Ghost Detective! (COMPLETED)

Par MCMendoza21

573K 17K 570

Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng... Plus

SEASON I:: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note and Trailer for Season II
Ghost Detective: Mysteries. Secrets.
SEASON II:: Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 [Part 1]
Chapter 25 [Part 2]
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 [Part 1]
Chapter 35 [Part 2]
Chapter 36 [Part 1]
Chapter 37 [Part 2]
What I want to say! [Author's say]
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Part 1]
Chapter 41 [Part 2]
AUTHOR's NOTE
SEASON III:: Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [Part 1]
Chapter 46 [Part 2]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 [Part 1]
Chapter 54 [Part 2]
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57 [Part 1]
Chapter 58 [Part 2]
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 [Part 1]
Chapter 62 [Part 2]
Chapter 63 [Part 3]
Chapter 64 [Part 4]
Chapter 65 [Last Part]
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part 1)
Chapter 71 (Before what happened:1)
Chapter 72: (Before what happened:2)
Chapter 73 (Part 2)
Chapter 74: Pagtatapos (Part 1)
Chapter 75: Pagtatapos (Part 2)
Chapter 76: Pagtatapos (Last part)
EPILOGUE - Part 1
EPILOGUE - Part 2
EPILOGUE - Part 3
EPILOGUE - Last Part
LAST AUTHOR's NOTE
REMINDER

Chapter 26

7.6K 203 7
Par MCMendoza21

After a week ....

MAMI

"Hello, ate mami."

"Hi, ate cute!"

"Hello, senior mami.. Ganda niyo po ngayon ah?"

Nginitian ko lang sila at binalingan ko yung lalaking mukhang totoy pa lang na huling nagsalita. Binigyan ko siya ng isang matamis ala-mami style na smile at as expected natuwa ang loko. Akala niya ata may meaning yon.

Pero bago pa siya magkaroon ng wrong interpretation, babasagin ko na ang trip niya. "Sorry totoy pero nice try. And maganda kamo ako? Didn't they tell you? Aww.. nahuhuli ka sa balita." Tinapik ko pa ang balikat niya. "Galingan sa pag-aaral at hindi pambobola ah?"

Tumalikod na ako palayo sa tatlong kalalakihan na mukhang naestatwa sa mga sinabi ko. Oh mo! Masyado ko ata silang dineretso? Silly me! Hohoho..

Agad kong binuksan ang pinto ng tambayan namin at aakalain ko pa sanang walang tao kung hindi ko lang nakita ang pigura ng isang babaeng nakaduko sa mahabang mesa, natatakpan pa ng mahabang medyo kulot sa dulo na buhok ang ulo niya. Pero alam na alam ko naman kung sino siya kahit ganyan ang hitsura. Yung pink palang niyang knapsack eh.

Umupo ako sa silyang bakante sa harapan niya at tinapik ko siya. "Berry, bruha.. Hoy.. Asan yung iba?" Pero hindi ako nakakuha ng sagot.

Natutulog pa ata 'to? Hindi kasi ako pumasok sa room kanina.. not because nag cutting class ako but because of Student Council meeting. Remember, president ang inyong lingkod.

Tinapik ko pa ulit siya pero ganun pa rin. Gumalaw lang ng konti at umungol ng mahina pero hindi pa rin nag-aangat ng ulo. Tulog nga siya. Nawawalan na rin ako ng pasenysa kaya ang ginawa ko ay hinila ko ng mahina ang buhok niya. Tama lang para masaktan ang anit niya at maisipan niyang may magandang dyosa na naghihintay sa kanya. Aba, isang kalapastanganan ang pag ignore sa akin. Dyosa 'to, baby!

"Ano ba?! Sakit ah.." Siya habang hinihimas niya yung anit na nasaktan. Nagpipigil lang akong matawa sa hitsura niya. Sabog na buhok, mapula sa bandang right na pisngi, nakabusangot at parang problemadong-problemado equals ayan.. pangit!

"Pft." Okay, sorry naman. I can't help it. Tinignan niya naman ako ng masama nung napatingin ako sa kanya. Wala naman akong care, as long as I'm pretty. Hihihi~

Anyway, yung naudlot kong tanong kanina.. Pinagkrus ko ang balikat sa dibdib at tinignan siya. "Where are the others? Dapat nandito na sila ah.."

Sinimangutan niya ako bigla. "What, why?" Hindi ko napigilan itanong.

