Masked, Unmasked

De alconbleu

30.9K 1.1K 450

Behind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise. Mais

1: Start
2: So Near Yet...
3: In a Very Distant Past
4: First Heartache
5: Moving Forward
6: Uncovering
7: Sad Endings + Surprising Beginning
8: Barrowed Time
9: Painful Truth
10: Two Can Play this Game
11: Present Time
12: Mood
13: The Song
14: First Signs of...
A/N
15: Trust Issues
16: Change of Heart?
17: Perturbed D
18: Stuck With You
19: Fantasy
20: Unexpected Twist
21: Is It Over Now...
22: Something to Look Forward to
23: Pent-up Emotions
24: Detour
25: One Good Reason
26: DOA
27: Marry You
28: I Do
29: The Things You Do....
30: Honeymoon eh?
31: Another Ordinary Day
32: Why
33. Reunited
34: Untitled(hahaha)
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Next
Chapter 43
Chapter 44: Missing You
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47. Ang Adobo at si Alyssa
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51: Lakas Tama
Chapter 52
Chapter 53: Loving Her

Chapter 37

424 15 11
De alconbleu

"So, tell us. Kamusta ang naging trip niyo patungong Sarangani?" Jaime Lazaro asked her daughters.

Nasa harap sila ng hapag para sa kanilang hapunan.

"Nakakapagod, we had to walk for hours para lang marating iyong place. Sobrang layo kasi ng community nila dad. Yet, worth it naman lahat because the natives were ecstatic ng malamang nagkaka library na sila." Bea smiled. Hindi maitago ang sayang nadarama.

"Dennise, hija tell me na nag-enjoy ka doon sa pinuntahan ninyo!"

"I enjoyed every bit of it mom! I too had alot of realizations. You know those people, they were poor. They barely eats three times a day. Most family survives the day eating rootcrops. Money's evidently scarce. Pero maski ganoon ang sitwasyon, hindi sila nagdalawang isip na iwelcome kami ng maayos sa community. They even prepared a welcome feast for us. Nakakataba lang ng puso. I witnessed it with my own eyes kung gaano kahirap ang kanilang sitwasyon. They barely had enough to feed themselves mom, pero hindi sila nag-atubiling ishare o ibigay sa amin ang kakarampot na pagkaing meron sila."

"I too, had been a witness of such gesture a million times hija. Mostly unexpected ang mga ganyang acts of kindness. Unexpected kaya naman sobrang nakakataba ng puso!" Her mom held her hand and smiled at her.

"Kaya nga masasabi kong genuine iyong ginawa and pinakita nila sa amin mommy. Personally, masaya ako. Kasi in my own little way, nagawa kong maibalik sa kanila ang ipinakita nilang kabutihan sa akin." Wika pa ni Dennise.

"As what Ive'd told you mom, dad. Si ate ang pinagdesign ko ng library." Si Bea uli.

"Uhm Bei, what if ako nalang din ang magsponsor sa construction materials? I mean, based on estimates, I think kaya kong ishoulder ang expenses for the materials. Channel the organisation's fund somewhere else. Imbes na sa contruction materials why not isama mo sa pasahod ng mga workers. Or simply make it as a standby fund, the once na pwede mo pang magamit on your upcoming projects." Dennise suggested.

"Totoo ate? You're going to do it? Like using your own money?" Parang hindi makapaniwalang naibulalas ni Bea.

"Yes, it's for a good cause Bei. Isipin mo nalang ang napakaraming positives na maidudulot ng project na iyon sa mga taga roon. That project was basically that community's lifeline! The project will surely make a big impact sa buhay ng mga taga roon."

"Lifeline?" Noon palang muli nakapagsalita ang padre de pamilya!

"Yes dad, their lifeline. Nakalimutan kong sabihin na mostly sa mga katutubong nameet namin was no read no write. Mabibilang sa daliri ang mga magulang na marunong magbasa at magsulat. Given that scenario, ano ang maiiexpect mo? Solong pag-asa ng mga bata para matutong magbasa at magsulat is through proper education. Them going to school. Once nasa eskwelahan na sila, at nag-aaral na, doon palang natin masasabing may pag-asa silang mabago ang kanilang buhay! Pag-asang makaahon sa hirap!"

"You're that invested in helping them hija?" Ang kanilang ina, ito man ay hindi makapaniwala sa gustong mangyari ni Dennise.

