GLIMPSE

By supersaira

9.8K 397 185

A MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone More

Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 4

354 19 21
By supersaira

Maven Domini

Maaga akong nagpunta kina Avery para nga sunduin sya para pumasok. Nakita ko na agad syang naka abang sa gate nila bago pa man ako dumating.

Pagdating ko'y agad akong bumaba para kunin yung bitbit nya.

"Good morning, luv." Bati sakin tyaka nya inabot yung mga daladala nya.

"Good morning, luv." Sagot ko sa kanya tyaka nya ko kiniss sa cheek ko.

Hindi ko na itatanggi pa na I'm blushing pero bago pa man nya makita yun ay agad ko na nilagay sa kotse yung mga gamit nya.

"Kita ko yun nag blush ka." Sabi ni Avery sakin habang nakangiti bago ito pumasok sa kotse ko, wala akong nagawa kundi ang ngumiti na din.

Nang maayos ko na ay sumakay na ako sa kotse ko bago ko ito pinaandar.

Habang binabaybay namin ang daan, napansin ko si Avery na may kinukuha sa bag nya kaya napalingon ako.

"Nakapag breakfast kana? I made clubhouse sandwich for you, luv." Sabi nya tyaka nya ito binuksan pero nakita ko din agad na nilabas nya yung tumbler nya na may lamang tubig.

"Yes but, mukang masarap yan ahh." Sabi ko sa kanya habang nagmamaneho

"Try this, luv. Promise hindi ka magsisisi tyaka sinarapan ko talaga to for you." Sabi sakin ni Avery tyaka nya nilapit sakin yung sandwich para subuan ako, she's so sweet as always kaya naman kinagatan ko na agad ito.

"How was it?" Tanong nito sa akin

"Grabe luv, ang sarap ha." Sabi ko sa kanya after ko lunukin yung nasa bibig ko.

Pero yung sandwich talaga ni Yves yung pinaka the best na natikman ko so far, hindi ko mafigure out kung anong secret ingredients ang meron doon sa ginawa nya before but then eto na naman, I felt guilty. Si Avery ang nasa harapan ko pero si Yves yung naisip ko sa sandwich kaya naman ngumanga na ulit ako para subuan nya ulit nang sandwich na hawak nya.

"Aminin mo nga sakin, hindi ka nag breakfast no?" Pagkasabi ni Avery non ay sya naman bukas nya sa tumbler para painumin ako.

"No, nag breakfast nga ako, luv." Sabi ko sa kanya tyaka sya naman yung kumain sa sandwich na pinagsasaluhan namin.

"Much better, nako magagalit talaga ako pag hindi ka kumain. Basta pag nagugutom ka just call me, okay?" Bilin sakin ni Avery kaya napangiti ako ulit kasi super caring nya all the time, grabe! girlfriend material kaya maghahanap pa ba ako nang iba?

Pagdating namin sa parking lot ay bumaba na agad kami at kinuha na namin yung mga dala nyang gamit then didirecho na kami sa storage room para kumuha pa nang ibang tools.

Habang naglalakad kami ay napansin ko sa kabilang way na magkasama si Yves at Cielle, I think may maganda silang pinaguusapan dahil mukang masaya naman silang dalawa.

"Luv, wait lang ha." Sabi ni Avery kaya napatigil kami, napansin ko naman na inayos nya yung dala nyang paper bag.

Bago pa man kami makalampas kina Cielle at Yves ay nakita ko pa si Cielle na nakaupo sa harapan ni Yves at inayos nito ang sintas nang sapatos na suot ni Yves.

I don't know pero nung nakita ko yun ay nainis ako, nawala akong bigla sa mood. Anu yon? Is Cielle courting Yves na ba? Bakit wala akong balita? Bakit hindi ko alam? And hindi ko mas lalong alam sa sarili ko kung bakit kailangan kong mainis knowing na si Cielle naman ang nanliligaw kay Yves kung sakali? Diba dapat isa ako sa mga masaya para sa kanila?

Napapikit ako at huminga nang malalim to ease my temper, ayoko nang ganitong pakiramdam kasi feeling ko nagbebetray ako kay Avery na wala namang ibang ginawa kundi ang mahalin lang ako but in some reasons naiinis ako kay Yves, bakit si Cielle? Bakit hindi na lang iba? Bakit kailangan kaibigan pa namin?

"Luv, are you alright?" Tanong sakin ni Avery kaya agad akong bumawi at ngumiti sa kanya.

"Yeah! Sinong hindi magiging alright kung Ikaw Ang kasama?" Sagot ko na lang tyaka kami nagtuloy sa storage room.

Hindi na ako nagbigay nang attention kay Yves at Cielle.

Pumunta na kami sa storage room at kinuha ang mga need pa ni Avery, after nya kunin ay dumarecho na kami sa lab room.

