Switched Bodies [EXO FF] [Com...

Door KarenKrisDeGuzman

83.4K 4.1K 752

Naimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xi... Meer

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Huling Kabanata
Epilogue
Acknowledgement

Kabanata 28

1.2K 81 5
Door KarenKrisDeGuzman

Chapter 28


Xiumin POV

"Manager?"

Paanong...

"Aish. Mamaya na ako magpapaliwanag. Wag nyo kong istorbohin sa pagda-drive. Nagmamadali tayo."

"Teka lang manager. Saan ba ang punta natin?" tanong ko.

"Easy Xiumin. Sa airport ang punta natin. Diba dun naman ang pupuntahan nyo dapat?"

Natigilan kaming lahat sa sagot nya. Paano nya nalamang sa airport ang punta namin. At higit sa lahat... paano nya nalamang ako si Xiumin? Eh si Sehun ako ngayon.

"Manager. Ako si Sehun." Sabi ko na lang. Baka kasi, nagkamali lang si manager.

"Haha. Hindi ako nagkakamali. Ikaw si Xiumin. No need to act. Alam ko ang sikreto nyo." Natatawang sabi nya.

Nagkatinginan na lang kami ng mga kasama ko. He knew? How? Bago pa man kami makapagconclude ay nakarating na kami sa airport kaya hindi na namin napagusapan iyon.

Sa isang private plane kami sumakay. Hindi na namin natanong kung paano na-afford ni manager ang maghire ng private plane para sa amin. Naguguluhan pa rin kasi kami sa mga nangyayari.

"Paano mo nalaman ang sikreto namin manager?" tanong ni Chen(Suho).

"Mamaya na Suho. Alam kong naguguluhan kayo. Sa dami ng nangyari ngayong gabi. Sasagutin namin lahat ng tanong nyo. Pero sa ngayon, hintayin na muna natin sya." mahinahong sagot ni manager habang inaayos ang seatbelt nya. ganun din ang ginawa namin, safety first eh.

Nagtaka kami sa sinabi ni manager. Sino ba ang tinutukoy nya? May nakakaalam pa ng sikreto namin?

"Kung ganun ay may nakakaalam pa ng sikreto namin? Sino?" tanong ni Suho(Luhan).

Nagchuckle lang si manager tsaka napailing. "Tinatanong pa ba yan? Sino pa bang nakakaalam? Edi walang iba kundi si..."

"I'm here."

Napalingon kaming lahat sa nagsalitang iyon. Nanlaki na lang ang mga mata namin sa gulat. Nagdire-diretso lang sya sa paglalakad hanggang sa makarating sya kay manager at naupo sa tabi nya.

Paanong nandito sya? Hindi namin inaasahan iyon. Akala namin wala na sya. Akala namin...

"Harriet." Bulong ko.

~

Harriet POV

Gusto kong matawa sa reaksyon nila. Hindi siguro nila inaasahang makikita nila ako ngayon. Napapailing na lang ako, rinig ko pa ang pagbubulungan nila. Marahil ay nagtataka sila kung bakit ako nandito.

I shouldn't be here. Iniwan ko na sila. Pero bakit? Yan siguro ang tumatakbo sa mga isipan nila.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ng katabi ko, si manager Heechul. Ang kasabwat ko noon pa man. Hindi magiging matagumpay ang planong ito kung hindi ko sya kasama.

"Ah yeah." Ngiti ko sa kanya.

"Buti naman hindi ka nasundan ng tauhan nya."

"Haha. Hindi naman. Salamat sa FBI agents na pinadala mo. Secured akong nakarating dito."

Yes, the whole time ay may kasama akong mga agents. They're just everywhere, nagtatago pero binabantayan ako. Sila din ang nakapagtrace sa kung sino ang nangbablackmail sa akin. Nalaman nilang may naglagay ng bug sa cellphone ko. Medyo matagal din bago nila na-trace iyon.

Ang mahalaga ay may alas na kami ngayon. All thanks to EXO's manager. Naalala ko pa ang lahat ng aminin nya sa aking alam nya ang nangyayari sa EXO. The news shocked me, all this time, alam nya pala.