"Growing up, during events, lagi kong naririnig sa ibang tao that it is Bea, na siyang nagmana sa inyo mom. Tama naman sila sa observation na iyon. It is really evident that between the two of us siya ang mas may malaking puso. Na siya niyo rin pong katangian. Iyon po bang pusong handang tumulong sa nangangailangan! Pero after ng trip na iyon, I too felt na kailangan ko ring kumilos, na kailangan ding may gawin ako para makatulong. As Ive'd said earlier, that trip made me realize a lot of things. Isa nga doon is the realization of how lucky I am. I was born a Lazaro, not to sound mayabang pero alam niyo namang our surname comes with a lot of perks. So why not use those perks in helping others. Like helping them achieve their dreams. I am not saying or doing this kasi those natives have been good to me or generally to our group, but I am doing this because I strongly believe that this is the right thing to do!" Den in all sinserity declared.

"I am proud of you anak! Hindi ako makapaniwala na may soft spot ka rin pala para sa mga less fortunate." Tumayo si Anna at mangiyak ngiyak pang niyakap ng mahigpit ang panganay.

"See mom? Maski ikaw hindi makapaniwala na gagawin ko ito." Tumawa siya habang nakakapit sa braso ng ina.

"Oh shut up hija!" Napahalakhak ang kanyang ina.

"Thank you so much ate Den! This ones greatly appreciated. Sure, marami pa akong kailangang kausapin about sa proposal mo, but ngayon palang nagpapasalamat na ako sa iyo ate! Napakalaking bagay nito para sa organisation." Lumapit narin si Bea at nakisali sa yakapang nagaganap.

Hindi man verbally maisatinig ng padre de pamilya pero base sa matamis nitong pagngiti. Ito man ay sobrang proud sa kanyang panganay!

**********

Isang linggo ang matuling lumipas.

Naipaabot na ni Beatriz sa mga kasamahan pati narin sa nakatataas ang proposal ng kapatid. As expected positive ang naging response ng mga ito.

Wala ng sinayang na panahon si Bea, she ordered for the immegiate delivery of the construction materials. Kinausap din niya si Master Sergeant Malonzo tungkol sa inalok nitong tulong with regards sa pagtransport ng mga materials.

Regular din ang ginawang pakikipag-usap ni Beatriz kay teacher Alma.

Ngunit ng dahil sa paiba ibang timpla ng panahon, ilang aberya ang hindi naiwasang mangyari. Isa na doon ay ang pahirapang pagtransport ng mga materyales. Mapa himpapawid, dagat or lupa man medyo hirap sa aspetong iyon.

Ngunit sa awa ng Diyos at sa pagtutulungan ng lahat, matapos nga ang ilang araw ng pagsama ng panahon, nagawa ng maihatid sa kumunidad ang unang batch ng mga construction materials.

Nagvolunteer din sila kuya Nono at Rudy na tulungan si teacher Alma sa pagsupervised sa construction ng project.

That was a welcome development para kay Bea. Alam niya kasing kung mag-isa lang si teacher Alma sa pamamahala ng proyekto, paniguradong mahihirapan ito. Hindi sa wala siyang bilib o tiwala sa guro pero, aminado si Bea na mahihirapan itong pagsabayin ang pagganap sa tungkulin nito bilang isang guro at ang pamamahala sa konstruksiyon ng proyekto!

Naisip narin nga niyang ayain sila Russ at Richard na bumalik ng Sarangani para tulungan ang guro. Mabuti nalang at nagkusang loob sila kuya Nono.

Alas syete ng gabi araw ng Biernes, nang biglaang magring ang cellphone ni Bea.

Mabilis niya itong dinampot saka itinapat sa sariling tenga.

"Hello Bei, good evening. How are you? If you are not busy pwede ba kitang imbitahin tonight?" Came the voice from the other side.

"Oh hi ate. I'm doing fine. Where are you? Nasa condo kaba? Kasama mo ba si ate Alyssa?" Nang makilala ang tinig ay agad niya itong pinaulanan ng sunod-sunod na tanong.

"Are you free tonight?" Hindi na siya nagulat ng dedmahin nito ang kanyang mga katanungan.

"Katatapos ko lang makipag-usap kay kuya Nono. Wala narin akong gagawin. Ano bang meron ate ha?" Katatapos nga lang talaga nilang mag-usap ni Nono ng mga sandaling iyon.

"Dom called earlier. Gusto niya akong makausap. Samahan moko Bei." Sa mahina at nakikiusap na tono ay wika ng kanyang kapatid.

