Meeting My Ex As My Professor...

By ma_rgarita

499K 10.9K 563

Naya never imagined that she will be meeting her ex ever again. Akala nya nang maghiwalay sila ay maayos na a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
LAST CHAPTER

Chapter 14

6.8K 155 0
By ma_rgarita

"And who the hell are you?" mataray at pasigaw na sabi ng isa sa mga babaeng humarang sa amin ni Sandy.

Tinawanan sya ni Sandy, "Sandy Pascual. Bakit?"

"So what? Hindi naman ikaw ang hanap namin."

Napansin ko lang, para akong nasa teleserye. Palaging may mga mean girls sa paligid ko. Kailan ba sila mawawala?

"Baliw ka pala, eh. Tinanong mo kaya kung sino ako."

"Whatever, bitch." Irap nito.

Naasar sa sinabi nila si Sandy at akmang susugurin ang mga babae mabuti na lamang at nahawakan ko sya sa braso. The last thing I want to happen today is to engage in a fight. I swear, I have no energy for this. Gusto ko lang ng tahimik na buhay.

"Sandy!" I screamed at her in a whisper. Nilingon ako ni Sandy at akmang sisermunan nang makita ko ang isa sa mga babaeng akmang hahatakin ang buhok ng kaibigan ko. Mabilis kong kinabig si Sandy upang mailayo sa babae.

Huminga ako ng malalim at hinatak sya ng tuluyan upang tumakbo. Wala naman nang nagawa si Sandy kundi sumunod sa akin. Talaga namang diterminado ang mga babaeng iyon at nagawa pa kaming habulin.

Mas binilisan pa namin ang pag-takbo. Nang makita ko naman na wala na sila ay napagpasyahan ko nang huminto. Habol hininga kong pinahiran ang mga pawis kong tumutulo.

"Bakit ka ba tumakbo?"

Nilingon ko sya. Hingal na hingal na nakahawak sa bewang nya. Lumapit ako sa kanya, kahit hingal na hingal ako ay pinitik ko sya sa noo.

"Aray, ha!" Sigaw nya sabay hawak sa pawis na pawis nyang noo.

"Ano ba kasing balak mo? Gusto mo bang mapagtulungan tayo ng mga babaeng yon? Naku hindi mo gugustuhing maranasan ang mga dinanas ko."

Humawak sya sa mga tuhod nya at huminga ng malalim. "Tinawag kaya akong bitch, hahayaan ko lang ba yun?"

"Bakit totoo ba?"

Umayos sya ng tayo at pinitik din ako sa noo, "alam mo minsan itry mong lumaban. Kaya lagi kang kinakayankayanan hindi ka kasi lumalaban. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay applicable ang pagiging mabait, Naya."

"Ayoko lang kasi talaga ng away."

"Pero yun parin ang nangyayari kaya kung ako sayo, di ko sila hahayaang kayankayanin ako. Subukan uli nilang awayin ka ako sasapak sa kanila," umirap sya kaya naman nalingon sya sa ibang direksyon. Sandaling napahinto si Sandy at napangiti.

Kumaway sya ng nakangiti ng pagkalawak lawak, "sir!"

Napakunot ang noo ko sa sinigaw ni Sandy.

"Sir Axel!" tawag pa nya at nagtatalon talon pa.

Napakagat ako ng madiin sa labi ko at agad na napatingin sa tinatawag ni Sandy. Umiling ako ng paulit ulit sa kanya upang tigilan nya ang pagsigaw pero hindi nya ako pinansin.

"Sir! Sir! Sir!" paulit ulit nyang sigaw.

"Sir! Yooohoo! Dito!" sigaw nya.

Sa mga oras na to, gusto ko talaga syang sapakin. Alam naman ni Sandy at sinabi ko rin sa kanya kanina kung gaano ako nahihiya kay Calix dahil sa nakasulat sa dyaryong nabasa namin. Sa ngayon, ayaw ko muna syang harapin. Ayoko lang magalit sya sa akin. Kailan lang kami nagkaayos.

Huminga ako ng malalim at humakbang papalayo sa kanila dahil narinig ko ang pagdating ni Calix. I'll just go.

"Si Babyloves mo ba hanap mo? Nandito sya kaso, mukhang balak ka pa atang takasan," rinig kong sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Pinalo ko ang kamay nya para bumitaw pero ayaw nyang patinag.

Nakatingin lang si Calix sa akin nakangiti, hindi mukhang galit.

"Kung ako sayo..." kinuha nya rin yung kamay ni Calix at pinaghawak ang mga kamay namin "...hawakan mo ng mahigpit kamay nyan para hindi makatakas."