Pagdating sa lab room ay pinatong ko na kung saan ang table ni Avery bago ko sya Iwan, kokonti pa lang ang tao dahil maaga pa nga.

Nagpaalam na ko kay Avery na aalis na, pinayagan naman nya ako pero nagbilin sya sa akin na sasabay daw sya nang lunch sa amin. Pumayag na ako total naman ay kaclose nya na nga mga kaibigan ko.

Palabas na ko sa room nang mapansin ko si Yves na papalapit sakin, nanaig na naman ang inis ko sa kanya. Bakit ba kasi sya nagpasintas pa nang sapatos kay Cielle, kaya nya na naman gawin yon and basta naiinis ako kaya kinuha ko ang phone sa bulsa nang uniform ko para umakto na kunwari ay hindi ko sya nakita. Ayokong pansinin sya ngayon, wala ako sa mood, pero nung konti na lang ang pagitan naming dalawa ay amoy na amoy ko na ang favorite kong scent na pabango nya, it's melon & cucumber na sobrang nakakarefresh pag naamoy ko, gusto ko syang tingnan pero mas pinili ko syang lampasan na lang at wag nang lingunin pa.

Sa part nang pagiging inis ko sa kanila ni Cielle ay alam kong hindi ko dapat yun nararamdaman, pero this time pagbibigyan ko muna ang sarili ko. Hindi ko na muna dadayain pa ang nararamdaman ko kasi ewan ko basta naiinis ako, kasi feeling ko ako dapat ang gumagawa nun sa kanya. Gusto kong ako yung gumawa nung ginawa ni Cielle kanina, ayoko nang may iba gusto ko ako lang. Yun yung nararamdaman ko right now.

Wala sa mood na dumarecho ako sa room ko sa first class, wala pa si Cielle na ineexpect ko na nadito na dapat dahil sila ang magkasama ni Yves kanina at hindi na sila magkasama nung nakasalubong ko si Yves.

Hindi pa man ako nakakatagal sa pagkakaupo ko ay napansin ko na ulit si Yves na parang papunta sa building namin, I think sa room namin to be exact. Tsk! Baka hinahanap lang nito si Cielle, pero ayoko pa syang makita kasi naiinis pa ko sa kanya, ayoko pa syang kausapin kaya naman umakto ako na may inaayos sa bag ko kahit wala naman.

"Hi Domini." Bati nya sakin after nya makapasok sa room namin gusto ko syang tingnan pero ayoko muna.

"Domini, pinabibigay nga pala ni Avery sayo ito. Naiwan mo daw sa kanya kaya ako na nag volunteer na dalhin sayo." Narinig kong sabi nya pa.

Avery! Yeah, Avery. Sa kanya dapat nakatuon ang pansin ko, sya dapat ang laman nang isip ko at hindi kung sino sino lang, sya lang.

Si Luv lang.

"Paki patong na lang sa desk ko. Salamat." Nasabi ko na lang sa kanya kasi narinig ko bigla ang pangalan ni Luv, hindi deserve ni Luv na maging ganito ako sa kanya.

Napansin ko na ipinatong naman nya sa desk ko yung book, para na rin makaalis sa sitwasyon na yun ay napansin ko si Lia.

"Lia, pahiram naman nang sharpener mo." Pagkasabi ko nun ay agad na akong tumayo nang hindi manlang ako nang tapon nang tingin at tinalikuran na sya.

Hindi ko ito dapat na nararamdaman at hindi dapat sya nasasama sa sistema ko.

Nakita ko naman na umalis na sya kaya bumalik na din ako agad sa pwesto ko.

Harap harapan ko syang inignore at alam ko, ramdam na ramdam ko na nasasaktan ako sa mga ginawa ko sa kanya at alam ko din na kahit kaibigan kami, alam ko na nasaktan ko sya.

Hindi nya deserve ang ginawa ko dahil alam ko para sa kanya, kaibigan nya ko. Totoong kaibigan.

Kaibigan lang na yun naman din dapat ang maramdaman ko para sa kanya.

Alam kong kaibigan nya ako kung ituring pero yung feelings ko ang may mali.

Kasalanan ko.

Nakita ko naman si Gray at Cielle na papasok na sa room namin, kahit ganon ay naisip kong walang kasalanan si Cielle kaya kinawayan ko pa silang dalawa ni Gray. Kailangan na magbago ang mood ko, hindi deserve ni Cielle na pati sya ay idamay ko dahil lang sa lecheng hindi ko alam na nararamdaman ko para kay Yves. Na kahit mismong si Yves nadadamay dahil lang sa maling nararamdaman ko.

Mga kaibigan ko sila, ako ang kailangan na mag adjust dahil ang totoo wala silang ginagawang masama pero ako eto parang tanga.

