Mr. Chickboy (Completed)

By WinonaSaiz

83.9K 1.5K 58

A chickboy's story. Warson ~ More

Introduction √
His Side √
Selfie Monday √
Long Wednesday √
Cosplay Friday √
Saturday Night √
Comeback √
Past √
The Bet √
Dinner √
Agreement √
Ligaw: Day 1 √
Ligaw: Day 2 √
Ligaw : Day 3 and 4 √
Status : In Relationship √
First Day √
Representative √
Mr. and Ms. Santa Claus. √
Christmas Break √
Christmas 1.1 √
Christmas 1.2 √
Special Chapter 1 √
Boracay Escapade 1.1 √
Boracay Escapade 1.2
Missing her.
New Years Resolution.
Abnormal Beat
Confused
Special Chapter 2
Special Chapter 1.2
Heartaches.
Leaving Him.
Miserable.
A life without Sam.
False Alarm
Operation:Finding Sam
Irish's Help.
Locating Samantha.
Summer.
Serenading Sam.
Courting all over again.
Mr. Chickboy Moves.
Satur-Date.
Beg.
Signs
Chance
Birthday.
Two
Eternity.
Second Life.
Last Wish
New Beginning
Graduation Day.
True Feelings
New Chapter
Our Love.
Right Time, Right Place.
SC: Harold's Love
SC: Harold's Love
SC : Harold's Love.
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Love
SC : Rosas' Gumamela.
SC : Rosas' Gumamela
SC : Rosas' Gumamela
Epilogue
Book 2

SC : Sandrex Girl

616 11 0
By WinonaSaiz

Sandrex.

I am just an ordinary man. An ordinary man who loves to mingle with others, most especially in girls. Hindi naman ako babaero katulad nila Warson at Rosas. Mag kasing bait kami ni Harold pero ako ang pinaka pogi sa aming apat. Self proclaim lang sila ako naman totoong totoo.

Nung nagpasabog kasi si Lord ng kagwapuhan ay nasalo ko lahat at naambunan lang ang tatlong yun kaya naging gwapo rin.

Hinahabol ako ng mga babae pero hindi ko sila pinapansin. Natural lang naman na mamangha ka sa kagandahan na taglay ng isang babae diba?

Ikikwento ko sa inyo ang kwento ng buhay pag ibig ko. Hindi naman ata pwede na sila Warson lang ang may lovelife. Syempre, pumapag ibig rin ako. Mabuti nga at solve na silang lahat. Pwera lang pala kay Rosas. Pfft!

Naaalala niyo ba ang time nung nakita ako ni Warson na may kasamang babae? Well, that was my girlfriend. Pa on and off ang relasyon naming dalawa. Para sa kanya yun. Pero para sa akin. Kami pa rin.

Nakilala ko siya noong papauwi na ako galing school. High school palang ako nun. I am buying a root beer sa 7/11 ng may nakabunggo sa aking isang babae. Tiningnan niya lang ako at hindi manlang nag sorry.

Pinabayaan ko nalang siya dahil maganda siya. Karapatan rin daw kasi ng mga magaganda ang magsungit. Nagkibit balikat ko at dinagdagan ng curls ang dala ko. Nakapila sa counter yung magandang babae at mukhang tulala. Naiinis na nga sa kanya ang cashier kasi kanina pa siya kinakausap pero lagi ata lumilipad sa Pluto ang utak nun. Nakita kong root beer rin pala ang binibili niya.

Ng lumabas siya ay nagreklamo pa ang cashier. Naiwan niya rin kasi ang wallet at binili niya. May saltik siguro yung babaeng yun.

Agad kong binayaran ang binili ko at binuksan ang root beer na hawak ko. Ng papalabas na ako ay hinablot ng babae ang root beer na hawak ko at diretsong ininom iyon. Fvck! Inubos niya yung root beer ko!

Nandiri ako ng ibinigay niya sa akin ang bote gamit ang nanlilisik na mga mata. Dumighay pa ito sa harap ko't itinulak ako palabas. Naiinis na lumabas ako ng convenience store. Badtrip! Nauuhaw na kaya ako!

Imbes na umuwi agad ay dumiretso ako sa park. Nauna kasing umuwi sila Warson kanina. May inihatid na chicks. Sam ata ang pangalan nun.

Kinuha ko ang isa pang root beer at ininom iyon. Kahit maggagabi na ay marami pa ring mga tao sa park. Mga nagdidate at halos teenager katulad ko. May nakikita akong naga away at naglalambingan.

