwag na ngiti sa labi ng binata. "You are the best, Jerson!"

"I know."

Napapikit ang lalaki ng sumayad sa kanyang dila ang matamis at nutty flavor ng pecan na sinabayan ng mabangong flavor ng cinnamon. "This is life!"

Lumitaw ang masayang mukha sa screen face ni Jerson. Masaya siyang napasaya niya ang kanyang boss sa araw na ito.

Matapos kumain ay sumakay na sa naghihintay na itim na Mercedes Maybach si Dylan. Ang Second in command bodyguard ang nasa steering wheel habang katabi nito ang close in bodyguard.

"Where is Lee?" Nagtatakang tanong ng lalaki nang makitang wala ang pinsan sa loob ng sasakyan.

"He thought you're not going to work today and went ahead, boss," paliwanag ng kanyang bodyguard. "I already informed him that we are about to leave, and he said he will see you at the office."

Hindi na siya kumibo at sumakay na lamang ng sasakyan. Nasa tabi niya ang isang box ng cake. Siguradong matutuwa rin si Emily sa kanyang dala.

Pagdating niya sa entrance ng building ay naroon na ang mga executives at empleyado na naghihintay sa kanya. Mabuti na lamang at mabilis magpatakbo ang kanyang bodyguard at dumating sila ng eksaktong 8:30 AM.

Ayaw niyang ma-late sa pagdating dahil ang pagiging maagang pagpasok sa trabaho ang isa sa rules niya sa opisina.

Pagkakita niya sa manager ng Cyber Security Department, agad niya itong inurirat tungkol sa encrypted message.

"Any update?"

"Sorry sir, our experts have done everything they could but still failed to decode the message," pabulong na sagot ng manager upang hindi marinig ng ibang tao.

Nagsalubong ang makakapal na kilay ng binata. "Set up the computers and the team in my conference room immediately. I will decode it today."

Napatiimbagang ang manager. Siguradong malalagay sila sa alanganin sakaling magtagumpay ang kanilang CEO na ma-decode ang encrypted message, ngunit kailangan niyang sundin ang utos nito. "Right away, sir."

Dahil nauna na sa opisina si Lee, sinamahan ng close-in bodyguard niya si Dylan sa loob ng elevator hanggang sa marating nila ang opisina.

Lalong sumama ang mukha ng CEO nang makitang nakatayo sa pinto ng kanyang opisina ang babaeng late comer. Nakasuot ito ng white silk blouse na pinarisan ng grey blazer at pencil cut skirt. Nagmukha ring mahaba ang kanyang legs sa suot na itim na stilettos.

Napalingon si Dylan sa kanyang tabi nang marinig ang mahinang pagsipol ng kanyang bodyguard. Huminto siya paglalakad at tinitigan ng masama ang lalaki kahit pa malaki ng tatlong beses sa katawan niya ang bulto nito.

Yumuko ito at agad na humingi ng paumanhin. "Sorry, boss."

"You are not allowed to disrespect any of my staff, especially that woman."

Tumango ang bodyguard at muling humingi ng paumanhin. "I'm sorry, I admired her inappropriately."

Sa pagkayamot ay kinuha ni Dylan ang cake sa bodyguard at saka ito sinenyasan na umalis na.

"Good morning, Mr. James!" masayang bati ni Lianne sa CEO.

Dumilim ang mukha ni Dylan dahilan upang pamulahan ng mukha ang dalaga.

Mali ba ang pagkakabati ko?

"Give this to Emily and tell her to prepare the conference room," utos niya.

"Okay." Tipid na sagot ng dalaga at saka kinuha ang box ng cake sa kamay ng binata.

Hindi napansin ni Lianne na dumantay ang dulo ng kanyang mga daliri sa kamay ng CEO nang saluhin niya ng kanyang kamay sa ilalim ang box. Pakiramdam naman ni Dylan ay nakuryente siya kaya agad niyang tinanggal ang kanyang kamay at mabilis na pumasok sa kanyang opisina.

Dumiretso siya sa sariling banyo at agad tiningnan sa salamin kung bakit nag-iinit ang kanyang tainga. Napakunot ang noo niya nang makita namumula ang mga ito. Agad siyang naghugas ng kamay at saka bumalik sa kanyang opisina upang uminom ng tubig.

Nagulat siya sa biglaang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina at sumungaw ang mukha ni Lee.

"Ready na ang conference room," pagbungad nito na agad na napansin ang tila pagkabalisa ng kanyang pinsan. "Are you okay?"

Pinagtikom ni Dylan ang kanyang labi. "Oo naman. Tara!"

Paglabas niya ng opisina ay napansin niyang wala pa si Emily sa harap ng mesa nito.

"Where is my sister?" pabulong na tanong niya kay Lee.