Anu nga namang pakialam ko kung ligawan ni Cielle si Yves, pareho naman silang single. Anong karapatan kong maging hadlang kung kahit sila nga tinanggap nila si Avery dahil si Avery ang gusto ko.

"Andyan na si Sir, kasunod na namin umayos kana nang upo." Sabi naman Cielle sa akin at umupo ito sa tabi ko

Napaayos ako nang upo dahil sa sinabi ni Cielle.

"Gagi! Wala pa talaga ha." Sabi naman ni Gray tyaka ito tumawa at hinampas si Cielle

Napatingin ako kay Cielle at agad naman itong nag peace sign sa akin kaya napatawa na din ako. Potek! Sarap talaga nila bigwasan minsan.

---------------

Lunch break

Andito kami ngayon sa canteen, si Yves na lang ang iniintay namin para makapag lunch na kami and naisipan ko din na mag sorry sa kanya dahil sa ginawa ko na sobrang maling mali dahil kaibigan nga naman syang nagmalasakit sa akin dahil sa book na dinala nya pa sa room namin knowing na hindi nya way ang building na yun, pero nag effort sya na dalhin sakin tapos inignore ko lang sya.

Very immature naman ako dun, diba? Kaya deserve ni Yves nang sorry ko.

"Hey Dom, nakita nga pala namin kayo ni Yves kanina. Magkasama kayo ni Avery, grabe na kayong dalawa ang aga magkasama na kayo." Bilang sabi ni Cielle kaya napalingon ako pero tumingin din ako kay Avery na katabi ko ngayon.

Kasama din namin si Sam dahil best friend nga ito ni Avery.

"Ahh yes! She fetch me kasi gamit nang kapatid ko yung car na pinang hahatid sakin dito." Si Avery na ang sumagot kay Cielle

"Alam mo, sagutin mo na yang kaibigan namin. Kating kati na talaga yan magkajowa, yung may label." Singit naman ni Joie.

"Oo nga, sobrang loyal naman yan sayo ihh." Si Sof naman ang sumabat

Loyal! Yeah kailangan kong maging loyal sa kanya at yung kay Yves, pipilitin kong tanggalin sa sistema ko ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko.

"Kailan mo ba sasagutin Avery? Para naman aware ako." Narinig ko mula sa likod ko, alam ko na agad kung sino ang nagsalita. It's Yves.

Paglingon ko, nakangiti sya habang nakatingin kay Avery pero naglakad na din sya agad at umupo sa tabi ni Gray na bakanteng upuan.

"Hayaan nyo at kayo ang unang makakaalam, what if ngayon na. Ano luv?" Sabi ni Avery at tumingin ito sakin at nag wink pa

Yieeee!

Tukso naman nang mga ito sa amin, ayoko man pero agad akong napatingin kay Yves pero nakikitukso din pala ito sa amin.

"Seryoso kaba jan, Luv?" Tanong ko kasi umaasa ako na sana nga kami na, please lang.

"Yes Luv, today finally sinasagot na kita. Mahal kita ngayon, bukas at sa mga araw na susunod pa. Mahal kita palagi." Sabi ni Avery sa akin kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin sya nang mahigpit.

Thank you Lord!

Sobra yung saya na nararamdaman ko ngayon, eto yung araw na pinaka hihintay ko. Eto na, finally dumating na.

"Guy's! Guy's!" Nakita ko na tumayo si Yves sa upuan nya at alam ko na hindi nya ito usually na ginagawa pero naglakas loob sya, alam ko kung ano ang gagawin nya.

"I-congrats naman natin yung friend ko! Finally sinagot na sya nang ating SSC Vice President na si Miss Avery. Kampayieeeee!" Sabi ni Yves at kumuha pa ito nang baso at itinaas, sumunod naman ang lahat nang nasa canteen nung sinabi nya yun at kahit ang mga Barkada ko ay nagsitayuan na din.

"Congratulations! Cheers!" Sabi nang lahat nang nasa canteen, nakakahiya man ay sobrang saya ko kasi sinagot na ko ni Avery na syang lagi ko din namang dinarasal and thankful kasi at least alam na nila na sa akin si Avery Autumn Arceta.

Sa akin lang, walang may-ari nang kahit na sino.

She's mine, mine alone.

Nakangiting nakatingin ako kay Yves and I said na "thank you and sorry", sinabi ko yun nang kami lang ang nakakaalam, I mean sinabi ko nang bukang bibig ko lang and she nod at me then smile.

At least, or I guess we're okay now.





-------------
Kaya mo yan Mariko!

Vote and Follow po.

Penny of your thoughts about this? Hahaha.

Ciao!










Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 224 46
What are the odds that Kervy (FJS) will meet the twin stranger of someone he used to love dearly? Will the feelings be the same or will it cause con...
88.8K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
13.9K 803 20
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
39.6K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"