"Ginising mo ako para lang itanong yan? Argh! FYI, three hours lang ang tulog ko kaya would you mind?" Tapos dinuko niya ulit ang ulo. Pero pinigilan ko siya ulit.

"Hep hep hep! Eh kasalanan ko bang nagpuyat ka? Ha? Kasalanan ko? At tsaka tinatanong lang naman kita ng maayos ba't ang sungit mo? Pms?" Nginisihan ko pa siya while saying those kaya nagmukha siya lalong puffed fish sa pag pout niya.

Inirapan ako ng loka pero sumagot naman siya sa tanong ko. "Dumating si Kayla dito pero nung pumasok si Rodney ay lumabas din siya, sabi niya bibili lang daw siya ng cream bread pero kanina pang isang oras yon. Ganun ba katagal ang pagbili sa cafeteria na malapit lang naman dito sa mystery club room? At kung si Rodney naman ang tinatanong mo malay ko sa bwisit na yon. Baka nung lumabas si Kayla ay sumunod na rin siya. Sila Thomas at Kamil naman hindi ko alam dahil hindi pa sila nagawi dito. Ayan, happy?" Mahabang litanya niya bago maghikab. Inaantok talaga ang bruha pero I can see more than that.

I know that there's something that she's been hiding to me. Sa tagal ko nang kilala si Berry ay alam na alam ko kung may problema siya o wala. Pero ano naman kaya yon?

"May tanong ka pa? Kasi kung wala na pwede mo na siguro ako patulugin?" Nawala lang ako sa malalim na pag-iisip sa sinabi niyang yan.

I let out a deep sigh before looking at her. "May problema ka. Tell me.." As expected. Nanigas siya sa sinabi ko so I really hit the bull's eye.

"Sabihin mo sa akin dahil ayokong sabihin sayo ang plano ko kay Kayla hangga't hindi naso-solba yung sayo. Bilisan mo." Dagdag ko pa at pinagkrus ulit ang balikat ko sa dibdib.

Mukhang nakuha ko naman ang atensyon niya sa sinabi ko at para na siyang gising na gising na umupo ng maayos at tinignan ako ng mataman. Parang pinag-iisipan pa niya kung sasabihin sa akin ang problema niya o hindi. But she don't have a choice. Alam kong ayaw niyang nagkikimkim ng mga ganitong bagay kaya magsasabi't magsasabi siya.

And she did.

"Si Kamil kasi.." Napakunot noo ako agad sa sinabi. Ano naman kayang ginawa ni Kamil?

"What about her?" I asked.

"Eh kasi.. Sinisira niya ang pantasya ko." Nakanguso niya pang sabi. Pero ako muntik nang malaglag sa inuupuan. Pantasya?! Ano na namang kalokohan yan?

Kunot-noong tinignan ko siya. "Hindi ako nakikipagbiruan Strawberry.. Kapag hindi ka nag-seryoso ibabalibag ko sayo 'tong bag ko na may makapal na book." Pinakita ko sa kanya yung bag kong may kabigatan.

"Eh hindi naman kasi ako nagbibiro. Do you think I'm joking?!" Sabi niya sa naaasar na tono at medyo napalakas pa nga ang boses niya kaya medyo nabigla ako. Pero hindi ko pinahalata.

"Okay, I get that you're serious pero pantasya? Ano namang pantasya mo ang sinira niya?" Naiinip na tanong ko habang naka-halumbaba.

Obvious naman na hindi ako nag-eexpect ng matinong sagot. Knowing her, baka kung anu-ano lang yan.

"Sinisira niya ang pantasya ko kay papa jerry my loves! Is it funny? Course not!" Sabi na eh. Pero na-curious naman tuloy ako kung anong sinabi ng pinsan niya sa kanya para magkaganito ito. Parang devastated na devastated eh.

But at the same time, nagtataka ako sa kung anumang sinabi ni Kamil. Kasi hindi si Kamil ang tipo ng tao na magsasalita o makikialam man lang tungkol sa amin, lalo na kay Berry na pinsan niya.

Para masagot ang mga tanong ko ay nagpasya akong harapin siya. "Ano ba kasing ginawa o sinabi ni Kamil? Is it something bad?"

Lumipas ang isang minuto bago pa siya magsalita. "Well, nag-inom kami kagabi at bigla nalang niyang tinanong kung talagang gusto ko si papa jerry.. siyempre nabigla ako dahil first time niyang magtanong lalo na ang tungkol sa personal kong nararamdaman. Pero siyempre rin sumagot ako ng isang malutong at makapal na OO. Sinabi ko pa nga na hindi lang gusto ang nararamdaman ko kundi love na rin." Pagkukwento niya.

