Switched Bodies [EXO FF] [Com...

By KarenKrisDeGuzman

83.4K 4.1K 752

Naimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xi... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Huling Kabanata
Epilogue
Acknowledgement

Kabanata 30

1.3K 86 20
By KarenKrisDeGuzman

Chapter 30

Harriet POV

"W-wala akong masabi. Hindi ko inaasahan na ang manager mo pa mismo ang gagawa ng ganung bagay sayo." Mahinang bulong ni Xiumin(Baekhyun).

"C'mon guys! Magaling lang talaga syang magbalat-kayo. But I knew it. I already saw it coming. She's a certified bitch. She even tried to seduce me. Eer. Buti na lang pala, hindi ko pinatulan." Nakangiwing sabi ni manager Heechul. Alam kong may crush si manager Dreya sa manager ng EXO noon pa lang. Yun lang siguro ang alam kong totoo sa sinabi nya.

Buti pa ang EXO ang swerte nila sa manager, kahit na medyo mahangin ang utak nya.

"Pero ano ang motibo nya?" tanong ni Baekhyun(Tao) na nasa dulong upuan ng van.

"Napagalaman namin na si Dreya Lopez, ay ang stepsister ni Eugene. Ang Eugene na pinalitan ni Harriet. Sya ang unang nagdala ng screenname na Eugene. Her real name is Choi Eun Hye." Panimula ni manager Heechul.

"Matagal ng pangarap ni Eun Hye ang maging artist, at sa tulong ni Dreya na naging voice tutor nya ay nagkaroon siya ng pagasa. Na-admit sya sa SM entertainment. Si Dreya din ang naging manager nya. Binigyan sya ng screenname which is Eugene. Everything is on set para sa debut nya. But then, Harriet came to the picture." Pagpapatuloy ni manager, tumingin pa sya sa akin ng banggitin ang pangalan ko.

"Binigay kay Harriet ang screenname ni Eun Hye. Natanggap naman nya yun, pero na-move ang pagdebut nya on-stage. Siguro, she felt betrayed. Alam nyo naman na ginawang priority ang pag-advertise kay Harriet as Eugene. At gusto sya ng marami dahil magaling sya. Base sa pina-investigate namin, hindi naging maganda ang pagtanggap ni Eun Hye sa balita. Nagkulong sya sa kwarto nya for almost 1 week, without food and drink until one day, they found out na nagpakamatay sya. Naglaslas sya."

"Yun ang dahilan kung bakit wala ng naging balita kay Eun Hye. Syempre, itinago yun ng company. Masisira ang reputasyon ng kompanya kapag kumalat ang balita. Lalo pa at may koneksyon ang pagkamatay nya sa kapabayaan ng kompanya. Si Harriet ang sinisi ni Dreya. Nagpaalam sya sa SM na sya na lang ang maging manager ni Harriet, in return ay hindi na nya sasampahan ng kaso ang kompanya. At boom, manager na sya ni Harriet. All of this, ay para sa paghihiganti nya kay Harriet. Napag-alaman din namin na may record sya sa isang mental health center. She is literally insane, people!"

Ng una kong marinig kay manager Heechul ang kwentong iyon, naawa ako kay Eun Hye. Hindi ko rin masisisi si manager Dreya na maghiganti, pero bakit sa akin? Dapat sa kompanya sya nagreklamo, ano ba naman ang kasalanan ko? Kontrolado lang din naman ako ng kompanya.

"So, anong balak mo sa kanya Harriet?" tanong naman ni Luhan(D.O).

Matagal bago ako nakasagot. "We'll see."

Hindi na nagtanong pa ang EXO sa mga nangyari. Naging tahimik na ang buong byahe namin.

4pm na ng makarating kami sa magnetic hill, kung saan gaganapin ang I dunno ritual? Wala eh, si koyang driver este manong Sebyo ang nakakaalam. Magtiwala na lang.

Naka-ayos na ang lahat ng gagamitin para sa gagawin. Korean ang mga crew members, at may ambulansya din para kapag may nangyaring di inaasahan ay maagapan agad ng first aid at madala agad sila sa hospital.

"Nasabi ko na sa iyo manager kung ano ang dapat gawin. Alam kong maaaring mapahamak sila pero ito lang ang alam kong paraan." Sabi ni manong sebyo, binulungan ko naman si manager para sabihin ang translation ng sinabi ni manong Sebyo. Seriously, dapat ay may bayad ang gawain kong ito.

Nandito kami sa tent na itinayo para pagpahingahan, dalawa iyon. Nasa kabila ang EXO dahil naglalagay pa sila ng mga safety gears.

"Napaghandaan na namin ang posibleng mangyari. Sana lang ay maging maayos ang lahat. Maraming salamat manong Sebyo, tatanawin namin itong malaking utang na loob." Sagot naman ni manager. Binulong ko naman kay manong Sebyo ang translation ng sinabi ni manager.

