His Jealous Girlfriend

By ahmmabee

181K 3.5K 519

Batid ni Rica na ang pagiging masyado niyang selosa ay hindi maganda pero kahit anong gawin niya ay hindi niy... More

His Jealous Girlfriend
Jealousy 1
Jealousy 2
Jealousy 3
Jealousy 4
Jealousy 5
Jealousy 6
Jealousy 7
Jealousy 8
Jealousy 9
Jealousy 10
Jealousy 11
Jealousy 12
Jealousy 13
Jealousy 14
Jealousy 15
Jealousy 16
Jealousy 17
Jealousy 18
Jealousy 19
Jealousy 20
Jealousy 21
Jealousy 22
Jealousy 23
Jealousy 25
Jealousy 26
Jealousy 27
Jealousy 28
Jealousy 29
Jealousy 30
Jealousy 31
Jealousy 32
Jealousy 33
Jealousy 34
Jealousy 35
Jealousy 36
Jealousy 37
Jealousy 38
Jealousy 39

Jealousy 24

3.1K 82 12
By ahmmabee

I need you girl! Hahaha.
Hello! Marco and Rica are back! Someone's also back! Enjoy reading. :)

PS: Happy Mother's Day to your awesome moms!

Rica's POV
Pagkatapos ng ball ay simula na ng bakasyon namin kinabukasan. Before Christmas Day, our family went to Japan for a week. Sobrang nawili ako sa pamamasyal at pamimili doon. I also enjoyed playing with the snow. Sigurado rin akong nakapagrelax sina mommy at daddy sa stay namin. Sila kasi ang nagyaya na magbakasyon kami para makapagpahinga raw sila mula sa travaho at ako mula naman sa school works.

We celebrated Christmas sa Palawan kung nasaan ang isang tito ko sa mother side at ang pamilya niya. I've spent Christmas with Marco the previous years at medyo nalungkot ako dahil hindi ko siya nakasama noong pasko. Siyempre, dapat ay nandoon ako kina Tito Gilbert dahil parang family reunion na rin namin 'yon. Umuwi rin sina lolo at lola mula sa US kasama ang pamilya ni Tito Cesar na bunso sa tatlong magkakapatid na sina Tito Gilbert na panganay at si mommy na nasa gitna.

Good thing there's Facetime kaya kahit papaano ay parang kasama ko na rin ang boyfriend ko. Nag-out of the country rin kasi sila. They went to South Korea kasi 'yon daw ang request ng kapatid niyang si Zab sa parents nila. Medyo nainggit ako kasi gusto ko ring mag-SoKor pero nag-promise naman sina mommy at daddy na doon ang susunod naming pupuntahan kapag may time ulit sila.

I missed him so much. Kahit palagi kaming magkatext, magkatawag o hindi kaya ay magka-Facetime ay kulang pa rin para sa 'kin. Still, I was longing for his touch and kiss. Ilang linggo lamang 'yon pero parang ilang taon na para sa akin. Kung pwede lang mag-teleport papunta sa Seoul ay ginawa ko na.

Good thing we were together in welcoming the new year. Parehong umuwi ang mga pamilya namin at pumunta siya sa bahay namin bago mag-12. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap pagkakita ko sa kaniya. Sa mga natirang araw ng bakasyon ay magkasama kami araw-araw at namamasyal o di kaya ay nakatambay sa bahay namin o 'di kaya ay sa kanila.

Nailabas na rin ang results ng UPCAT last December at pasok ang GWA ni Marco at Vance sa degree program na gusto nilang dalawa at sa Diliman campus kaya sobrang tuwa nilang dalawa at siyempre ako bilang girlfriend ni Marco. Ilang buwan na lang ay college na sila. Hindi na kami pareho ng school. Kaya lang hindi ko muna dapat isipin 'yon dahil may pinoproblema pa ako ngayon.

"Parang ayokong mag-debut."
Pahayag ko habang nasa canteen kaming apat nina Marco, Shiela, at Vance. Kumunoot ang noo ni Shiela.

"Why?"
She asked after taking a sip on her strawberry shake. Nagkibit-balikat ako.

"Hassle. Intimate celebration with my relatives and friends is fine with me. Pero si mommy kasi sobrang excited na at nagsisimula nang maghanap ng organizer."
I answered. Naramdamang ko ang pagpunas ni Marco sa gilid ng labi ko. Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat. Sinawsaw ko ulit sa ketchup ang fries at sumubo.

