Mr. Chickboy (Completed)

By WinonaSaiz

83.9K 1.5K 58

A chickboy's story. Warson ~ More

Introduction √
His Side √
Selfie Monday √
Long Wednesday √
Cosplay Friday √
Saturday Night √
Comeback √
Past √
The Bet √
Dinner √
Agreement √
Ligaw: Day 1 √
Ligaw: Day 2 √
Ligaw : Day 3 and 4 √
Status : In Relationship √
First Day √
Representative √
Mr. and Ms. Santa Claus. √
Christmas Break √
Christmas 1.1 √
Christmas 1.2 √
Special Chapter 1 √
Boracay Escapade 1.1 √
Boracay Escapade 1.2
Missing her.
New Years Resolution.
Abnormal Beat
Confused
Special Chapter 2
Special Chapter 1.2
Heartaches.
Leaving Him.
Miserable.
A life without Sam.
False Alarm
Operation:Finding Sam
Irish's Help.
Locating Samantha.
Summer.
Serenading Sam.
Courting all over again.
Mr. Chickboy Moves.
Satur-Date.
Beg.
Signs
Chance
Birthday.
Two
Eternity.
Second Life.
Last Wish
New Beginning
Graduation Day.
True Feelings
New Chapter
Our Love.
SC: Harold's Love
SC: Harold's Love
SC : Harold's Love.
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Love
SC : Rosas' Gumamela.
SC : Rosas' Gumamela
SC : Rosas' Gumamela
Epilogue
Book 2

Right Time, Right Place.

726 17 0
By WinonaSaiz

Warson.

Mabilis kaming pumunta sa office ko. Kinakabahan rin ako, iniisip kung ano ang nangyari sa pinsan ko. Hayss. Ayoko ng may mawala na naman.

"Hey! Sandrex! Nasaan si Irish?" Humihingal ko na tanong ko sa kanila. Dahan dahan silang lumingon sa akin. Nakita ko ang naluluha nilang mga mata.

"Ano na?!" Nagmamadali kong tanong sa kanila.

"W-warson.. A-ano k-kasi e-eh.." Umiikot ang tingin ni Rosas sa iba.

"Sinundan na naman siya ni Harold eh. Umiiyak na lumabas kanina. Nag aalala kami dahil baka kung ano ang mangyari sa kanya. Tinext na rin kami ni Harold. On the way daw ang sasakyan ni Irish sa Lee University." Mahabang wika ni Sandrex.

Agad kong hinila si Maegan at isinakay sa kotse ko ng makarating kami sa parking lot. Pinaharurot ko agad ito papunta sa Lee University. Tss. Ano na naman bang kaabnormalan ang ginawa ng pinsan kong yun? Tss!

"Warson! Magpapakamatay ka ba? Dahanin mo nga ang pagda drive!" Sigaw ni Maegan. Kumalma naman ako ng kaunti. Pero kabadong kabado pa rin ako.

"Sorry mahal." Wika ko.

Pinark ko agad sa parking lot ang kotse ko. Naglakad agad papunta sa office niya. Pero, nagulat ako ng marami akong nadatnan na estudyante sa quadrangle. Hindi tuloy ako makadaan ng maayos papunta sa office niya.

Nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Sandrex at Rosas sa magkabilang braso. Binuhat nila ako at dinala sa gitna ng quadrangle. Oh my! Hinanap ng mata ko si Maegan pero nowhere to be found siya. Tss. Hihingi pa sana ako ng saklolo sa kanya eh. Kailangan ko pang hanapin ang pinsan ko!

"I love you Sir Rodriguez!" Sigawan ng mga estudyante ng makita akong nakaupo sa gitna. Napangiti ako ng alanganin. Gago talaga yung mga yun. Kapag pinahiya nila ako sa gitna ng napakaraming estudyante na 'to malalagutan talaga sila ng hininga sa akin!

Napatigil ako ng makarinig ng kanta. Ano bang nangyayari dito? Tss. Nabigla ako ng makita ang picture ko na dahan dahang nagfa flash sa big screen. At paano nangyari na hindi ko napansin ang big screen na ito?