Tinawanan lang sya ni Calix. Agad namang nag-init ang mukha ko sa hiya.

"Tawa tawa ka dyan? Ayaw mo ba? Kunin ko nalang ulit si Naya, kakain nalang kami," akmang tatanggalin nya ulit ang kamay ko kay Calix ng pigilan sya nito.

"No, no. I'm fine with this, very fine. Thank you, Sandy," nakangiting sabi ni Calix.

"Kung gano naman pala, aalis na ako. Pero paalala lang, pag yang bruha na yan nakita kong umiiyak ulit dahil sayo. Humanda ka talaga sa akin. Kahit professor kita, hindi ako matatakot sayo." Pagbabanta ni Sandy.

Ang lakas ng loob. Minsan ako nalang ako kinakabahan para sa kanya, tutal parang hindi naman sya nakararamdam nun.

Inayos ni Calix ang pagkakahawak sa kamay ko at inilingan si Sandy, "I promise, that won't happen, ever again."

"Okay, sige na. Mauuna na talaga ako," nakangiting sabi ni Sandy. Nag apir pa talaga ang dalawa bago tuluyang umalis si Sandy.

"Are you free?" tanong sa akin ni Calix kaya naman inangat ko ang tingin ko sa kanya at tinanguan sya.

Ngumiti sya. "Great then, let's have a date."

Lalakad na sya pero hindi ako, kaya huminto rin sya.

Huminga ako ng malalim, "Calix." Tawag ko sa kanya.

Nilingon nya ako. He's smiling at me and I felt bad. Bakit ang bait na tao ni Calix? How could he smile at me after what he saw?

I was so hesitant to open my mouth but I still did. "About that newspaper," I took a deep breath. "I know you've already seen it. I just want to say I'm sorry. Hindi naman totoo na may something kami ni Baste at ni Neeon. They totally misunderstood it." Pagpapaliwanag ko.

"I know. I believe in you." Calix said. "I wasn't in your life that time, that is something I can't be mad over about."

Hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa isa ko pang kamay. "Sorry."

"I'd be a hypocrite if I tell you it's nothing to me. God, you don't know Naya what I felt when I saw another guy kiss you."

Hindi ako nakapagsalita. Sandali ding natahimik si Calix.

"Pero ngayon, pangako ko wala nang ibang lalaking makahahalik sayo. Well except from me."

I smiled, "I love you, Calix."

"I love you more."

Hawak hawak ni Calix sa kanan nyang kamay ang iba't ibang rekado na pinamili namin sa supermarket kanina habang ang isa nya namang kamay ay gamit nya upang buksan ang pintuan ng unit nya.

Nakangiti akong pinagmamasdan sya. Ang gwapo gwapo ni Calix. Ang swerte ko naman para magustuhan nya. Ang daming mga babae sa school na nagkakacrush sa kanya pero ako ang pinili nya.

I can't just imagine how pissed my bullies will be once malaman nila ang mayroon kami ni Calix.

Agad kaming pumasok sa loob ng condo unit ni Calix nang mabuksan nya ang pinto. Katulad nang huling punta ko dito nung umuulan, ganon parin kalinis ang lugar nya.

"Feel at home, Naya. You'll be here more often." Calix smiled at me. Pumasok sya sa loob ng kusina dala ang mga pinamili nya. Napagpasyahan ko namang umupo sa sofa niya.

I rested my back on his sofa. Agad na nakuha ng atensyon ko ang maliit na table sa gilid ng sofa. Mayroong picture frame na nakapatong doon.

Agad akong napahinto ng makita ang larawan sa picture frame. It was a picture of Calix and his mom.

Napalunok ako.

Eversince we're back together, hindi nawawala na paminsan minsan ay sumagi sa isip ko ang mom ni Calix.

What would she say once she finds out that were back again?

Papalayuin nya ba ulit ako sa anak nya? I dont know. Will I fight for Calix this time?

Napalingon ako kay Calix na lumabas ng kusina. Nakita nyang hawak ko ang picture frame kaya naman agad ko iyong ibinalik sa kinalalagyan nito.

Calix sat beside me. Agad nya akong niyakap mula sa tagiliran ko at ipinatong ang baba nya sa balikat ko.

"I cannot wait to introduce you to my mom. That I was not able to do two years ago." Calix said in his deep voice.

Napangiwi ako sa sinabi nya, mabuti nalang at hindi ako nakaharap sa kanya.

"I'm sure she'll like you as much as I do." Calix said certainly.

