Feelings Deleted

By Lilian_Alexxis

1.5K 412 500

Dylan concluded that love is a fraud, so he learned how to restrain and tame his emotions. But could he contr... More

From The Writer
PROLOGUE: Love is Fictitious
Chapter 2: A Blessing in Disguise
Chapter 3: The Message
Chapter 4: The Heartless CEO
Chapter 5: Let's Catch a Thief
Chapter 6: The Kind CEO
Chapter 7: Connecting the Dots
Chapter 8: His almost-first kiss
Chapter 9: The good show
Chapter 10: He brought her home
Chapter 11: Family first
Chapter 12: Potential Threat
Chapter 13: Still Under Control
Chapter 14: Unrequited Love
Chapter 15: That Smile
Chapter 16: Software Upgrade
Chapter 17: You're Just Jealous
Chapter 18: The programmer
Chapter 19: The Broken CEO
Chapter 20: Trust and Care Without Love
Chapter 21: Business Proposal
Chapter 22: Let's connect the dots together
Chapter 23: I'll Be Your Star
Chapter 24: I want to live for her
Chapter 25: The Operation
Chapter 26: Successful Operation
Chapter 27: No Visitors Allowed
Chapter 28: Forgiveness
Chapter 29: The AI Version
Chapter 30: Betrayal
Chapter 31: The Enemy
Chapter 32: The Invitation
Chapter 33: I Stopped Believing in Love
Epilogue: Feelings Deleted

Chapter 1: Meet the CEO

81 15 44
By Lilian_Alexxis

"Good morning, boss. The time is exactly 7:00 AM."

Unti-unting bumukas ang block-out curtains sa kaliwang bahagi ng silid at nagsimulang pumasok ang sinag ng araw sa kanina'y napakadilim na kuwarto.

Gumalaw ang braso ng isang lalaki sa kama. Kinapa nito ang paligid ng king sized bed hanggang sa madampot ang isang unan at isinaklob sa kanyang mukha.

"Boss, wake up. You have a meeting today in AI Victoria Tower at exactly 9:00 AM."

Muling gumalaw ang lalaki sa ibabaw ng kama at saka ito dumapa. "Did anyone from the Cyber Security Department send a report regarding the hacking attempt?"

Umingit ang isang machine, tila may kung anong binabasa. "I did not receive any report, Boss."

Nang marinig ito mula sa kanyang butler, agad napaupo ang lalaki sa kama. "So, what would be our agenda for the 9:00 AM meeting if they haven't resolved the issue?"

Umingit lamang ang machine.

"Jerson, why are you not answering me?"

"It's because I do not have any answer to that question, boss."

Nagpasya ang lalaki na tumayo sa kanyang kama at saka nagsimulang ligpitin ang hinigaan.

"Boss, just leave it there. I'll fix your bed after preparing your breakfast."

Umirap ang lalaki, "Just cook. I can make my own bed."

Nang makuntento sa pagkakaayos ng kama, dumiretso ang lalaki sa banyo para maligo. Suot ang fitted white undershirt at asul na slacks, bumaba ang lalaki mula sa ikalawang palapag ng bahay at saka tinungo ang kusina. Nakita niya ang pag-itsa sa itaas ng omelette mula sa non-stick pan at bumagsak ito sa puting ceramic plate. Mabilis ding dinampot ng robot ang dalawang waffle mula sa waffle maker at inilagay sa plato bago umikot paharap sa kanya.

"Good morning, Mr. Dylan James! Your breakfast for today—waffles and tuna omelette," isang line drawing ng labi at dalawang bilugang mata ang lumabas sa screen face ng robot.

"Thank you, Jerson," seryosong sagot ni Dylan at saka tiningnan ang countertop sa kanyang harapan ngunit walang kapeng nakahain.

"Ohhh, your coffee," mabilis na umusad ang robot patungo sa coffeemaker at saka nagsalin sa isang puting mug ng kape. "Do you want it plain black or with cream?"

"With cream."

Matapos makapag-almusal, muling umakyat sa kanyang kuwarto ang binata upang magsipilyo at isinuot ang kanyang polo long sleeves, asul na tie and suit na pinarisan ng itim na leather belt at sapatos.

Pagbaba niya, nasa pinto na ng salas ang kanyang butler robot at agad iniabot sa kanya ang susi ng sasakyan. Nakahanda na rin ang dalawang itim na SUV kung saan nakasakay ang kanyang mga bodyguard.

"Good morning, boss!" Nakangiting bati sa kanya ni Lee na nakatayo sa tabi ng kanyang asul na McLaren 765LT Spider.

Kumunot ang noo ni Dylan. Ilang ulit na niyang sinuway ang pinsan sa pagtawag sa kanya ng boss. "Lee, hindi ka robot. Huwag mo siyang gayahin."

Umingit ang machine. Nang lingunin ni Dylan ang robot na butler, lumitaw sa screen face nito ang translation sa English ng kanyang binitawang pangungusap.

"Ohhh, that hurts. For you, I am just a robot," sabi nito at saka lumitaw sa screen face nito ang mga matang umiiyak at labing nakasimangot.