4:30 na ng magtawag ang senior crew member na kailangan ng magsimula. Nauna na kami sa daan, sa gilid pala ng daan. Kailangang ang EXO lang ang gumawa nito dahil kung may makikisaling iba, ay baka maligaw na naman ang kaluluwa nila.

Ang scenario. Sasakay sila sa iisang van. Na si Suho(Luhan) ang magmamaneho. Saktong lunar eclipse dapat ito isagawa. Tapos ay babanggain sila ng isang mini-size na truck sa likod, yung tamang impact lang at may nakaharang din malaking truck sa harapan para ipang-harang para hindi sila magtuloy-tuloy sa bangin.

Lumabas na ang EXO mula sa kabilang tent. Yes, may mga gears sila. Para silang motor rider, yun nga lang puro foam ang nasa katawan nila. Plus, may hawak silang helmet.

"Tuturukan namin kayo ng gamot. You may feel dizziness kapag umepekto na ito. Parang half-conscious lang kayo. Isipin nyo na lang ang pakiramdam na 3 nights and days kayong gising tapos, masakit na ang ulo nyo dahil antok na antok na kayo pero nilalabanan mo pa rin yung antok. That's the feeling." Paliwanag ng isang doctor sa EXO.

"Paano ako makakapagdrive kung ganun?" nakangiwing tanog ni Suho(Luhan).

"Yun ang kaso, nasa iyo nakasalalay ang lahat. Wag kang matutulog. Lahat kayo, wag kayong matutulog." Paliwanag ulit ng doctor.

"Naman eh, bakit ba kasi kailangan pang ganun?" sabi naman ni Xiumin(Baekhyun).

"Dahil ng maaksidente kayo, tulog kayo ng mga oras na iyon. Payapa ang inyong diwa. Ganun din ang gagawin natin ngayon. Hindi ito maisasagawa kung tuluyan kayong gising, dahil mas mahihirapan kayong hanapin ang sarili nyo. Mahihirapan ang mga kaluluwa nyong hanapin ang katawan nyo. Kailangang tulog kayo o basta payapa ang inyong isip at katawan." Singit sa usapan ni manong Sebyo. Sinabi ko naman sa kanila kung ano ang sinabi ni manong Sebyo. Tumango-tango naman sila.

Pagkatapos nilang maturukan ng gamot ay pumasok na sila sa loob ng van. Sa dulong upuan sina D.O(Lay), Luhan(D.O), at Sehun(Xiumin). Sa susunod namang upuan ay sina, Baekhyun(Tao), Kai(Kris), at Xiumin(Baekhyun). Sa gitnang bahagi naman ay sina Tao(Chen), Lay(Chanyeol) at Chanyeol(Kai) si Chanyeol ang nasa bungad ng pinto. Nasa unahan si Suho(Luhan) na syang nagdadrive at sina Chen(Suho) at Kris(Sehun).

Hinigpitan ng crew ang seatbelt nila para sa safety nila.

"Goodluck! Kaya nyo yan. Nandito lang kami ni manager para sa inyo." Sabi ko sa kanila.

Tumango na lang sila habang nakangiti dahil hindi na sila makasagot. Namumungay na ang kanilang mga mata, umeepekto na ang gamot sa kanila.

Gumilid na kami ni manager sa daan, tikom ang bibig ko at magkadaop ang palad. Lihim na nagdadasal na sana ay maging maayos na ang lahat.

Tumingin ako sa paligid. Medyo dumidilim na, tanda ng nagbabadyang eclipse. It's exactly 4:50pm, mahaba naman ang oras namin para gawin ito pero sana, madali namin itong matapos.

"Ready. On my count. 5 - 4 - 3 - 2 -1!" sigaw ng senior crew member.

Kahit inaantok ay pinaandar ni Suho ang sasakyan, dahan-dahan lang ang pagmamaneho nya, samantalang sa di kalayuan sa likod nila ay may kabilisan ang pagpapatakbo ng truck.

Blaaaag!

Napasigaw na lang ako. Malakas ang naging impact ng unang pagbangga ng truck sa likuran ng van nila, nagtuloy-tuloy sila hanggang bumangga ulit sa truck sa harapan nila.

Tumakbo na kami papunta sa kanila, geez. Okay lang kaya sila? Nagtagumpay kaya kami?

Ini-slide ni manager ang pintuan, tumambad sa amin ang EXO na hilong-hilo sa nangyari. Nakapikit sila at nakahawak sa mga ulo nila.

"A-ano? Ayos na ba? Tagumpay ba?" nagaalalang tanong ni manager.

Nagmulat sila ng mata tsaka tinignan ang isa't isa. nanlaki naman ang mga mata nila dahil sa natuklasan.

"WAAAH!" sigaw nilang lahat.

"Geez! I thought being Kai was bad, but now that I'm inside Chen's body? Now it's the worst." Nagsalita si Chen, at sa paraan ng pagsasalita nya, feeling ko si Kris iyon.

"Hahaha! Kay Tao lang ako dati, ngayon naman kay Luhan hyung! Ang saya nito!" sigaw ng nasa unahan na si Luhan, at sa tingin ko ay si Chen iyon.