"Nakauwi na pala sila ng husband niya? What time usapan niyo?"

"Mag-isa lang siyang umuwi, naiwan si Alvin, work related daw sabi ng gaga." Medyo napataas ang kilay doon ni Den.

"Work related my ass ate. Takot lang talaga yun madamay. Palusot pa siya." Pati si Beatriz hindi kinagat ang alibi ni Dominic.

"Sinabi mo pa, pero ayos lang importante nandito na si Dom. I want to put an end to this issue, and the only way for it to happen is ang makapag-usap si dad and Dom." Narinig pa ni Bea ang ginawang pagbuntong-hininga ng kapatid.

"Long overdue na ang pag-uusap na yan between them. Anong oras yung appointment mo sa kanya ate?" Pangalawang pagkakataon na ito during their conversation na tinanong niya ang kapatid kung anong oras ang nakatakdang pagkikita nila ni Dominic.

"Appointment talaga? Parang business meeting ganon? Hahaha. Kidding aside, according to him eight-thirty pm, sa isang hotel restaurant. So daanan kita dyan sa unit mo?"

"Seven na pala ngayon. Uhm, I will just take a quick shower ate then ako na ang dadaan dyan. Nasa firm ka pa ba or nakauwi kana ng condo mo?" Bea stood up and make her way to the shower.

"Sa office pa ako, I will just wait for you dito Bei, and thank you!" Dennise smiled.

"Anytime ate Den, hindi na'ko aakyat ng office mo ha? I'll be waiting for you nalang sa parking. Sige, got to go ate. See you later, bye!" At binaba na ni Bea ang cellphone saka pumasok ng shower room.

Mga thirty minutes later, nasa parking na si Bea at hinihintay ang pagbaba ng kapatid. Tinawagan niya ito awhile ago informing her na nandito na siya. Den said na pababa narin siya.

Hindi din nagtagal ang paghihintay ni Bea, konteng minuto lang ang lumipas at makita niya ang papalapit nang si Dennise.

Lumabas siya ng kotse at nakangiting hinintay ito.

Nagbatian sila at nagyakap before pinagbuksan ng pintuan ni Bea si Dennise.

Nang pareho na silang settled ay binuhay na ni Beatriz ang makina at nagsimulang magmaneho.

"Sabay na tayong umuwi ng mansion later Bei." Wika ni Den.

"Sa mansion ka dederetso? Akala ko uuwi ka sa unit ninyo ni ate Alyssa." Casual na wika ni Bea, habang nakatutok ang atensiyon sa daan.

"Saturday na bukas, at saka hindi ako sigurado kung anong oras tayo matatapos. Baka matagalan ang pakikipag-usap ko kay Dom. Ayaw ko nang abalahin pa si Alyssa. Convinient narin sa part ko, remember dad's rule?" Wika naman nito habang hawak-hawak ang cellphone.

May rule kasi sa bahay nila na during weekend obligadong sa mansion umuwi ang magkapatid. Ginawa iyon ng kanilang ama para daw maski sa araw nalang na iyon magkakasama silang pamilya.

"Pwede ka namang hindi umuwi doon bukas. Like tell them you'll be having a sleep over sa place ni ate Ella."

"Are you incouraging me na magsinungaling or gumawa ng kwento? Worst, sa dinamirami ng mga scenarios na swak, iyong involved pa talaga si Ella ang pipiliin mo? May I remind you na walang alam si Ella patungkol sa nangyayari sa amin ni Alyssa. Malabong mangyari, but what if bigla nalang tumawag si dad sa babaeng yun, asking about me? Eh di nahuli pa ako!" Wika ni Dennise, still very much busy with her cellphone.

"Not that iniencourage kita to lie ate, it's just that alam ko kasi na you want to spend more time with ate Ly. Don't you dare deny it ate. I could feel it, plus sigurado akong siya iyang kachat mo kanina pa." Natatawang wika ni Bea, she even took a second to glance at her older sister.

Instead na salungatin ang sinabing iyon ni Bea, nanahimik nalang si Dennise. But, Dennise is Dennise. Wala ngang pagdeny on her end, may pag-ismid naman for her sister!

Napuno tuloy ng nakakalokong halakhak ni Beatriz ang loob ng kotse dahil sa naging reaksiyon na iyon ni Den.

