Masked, Unmasked

By alconbleu

31K 1.1K 452

Behind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise. More

1: Start
2: So Near Yet...
3: In a Very Distant Past
4: First Heartache
5: Moving Forward
6: Uncovering
7: Sad Endings + Surprising Beginning
8: Barrowed Time
9: Painful Truth
10: Two Can Play this Game
11: Present Time
12: Mood
13: The Song
14: First Signs of...
A/N
15: Trust Issues
16: Change of Heart?
17: Perturbed D
18: Stuck With You
19: Fantasy
20: Unexpected Twist
21: Is It Over Now...
22: Something to Look Forward to
23: Pent-up Emotions
24: Detour
25: One Good Reason
26: DOA
27: Marry You
28: I Do
29: The Things You Do....
30: Honeymoon eh?
31: Another Ordinary Day
32: Why
33. Reunited
34: Untitled(hahaha)
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Next
Chapter 43
Chapter 44: Missing You
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47. Ang Adobo at si Alyssa
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51: Lakas Tama
Chapter 52
Chapter 53: Loving Her

Chapter 35

722 18 11
By alconbleu

Later that night at around eleven pm the team boarded two 4x4 vehicles.

Sila Bea, Dennise, Alyssa, Richard and iyong tatlong militar ay sa isang pick up nakasakay. Si kuya Nono ang nagmamaneho noon.

Sa isang sasakyan naman ay sila Russ, si kuya Rudy, ang opisyal at ang tatlo pang uniformed military officers.

Dahil nga sa nangyari kay Savannah minabuti nalang din ni ate Belen na magpaiwan. Ito at si Rony ang mag-aalaga sa napilayang babae.

"Kuya Nono, bakit po sa ganitong oras natin kailangang bumyahe? Hindi po ba mas delikado kapag gabi ang byahe?" Si Alyssa. Hindi kasi niya iniexpect na sa ganitong oras sila magsisimulang maglakbay.

"Ginagawa natin ito para makarating tayo ng umaga sa lugar kung saan natin iiwan itong mga sasakyan."

"Iiwan po ang sasakyan?" Exaggerated na naibulalas ni Richard.

"Diba I told you na mahaba ang kailangan nating lakarin bago maabot ang lugar ng mga katutubo?" Si Bea, looking at Richard's direction. Nakaupo ito katabi ni kuya Nono na siyang nagmamaneho.

"Opo sir, iiwan natin ang mga sasakyan. Kaya kailangang nandoon na tayo sa lugar na iyon bago magbukang liwayway. Kung umaga po kasi tayo aalis dito hapon na tayo makakarating doon. Masasayang lang ang oras natin dahil mahihirapan po tayong umakyat sa gabi. Kaya mas mainan nang ganito. Aalis tayo ng gabi, darating tayo doon ng umaga at agad na sisimulan ang pag-akyat." Paliwanag ni kuya Nono.

"Paano ang mga dala natin kuya?" Tanong muli ni Alyssa. Ang tinutukoy nito ay ang ilang mga gamit sa eskwela pati mga pagkain na siyang donation ng humanitarian arganization na kinabibilangan nila Bea.

"May ilang miyembro ng tribo na sasalubong satin doon sa barrio." Nakangiting wikang muli ng ginoo.

"Kung ganoong mamayang umaga pa tayo makakaabot doon ibig sabihin, napakalayo po palang talaga ng pupuntahan natin?" Si Dennise.

"Liban sa bako-bako, maputik at matarik na daan. Lampas sampung ilog ang kailangang tawirin ng pick-up na ito Dennise."

"And hindi mo manlang sinabi sa akin na ganoon ang sitwasyong susuungin natin Beatriz?" Pininingkitan niya ng mata ang nakababatang kapatid.

"I'ved been to worst places compared to these ate. Kaya huwag kang mag-alala. We'll be okay. For sure, sulit din lahat ng pagod natin once marating natin iyong place ng mga katutubo." Parang wala lang na wika ni Bea, sabay sandal ng ulo saka pikit ng mga mata.

Hindi na nagsalita pang muli si Dennise.

Si Bea, maaring sanay sa mga sitwasyong ganito, ngunit ibang usapan pag dating kay Den. Mismong si Alyssa hindi sigurado kung kakayanin ba ng asawa ang sinasabi nilang mahaba at mahirap na paglalakbay.