Bago pa makapagsalita si Dylan ay tumalikod na ang butler robot at pinagsarhan na siya ng pinto. Napamaang siya sa inakto ni Jerson. "Kailan pa siya natutong mag-translate? Nagdabog pa!"

"Tumatanda na yata si Jerson, nagiging maramdamin na," nangingiting sagot ni Lee sa pinsan.

Biglang umalingaw ang pag-ingit ng machine. "I know how to translate; I am not dumb. And yes, I can hear you!"

Nagtinginan ang magpinsan at saka tahimik na humagikgik.

"Stop laughing, I can see you, too!"

Napahinto sa pagtawa ang dalawa at sumeryoso ang mga mukha.

"And I am not yet old, although my brain is five years older than the boss."

"We know that Jerson. We will leave now, kindly open the gate," seryosong utos ni Dylan sa butler.

Umalingawngaw muli ang pag-ingit ng machine at saka dahan-dahang bumukas ang gate. Agad sumakay sa driver's seat si Dylan habang umikot naman sa kabilang side si Lee upang sumakay sa shotgun seat.

Tahimik na nagmaneho si Dylan. Ayaw na niyang pag-usapan ang pagta-tantrums ng kanyang butler robot dahil alam niyang maririnig siya nito at muling sasabat sa kanila ni Lee.

Maging si Lee ay alam din ito kaya hindi na rin nito inungkat ang kakaibang kilos ni Jerson. Sigurado naman siyang pag-uwi nila mamayang hapon ay kakalikutin ng kanyang pinsan ang configuration ni Jerson.

Mula sa Villa ni Dylan, tatlumpong minuto nilang binaybay ang South Superhighway ng Victoria City bago narating ang AI Victoria Tower sa Central Business District ng siyudad.

Eksaktong 8:30 AM nang dumating ang tatlong sasakyan sa main entrance ng building. Sa labas ng lobby ay nakatayo na ang mga executive officer ng Accelerating Innovations Technologies Regional Head Office.

Napatingin si Dylan sa mga empleyado at saka kumunot ang noo, sinasalubong na naman siya ng lahat. Mabuti sana kung sumasalubong lamang sila sa tuwing matagal siyang nawawala lalo na kung may inaasikaso siyang gusot sa main office sa Leicester City, pero araw-araw siyang sinasalubong ng lahat ng empleyado sa tuwing narito siya. Ito ang hindi niya maintindihan sa gawi ng mga Asyano, ibang klase sila magpakita ng respeto.

"Hindi ka pa ba sanay sa kanila?" tanong ni Lee.

"Medyo," maiksi nitong sagot bago pinatay ang makina ng sasakyan at saka iniabot kay Lee ang susi.

Sabay silang bumaba ng sasakyan at saka naglakad patungo sa lobby. Iniabot ni Lee ang susi sa second in-command bodyguard na tumabi sa kanya habang ang close-in bodyguard ni Dylan ay tumabi na sa huli. Nakakalat naman sa paligid nila ang anim pang bodyguard na alertong nagmamasid sa paligid.

Sabay-sabay na nagsiyukuan ang mga executive officer sa harap ng dalawang lalaki at sabay-sabay na bumati. "Good morning, Sir."

Bahagyang yumuko ang dalawa upang batiin ang mga ito at saka naglakad papasok sa lobby ng building. Pagpasok sa lobby ay nakayuko rin ang may singkwenta kataong empleyado ng AI Technologies na tila mababali na ang mga likod sa pagkakayuko.

Bago marating nila Dylan at Lee ang dulo ng mga empleyadong nakayuko, isang babaeng empleyado ang humahangos na pumila sa dulo at saka yumuko.

Napalingon si Dylan sa wall clock sa reception area, 8:34 AM na. Sa lahat ng ayaw niya ay ang nahuhuli sa pagpasok ang mga empleyado. Isa ito sa mahigpit niyang ipinagbabawal.

Huminto siya sa paglalakad sa harap ng babae at istriktong nagsalita, "Are you aware of the number one rule of this company?"

Napapikit ang babae at nanatiling nakayuko. Dumadagundong ang tibok ng puso niya dahil sa paghabol sa kanyang hininga sa bilis ng kanyang pagtakbo at ang takot na harapin ang galit ng kanilang CEO.

Bakit ba naman kasi tinanghali ak0 ng gising ngayon?

Siniko ng katabing babaeng empleyado ang kinakausap ng kanilang CEO.

"Y-yes, sir," nauutal sa takot na sagot ng babae.

Lalong sumama ang mukha ni Dylan. "From what department are you?"

Bago pa makasagot ang babae ay nagmamadaling lumapit ang head ng Human Resources Department sa kanilang CEO at agad na yumukod. "She is from HRMD, Sir. Please forgive me for not training her well."

"HRMD, huh? What is her position?" Masungit na sagot ng CEO.

Napatingin si Lee sa babae na halatang kabado na sa pagsusungit ng kanyang pinsan.

Kaya hindi nakaka-girlfriend eh. Napakasungit sa babae.

"She's one of the administrative staff, sir."