Nang makarating ng hotel, agad na dumeretso ang magkapatid sa restuarant na sinabi ni Dominic. Agad din sila nitong nakita, tumayo ito mula sa kinauupuan at naglakad palapit sa kanilang dalawa.

Binati ni Dom ang magkapatid. Nakipagkamay ito kay Beatriz saka ginawaran ng halik sa pisngi si Den.

Saka iginiya sila neto patungong mesa. Nagsiupo silang tatlo at umorder na.

Pinag-usapan ng tatlo ang kanilang strategy habang kumakain.

**********

"Oy, Baldo andito ka? Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito? Anong oras na, hindi ka pa ba uuwi sa condo ninyong mag-asawa? Ay mali! Erase, erase! Hindi mo pa ba susunduin ang asawa mo para iuwi sa condo ninyo?" Mapanuksong wika ni Kim. Kakauwi lang nito galing trabaho at nagulat ito ng makitang naroon si Alyssa, nakahilata sa couch, at mukhang tanga na nakatingin sa phone nito!

"Sa mansion ang deretso niya after work." Wika nito na hindi nakatingin kay Kim.

"Sunduin mo sa opisina saka ihatid sa mansion!" Lumapit dito si Kim, sinubukan pa nitong silipin ang cellphone ng kaibigan. Nakitsismis pa ang loko! Lol!

"Ulol! Alam mo nalang hindi pwede di ba? Isa pa wala na iyon sa opisina. Lumabas kasama si Dominic." Kinuha nito ang throwpillow saka binato sa kaibigan.

"Dominic? Nakauwi na pala iyon. So, magkasama sila ngayon?" Pinulot ni Kim ang nalaglag na throwpillow na ibinato sa kanya ni Alyssa, saka ito inakap.

"Kahapon lang din yata iyon dumating. Actually ininvite siya ni Dominic para magdinner."

"Pumayag ka naman? Silang dalawa lang?" Curious na naitanong pa ni Kim.

"Nagpaalam naman siya, tsaka wala akong nakikitang masama doon. They need to talk din naman. Kailangan pa kasi nilang harapin saka kausapin ang parents ni Den. They are with Bea. Isinama siya ni Den." Wala siya sa mood na magpaliwanag pero alam niyang hindi siya tatantanan ni Kim.

"Sana ipinapabukas nalang ni Den iyong pakikipagkita sa Dominic na iyon."

"At bakit naman?" Nakakunot ang noo na binalingan ni Alyssa ang katabi.

"Eto lang ang gabi na magkakasama kayo before your birthday. Diba obligado silang umuwi saka manatili sa mansion tuwing Sabado at Linggo? And sa Sunday na iyong birthday mo!" Disappointed na wika ni Kim.

"Late celebration nalang kami tol, iyon eh kung naalala or alam niyang birthday ko na sa Sunday." Ngumiti si Alyssa.

"Hindi mo sinabi sa kanya?"

"There's no need, I am pretty sure na alam niya kung anong meron sa araw na iyon. Samahan moko, uwi tayong Negros bukas tol." Wika ni Alyssa, nakita ni Kim na pinulot uli nito ang kakalapag lang na cellphone.

"May trabaho ako bukas tol, katunayan niyan hindi ako pwedeng lumiban bukas. May importanteng kliyente na kailangan kausapin. Pasensiya na ha? Kung wala lang iyong appointment sa kliyente pwede akong huwag pumasok. Kaso nataon talaga." May paghihinayang sa boses ni Kim. Hindi na nito kailangang itanong kung ano ang gagawin ni Alyssa sa Negros.

"Ayos lang tol, walang problema. Pasok muna akong kwarto, papabook ako ng flight para bukas. Tumawag ka nalang ng delivery for dinner, ako ang taya! Advance birthday celebration!" Tumayo na ito saka dumeretso sa kwarto. Dati kasi share sila sa condo na ito, kaya may sarili siyang room dito.

Tumango nalang si Kim at sinundan ng tingin ang kaibigan. Until now hindi parin siya makapaniwalang na ang kaibigan mismo ang naglagay ng sarili nito sa napaka-alanganing sitwasyon.