"Then?" Napabuntong hininga muna siya before sumagot.

"Tapos sabi niya ba naman mag-iingat daw ako kay papa jerry my loves.. at kung maari pa nga daw ay.. stay away from him. Yun ang sinabi niya. Oh di ba nakakapagtaka? At the same time nakakasira ng trip?"

Napapatango nalang ako at lumipad na naman ang utak ko sa pag-iisip. Nakakapagtaka talaga yon, for someone like Kamil saying those words.. may concern siya alam ko pero parang may kutob ako na may higit pa sa concern na yon.

I couldn't help but feel a little bit curious. Sa aming lahat ay si Kamil or Milka ang hindi ko pa naririnig na nag-open up sa amin about her personal feelings. Kahit nga ngiti hindi pa niya maibigay eh.. Except to Kayla. Parang sila lang ang nagkakaintindihan. Siguro dahil pareho silang tahimik at medyo mga emo.

And I have this feeling that Kayla knows about her more than us. Kung tanungin ko kaya si Kayla? On the second thought, wag na rin. Feeling ko hindi rin magsasalita si Kayla.

"Hey, mami!" Napakurap ako at napatingin kay Berry na kanina pa pala ako tinatawag. Nginitian ko nalang siya na parang humihingi ng tawad. Inirapan lang naman ako ng loka. Hindi ko lang masabi na ang pangit niya gumanon! Hahaha.

Pero speaking of Kayla.. sasabihin ko na pala ang plano ko.

Lately kasi, to be specific, simula nung matapos ang last case namin ay hindi ko na nakitang nag-uusap sila Kayla at Rodney at aware kami kung bakit. Well, except kay ate Mig na madalas naman absent sa mga past happenings sa GDs. Pero sinabi na rin namin kaya aware na rin siya ngayon at nangako siya na hindi magsasalita.

Pero yon nga, hindi na nagkikibuan yung dalawa. Nung una lumapit pa si Kayla kay Rodney pero nahalata niya ata yung cold treatment nito sa kanya kaya ayan nagkalayuan na talaga sila. Kung hindi ko lang alam ang pinagdadaanan ni Rod ay baka sinapak ko na siya at pinatapon sa bermuda triangle. Ewan ko rin kung bakit doon basta naisip ko lang, trip.

Yung pinagdadaanan ni Rod? Sus, sa kanya niyo na alamin. Ayoko rin naman maki-meddle sa personal niyang problema pero ayaw rin namin na masaktan si Kayla kasi kahit hindi niya naman ipakita, nararamdaman namin eh. Bumabalik kasi yung pagiging cold niya o yung tinatawag namin na 'dead look' niya.

Kaya naisip ko ang bright idea na idi-discuss ko kay Berry.

Kung ano yon? Abangan niyo nalang.. very very.. soon.

****

KAYLA

Hindi ko alam kung ilang beses na akong pagulong-gulong sa kama ko. It's saturday today so obviously wala akong klase pero ikamamatay ko ata ang boredom kung mananatili ako dito sa bahay, specifically in my room. If you're wondering where is my ghost friend Leira, nandito naman siya kaso tulad ko ay mukhang nabo-boring na rin siya.

Napatingin ako sa gawi niya ng makita kong tumayo siya at walang lingon na tumagos siya sa pinto. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Binalewala ko nalang yun dahil baka gusto niya lang maglibot sa bahay pampalipas boredom. Ako ano naman gagawin ko pampalipas oras? Ayokong lumabas dahil ang init ng sikat ng araw.. sobrang init na nakakamatay. Marami akong nababalitaan na nagkakaroon ng skin rashes that turned into something serious hanggang sa ikamatay na nga nila.

*tok tok*

"Sandali lang!" Sigaw ko sa kabilang panig ng pinto.

Pagkabukas ko ay nagulat pa ako ng yumakap sa akin si Feli. Siya rin naman ang unang kumalas at tinitigan ako sa mata na may pilyang ngiti sa labi. Now I know.. hindi siya si Feli.
Agad kong sinara ang pinto at hinarap ko siya.

"Why are you possessing her body again, Leira? May usapan tayo diba?" Nakataas ang kanang kilay habang naka-krus ang balikat sa dibdib habang mataman na nakatingin sa kanya.