Palihim nalang na hinawakan ni Alyssa ang kamay ng asawa. Her own little way of reassuring her that everything will be fine, and that she'll be there for her.

"Subukan niyo nalang munang makakuha ng tulog." Ilang minuto ay wika ni Nono sa mga kasama.

"Tama si kuya Nono. Total hindi pa naman uli ako inaantok, ako na muna ang bahalang makipagkwentuhan kay kuya." Suwistyon ni Richard.

"Gisingin mo nalang ako mamya kung inaantok kana Chard, at ako naman ang makikipag-one-on-one dyan kay kuya Nono." Natatawang wika ni Beatriz.

Isang thumbs up ang nagawang isagot ni Richard.

°
Bandang alas singko y medya ng umaga, magkasunod na tumigil ang mga sasakyang kinalululanan ng grupo.

"Dito na ba tayo bababa kuya Nono?" Inayos ni Beatriz ang pagkakasuot ng sumbrero saka binalingan si Nono.

"Tama ka Bea, hanggang dito nalang tayo." Wika nito bago buksan ang pintuan saka bumaba.

"Guys, gising na at nandito na tayo. Ate, gising na." Tinapik niya sa braso ang kapatid.

"Babe, nandito na daw tayo." Mahinang bulong ni Alyssa sa taenga ng asawa. Hindi parin kasi ito dumidilat ng mga sandaling iyon.

"Bei, tingnan mo ang ganda ng paligid oh?" Wika ni Richard, habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Bumaba na tayo para makita natin!" Wika pa nito at saka excited na bumaba. Bumaba na nga sila Richard and Bea.

Naiwan sa loob ng pick-up ang mag-asawa.

"Babe, wake up nandito na tayo. We need to get going na. Open your eyes." Muling inilapit ni Alyssa ang mukha sa gawi ng pisngi ng asawa. Ginagap pa nito ang palad ni Dennise saka pinisil.

"Hhmmm. Good morning!" Sa namamaos na boses ay wika nito, habang dahan-dahang iminumulat ang mga mata.

Ewan ba ni Alyssa pero right at that moment she finds her wife very adorable. Hindi tuloy niya napigilan ni na mapangiti.

"Good morning babe. Mukhang maganda ang naging tulog mo. Here drink this." Inabot niya dito ang isang bottled water.

"Thanks babe." Mahina nitong usal bago iyon inumin.

Minutes after that, bumaba narin ang dalawa at sumali na sa grupo.

Before umpisahan ang mahaba habang lakaran nagsagawa muna ng isang briefing ang mga sundalo. Muli nilang ipinaalala sa lahat ang ilang importanteng bagay na may kaugnayan sa gagawing paglalakbay. Mga do's and dont's na kailangang sundin ng bawat isa para sa kaligtasan ng buong grupo.

Ngunit bago pa man sila makaalis muli na namang nabawasan ang kanilang bilang.

Sa kadahilanan walang maiiwan para magbantay ng mga sasakyan minamuti nalang ni kuya Nono na magpaiwan.

Pwede naman sana nilang iwan nalang ang mga sinakyang bihikulo sa isang kakilala ni kuya Nono ngunit napagtanto nilang mas mainam kung may maiiwan talaga para tingnan at bantayan ang naturang mga sasakyan.

Sa utos narin ng opisyal isa sa mga sundalo ang nagpaiwan para samahan si kuya Nono. Sa bahay ng kakilala ni kuya Nono sila pansamantalang manunuluyan hanggang sa makabalik ang grupo.

Ayon kay Beatriz tatlong araw at dalawang gabi lang naman daw silang mamamalagi sa bundok.

Katulad ng sinabi ni kuya Nono, mayroon ngang mga kalalakihang bumaba mula sa bundok para sumalubong at maghakot ng mga bagay na mula sa grupo nila Bea.

Bandang alas syete ng umaga matapos makapagkape ay nagsimula ng lumarga ang grupo.

Nauna ng maglakad ang may sa limang kalalakihan, nakasunod sa kanila ang dalawang sundalo, kasunod sila Richard at Russ. Then ang opisyal(Chief Master Seargent Malonzo), si Bea, si Dennise, si Alyssa, si kuya Rudy, nasa hulihan ang tatlong natitirang military escorts.

Good thing, maaga pa ng nga panahong iyon kaya hindi pa masyadong mainit at masakit sa balat ang sikat ng araw.

Nalaglag ang panga ni Dennise ng malamang humigit kumulang limang oras pa ang kanilang bubuunin bago marating ang kumunidad ng mga katutubo.