"Then sumunod ka na lang. Besides, that's just once in a lifetime celebration. Good for you, more than a month na lang 18 ka na. I wanna have my debut na rin. I have so many ideas na."
Wika ulit ni Shiela. Mas matanda kasi ako ng dalawang buwan sa kaniya. Grabe, 18 na pala ako sa February.

"I'll give you the number of my cousin. She's a wedding and birthday organizer."
Singit naman ni Vance kaya binigay ko sa kaniya ang phone ko para malagay niya ang numero ng pinsan niya.

"I'll tell mom. Thanks, Vance!"
I uttered at nilagyan ng fries ang bibig ni Marco na nagpapasubo kanina pa.

I'm sure it will be a long preparation. Sa pagpili pa lang ng 18 candles, 18 roses at iba pang guest ay nahihirapan na ako. Paano pa kaya sa motif, invitation, cake, dress, foods, at iba pa? Siyempre kahit may organizer ay kailangan ko pa ring makialam dahil ako ang celebrant.

Pagkatapos ng huling klase ko ay naabutan ko si Marco na nag-aabang sa may pintuan ng room namin.

"Oh, akala ko may practice kayo ngayon?"
Gulat kong tanong. In fact, papunta na sana ako sa gym para manood. Nauna na kasing umuwi si Shiela kasi may lakad daw sila ng kapatid niya.

Umiling si Marco at inabot ang bag ko mula sa 'kin. Nauna na siyang maglakad kaya sumunod ako.

"Coach cancelled it. Rest day daw."
Paliwanag niya. Ang maganda kay kuya Alfred ay hindi niya masyadong pinapahirapan ang varsity team. They are competitive, yes, pero chill chill lang sila minsan.

"So uuwi na tayo?"
Tanong ko sa kaniya nang makarating na kami sa sasakyan niya sa parking lot. Pinagbuksan muna niya ako ng pinto sa harap bago sumagot.

"Hindi pa. Sa mall tayo. Nagpaalam na ako kay tita."
Tumango ako at alam na agad na si mommy ang tinutukoy niya. Pagkatapos kong umupo ay inabot na niya ang bag ko sa akin. Siya na rin mismo ang naglagay ng seatbelt ko. One of the things I like about Marco is his thoughtfulness. Hindi siya pabayang boyfriend.

"Thanks!"
Wika ko sa kaniya bago niya isara ang pintuan at umikot na para sumakay rin.

A few minutes later ay nasa mall na kami. Hinawakan niya ang kamay ko papasok pero kinailangan niya ring bitawan nang nasa mga guard na kami na nagti-check ng bag, or let me say nagtutusok lang ng bag, dahil hiwalay ang mga babae at lalake. Nang matapos na ako ay lumapit agad ako sa kaniya na naghihintay sa akin dahil nauna siya.

"What do you want to do? Shopping? Spa? Arcade? Just tell me."
Aniya at nilingon ako. Nagulat naman ako sa tanong niya dahil ang akala ko ay sasamahan ko lang siya dahil may bibilhin o gagawin siya.

"You mean, treat mo?"
Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya at ginulo ang buhok ko.

"Yeah. Pero hanggang 9 pm lang daw tayo sabi ni tita. We still have 4 hours remaining so you better decide quickly."
He uttered. Why is he suddenly doing this?

"Anong meron? Biglaan naman yata 'to?"
Nagtatakang tanong ko.

"What's wrong if I wanna date my girlfriend?"
Seryosong wika niya kaya uminit ang pisngi ko. Sa tagal namin ay hindi pa rin talaga ako nasasanay sa mga ganitong sitwasyon. Mayroon pa ring excitement at kilig sa tuwing gumagawa siya ng mga sweet na bagay at pinapaalala niya sa aking espesyal ako.

Tumawa siya sa pagkatameme ko at kinurot ang aking pisngi.

"What a cute girlfriend! Let's go?"
Aniya. Hinila niya ang aking palapulsuhan at naglakad na. Hindi ako umangal at nagpatianod na lang.

Ilang bilihan ang napasok namin kasali ang department store. Siya mismo ang namili ng mga sinusukat ko at nagdesisyon kung ano ang mga bibilhin.