Kung siya lang ang masusunod, ayaw sana niyang gawin iyon ni Alyssa. Una, masyadong magulo at walang kasiguruhang may maidudulot na maganda ang sitwasyong pinasok ni Alyssa. Pangalawa, dahil sa inilihim nila ang ginawang pagpapakasal, siguradong isang napakalaking gulo ang nakatakdang maganap sa oras na magkaalam na. Hanggang ngayon nga, wala paring kaideideya ang pamilya at mga magulang ni Dennise sa ginawa nitong pagpapakasal sa kapwa nito babae. Worst, kay Alyssa pa talaga ito nagpakasal! Ikatlo, ramdam niyang hindi mahal ni Dennise si Alyssa, kung may kung ano mang nararamdaman si Dennise para sa kaibigan, malayo at malabong pagmamahal iyon! Tingin nga ni Kim, may binabalak itong si Dennise. Malakas ang kutob niyang meron talaga. Umabot nga siya sa puntong gusto na niya itong ilahad sa kaibigan, ngunit natatakot siya sa maaring maging reaksiyon ni Alyssa. Baka mag-away at magkasira pa silang magkaibigan. Automatic na nagiging bulag at nawawalan ito ng logic pagdating sa usaping may kinalaman kay Dennise.

Kung ano man ang naging rason ni Dennise sa likod ng pag-alok nito ng kasal kay Alyssa, ay walang nakalaalam kundi ito at ito lamang. Ipinapasa-diyos nalang ni Kim na sana, oo sana, when worst comes to worst makayanan ni Alyssang harapin ang consequenses ng kanyang mga naging actions. On Alyssa's part isa lang naman ang rason kung bakit ito pumayag na magpakasal sa arkitekto. Mahal nito si Dennise!

Kinabukasan, maaga palang ay nasa airport na ang dalawa. Hindi man magawang samahan ni Kim si Alyssa pauwi ng Negros, nagawa naman nitong ihatid ang kaibigan.

"Ingat ka doon tol, tawagan mo ako kaagad pagkalapag ninyo." Bilin nito matapos yakapin ang kaibigan.

"Para kang nanay ko. Pero oo, iyon ang una kong gagawin pagkababa ko ng eroplano. Sige pasok na'ko. Salamat uli sa paghatid tol. Alis kana baka malate ka sa appointment mo." Nakangiting wika ni Alyssa.

"Ingat ka ha Baldo?"

"Oo nga, sige alis na! Goodluck nga pala. Promotion na ang kasunod niyan tol!" Masaya niyang wika sa kaibigan.

Nabanggit narin kasi ni Kim na maari itong mapromote sakaling maging maganda ang kalalabasan ng pakikipag-usap nito sa kliyenye.

"Magdilang anghel ka sana Valdez!"

"Sigurado na iyan." Pasigaw niyang wika, naglalakad na kasi siya noon papasok ng paliparan.

***********
Bago mananghalian nakarating si Alyssa sa bayan kung saan sila dating nakatira.

Tumigil ang kanyang sinakyang bus.

Tumayo siya para kunin ang backpack sa baggage compartment na nakapwesto sa itaas ng mga upuan. Pagkakuha ay agad siyang bumaba ng bus.

Inikot niya ang paningin sa paligid. Kapuna-puna ang laki ng ipinagbago ng lugar! Ilang taon na ba mula ng huli siyang makatuntong sa lugar na iyon? Hindi na niya mabilang!

"Walang oras para maging sentimental. Kailangan kong magmadali!" Naisaisip niya.

Kung gusto kasi niyang huwag abutan ng dilim saka mastranded sa lugar na iyon kailangang bilisan niya ang pagkilos. Ang huling byahe ng bus pabalik ng Bacolod ay alas quatro ng hapon. Alas-dose pasado na ng mga oras na iyon, kailangan na niyang magmadali.

Inayos niya ang pagkakasuot ng sombrero pati narin ng sunglasses saka naglakad para maghanap ng masasakyan na maghahatid sa kanya sa kanyang destinasyon.

Dahil nga hindi na siya pamilyar sa paligid nanibago siya, nawalan siya ng sense of direction. Hindi niya alam kung saan at ano ang sasakyan para marating ang lugar na gusto niyang puntahan. Muli niyang inilibot ang paningin, may nakita siyang kumpol ng mga tao. Naglakad siya palapit, ngunit bago pa siya makapagtanong sa mga taong naroroon ay nakaramdam siya ng gutom! Rinig na rinig niya ang tunog na nanggaling sa kanyang sikmura.

Wala siyang magagawa. Gutom na siya! Kailangan niya munang kumain! Good thing maraming carinderia sa terminal na iyon.

Sa pinakamalapit na carinderia niya piniling pumasok. Hinubad niya ang sunglasses na suot saka tiningnan ang mga nakadisplay na ulam.