Lumikha ng malaking ingay ang picture ko na walang T-shirt. Tss. Teacher ako dito. Bakit ba hinahayaan nila na makita ito ng mga eatudyante ko? Baka mamaya hindi na nila ako galangin eh. Tss. Nagpasalamat ako ng mawala na ang mga picture na lumalabas dito.

Pero nagulat ako ng pumalit na naman dito ay video message. Langya! Si Ate!

"Hoy mongoloid! Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa message message na ito pero dahil birthday mo. Okay." Langya! Birthday ko pala ngayon?! Bakit hindi ko natandaan?

"Ehem! Ehem! Big bro. Happy Birthday. Be a good Tito to Venus 'kay? Uhmm.. Ano pa nga ba? Aaah! Bawas bawasan mo rin ang pagiging mahangin mo. Masyado na kasing mahangin sa bahay dinagdagan mo pa. Mamaya masobrahan rin kami ng hangin. Alam mo naman, it's for the health. And.. Wait! Hanggang dito nalang! Baby Venus is crying! Bye Bro! Mwa! Mwa!"

Narinig ko ang tawanan ng lahat. Tss. Pinapahiya ako ni Ate dito eh. Tss! Sunod na lumabas sa video si Mai at Alexia.

"Hello kuyaaaaa!" Matinis na sigaw ni Alexia. Ngumiti lang naman si Mai. "Ako muna magsasalita! Happy Birthday para sa pinakagwapo kong Kuya mula sa pinakamaganda niyang kapatid!" Nakangiti nitong wika. Napa face palm ako dahil sa sinabi niya. Langya. Nahihiya ako sa pinagsasabi ng kapatid ko.

"Tss! Happy Birthday Kuya. You know how much I hate you but because it's your birthday today I will tell you the truth. Ikaw ang nagiisang lalaking kilala kong pinaka mahangin ang utak. Second si Kuya Rosas and third ata si Kuya Sandrex. Kuya Harold is really normal, Ewan ko kung bakit naging kaibigan mo silang lahat Kuya Harold. But anyway, I love you kahit hate kita. You're the most mahangin guy I've ever met. Well, I know how pretty I am now. Stop staring to my face. Bye!

"Bye Kuyaaa! Don't mind Ate Mai. She have her period today that's why she's so masungit. Hihi! I love you Kuya. A hundred times!"

Napangiti ako ng matapos ang message nila. I can say na I'm really lucky to have them as my sister.

Matapos nila ay sila Mama at Papa naman ang message. Unlike with the three, they didn't said a long message for me. Just a simple greeting from me. My parents doesn't want a spotlight.

Next is my cousin from all over the country. They also greet me a simple happy Birthday. Si Irish lang nga ata ang may pinakamahabang message para sa akin.

"Tss! Amasona here. Happy Birthday para sa nagiisang binansagang Mr. Chickboy ng Lee University. A self proclaimed handsome, macho and charismatic cousin of mine. Minsan kinakahiya na talaga kitang pinsan. De joke lang. Alam ko lahat ng nangyari sayo kaya umayos ka sa pakikitungo sa akin. Mapapatay kita kung sakali. Joke ulit. Tss! Ayoko na nga Rosas! Tigilan mo na yang pang vi-video. Tss. I-edit mo 'to huh. Malalagot ka talaga sa akin. Happy Birthday ulit! Busy na ako ulit kaya tsupi!"

Napuno ng tawanan ang buong quadrangle. Biglang lumabas si Irish sa pinagtataguan nito at binatukan si Rosas. Gago eh. Sabi ng i-edit hindi pa ginawa. Yan tuloy.

"Happy Birthday Bro". Poker face naman na bati ni Harold sa screen.

"Tss! Habaan mo naman Harold! Walang ka kwenta kwenta ang message mo eh." Rinig kong reklamo ni Rosas sa likod ng camera.