Napatingin si Lee sa kanyang wristwatch at saka bumulong sa kanyang pinsan. "May meeting tayo ng 9:00 AM."

Hindi pinansin ni Dylan ang pinsan at muling nagtanong, "Is she still on probation?"

Umiling ang HRMD Manager, "No, sir. She has been with us for two years. She is one of the pioneer employees."

Tiningnan ni Dylan ang nakayukong babae sa kanyang harapan. "It seems that your subordinates are slacking off. Transfer her to my office!"

"Y-yes, sir!" gulat na sagot ng HR manager na agad na sumunod sa paglalakad palayo ng kanilang CEO.

Inihatid ng mga executives ang dalawa sa elevator at muling yumukod ng makitang pumasok na ang mga ito sa elevator.

Nang magsara ang pinto ng elevator, ini-scan ni Lee ang kanyang ID at agad na umilaw ang 35th button. Nilingon ni Lee si Dylan na salubong pa rin ang mga kilay.

"Baka naman may nangyari lang kaya na-late yung babaeng empleyado," mahinang komento ni Lee.

"Sinasabi mo bang mali na sitahin ko siya?" inis na sagot ni Dylan.

"Naawa lang ako. Takot na takot yung babae. Ang ganda pa naman!" pilyong sagot ni Lee.

"Wala akong pakialam sa ganda niya. Sumunod siya sa rules ko!" madiing sagot ni Dylan sa pinsan.

"Whoa! Ang init ng ulo? Basta talaga babae, ang bilis uminit ng ulo mo!" sagot naman ni Lee.

Hindi na nagsalita si Dylan. Isinuksok niya ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon at saka tahimik na tiningnan ang screen sa elevator upang malaman kung anong floor na sila.

Napailing na lamang si Lee.

Kailan kaya lalambot muli ang puso ng kanyang pinsan sa mga babae? Siguradong pag-iinitan nito ang babae empleyado kanina kapag nailipat na ito sa kanyang opisina. Ano kayang gagawin niyang pagpapahirap dito?

Nang bumukas ang elevator, bumungad sa kanila ang sekretarya ni Dylan.

"Good morning, 'Lan! The Cyber Security Department submitted their report before you came in. You might want to review it before going to the meeting," dire-diretsong sabi ni Emily habang hawak-hawak ang malaking tiyan.

Tumango si Dylan sa kanya at saka tiningnan ang tiyan ni Emily. Malapit na itong manganak. Si Emily lamang ang pinagkakatiwalaan niyang babae. Anak ito ng kapitbahay nila sa Leicester City. Ang pamilya nila Emily ang tumulong sa kanyang ama na mag-alaga sa kanya upang makapagtrabaho ito. Mas matanda ito sa kanya ng labing dalawang taon kaya nakatatandang kapatid na ang turing niya rito.

Pumasok si Dylan sa kanyang opisina habang si Lee naman ay pumasok sa kabilang pinto. Si Lee ang Assistant to the President and CEO. Anak ito ng kapatid ng kanyang ama na nakapag-asawa rin ng Asian. Ang pinsan niya ang tumulong sa kanyang magtayo ng regional office sa Asya at ito rin ang pinagkakatiwalaan niya ng husto sa kanyang negosyo.

Naupo si Dylan sa kanyang upuan at saka pinindot ang isang button sa kanyang mesa. Bumukas ang hologram display sa kanyang harapan at saka binuksan ang isang folder. Habang binabasa ang laman ng report ay lalong dumilim ang mukha ni binata.

Pinindot niya ang button ng intercom, "Lee, tell the Cyber Security Team that I am giving them until tomorrow to decrypt the encrypted message of the hacker, or I will be the one to do it!"

"Why are you so obsessed to know about the encrypted message? The hacker failed to access our files, and that is the most important," sagot ni Lee sa kabilang linya.

"We are the best Artificial Intelligence company in UK and in Asia, how come our programmers and cybersecurity experts cannot decode the encrypted message? I want to know who is behind this hacking attempt," seryosong sagot ni Dylan at saka ibinaba ang intercom.

Posibleng hindi sila napasok ng hacker ngayon, ngunit kung palalagpasin niya ang ginawa nito posibleng sa susunod ay mapasok na nito ang firewall ng AI Technologies at posibleng ma-access ang programs ng kanilang mga produkto. Hindi siya makapapayag na malaman ng kanilang mga kakumpitensiya ang sikreto ng kanilang AI products. 

Continue Reading

You'll Also Like

16.6K 331 116
Author: Bai Jiu Run a tavern and get more new items through gacha. Decorate your tavern, build farms and pastures, harvest a wide variety of produce...
1.9K 141 2
During fasting, I think the Lord moved me to share my testimony to the public. Now, I do this in obedience to that gentle stirring. Warning: Long pos...
2.7K 179 17
The devil is real, he is not a little red man with horns and tails He can be beautiful Because he is a fallen angel, he used to be god favorite
134K 3.8K 93
https://m.shubaow.net/175/175017_1/#all Lin An, an apocalyptic young man with supernatural powers, was reborn before returning to the apocalypse. He...