Napangiwi na lang kami ni manager, marami pa silang sinasabi sa nangyari dahil sa palpak na plano.

"Guys calm down! Ulitin na lang natin. Maayos din ang lahat." Mahinahong sabi ni manager.

Tumango na lang sila.

"Haha! Manager, ako ba ang magmamaneho? Hindi ako marunong eh, pero dahil gusto mo sige okay lang. Baka mas effective pag ako ang nag-drive." Pagmamayabang ni Luhan este Chen.

"Wag na, ako na nga dyan Chen. Pag ikaw ang nagdrive baka sa bangin tayo mapunta!" sigaw ni Baekhyun. Nakataas ang kilay ko ng bumaba sya para pumunta sa drivers seat, nagpalit lang sila ni Chen.

Pati ang ibang members ng EXO ay nagtataka sa kanya.

Napabuntong-hininga naman si Baekhyun. "I'm Luhan. Okay na ba?" sarkastikong sabi nya. napatango-tango na lang kami.

Nagpunta ulit kami sa pwesto namin sa gilid ng daan. Umatras naman ulit ang van nila pati na rin yung truck sa likod nila.

At gaya ng una, pinaandar din ng dahandahan ni Baekh-Luhan pala ang van. Mabilis ulit ang pagtakbo ng truck sa likod hanggang sa masalpok sila.

Baaaag!

Naging pigil na naman ang hinga ko. Torture para sa akin ang makita sila sa ganitong sitwasyon, pero wala naman akong magagawa dahil ito lang ang paraan.

Tumakbo ulit kami patungo sa kanila. Sana naman okay na. hindi pa lang kami nakakarating sa van ay nagsigawan na sila. Ano bang nangyayari?

"Thith ith really crathiiiii! (this is really crazy)" sigaw ni Chen at mukhang si Sehun iyon.

"Masakit na ang ulo ko. Di pa ba matatapos to? Huhu! I'm hungry too! Where's my baozi!" sigaw ni Kris, well nasaniban ata sya ni Xiumin.

"Don't worry hyung. Pagagalingin kita gamit ang chiyuuu-chiyuuu ko!" masayang sabi naman ni Kai. Obviously, si Lay iyon.

Bagsak ang balikat namin sa natuklasan, fail na naman. Ilang beses ba namin uulitin ito? Naaawa na ako sa kanila, masakit na siguro ang katawan nila, pati ulo dahil sa hilo.

"Wag tayong mawalan ng pag-asa. Isa pa." seryosong sabi ni manager.

Isasara na sana ni manager ang pinto ng humihingal na dumating si manong Sebyo. Binulong nya sa akin ang dapat nilang gawin. Tumango naman ako at bumaling sa EXO.

"Ayon kay manong Sebyo. You guys are not doing it right. Masyado daw kayong nagmamadali. Kailangan ninyong hanapin ang mga sarili ninyo habang naglalakbay. Take your time." Sabi ko sa kanila. Tumango naman sila, at nagtinginan. Seryoso na sila ngayon.

Mahigpit ang hawak ko sa rosary na kinuha ko sa bag ko kanina, God please po sana maging okay na ang EXO. Taimtim lang akong nananalangin. Hanggang sa hindi ko namalayang nagsimula na pala, natigil lang ako sa pagdadasal ng marinig ang pagsasalpukan ng truck at van.

"Harriet tara na." nagmamadaling sabi sa akin ni manager, nabato kasi ako sa kinatatayuan ko kaya hinila na ako ni manager.

This time, tahimik lang sila. Kinabahan naman ako. Buhay pa ba sila?

Ako na ang nanguna sa pagtakbo dahil sa kaba ko. Baka kung ano na ang nangyari sa kanila.

Hahawakan ko pa lang ang pinto ng mag-slide na iyon ng kusa. Tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Chanyeol. Siya kasi yung nasa bungad, sya ang nagbukas ng pinto.

"Ayos lang-- hmmmp!" hindi ko na nabuo ang sasabihin ko ng agad niyang inatake ang labi ko. Hawak nya ang magkabilang pisngi ko.

Nakamulat lang ako, hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang ginawa nya. Ng maghiwalay ang labi namin ay agad naman nya akong niyakap.

"I told you so... Hahalikan kita once na makabalik na ako sa sarili ko." bulong nya sa tenga ko.

Napatingin naman ako sa EXO na nakangiti lang sa akin. Dun ko na narealize. Nagtagumpay sila!

Continue Reading

You'll Also Like

73.5K 2.7K 40
the second book of Switched #KaRa #TeamPakwan
1.4K 84 12
Isang kuwentong tungkol sa dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng masakit na biro ng tadhana...
18.7K 628 18
(SOON TO BE PUBLISH ON PRECIOUS HEARTS ROMANCES) Teaser: Kung ganda din lang ang pag-uusapan, agad na itataas ni Nami ang dalawang kamay. Kung kataw...
10.3M 474K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...