"Haaaaapppppppyyyyyy Biirrtttthhhhdaaaayyyy Bbbbrrrrro!" Napanganga ako sa ginawa ni Harold. Ang taong tahimik at kalmado ang bawat kilos ay nagbiro ng ganito? Narinig ko naman ang paghagalpak na tawa ni Irish. Slow mo kasi at kitang kita ang reaksyon nito sa camera. Nakita ko ang pagpula ng mukha niya. Minsan lang magpaka baliw yan.

"Yow! Sandrex here. Happy Birthday Bro! More chikababes to come. De joke lang, alam ko naman na loyal ka sa 'mahal mo'. Haha! Happy birthday again! Manlibre ka huh! Bye! Love you! Hahahahaha!"

Minura ko si Sandrex ng makita ko siyang naka dirty finger sa akin. Hinampas naman siya ni Irish ng makita siya. Pambihira. Nasa school premises kami ngayon. Baka mamaya hindi na ako galangin ng mga estudyante ko dahil sa mga pinaggagawa nilang ito.

"Haha! At ang pinakagwapo at pinaka romantikong si Rosas naman ang magbibigay sayo ng mensahe. Ohaaa! As you can hear, ako lang naman ang may pakana ng lahat ng ito. Hehe. May task kasi kaming isa't isa. At ako ang naassign para sa video message. Hindi ko nga sana tatanggapin kasi sobrang exposure ang maibibigay ko. Anyway, happy birthday bro. Kahit hindi man ako sinagot ni Irish ay pinsan pa rin ang turing ko sayo. Syempre naman. Mga kapwa mo gwapo lang ang magtutulungan sa hirap at ginhawa. O siya. Bye! Too much exposure for myself can lead to stardom. Haha! Love you pre! Mwaaah!"

I stucked my tongue out to him. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yan. Reregaluhan ko yan ng liha sa susunod ng numipis naman ang mukha niya. Tss.

Nag iba ang music ng si Maegan na ang magsalita. Theme song pa ata namin.

"Mahal.." Narinig ko agad ang matinis na hiyawan ng lahat. I don't know that Maegan can do this. Ayaw na ayaw pa naman nitong gawin ang mga ganito. Tumikhim ako at lumingon sa gawi niya. Namumula ito at nakayuko lang sa tabi ni Irish.

"I don't really want to do this kasi I'm not used in talking in front of many people. Pero dahil birthday mo, pagbibigyan ko ang trip ni Rosas." Huminga ito ng malalim at pinunasan ang mga pawis niya sa noo.

"Unang kita ko palang sayo sa picture ng mga classmate ko ay nagustuhan na talaga kita. Kaya ng hiniling ni Sam na magpanggap ako bilang siya ay pumayag na rin ako kahit may pagaalangan sa puso ko. Akala ko yun na ang last nating pagkikita pero mali ako. Natuloy ang pagpapanggap ko makalipas ang ilang taon. Bumalik kami dito para makita ka at makasama ni Sam sa natitirang araw ng buhay niya. Naging masaya siya kahit na tahimik akong nasasaktan. Naiinis ako kasi bakit sa lahat pa ng lalaki eh ikaw pa yung minamahal ko ng lubos. Alam kong mali pero hindi ko na rin kasi napigilan. Naging masaya ako sa pagpapanggap na iyon. Nakokonsensya ako kasi hindi ko manlang nasabi sayo ang totoo noon." Napatigil ito ng may tumulong luha sa mga mata niya. Pinunasan nito ang luha niya bago nagpatuloy. Tahimik lang akong nakikinig habang naiiyak na rin sa mga pinagsasabi niya. Bakit ba kasi naging ganitong kadamdamin ang usapan naming ito eh.

"Sorry kung nagawa ko ang lahat ng iyon sayo dati. Hindi mo alam kung anong pagsisisi ang nararamdaman ko noon. At salamat sayo dahil sa kabila ng lahat ng iyon ay nagawa mo pa rin akong patawarin at mahalin. Akalain mo nga naman, may bonus na pagmamahal ang ibinigay sa akin ng diyos. Mahal na mahal kita Warson Jake Rodriguez. My Mr.Chickboy." Nabigla ako ng biglang nag form ng heart shape ang mga estudyanteng nakapalibot sa amin matapos ang speech niya.