Yun yung time na sinabihan na ako ni manager Dreya na umiwas sa EXO. Yes, iniwasan ko sila. Syempre, ayaw ko silang mapahamak. Hindi kakayanin ng konsensya ko iyon.

But then, nilapitan ako ni manager Heechul. Iyon yung time na nakatanggap ako ng note sa pintuan ng condo ko na nagsasabing pumunta ako sa rooftop ng SM building.

Right after na makausap ko si Kai sa condo ko ay si manager Heechul naman ang pumunta sa akin.

Flashback

Dingdong...

Natauhan na lang ako ng marinig ko iyon. Kanina pa ako umiiyak pero ngayon ko lang napansin na may nagdodoorbell. I bet kanina pa sya roon.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang manggas ng loose tshirt ko. Oo na, mukha na akong isnag batang yagit sa kalye. But what can I do?

"Sino yan?" tanong ko tsaka tinignan ang sa screen ang tao sa labas. Naka-cap kasi iyon at mukhang estranghero. Malay ko ba kung may gawin syang masama sa akin pagkabukas ko ng pinto.

Tumingin ang lalaki sa screen at nakilala ko naman agad kung sino iyon. "Si manager Heechul ito Harriet."

Pinagbuksan ko sya ng pintuan tsaka pinatuloy. Pinangunahan ko na ang pagpunta sa sala, tinanggal muna nya ang mga makakapal nyang coat tsaka sinamahan ako sa sala.

Nakapagtataka naman, ano kaya ang kailangan sa akin ni manager Heechul?

Pinaupo ko sya sa sofa habang ako naman ay nagtungo sa kitchen para manguha ng juice at sandwich. Ng matapos iyon ay pinuntahan ko na sya sa sala, tahimik lang syang nakamasid sa akin. nakakatakot ang pagkaseryoso ni manager.

"Mag merienda ka muna manager." Alok ko sa kanya ng hinanda kong pagkain.

"Salamat."

Naupo naman ako sa mahabang sofa. Tumikhim muna ako bago nagsalita. Paano ko ba sisimulan.

"Ah manager. Bakit ka napa rito? May kailangan ka ba?"

Sumimsim muna sya ng juice bago ako binalingan.

"Oo. May gusto lamang akong klaruhin." Napakaseryoso ni manager. Hindi ko mabasa ang emosyon nya ngayon.

"A-ano yun manager?" geez, nauutal talaga ako sa takot. Feeling ko malaking rebelasyon ang sasabihin nya.

"Alam ko na ang sikreto ng EXO. Matagal na. Ang gusto kong malaman ay kung paano nanngyari sa kanila iyon? Bakit humantong sila sa ganoong sitwasyon?"

O__O

Ilang sandali din siguro bago tumatak sa isipan ko ang sinabi ni manager. Alam nya? Alam nya!!

"Alam mo? Paanong..." hindi ko makumpleto ang tanong ko dahil sa shock.

Humgot sya ng malalim na hininga. "Don't underestimate me Harriet. Ako ang manager ng EXO, of course I know everything. Lahat ng nangyayari sa kanila. That's my job. Paano ko sila mahahandle ng mabuti kung wala akong alam diba?"

Tumahimik ako sandali. Medyo sumisenti si manager kaya. Sige na. Bigyan na sya ng exposure.

"Nasa Pilipinas pa lang. Nahalata ko na. I'm not that dumb Harriet. Mukha lang akong walang pakialam, pero alam ko ang nangyayari sa paligid ko. Mula ng magising sila, marami ng nagbago. Inobserbahan ko sila.

"Si Tao hindi ko na kailanman nakitang magpractice ng wushu. Pero napansin ko ang madalas nyang pagbirit na kumanta. Si Chen naman ay laging seryoso. Sya dapat yung madalas na maloko eh, pero ngayon sya na yung responsable.