Si Alyssa bilang isang laking probinsiya at batak sa trabaho ay yakang-yaka ang may kahabaang lakad. Pero katulad nga ng nabanggit kanina, ibang usapan na pagdating kay Dennise.

But Den's always a fighter. Hindi ito basta basta nagpapatalo. Lalaban ito sa abot ng kanyang makakaya. Dala ng kaisipang iyon ay napanatag ang kalooban ni Alyssa. Pati na si Beatriz malakas ang paniniwalang kayang pagtagumpayan ng kanyang ate Den ang naturang challenge.

Along the way, todo alalay lang si Alyssa sa asawa. Hindi niya alintana kung napansin iyon ng kanilang mga kasamahan, ang importante sa kanya ay maging ligtas ang mahal na asawa.

Hindi naman ganoon karamdam ng grupo ang hirap at pagod ng trekk. Naibsan ng napakagandang tanawin ang kahit na anong pagod at inconvinience na kanilang nararamdaman. Kahit sino naman yata ay napapawi ang pagod once na tumapak na sa malaparaisong lugar na iyon. Napaka-luntian ng buong paligid, nagtataasan at naglalakihan ang mga puno, sariwa at mabini ang ihip ng hangin, at ang malamyos na huni ng sarisaring mga ibon at insekto ay sapat na upang gumaan ang pakiramdam ninuman.

Ngunit talaga naman palang napakalayo at napakaliblib ng kanilang destinasyon.

Naroong tumawid sila ng ilang ilog, nagsuot sa masukal na gubat, nakipagsayaw sa nagtataasang mga talahib at damu sa itaas na bahagi ng bundok, at nahirapang iahon ang mga suot na mga bota, na siyang lumubog sa putikan.

Six rivers, two mountains, a few hundred pictures, two pit stops and five hours later, the group finally reached their distination.

Isa iyong maliit na komunidad na makikita sa mismong paanan ng bundok.

Kapuna puna ang pagkukumpulan ng ilang grupo ng mga kababaihan pati ng mga bata sa gilid ng daan. Ang kanilang mga mata ay nababakasn ng pag-aalinlangan at pagkahiya, ngunit hindi rin maitatatwa ang presensiya ng kuryusidad.

Kuryusidad sa kung ano at sino ang mga bagong dating.

Isang tipid ngunit sinserong ngiti ang ibinigay ni Alyssa sa mga naroroon. Sabay inilibot ang sariling paningin sa kabuuhan ng lugar. Sa kanyang tantiya, wala pang bente ang naroroong mga bahay. Bahay na yari sa kawayan at gawa sa talahib ang mga bubong.

Isang napakapayak na kumunidad.

Sinalubong sila ng lider ng komunidad.

Nagpakilala itong si Kanor.

"Magandang umaga po mga ma'am at mga sir. Ikinagagalak ko po ang pagbisita ninyong ito sa aming payak na komunidad." Masayang pagbati ng matandang nasa mahigit saisenta anyos.

"Magandang umaga naman po sa inyo tatang." Halos magkapanabay na wika ng grupo.

"Alam niyo, gustuhin man po naming imbitahin kayong nakituloy sa mga bahay dito ay hindi po maari. May kaliitan po kasi karamihan sa mga kabayahang nandirito. Baka kako hindi kayo maging komportable kung magkataon. Kaya minabuti namin pati na ni titser Alma na total ay Sabado ngayon at walang pasok ay sa paaralan nalang kayo tumuloy." Medyo nahihiyang wika pa ni tatang Kanor.

Sumunod lang ang grupo ng magpatiunang maglakad ang matanda. Tumigil ito sa isang waring bukas na kubo. Hindi katulad ng ordinaryong kubo, bukas ito at walang dingding.

"Ay, may paaralan po pala dito tatang? Uhm, pero wala po iyong kaso sa amin tatang, kahit saan lang po kami makitulog okay lang po. Nakakahiya nga po at nag-abala pa kayong maghanap ng natutuluyan namin. Ay oho nga po pala ako po pala si Beatriz. Bea nalang po, ako po ang representative ng organization. Kasamahan ko po sila Richard at Russ." Magalang na nagpakilala si Bea.

"Magandang araw po tatang." Magkapanabay na bati ng dalawa.