But to my surprise, sinunggan niya ulit ako ng yakap dahilan para mapahiga kami sa kama. Siya ang nasa ibabaw at ako ang nasa opposite. I know it sounds weird na kahit ako ay nawe-weirduhan rin sa position namin ngayon.

"Leira! Get off!" Pero hindi naman siya sumunod at nilapit pa ang mukha niya sa akin.

"Let's go outside! Boring na dito eh.. Please, please!?" Nakasalikop pa ang kamay niya na parang nakiki-usap talaga at parang nagpaawang nakanguso pa. Alam niya talaga ang technique para mapaamo ako eh.

"Sig--" sasagot palang ako pero may malalakas na katok sa labas na nakapagpaupo sa akin, causing Leira, in Feli's body to fell off. Ooops?

"Ouchy!! >3<" siya habang sapo-sapo ang pwetan aalalayan ko sana siyang tumayo pero narinig ko na naman ang mga katok. Yung totoo? Gigibain na ata nila ang pinto ko sa paraan ng pagkatok nila.

"Wait!! Anjan na ako!" Tinignan ko muli si Feli-- este si Leira pala. "Umayos ka." Yun lang ang sinabi ko at dumiretso na sa pinto only to be pinned down by someone. Bakit ba hindi nila ako salubungin ng maayos at hindi yung puro pagsunggab ang alam nila?!

"Kayla!!" Magkasabay na sabi ng dalawang babae na boses palang ay alam na alam ko na kung sino.

Inalalayan nila akong maupo sa sofa sa salas pagkalabas namin sa kwarto ko. Inaaya nila akong lumabas at agad naman akong nagpaubaya dahil nga nabo-bored na ako kanina pa. Pero hindi ko alam kung matatawa ako o hindi sa pagtingin ni Leira sa akin. Nakaalis na siya sa body ni Feli ngayon.

Nagtatampo yung tingin niya dahil nga di ba inaaya niya rin akong lumabas? Pero wala naman akong magagawa dahil nandito sina Berry at Mami na sobrang enthusiastic at sobrang hyper sa pagpilit sa akin na lumabas.

Pinagsuot pa nila ako ng dress kahit labag sa kalooban ko. Simpleng shirt at pants lang kasi akong klase ng tao pero nagsusuot naman ako ng dress.. pag may occasion nga lang. Ito pang suot ko ay bago lang.. one time ko pa lang ata ito nasuot and that was on last christmas season. Isa siyang lavender colored dress na knee-length at may style siyang parang gem na iba't-ibang kulay. Tapos inayusan nila ako. Light make-up and hinayaan lang nila ang natural kong black hair na nakalugay.

"Perfect na siya lumabas!!" Sabi ni Mami habang nakatingin sa akin. Nag-high five pa sila ni Berry at nagtinginan na parang doon lang sila nag-usap at nagkaintindihan. Anyway, I don't care anymore. Bahala sila kung saan ako dadalhin basta maalis lang ang boredom ko.

Nagpaalam na kami kay nanay Felicidad at lumabas na rin kami.

"Bakit parang hindi ko nakita si papa jerry my loves?" Nasa loob na kami ng sasakyan ni Mami pero si Berry ang nasa driver's seat while Mami is on the other side. Ako naman sa likod.

"Umalis si Kuya Jerry kaninang umaga. Lagi na siyang umaalis nitong mga nakaraang araw eh.. Kasama niya lagi si kuya adrian. Remember? Yung nakita niyo last week." I answered.

"Ah, yung gwapo na mukhang playboy?" Sabat naman ni Mami. Napalingon kami sa kanya pero agad din nagbawi ng tingin si Berry dahil nagmamaneho siya.

Medyo nakataas ang kilay na tinignan ko si Mami. "Gwapo? Ngayon ko lang ata narinig na namuri ka ng lalaki ah?" I asked playfully. Tinignan ko siya sa salamin sa harap at nakita kong nakasimangot siya.

"Don't tell me crush mo yon?" Tanong naman ni Berry na hindi pa rin inaalis ang tingin sa harap.

Hinihintay namin na sumagot si Mami pero tumingin lang siya sa bintana kaya hindi na rin ako naghintay na sasagot siya. Pero napaharap ako sa direksyon niya ng magsalita siya.

"Maybe crush. Pero hindi ko siya type maging boyfriend." Walang lingon na sagot niya.