"Si Suho, imbes na magpakaleader, rubiks cube ang ginagawa, hello kitty ang pinagkakaabalahan. Si Luhan naman, napakadalas na magluto. As in sya na ang nagluluto every meal. Na ni minsan ay hindi ko inasahan.

"Si D.O laging nakakalimutan ang mga bagay-bagay. Si Lay naman laging nakaderp, napansin ko din ang pagimprove nya sa pagrarap. Pero bumaba naman ang peroformance nya sa dancing.

"Si Chanyeol ni minsan, hindi ko inasahan sa pagsasayaw. Tapos ngayon, sya na ang nangunguna sa rehearsals. Si Kai naman, hindi mo na maasahang sumayaw. Lagi na lang nagdodrawing.

"Si Kris madalas ng mabulol, madalas mag-aegyo. Ang weird. Si Sehun naman akala mo kung sinong matanda, kung makapagsalita tapos laging hawak ay baozi

"Si Xiumin halos hindi mapaghiwalay ng eyeliner nya, dapat baozi ang hawak nya eh. Si Baekhyun naman, akala mo ang laki ng katawan, kung makapag martial arts.

Tinignan nya ako ng mariin na parang hinahanap ang sagot sa akin.

"Now Harriet. Sinong hindi magtataka? Sa ikinikilos nila, sinong hindi maghihinala."

Tumawa sya ng malungkot tsaka tumingin sa itaas na para bang pinipigilang umiyak. Geez, hindi ko alam kung paano magpatahan ng weirdong matanda kaya wag dapat syang iiyak.

"Nakumpirma ko iyon ng makabalik na kami dito sa South Korea. Mas lalo kong napatunayan iyon ng magpunta ka dito, alam ko din ang lihim nyong pagkikita ng EXO."

"I came up with a conclusion base sa mga naobserbahan ko. Si Tao ay si Chen, si Chen ay si Suho, si Suho ay si Luhan, si Luhan ay si D.O, Si D.O ay si Lay, si Lay ay si Chanyeol."

"Si Chanyeol ay si Kai, si Kai ay si Kris, si Kris ay si Sehun, si Sehun ay si Xiumin, si Xiumin ay si Baekhyun, Si Baekhyun ay si Tao. Now, tell me Harriet. Did I miss anything?"

Hindi ako nakasagot agad. Akala ko ay hindi na sya matatapos sa rebelasyon nya.

"Yes manager. Tama ka. They've switched."

Napayuko na lang sya. nagulat na lang ako ng mag-angat sya ng tingin. Ang creepy. Bigla na lang kasi syang ngumiti.

"Wahaha! I knew it!! Sabi ko na nga ba. Ang poging manager na katulad ko ay hindi magkakamali Wahaha!" tili nya habang tumatalon sa couch.

O__O

Anyare?

"Wow! Paanong nangyari yun. Parang himala! Tell me more Harriet. Sabihin mo kung paano nangyari ang lahat.! Dali, em so eggzoited!!" tanong nya, bahagyang gumagalaw pa ang tenga nya na parang isang kuneho.

This manager is really weird.

At dun ko na naikwento sa kanya ang lahat. Mula umpisa. Nasabi ko na rin ang dapat gawin para makabalik sila sa dati at sinabi naman nyang sya na ang bahala dun.

End of flashback

~

Chanyeol POV

4 na oras ang tinagal ng byahe, 4 am na kami nakarating, may security na rin ng makalapag kami sa Pilipinas. Mahirap na kung malaman ng mga fans na nandito kami, baka magkagulo lang at hindi na namin maisagawa ang plano naming makabalik sa sarili namin.

Sinusundan lang namin si manager at Harriet, nangunguna sila sa paglakad. Sa isang simpleng hotel kami tumuloy. Walang imik si Harriet.

"So ito pala ang plano ni Harriet? Kaya nya tayo nilayuan?" nagtatakang tanong ni Sehun(Xiumin) hyung.

"Hindi rin siguro. Baka may iba pang dahilan yung paglayo nya." sagot naman ni Luhan(D.O).