"Ito naman po si Chief Master Sergeant Malonzo, siya po ang nagbibigay proteksiyon sa buo naming grupo. Kasama niya po sila." Itinuro ni Beatriz ang iba pang mga militar.

"Naaalala kita sir. Mabuti po at muli kayong nakabalik dito sa amin." Magiliw ang pagkakasabi niyon ng matanda. Inilahad niya pa ang palad sa opisyal.

"Ako man po, masaya't muling nakabalik dito tatang Kanor. Kamusta na po kayo dito?" Inabot nito ang nakalahad na palad ng matanda.

"Mahirap ang buhay sa bundok, alam kong alam mo iyon sir. Pero sa awa ng diyos nakakaraos naman kami. Ang pagdalaw ng mga katulad ninyong taga baba ay maituturing na naming isang biyaya."

Hindi maiwasan ni Dennise na mamangha sa sinabi ng matanda. Paanong ang simpleng pagbisitang ito ay naging isang biyaya para sa mga katutobong ito?

"Tatang ito nga po pala ang aking nakatatandang kapatid. Si ate Dennise, at ito po naman ang isa sa aming mga kaibigan, si ate Alyssa. Sigurado po akong natatandaan ninyo si kuya Rudy. Kapatid po ito ni ate Belen. Iyon po bang taga resort na nasa sentro." Pagpapatuloy ni Beatriz.

"Ay oo naman, kilala at natatandaan ko itong si Rudy. Nakailang balik na sila dito kasama sila Nono at Belen. Bakit nga pala hindi ninyo kasama ang mag-asawa?" Curious na napatanong ang matanda habang nakatingin kay Rudy.

"Nag-paiwan po si kuya Nono sa barrio tang. Siya po ang nagbantay sa sasakyan namin doon. Si ate Belen naman po kinailangang magpaiwan sa resort." Tumingin sa gawi ni Bea si Rudy. As if trying to ask permission, sa kung pwede ba niyang sabihin ang rason sa kung bakit nagpaiwan si ate Belen, iyon ay kung sakali mang magtanong ang matanda.

"Kinailangan niyang magpaiwan kamu Rudy?"

Iyon nga at nagtanong talaga ang matanda. Tinanguan ni Bea si Rudy, telling him na sabihin sa matanda ang rason kung bakit naiwan sa baba si ate Belen.

Iyon na nga, sinabi ni Rudy ang rason sa kung bakit naiwan ang kanyang ate.

"Ganoon pala ang nangyari. Mabuti at hindi grabe iyong natamong pinsala ng inyong kaibigan. Ano iyong sabi mo Bea, kasama mo ang ate mo at ang kaibigan mo dito?" Parang noon lang naalala ng matanda ang naunang sinabi ni Bea.

"Opo tatang si ate Dennise po at ate Alyssa." Nakangiting pinakilalang muli ni Beatriz ang dalawa.

"Napakaganda mo hija. At itong kasama mo masyadong sexy saka sobrang tangkad." Nangingiting wika ng matanda.

"Ay si tatang naman kung makapagbiro." Sa natatawa at nahihiyang tono ay wika ni Alyssa.

"Ay totoo namang napaka-sexy mo hija at itong iyong kasama ay talaga namang napakaganda." Muli ay ngumiti ang matanda habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Dennise.

"Maraming salamat po kung ganoon tatang." Halatang nahihiya si Dennise sa hindi inaasahang papuri mula sa matanda. Napayuko kasi ito ng wala sa oras.

Hindi lang kasi ang kanilang grupo ang nakarinig ng papuring iyon ng matanda. Pati iyong mga nasa paligid, iyong mga nanay pati na ang ilang mga kabataan ay narinig din ang sinabi ng matandang lalaki.

"Tatang Kanor, sila napo ba ang ating mga bisita?" Bigla ay isang tinig ang kanilang narinig.

"Nandito na si titser Alma." Narinig nilang wika ng isa sa mga batang nandoroon.

"Hello po. Ako po si Bea at ito po ang aking mga kasamahan." Tumayo at katulad kanina ay ipinakilala ni Beatriz ang kanyang mga kasamahan sa bagong dating na teacher.

In return ay nagpakilala rin ang teacher.

Isa pala ito sa tatlong teacher na matyaga at dedikadong nagtuturo sa mga kabataan ng tribo.

Oo, tatlo lang ang teacher na meron sa paaralang iyon. At mind you primary school lang ang meron sila! Hanggang grade four lang!