Puro katulong rin naman ang maabutan ko dun sa bahay pag umuwi ako. Busy kasi sila Mama at Papa. Only son ako dahil ayaw na rin ni Mama na manganak noon. Ewan ko kung hindi nabuntis si Mama noon ni Papa. Malayong magka anak ito. Masyado kasing career woman.

Inubos ko agad ang root beer na iniinom ko. Ng makita kong wala ng laman ang last kong ininom ay naiinis kong binato ito sa basurahan. Pambihira kasi yung babaeng yun eh. Inagaw.

Minabuti kong maglakad nalang pauwi dahil malapit lang naman ang bahay namin dito. Ng pauwi na ako ay nakita ko yung babaeng nakatulala lang habang binubully ng mga powerpuff girls namin dito sa village. Triplets ito at sobrang sama ng mga ugali.

Hindi ko na sana papansinin pa sila kasi hindi ko ugali na makialam sa away pero hindi ko napigil ang sarili ko ng makitang pinagsasampal na ng naka red na ribbon at red na damit ang babaeng umagaw sa akin ng root beer. Tss.

"Hoy!" Sigaw ko sa kanila. Ng makita nila ako ay nagniningning ang kanilang mga mata. Pogi kasi ako at sikat pa dito sa village namin.

"Hi Prince Sandrex!" Sabay na sabay na wika nilang tatlo. Dumiretso ako ng tingin sa babae at nilapitan ito.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Nag angat ito ng tingin at nakita kong namumula ang magaganda at mapupungay nitong mga mata.

"Prince Sandrex! Hindi mo dapat hinahawakan ang baliw na yan!" Sigaw ng nakadilaw na damit at wig.

"Yeah! She's freaking insane for Pete's sake! Ewan ko ba't naliligaw sa village natin yan." Sagot naman ng naka blue na babae.

Hindi ko sila pinansin at binuhat ang babae na parang prinsesa.

"Teka Prince Sandrex!" Sigaw nila. Lumingon naman ako sa kanila. "Oh?" Tanong ko.

"Masakit rin ang paa ko. Buhatin mo ko! Huhu!" Sigaw ng naka pulang damit.

Tumawa lang ako sa kanila at dumiretso ng lakad bitbit ang babaeng 'to. Tss, hindi ata kumakain 'to eh. Ang gaan gaan masyado.

"Hoy babae umagaw ng root beer ko. Hindi ka ba magsasalita diyan? Anong pangalan mo? Bakit titig na titig ka sa pogi kong mukha?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi matunaw na rin ako sa sobrang pagtitig niya sa akin. Buti nalang pala at matagal pa ang expiration date ng kapogian ko.

"Hoy babaeng umagaw ng root beer ko." Tawag ko sa kanya ulit. Nagulat ako ng bigla nalang 'tong pumalahaw ng iyak.

"Waaaah! Iniwan niya na ako! Naiinis ako! Bakit ba naging ganito kasaklap ang buhay ko! Waaaaah!" Iyak niya habang papapadyak padyak. Binitawan ko siya dahil sobrang likot na rin.

"Aray! Nakakainis ka na ah! Sino bang may sabi na bitawan mo ako Mamang-nangaagaw-ng-root-beer-ng-may-root-beer!" Sigaw niya at nakapamewang sa akin.

"Ikaw kaya ang nang agaw ng root beer ko!" Sigaw ko sa kanya.

"No! Ikaw kaya! Inagaw mo yun at buti nalang inagaw ko agad sayo para hindi mo nainom! Walang hiya ka!" Pinanghahampas niya ako ng bag na dala niya. Putik! Iniligtas ko na nga siya sa powerpuff girls na yun pero ito lang ang ipinalit sa akin.

"Tss! At Bakit ako pa? Eh ikaw nga 'tong nang agaw! Nakakabwisit ka." Sigaw ko habang sinasalo ang bawat panghahampas niya sa akin.

-------

Para matigil ang pag aaway namin sa nonsense na bagay ay dinala ko ulit siya sa 7/11 ng village. Buti nalang pala't malapit lang 'to dito.

"Miss! Nagbalik ka. Naiwan mo nga po pala ang root beer at wallet niyo dito kanina. Ito po oh." Masayang bati naman ng cashier. Himala nga't hindi na ito galit muli.