"Male-late daw dahil sumakit kaninang madaling araw ang tiyan," paliwanag ni Lee.

Napahinto maglakad si Dylan. "Sabihin mo huwag na muna pumasok today. Baka kung ano pa mangyari sa pamangkin ko."

"Sige," sagot agad ni Lee na mabilis na kinuha ang cellphone at nagpadala ng text message kay Emily.

Pagpasok nila sa conference room, naroon ang managers ng Cyber Security at IT departments at apat pang mga tauhan nila.

Agad na naupo si Dylan sa harap ng dalawang monitor at saka nagtipa sa keyboard. "What have you tried, so far?"

Lumapit ang isang empleyado. "We highlighted the ciphertext and tried to open the PGP Tray but we cannot decrypt it."

"How many passwords did you try?" muling tanong ni Dylan.

"We can't remember anymore but all the combinations in the alphabet and numbers failed us," sagot naman ng isa pa.

Muling isinara ni Dylan ang file at saka nagright click, sinilip niya ang properties at saka cli-nick ang advanced section. Tinaggal niya ang pagkaka-check sa box ng Encrypt Message at saka muling in-exit ang file.

Nagtinginan ang apat na empleyado at saka bahagyang kumunot ang noo. Sinubukan na rin kasi nila iyon at hindi gumana.

Muli niyang binuksan ang file at humingi pa rin ng password ang upang mabuksan niya ang file. Sinubukan niya ang pangalan ng kanyang kumpanya at lumitaw sa screen ang isang smiley.

Nagtinginan ang dalawang cyber security experts. Ilang malalaking butil ng pawis ang naglabasan sa kanilang noo. Aminado silang magaling ang hacker ngunit hindi nila inaasahan na kaya nitong kutyain ang kanilang CEO.

Sandaling pumikit si Dylan upang hindi mainis sa pang-aasar ng hacker. Kailangan niyang mag-focus.

Muling isinara ng CEO ang file at saka sinilip kung may makikitang source code. Sinilip rin niya kung isa itong binary file at hindi siya nagkamali. Dahil hindi nila mabuksan ang file gamit ang passwords, sinubukan niyang buksan ang binary log encryption ID. Ilang ulit pang nagtipa sa keyboard si Dylan hanggang sa lumitaw ang nakatagong Keyring Key Value.

"We tried to find that for how many times, but we failed," manghang sabi ng isang programmer.

Isang tipid na ngiti ang lumitaw sa labi ni Dylan. Napansin niya ang pagbabago sa log ng encrypted message. Sigurado siyang sinasabayan siya ngayon ng hacker. Ang pinagtatakhan niya ay kung paanong nakapasok sa kanilang system ang hacker.

Binuksan ni Dylan ang isang window at may tinipa roon. Gusto niyang masigurong mataas pa rin ang firewall ng confidential files ng kumpanya. Nang masigurong walang paggalaw o pagtangkang pagpasok sa firewall gamit ang anumang virus, binalikan niya ang encrypted message.

"Linux?" Nagtatakang saad ng IT specialist nila. Hindi kasi ito lumitaw sa ilang ulit na pagsubok nilang ma-decrypt ang mensahe.

Tinipa niya ang pamilyar na walong numero na nakita niya sa Key Value at mabilis na bumukas ang isang video screen. Nanlaki ang mga mata ng staff sa loob ng conference room. 

Sa video makikitang tumalon ang isang puting pusa sa ibabaw ng tiklado ng piano at inapakan ang mga iyon na parang sumasayaw kung saan pumapailanlang ang pamilyar na tugtog sa bawat apak ng pusa sa tiklado. Nang matapos sa pagtugtog ang pusa ay lumitaw sa screen ang mga katagang: HAPPY BIRTHDAY, DYLAN JAMES!

Laglag ang mga paa ng mga kasama ni Dylan sa conference room maliban kay Lee na kunut na kunot ang noo. Ngayon lamang nabunyag sa kumpanya na ngayon ang kaarawan ng kanilang CEO. 

Nagdilim ang mukha ni Dylan sa narinig at nabasa. Mabilis itong tumayo at tumipa sa isang laptop, lumitaw ang isang IP Address. "Find that person, now!"

Continue Reading

You'll Also Like

97.1K 3.4K 48
Hope and Josie has always been friends but one Josie birthday things get out of hand and something happens that effects their future with eachother...
21K 582 157
Author: Xue Xiuhu Eight years after the end of the world, Wenzhu struggled to survive, and once he crossed over, but he reached a new end. The good n...
2.7K 179 17
The devil is real, he is not a little red man with horns and tails He can be beautiful Because he is a fallen angel, he used to be god favorite
246K 4.7K 174
An accident. She's pregnant. How unlucky. She got pregnant in one shot! What was even more unfortunate was that the end of the world had arrived, and...