Napag-alaman nilang ang kasamang guro ni teacher Alma na si sir Reynante ay bumaba na muna para umuwi at mamili narin ng kakailanganin para sa susunod na linggo.

Hindi na rin nagtagal ang grupo roon sa kubo. Matapos makapagpaalam kay tatang Kanor pati narin sa iba pang naroroon, saka magpasalamat sa mga kalalakihang sumundo at nagdala ng kanilang mga dalahin, kanikanila nang buhat ng kanilang personal na gamit/backpack ang grupo. Agad silang sumunod sa teacher na nauna ng maglakad. Papunta na sila ng school. Ang lugar kung saan nila gugugulin ang susunod na dalawang araw.

Unang ipinakita ng teacher ang kwartong magsisilbing tulugan ng opisyal at ng mga kasamahan ni Bea. Ang classroom na iyon ang nagsisilbing opisina ng tagapamahala ng paaralan na siya ring ginagampanan ni titser Alma. Siya kasi ang teacher-in-charge at the same time grades one and two teacher. Si titser Reynante naman ay ang grades three to four teacher, at may isa pa pala silang kasama at siyang nagtuturo ng kindergarten.

Magkasama sa room na iyon sila Russ at Richard, si Rudy pati narin si Chief Master Sergeant Malonzo at ang isang sundalo.

Sa classroom ni teacher Reynante naman mananatili ang natitirang apat na sundalo.

"Ma'am Bea, dito po kayo sa room ko. Magkasama po tayo rito." Ipinakita ni teacher Alma sa tatlo ang kanyang classroom.

Inilibot ng tatlo ang paningin sa kabuuhan ng lugar. Typical classroom.

"May cr po dito at the same time paliguan narin." Nakangiting pinakita ni teacher Alma ang sinabi niyang cr.

"Nakakamangha pong malaman na despite the fact na napakalayo ng lugar na ito sa kabihasnan nagawa parin ninyong makapagpatayo ng ganitong estruktura. Hindi man po ito purong konkreto pero mukha naman pong matibay at pulido ang pagkakagawa." Naiwika ni Dennise.

"Ang paginging arkitekto mo ate lumalabas oh?" Nakangiting wika ni Bea habang inilalapag ang backpack sa gilid.

"Architect po pala kayo maam!" Nasisiyahang wika ni teacher Alma.

Napangiti si Alyssa. Mukha kasi talagang nagulat ang babae, saka galak na galak din ito.

"Ah opo ate." Nahihiyang pag-amin ni Dennise.

"Haay, alam niyo po napakaswerte niyo po maam Dennise." Biglaang naging malungkot ang tono ng pananalita ng guro ng bangitin ang mga katagang iyon.

"Bakit niyo po nasabi iyon maam?" Kunot noo niyang balik tanong.

"Hahaha. Mamaya na po tayo magkwentuhan. Nakahanda na po ang tanghalian ninyo. Tayo na po sa likod." Tumayo na ang guro. Walang magawa ang iba kundi ang magsisunuran.

Dinaanan nila ang iba pa nilang mga kasama, at nagtungo na sa likod na bahagi ng classroom. Makikita roon ang isang sakto lang sa laking istruktura. Isang dirty kitchen.

Sa loob niyon ay may lababo at isang maliit na papag na nagsisilbing mesa. Sa ibabaw noon ay isang payak na tanghalian.

Ensaladang langka at puso ng saging, ilang piraso ng inihaw na isda, at mayroon ding nilagang saging, kamote at kamoteng kahoy, saka kanin.

"Pagpasensiyahan niyo napo ang mga iyan. Iyan lang po ang nakayanan namin." Medyo nahihiya pang wika ng teacher.

"Kami pa nga po dapat ang magpasalamat sa mga ito teacher Alma. Hindi po namin ito inaasahan." Magiliw na wika ni Chief Master Sergeant Malonzo.

"Oo nga po maam Alma, unexpected po ito. Ang totoo po kasi niyan ay may dala rin po kaming mga supply na pwede nating pagsaluhan. Nontheless, thank you po. Isa pa po pala huwag mo na po kaming i-po or i-adress as ma'am. Sila Sergeant Malonzo at iyong mga kasamahan nalang po niya ang tawagin ninyong sir, teacher Alma." Napangiti pa si Bea.

Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabing iyon ni Beatriz.

"Kung iyon ang gusto mo Bea, at walang anuman. Halina kayo at tayo'y kumain, hapon na ito. Lagpas na sa oras ng pananghalian dito sa bundok." Nakangiti ring wika ng teacher.