"Oo nga. Ano namang mapapala nya kung lalayuan nya tayo, eh may plano na pala sila ni manager. Aish, kagulo." Napasabunot na lang si Xiumin(Baekhyun) sa kakaisip.

"There's a reason for everything. She wouldn't go this far it it wasn't." biglang sabi naman ni Kai(Kris) hyung.

Siguro nga, may dahilan ang lahat.

Apat na kwarto ang kinuha ni manager para sa amin, 3 members sa isang kwarto. Samantalang si Harriet at manager ay nasa tig-isang kwarto, na katapat din lang ng mga kwarto namin.

Kanina ko pa tinititigan si Harriet. Magmula sa eroplano, hanggang sa kotse, pati ngayon. I can't help it, I'm addicted to her. Kahit sa dinami-dami na ng nangyari, ganun pa rin yung nararamdaman ko.

Dineliver na lang ang breakfast namin, pagkatapos ng breakfast ay sinabihan na kami ni manager na magpahinga muna dahil 1 pm ang byahe namin papuntang Laguna. Right before dawn ang labas ng partial lunar eclipse. Nandoon na rin ang team ng mga experts para makatulong.

Nagpasya akong lumabas ng kwarto para kumuha o bumili ng tubig sa baba, tulog na ang mga kasama ko.

Pagbukas ko ng pinto ay sya ding pagbukas ng pintuan ng katapat ko, si Harriet. Medyo nagulat sya ng makita ako, pero agad din iyong nabawi tsaka sya naglakad.

No, hindi na sya makakawala ngayon.

Hinabol ko sya, nasa kalagitnaan na sya ng hagdanan ng maabutan ko sya. I immediately grabbed her right arm and pinned it to the wall, she tried to push me using her left hand pero kinuha ko din iyon at itinulad sa kabila nyang kamay. Now, she is completely helpless, napayuko na lang sya dahil hindi na sya makapalag.

"Why are you running away from me Harriet?" bulong ko sa kanya. Mas lumalim naman ang paghinga nya. Ramdam ko din ang bilis ng tibok ng puso nya. I'm glad that I have this effect on her.

"Look at me. Damn it. Sagutin mo yung tanong ko."

Napaigtad sya ng marinig ang mura ko kaya napatingin na rin sya sa akin.

"K-kasi nakakatakot ka."

Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. She's afraid of me? Why? Dun naman ako nakaisip ng pilyong ideya.

"You should be Harriet. Cause right now, I really want to kiss you." I whispered using my husky voice.

Akala ko mas matatakot sya. But to my surprise, she leaned herself to me as she closes her eyes. Napatigil ako. She looks like she's submitting herself to me. Nakakatemp. Natetemp akong patulan.

Pinakawalan ko ang kamay nya tsaka ko pinitik ang noo nya. My pretty Harriet. Natawa na lang ako sa pagkunot ng noo nya, napanguso na lang sya ng magmulat sya ng mata dahil hindi nangyari ang inaasahan nya.

"Not today Harriet. Not now. Hindi kita hahalikan hanggang hindi pa ako nakakabalik sa katawan ko. Kay Lay hyung ang katawang ito, sa kanya ang labing ito. Trust me, gustong-gusto kitang halikan ngayon. Pero pag ginawa ko yun, para ka na ring hinalikan ni Lay hyung."

Namula naman ang pisngi nya sa sinabi ko. Maybe because of embarrassment. I don't know, all I really know is she looks pretty cute with her red cheeks.

"So wait till I get back to my body. Promise, pagkabalik na pagkabalik ko sa katawan ko. Ang unang gagawin ko ay ang halikan ka."

After saying that ay iniwan ko na sya. I smirked upon remembering her face. Maghintay k lang Harriet. Humanda ka sakin, pag nakabalik na ko.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." πŸ–‡ COMPLETED Date Starte...
10.3M 474K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #03 β—’ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
83K 1.8K 40
I am strong. She is powerful. I make the rules. She is the rule. I am a gang leader. She is the queen.
72.5K 1.2K 52
Because Ashboo will always be my favorite What If. Thank you for all your interest and support. ^_____^ Working on the next!!