"I hope she does." Huminga ako ng malalim at hinarap si Calix nananatili syang nakayakap sa akin. "Always remember how much in love I am to you." Hinawakan ko ang magkabilaan nyang pisngi. "I love you, Calix always remember that."

Calix smiled at me. "I will." He said. Maya maya pa ay inilapit nya ang mukha nya sa akin upang halikan ako.

"Remember that I too will always be in love with you." Calix said as he again planted a kiss on my lips. Napapikit ako sa ginawa nya. I respond to his kisses as I wrapped my arms around his neck.

I swear the kiss was that long but I sure enjoyed every second of it. Sadyang napahinto lang kaming dalawa nang biglang magparamdam ang tyan ko at tumunog.

Napahinto kaming pareho. Ramdam ko ang sobrang pag-init ng mukha ko. Nakakahiya! Pwede ba akong lamunin ng lupa?

"I'm sorry, love. I guess I have to hurry and cook for you." Natatawang sabi ni Calix. Hindi ako makasagot sa hiya.

"Ang bango! Mukhang masarap!"

Inilapag ni Calix ang niluto nyang steak  sa center table ng sala. Agad naman na bumaba ako sa sofa at umupo sa sahig.

Napalunok ako tinitignan palang ang luto nya. Mainit pa ito at umuusok.

I waited for Calix as he poured wine in glass. One for him and one for me.

Umupo si Calix sa tabi ko at inabot sa akin ang isang pares ng fork and knife. "Go on, love. Give it a go."

I promise this is one of the best steaks I've ever tasted. I could just cry, sobrang galing magluto ni Calix, dati pa hanggang ngayon. He never changed.

"Sobrang sarap." That's all I can say. Sobrang sarap talaga.

"You know what, you should open your own restau para palagi kong matitikman ang luto mo. I'll be your loyal customer.

"No need, willing naman akong ipagluto ka kahit kailan mo pa gusto." He said as he took a bite of his food.

"Tataba ako sayo!"

He just laughed.

Nagpatuloy akong kumain nang mapansin kong pinapanood na lamang ako ni Calix.

"I've missed you a lot, Naya," rinig kong sabi nya kasunod ng pagyakap nya sa akin mula sa gilid ko. " He again rested his chin on my shoulder kaya naman naramdaman ko agad ang paghinga nya sa leeg ko.

"I've missed you, this, and everything about you."

Napapikit ako ng magsalita sya. Nakiliti sa init ng paghinga nya. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa leeg ko. Para akong kinukuryente sa ginagawa nya.

"Ako din naman, namiss din kita ng sobra. Sobrang sobra," bulong ko. "Who would've thought we'll be together again? Kahit ako hindi ko naisip 'yon."

"Even I," aniya.

Hinarap ko sya dahilan para matanggal ang yakap nya sa akin. I smiled at him. "I love you, Calix."

"I love you too."

Muli kong hinarap ang pagkain ko at nagpatuloy sa pagkain.

"We've been saying we're in love. What are we now, Naya?" rinig kong tanong nya. Binitawan ko ang hawak kong kutsilyo at tinidor at hinarap sya. I want to see how will he react, kaya kinunutan ko sya ng noo, "anong what are we now?"

Nawala ang ngiti nya sa labi at tila ba napapout pa sya. I did my best not to pinch his cheek because of his cuteness.

"Sinabi ko na nga I love you, are you demanding something more?" tanong ko pa.

Lalo syang napasimangot and Calix doesn't know how fond I am of his cuteness.

I tried to shrug my shoulders. Tinalikuran ko sya at muling nagpatuloy sa pagkain.

Pasimple ko syang nilingon. Nakasimangot parin sya pero I swear he has no idea kung gaano sya kagwapo. Sobrang gwapo.

"Ideal boyfriend ka parin hanggang ngayon," natatawa kong sabi pero nanatili lang naman syang nakasimangot. Sobrang ideal boyfriend ni Calix. Gwapo, matalino, magaling magluto, mabait. What more can I say? Sa libro nalang ata nakakahanap ng katulad nya.

"I just wish you're my boyfriend." Nilingon ko sya at nginitian, "pwede kaya?"

Hindi sya umimik pero ilang sandali pa ay nginitian nya rin ako.

"I am your boyfriend, Naya."

Continue Reading

You'll Also Like

174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
663K 14.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
98.9K 1.5K 16
Hey witch I'm hungry saad nung nasa harap ko And so? Why me you have a mouth to call the waiter pabalang kong saad sa kanya sabay sama ng tingin I sa...