After a while, natapos na silang kumain. Busog ang lahat. Iyon ay sa kabila ng katotohanang payak lang ang pagkain na kanilang pinagsaluhan.

Nagsibalikan na sila Rudy kasama ang myembro ng grupo ni Bea sa kabilang silid. Ang mga militar kasama ang kanilang leader ay nagtipon pansumandali at nag-usap-usap. Sila Beatriz, Alyssa at Dennise naman ay tinulungan si teacher Alma sa pagliligpit ng kanilang pinagkainan.

Nang matapos sila ay agad din naman silang bumalik sa classroom ng guro.

"Magpahinga na muna kayo dito Bea. Mamayang hapon ay maglilibot tayo. Pupuntahan natin ang tribo. Pasensiya na at banig lang ang maibibigay ko sa inyo." Lumapit ang teacher saka inabot ang isang nakatupi pang banig.

"Salamat po dito teacher. May dala rin po kaming mga sleeping bags. Sa iba po kasing lugar na napuntahan namin ng grupo, luxury ng matatawag kung pagdating ng gabi, may banig at bubong kami upon our heads. Minsan nga sa sasakyan lang kami nagpapalipas ng gabi." Pagshare ni Bea.

"If I remember it correctly Bei, you once said na hindi miminsan kayong nagpalipas ng gabi sa gitna ng war zone." Si Alyssa. Nakaupo na siya noon sa isang armchair na siya ring gamit ng mga mag-aaral.

"That happened during one of our humanitarian missions abroad ate Ly." Mariing napapikit si Bea, as if trying her best to erase that gruesome memory.

"Lahat na yata naranasan ko, sleeping inside the car, in the middle of the wilderness. Hahaha. Basta madami na." Muling wika ni Beatriz.

"Hindi ko alam kung swerte o malas ka bang matatawag dahil sa mga karanasang iyan Bea." Muli ay isang tipid na ngiti mula sa guro. Kasalukuyan itong naglalagay ng punda sa tatlong pirasong unan.

"Believe it or not teacher Alma, maswerte parin ang turing ko sa aking sarili. Swerte ako in the sense na aside from the fact na nakakapunta ako sa iba't ibang panig ng mundo, I got to do the thing that I want. The thing that I love. Mahirap siya, challenging and at times malapit sa peligro, pero alam mo iyon, iba sa pakiramdam eh. Napakafulfilling!" Beatriz proudly exclaimed.

"Nakakarelate po kayo sa sinabi ng kapatid ko teacher? Katulad niya, for sure marami ka ring isinakripisyo para magampanan mo ang obligasyon mo bilang guro." Si Dennise, inabot narin ang mga unan mula sa teacher.

"Maari ninyong gamitin iyang mga unan Dennise. Aaminin kong tama ka. Marami talaga akong isinakripisyo para sa propisyong ito. Pero tulad nga ng sinabi ni Bea kanina, kahit ano pang hirap ang pagdaanan natin, at the end of the day hindi parin matutumbasan ang saya at fullfilment na dulot nito sa atin."

"Up until now, naooverwhelmed parin ako everytime someone does such things. Clearly ginagawa nila iyan out of love." Isang ngiti uli ang nababakas mula sa labi ng arkitekto.

"Tama ka diyan Dennise. The things we do for love talaga!" Pagsang-ayon ng guro.

Alyssa looked at Den's direction, then slowly nods her head in agreement, that is before giving her wife a sweet smile.

Wala mang salita na namutawi mula ninuman sa dalawa, sapat na ang nakikitang ningnig sa kanilang mga mata.

Beatriz smiled in silence watching her older sister and her sister in law, subtly expressing their love for each other.

Continue Reading

You'll Also Like

5.7K 210 5
A world where Michelle is a photographer who is lost in her path and Anntonia... who is just simply Anntonia. Michelle Dee x Anntonia Porsild. An alt...
47.7K 928 38
Michelle and Antonia are bestfriends and they love each. But Michelle didn't want their friendship to be broken that's why she did not make a move. ...
2.7K 92 23
Temp Fairchild. Thrown into the mundane world, with no one to protect her but her sharp wit and charisma. A smile, a wink and enough confidence, is e...
30.3K 1.2K 37
Regina Vanguardia who has a 6 year old daughter named belle, she is famous because of her President father and has many fans. Narda Custodio who is h...