"Sino ba kasing type mo? Si mang tomas?" Mapanuksong tanong ni Berry na agad kinalukot ng mukha ni Mami.

Ako tinitignan ko lang sila. Parang bigla kasing lumipad ang isip ko... sa isang tao na hindi na ako kinakausap lately. Well, bahala na lang siya sa buhay niya.

If he think na kakausapin ko siya katulad ng unang ginawa, pwes nagkakamali siya. I have pride. Hindi ako magpapakababa na kausapin ang taong ayaw naman akong kausapin.

But i admit.. I miss him. Yung kakulitan niya, yung mga pickup lines niya na palya naman at yung ngiti niya.

Sa haba ng pagbabangyan nilang dalawa ay nakarating rin kami sa isang restaurant. Pero hindi siya yung restaurant na sosyal, parang comfortable nga sa loob dahil ang cute ng mga upuan nila. Iba't-ibang kulay ng sofa.

Umupo kami sa bandang gilid kaya nakikita yung sa labas dahil sa transparent glass wall nito.

"Um-order na tayo.." Nasabi ko. Pero parang hindi naman ako narinig ng dalawa dahil abala silang nagbubulungan.

Hindi talaga ako mapakali sa kanilang dalawa. Para kasing may mangyayari na hindi ko inaasahan eh. O paranoid lang ako? Siguro nga I'm being paranoid. Mga best friend ko ito kaya may tiwala ako sa kanila.

May lumapit na waitress sa amin at hiningi ang order namin pero dahil wala pa ako sa mood kumain ay nag order nalang ako ng strawberry milk shake. Sila rin ganun.

Habang umiinom ako ay tumayo silang dalawa. "Oh bakit?" I asked them.

"Um.. kasi may naiwan ako sa bahay niyo na mahalagang bagay. Pwede bang umalis muna?" Ano naman kayang bagay yun? Pero nagtataka ako dahil pati si Berry ay nakatayo rin. Tinignan ko si Berry at magsasalita na sana pero inakbayan niya si Mami.

"Sasama nalang ako sa kanya, Kay. Iwan ka lang namin dito.. don't worry saglit lang kami. Sige ah.."

Pipigilan ko pa sana kaso parang napakahalagang bagay talaga nung naiwan para tumakbo pa sila paalis eh.

Nagpatuloy nalang ako ng pag-inom ng shake ko pero maya-maya lang ay may naramdaman akong umupo sa harapan ko, sa silyang inuupuan ni Mami kanina. Automatic na napaharap ako only to see a man. A handsome man to be exact. Naka red polo siya na nakatupi yung sleeves hanggang siko at malayang nililipad ang buhok niya sa bandang noo.

He smiled at me. "Are you my date?" He asked. Me, his what? Date? Nagkakamali ata ang gwapong ito.

I gave him a smile. "Um, you must be mistaken mister pero may mga kasama ako. Hinihintay ko lang sila kasi umalis sila saglit pero babalik sila." Paliwanag ko pa. Pero imbes na umalis ay nangiti lang ulit siya.

Makulit ang isang ito. Parang ang pilyo pa ng ngiti.

"But you are the only girl here na naka lavender dress. So I don't think I'm wrong. Let me guess.. your name is Kayla Marien, right?" Paano niya nalaman ang pangalan ko? At ako nga lang ang babaeng baka dress dito, not to mention, naka lavender color pa!

Wait a minute.. O_____O

THEY DID THIS! I knew it! Ang dalawang yon!!

"Hey, are you alright? Sorry kung nabigla kita." Hahawakan niya sana ako sa kamay pero inalis ko na yon sa pagkakapatong at uminom ng tubig para pampakalma.

Nabo-bored ako sa bahay at gusto kong lumabas, oo, pero hindi sa ganitong paraan ako magpapalipas-oras! Tsk. Ano kayang pumasok sa kokote ng dalawang yon at naisipan nilang i-set ako sa isang blind date? At blind date talaga? I never thought na uso pa pala yon.

"Hindi ka na nagsalita jan? And the way I see it, I think hindi mo alam ito no?" Wala akong choice kundi tumango. Totoo naman ang sinabi niya eh. Napasimangot ako ng bumunghalit siya ng tawa.