Nahihiyang nagpasalamat naman ito sa cashier. Taas noo ko naman siyang tiningnan ng makalapit sa akin. Hinatak niya ang kamay ko at iniupo. Hindi ko na nagawang makapag tanong pa sa kanya dahil madali lang itong bumalik sa counter. Tss.

Hindi ko naman siya maiwan iwan dahil baka kung ano pang mangyari sa kanya. Natutulala pa naman 'to kanina.

Nagulat ako ng inilapag niya sa akin ang isang bote ng root beer at sotanghon. Ganun din ang inorder niya pero may kasamang big bite at donut. Hindi naman halatang gutom siya masyado.

"Sandra Marquez ang pangalan ko." Wika niya at kumagat ng malaki sa big bite niya. Kinuha rin nito ang tinidor nito at kinain ang sotanghon niya. Pambihira. Ibang klase ang appetite ng babaeng 'to.

"I'm Sandrex." Tipid na pakilala ko. Napalingon naman ito sa akin. Nakakunot ang noo.

"Wala kang apelyido?" Tanong niya. Agad akong namula. Hindi sa kinakahiya ko ang apelyido ko pero hindi lang ako sanay na may nagtatanong na ibang tao nito sa akin.

"Hindi naman tayo close." Pasungit ko na sagot. Kakakilala lang namin tapos magtatanong na agad siya ng mga ganitong bagay? Nagulat ako ng tumayo siya at lumipat sa tabi ko.

"Oh ayan, close na tayo huh. Anong apelyido mo?" Tanong niya.

"Tss. I'm Sandrex Manalo. 14 years old." Wika ko. Nanlaki naman ang mata nito.

"Woah! Nasa harapan ko pala ngayon ang lalaking kinatitilian sa school namin? Akalain mo nga naman! Panalong panalo ang apelyido mo ah!" Tumatawa nitong wika. Kinuha ko ang donut niya at diretsong ipinasak iyon sa bibig niya. Tss.ang ingay masyado.

Gumanti rin siya at dun nagsimula ang pagkkaibigan namin. Ikinikwento niya sa akin ang tungkol sa pagkatulala niya. Iniwan pala siya ng boyfriend niya dahil sa hindi nito maibigay ang kailangan nito.

Tss. Nakikimingle ako sa girls at hindi flirting ang tawag dun. Friendly lang talaga ako. Hehe. Napatango nalang ako sa kwento niya. Malay ko ba sa lalaking yun? Tss. Adik kasi yung mga ganyang lalaki. Ang ulo lang sa baba ang pinapagana. Iba tuloy ang expression ng mga babae sa mga lalaki ngayon.

"So ayun! Makaka move on na ako! At hindi ko na siya iisipin pa!" Kanina niya pa yan isinisigaw sa akin. Naglalakad na kami palabas ng park. Ewan ko nga't bakit nakikinig ako sa babaeng 'to eh. Pero natutuwa ako sa kadaldalan niya.

"Diba? Makakamove on rin ako? Kasi tutulungan mo ako!" Nakangiti ito sa akin habang palundag lundag na naglalakad sa tabi ko. Pinahawak niya pa nga sa akin yung bag niya. Oo. Ganito na kami kaclose kahit nitong araw lang rin kami nagkakilala.

"Tss. Oo na." Tanging wika ko sa kanya. Ininom ko ulit ang root beer na binili niya. Pareho daw kami ng paborito eh.

Ng makaabot kami sa park ay pinaupo niya ako sa bench habang siya naman ay nakatayo at parang kiti kiting galaw ng galaw.

"Sayaw tayo!" Sigaw niya. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa mga bewang niya. Inilagay niya ang mga kamay niya sa leeg ko.

"Wala naman tayong music." Wika ko.

"Nah!" Ikinabit niya ang headset sa tenga ko at siya ang nag lead ng pagsayaw namin. Kung titingnan ay para kaming mga baliw rito sa pagsasayaw. Paano naman kasi, kami lang naman ang nakakarinig ng music.

Pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng saya. At sana, hindi na matapos ang araw na 'to.

----------

Baby Sandrex on the picture! He's so hottttttt!

Continue Reading

You'll Also Like

52K 1.3K 35
Characters: John Drew Roberts Olivia Kate Gonzales Ren Christoff Villa Jake Flores Miko Gomez Krista Jane Suares Michelle Reyes Michael Reyes
276K 4.1K 17
Ok how about I will make 5 exclusive paperback copy of this? will you be interested?
347K 23.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
206K 4.1K 60
Nang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.