Napatingin din ako sa langit dahil may nalalaglag na rose petals sa kinauupuan ko. At nagulat ako ng makita kong naglalakad si Maegan sa akin ng dahan dahan. Nakangiti ito habang naiiyak pa rin dahil sa sobrang saya. Tumayo ako't sinalubong siya ng yakap. She planned all of this?

"Mahal ko... Uhmm.. I know this is inappropriate for a girl to do this but let me just do it." Kahit naguguluhan ay ngumiti lang ako sa kanya. May dinukot ito mula sa bulsa ng pantalon niya. At nakita ko ang isang singsing na nakalagay sa isang box.

"A-are you ready to become my husband Warson?" Nanginginig ang mga labing tanong nito sa akin. Shemay! Ang pogi ko talaga! Babae pa ang nagpo propose sa akin. Tss. Narinig ko ang sigawan ng tao sa amin.

"No.." I answered. At nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya dahil sa sagot ko. Kinuha ko ang kamay niyang may hawak na singsing at itinago sa bulsa ko. Nakita ko rin ang pagbagsak ng luha niya. Narinig ko rin ang paglungkot ng boses ng lahat.

"W-why?" Tanging tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang box sa bulsa ko. Buti nalang pala dinadala ko ito palagi.

"Ang lalaki dapat ang nagpo propose mahal. Hindi ang babae, kaya hayaan mo akong gawin ito sayo." Kinuha ko ang singsing na ibinigay sa akin ni Mama. Engagement ring nila ni Papa 'to eh. At sinabi niya na kapag ready na akong mag asawa ay saka ko palang ibibigay.

Narinig ko ang matinis nilang sigawan ng lumuhod ako sa harap ni Maegan at binuksan ang box sa kanya.

"Maegan? Are you now ready to become Mrs. Rodriguez?" Tanong ko at napalakas pa lalo ang hiyawan nila.

"Of course 'mahal." Wika niya na nagpalundag ng puso ko. Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko maiwasang mapaiyak sa tuwa. I was planning to give her a surprise engagement party para sa amin pero excited ata ang isang 'to kaya niyaya na agad akong ipakasal.

"Whooooo! Inuman na!" Sigaw ni Rosas na nagpahiwaay sa amin ng yakap. Babarilin ko 'to mamaya. Panira ng moment namin eh.

Ng hinarap ko si Maegan ay nagulat ako ng magtagpo ang mg labi namin. Whoooo! Second kiss ko!

I heard how the crowd goes wild with our scene. Shemay. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kasaya. Dati kasi, lagi lang akong nakikipagdate. Nagpapalit palit ng date at hindi isinasa alang alang ang feelings ng iba.

Hindi ko nga alam ba't ako nabigyan ng ganitong ka sweet na girlfriend. Ito na ata ang pinaka masayang birthday ko.

Para kay Sam, alam ko magiging masaya siya sa amin ng Ate niya. Worth it rin naman ang pag po propose ko sa kanya ngayon. This is the right time and right place. Dito kasi namin nabuo ang maraming alaala ng relasyon namin.

Alam ko. Till eternity na kaming magsasama ni Maegan. Alam ko yun at nararamdaman ko.

Langya, nainlove na ng todo si Mr. Chickboy.

Ganito kami magmahal, sa oras ng magseryoso. Dakila at wagas. At tanging kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa amin.

Hanggang sa muli!

----------

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 2 1
(COMPLETED) (UNDER REVISION)
250K 2.6K 82
Once in our life we experience to love and get hurt by others. Kung puwede nga lang mamili ng mamahalin ng tao sana matagal ko ng ginawa.. yung tipon...
46.9K 929 7
"Kasalanang nagawa sa gabing puno ng kamalian. Dalawang tao na susubukan kung malalampasan ba nila ang kanilang problemang nasimulan." Date and time...
10.1K 469 28
Nang dahil sa isang libro tuluyang nabago ang buhay ng magkakaibigan. Sa pagtuklas nila ng sikreto ay siyang pagbukas at pagdating ng mga nagmamaha...