Umorder siya ng inasal na manok, nagtanong din siya kung available ang kansi.

Ayon sa tindero maswerte siya kasi sa mga ganoong araw lang meron ang naturang putahe. Kung weekdays kasi hindi sila nagluluto noon.

Para makasave sa oras, minabuti niyang bayaran nalang kaagad ang mga inorder na pagkain. Nang matapos, saka siya naghanap ng pwesto.

Umupo siya sa isang mesa malapit sa sulok para hintayin ang kanyang orders.

Maya-maya pa naramdaman niya ang sunod-sunod na pagvibrate ng kanyang cellphone.

Kinapa saka inilabas niya iyon mula sa kanyang bulsa. Nakita niyang nakailang tawag na si Dennise. Marami rami narin ang ipinadala nitong messages. Asking her kung ano ang kanyang ginagawa, magiging busy daw ba siya today? Marahil ng wala itong makuhang sagot mula sa kanya ay nagtaka ito kaya naman nagtanong na ito kong nasaan ba siya.

Nagtype siya ng reply dito. Sinabi niyang medyo magiging busy siya ng araw na iyon. Sinabi rin niyang okay at maayos naman siya. Sinabihan nalang din niya ito na tatawagan nalang niya ito mamaya kapag wala na siyang masyadong ginagawa. Ang hindi niya lang ipinaalam dito ay ang kanyang kinaroroonan!

Ipinadala niya ang mga messages na iyon kay Dennise, ngunit hindi na siya naghintay na makapagreply ito. Agad niyang pinatay ang cellphone at ibinalik ito sa sariling bulsa.

Nang makarating ang pagkain ay agad na kumain si Alyssa. Konteng oras lang ang ginugol niya sa pagkain. Nang siya ay tapos na, agad din siyang lumabas. Nakakita siya ng pulis mobile na nahimpil sa gilid. Linapitan niya ito at magalang na nagtanong kung ano at saan siya pwedeng makahanap ng sasakyan papunta sa isang partikular na lugar.

Sinabi ng pulis na pwede siyang magpahatid sa tricycle. Itinuro din nito kung saan nakaparada ang mga iyon. Nagpasalamat siya sa pulis at umalis.

Sa kabutihang palad nakatyamba si Alyssa ng isang mabait, magalang at honest na tricycle driver.

Hindi kasi lingid sa kaalaman ng marami na kapag ganoong baguhan ka o di kaya ay bakasyunista, malamang sa malamang ay ititake advantage ka ng ilang mapansamantalang drivers, (pasintabi po, hindi naman po lahat ay ganoon) sa pamamagitan ng pagsingil sa iyo ng sobra-sobra.

Hinatid siya nito sa kanyang pupuntahan. Hindi man nito hiningi ngunit inabutan ito ni Alyssa ng sobra sa naaayong pamasahe. Nag-atubili pa itong tatanggapin iyon. Pinipilit na nga siya ni Alyssa, ngunit ayaw talaga ng lalake, kaya ang ginawa ni Alyssa, tinanong niya ito kung ayos lang ba dito na hintayin nalang siya nitong makabalik, para ito narin mismo ang maghahatid sa kanya sa terminal?

Sumang-ayon naman ito sa suhestiyon na iyon ni Alyssa.

Nang masettle na ng dalawa ang issue patungkol sa pamasahe, ay bumaba na si Alyssa.

Tulad ng ginawa niya kanina, inilibot niya ang paningin sa kabuuhan ng paligid.

Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

Parang imposible pero, makaraan ang ilang hindi na mabilang na mga taon, ay muli siyang nakabalik sa lugar na iyon.

Sa lugar kung saan nakalibing ang kanyang pamilya!

Continue lendo

Você também vai gostar

5.6K 229 12
Regina Vanguardia, the most beautiful girl in the highschool she is in, she's dated a lot of girls and boys but always breaks up with them for the sa...
51.2K 1.7K 45
𝙅𝙚𝙨𝙫𝙨 𝘾𝙝𝙧𝙞𝙨𝙩, 𝙄 𝙙𝙞𝙙𝙣𝙩 𝙨𝙞𝙜𝙣 𝙪𝙥 𝙛𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙞𝙨! - 𝘼𝙅 Note: This story is g!p. If you find the genre uncomfortable, I suggest...
1.4M 107K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
47.5K 927 50
Five years ago the then med-school student, Dennise Michelle Lazaro made the biggest decision of her life. Five years ago a well-known business figu...