But his laughter, parang nakakahawa siya at nakaka-engganyo na tumawa rin so I gave him a smile. Bahagyang napatigil pa siya sa pagtawa niya pero sinuklian niya rin ako ng ngiti. Natignan ko naman ng matagal ang hitsura niya. Mukha naman siyang mabait kaya for his sake papagpatuloy ko na ito. Babawi nalang ako sa mga yon sa lunes. Lagot sila. Pero hindi pa yun eh! This guy..

He looks familiar..

"Oh. Sorry to be rude, but may I know your name? Unfair naman yata na alam mo ang pangalan ko pero yung sayo hindi ko alam.." He chuckled before he answers.

"Oo nga no. By the way, my name's Liam Rave. Nice to meet you, Kayla marien." And he offered his hand. Tinanggap ko naman yun. "Pwede bang Marien nalang itawag ko sayo? I hope you don't mind."

"No, i don't. Okay lang naman din na marien ang itawag mo sa akin.. its just that.. first time lang may tatawag sa akin sa ganung pangalan. But anyways, nice to meet you too." And I gave him a genuine smile.

Kanina kasi ay naiilang pa ako sa kanya. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain ng cake na inorder niya para sa amin. Mag-iinsist pa nga sana akong magbayad kasi nakakahiya pero sabi niya treat niya daw so wala na rin akong nagawa.

"Marien, gusto mong lumabas na dito? Kasi nakaka-boring na din tsaka medyo mabigat sa tiyan ang cake kaya pwede strolling muna tayo? Promise kahit jan lang." Tumango nalang ako sa sinabi niya at tsaka tumayo at naglakad na kami ng sabay.

He's a nice guy. Gentleman pa siya. Muntik na kasi akong madapa kanina sa exit pero nahawakan niya agad ang braso ko kaya nagpasalamat rin ako sa kanya. Ngayon naglalakad-lakad lang kami hanggang sa nadaan kami sa isang park. Dahil sa pagod na rin kami ay umupo muna kami sa bench na nadaanan namin.

Pinagmamasdan ko yung mga batang naglalaro sa mga palaruan, like swing, padulasan, at iba pa. May mga nagpi-picnic din na pamilya. Suddenly, I remember my parents. Matagal na rin simula ng magkasama-sama kaming namasyal. I think 2 years na ata. After I graduated high school.

"Hey marien, ba't natahimik ka bigla? Ayos ka lang ba? Masakit ba paa mo?" I look at him and saw how worried he was for me. Ngumiti lang ako.

"Walang masakit. Ayos lang ako Liam.. naalala ko lang ang parents ko. Two years na simula ng mamasyal kami na magkakasama eh. They're busy with their work so I understand them. Atleast I tried to." Bitter laugh rose inside me.

Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi ito kay Liam samantalang kakakilala lang namin kanina. Pero magaan kasi ang loob ko sa lalaking katabi ko. Para bang matagal na kaming magkakilala pero imposible rin kasi wala akong matandaan na na-meet ko na siya. And he seems so mature. Now I remember that I didn't yet ask his age.

"Ilan taon ka na pala Liam?" Naka-kunot noo ako ng bigyan niya ako ng pilyong ngiti.

"Mabibigla ka ba kung sasabihin kong 24 na ako? If I'm not mistaken, 20 ka palang, di ba?" He ask.

"21 na actually. At bakit naman ako mabibigla? Eh akala ko nga 30 ka na eh! Hahaha" sabay takbo ko dahil hinabol niya ako.

Nahaklit niya ako sa bewang ko at sabay kaming napahiga sa madamong park na ito at tawa lang kami ng tawa.

Pero biglang nagdilim ang paningin ko. Pinikit ko ang mata ko nagbabakasakali na mawawala rin ang madilim na yon pero nung nagdilat ako ng mata..

"Waaaahhhhhh!!!"

"MARIEN!? What's wrong?! Marien!" Nawawala yung boses ni Liam.

Nung nagdilat ako ay may dugo akong nakita sa paligid at nangilabot ako sa tatlong bata na duguan na nakatingin sa akin. Wari bang nanghihingi sila ng saklolo.

Hanggang sa mawalan ako ng malay.

"Marien.." That's the last thing I heard.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

2.2K 470 27
May hiwagang dala ang bawat dapithapon. (Completed) Language: Filipino/English Date Started: January 30, 2022 Date Ended: March 2, 2022
46.8K 1.7K 58
Highest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang...
27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
985K 4K 7
Why? Why it is all happening? Who am I? What am I? ENCHANTED ACADEMY: The Long Lost Princess •MAGIC SERIES #1 COMPLETED. ©All rights Reserved.