Sa huli ay naka-siyam na paper bags kami ng mga gamit. Ang iba ay sa kaniya dahil pinilit ko siyang bumili rin kami ng sa kaniya at karamihan ay akin. Sa umpisa ay gusto niyang siya ang mag-shoulder lahat ng gastos pero mabuti na lang ay nakuha ko siya sa pangungulit ko na hati kami sa pagbabayad. 'Yon nga lang, mas madami pa rin siyang share kaysa sa akin dahil in the first place ay siya raw ang nagyaya at plano naman talaga niya akong ipag-shopping.

Kung pwede sana ay ayokong maglaan siya ng malaking pera para sa akin. I mean, ayos lang kung magbigay siya ng mga gift kapag may okasyon pero kapag mga ordinaryong araw lang ay hindi ako pabor. Pera na kasi ang pinag-uusapan. Kuntento naman na ako sa atensyon at pagmamahal na binibigay niya. And besides, hindi pa kami mag-asawa para maglustay siya ng pera niya for me. Maybe he could use them for more important things. Hindi naman ako materialistic na girlfriend.

Pero na-appreciate ko naman ng bongga ang mga ginagawa niya. Nakakataba ng puso.

"Sa Shakey' tayo?"
He asked. Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Yup! Gutom na ako."
He just smirked then placed his arm around my shoulder.

Nang nasa tapat na kami ng Shakey's ay may nakasalubong kaming isang babaeng may pamilyar na mukha.

Tumigil ito kaya napatigil na rin kami. Nang iangat niya ang kaniyang paningin kay Marco ay bigla na lang nanlaki ang mga mata ng babae na parang nakakita ng multo.

I remember her! Siya 'yong magandang babae sa boutique.

"H-hello. K-kumusta ka na...M-marco?"
Putul-putol na tanong niya. What? She knows Marco?

I looked at my boyfriend na may gulat ding mukha ngayon. Bumalik sa normal ang mukha niya at nagsalita.

"Hi! I'm good."
He answered and moved his hand from my shoulder to my waist. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Babe, she's Kathie. Kathie, this is Rica Angela, my girlfriend."
He said and the girl named Kathie looked at us with a sad face and slowly smiled. Pilit na ngiti.

I didn't extented my hand because I was occupied by my thoughts kaya siya ang naglahad ng kamay sa akin.

"You were the girl last month! Hi, Rica! It's nice to meet you again."
Aniya. Nagdalawang-isip ako kung maglalahad din ako ng kamay pero inabot ko na lang din ang kamay niya.

"Hello."
Tipid na sagot ko and we shoke hands.

"You've met before?"
Nagtatakang tumingin sa akin si Marco.

"Na-..."
I was about to answer him pero sumingit si Kathie.

"We met at a boutique last December, Marco. Pareho kasi kami ng natipuhang damit pero pinagbigyan niya ako dahil AKO ang UNANG nakakita ng dress. Ang bait nga niya e, she gave up the dress for me. Thank you nga pala ulit."
Sabi niya at ngumiti sa akin. Hindi ko alam pero parang sa pandinig ko ay may diin ang pagkakasabi niya ng ilang salita. I awkwardly smiled back.

"Okay. So, mauna na kami?"
Ani Marco at itinuro ang loob ng Shakey's.

"Napagod kasi 'to sa kakasukat kanina. Nice seeing you again, Kathie."
He added. Napipilitang tumango si Kathie bago kami pumasok sa loob at umupo. Lumapit agad sa amin ang isang waiter at ibinigay ang menu.

"Babe..."
Narinig kong sambit ni Marco habang nakatingin ako sa menu. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya.

"Uhm?"
I uttered. Inabot niya ang kamay ko at hinaplos ang aking mga daliri.

"I don't know if it's a good idea to tell you this but I want to be honest with you. That girl is my ex-girlfriend."
He confessed. What he said is a confirmation of what was running on my mind a while ago. I don't know what to feel and how to react kaya tumango na lang ako.

"Okay."
Tipid na sagot ko. Inangat niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"What do you wanna eat?"
Ngumiti siya at in-scan na ulit ang menu.

Bago ulit ako pumili ay bumaling ako sa may pintuan. Nagulat ako nang nakita kong nadoon pa rin si Kathie. Ang maamo niyang mukha ay may bahid na pinaghalong naiinis at nalulungkot na nakatingin dito sa gawi namin.

Nagtama ang aming mga mata at sinalubong ko ang masamang titig niya. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Umirap muna siya bago nalakad paalis.

Well, looks can really deceive some people...but definitely not me.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...