Chapter 5

324 14 5
                                    

Avery Autumn

Yes po, opo! Tama kayo nang basa ako po ang may point of view. Hindi pwedeng MikhaLoi lang. Ilalaban ko ang MikhAiah.
---------------

After namin mag lunch ay niyaya ko si Luv na pumunta muna dito sa soccer field, may shed kasi dun area at doon ko sya gustong makausap about sa relationship namin.

"What luv?" Tanong agad sakin ni Luv pagupo namin.

"Uhhhmmm. I just wanna cherish every single moment with you and about sa relationship natin." Sabi ko kay Dom tyaka ako sumandal sa balikat nya

"I am beyond grateful sa ginawa mo, sobra mo kong pinasaya today luv." Sagot nya naman sakin at naramdaman ko pang hinalikan nya ang sentido ko

"Luv, kahit anong mangyari walang sukuan, walang magbabago kasi ako sigurado ako sayo na Ikaw lang. Sinagot kita dahil gusto ko nang sumugal sayo, ayoko nang mawala ka, ayoko nang makahanap pa nang iba, kung may mas better man na dadating Ikaw pa din ang pipiliin ko. Kung mas masaya sa kanya, pipiliin ko pa ring makuntento sayo." Mahabang litanya ko bago ako tumingin sa mga mata nya

"Ikaw Ang araw-araw kong pinagp-pray kay God na ibigay ka nya sakin, Ikaw Ang strength ko at weakness. Luv, Ikaw at Ikaw lang palagi ang mamahalin at pipiliin ko, kung may dumating man na iba hindi ako papayag na mahulog sa kanya. Sayo lang, Ikaw lang." Sagot nya naman sakin tyaka nya ko niyakap

Alam ko na worth it ang taong kasama ko ngayon, alam ko na sa oras na minahal ko sya yun din yung oras na binigyan ko sya nang karapatan na saktan ako pero ngayon buong buo ang loob ko na sa kanya ko ibigay ang YES ko. Maraming iba pero iba si Domini, iba si Luv.

Hindi manlang ako nakaramdam nang kahit anong pagsisisi nung sinagot ko sya kanina.

Mahal ko sya, sobra.

"Luv, alam mo ba na takot na takot ako pero sayo ko binigay ang tiwala ko. Luv, let's pray for our relationship. Ito ang araw na official na tayo." Sabi ko sa kanya tyaka ko hinawakan ang dalawang kamay ni Dom

"Yeah, let's pray." Pagpayag nya naman sa gusto ko

"Lord, this day binibigay namin ang lahat sayo. Ikaw sana ang gumabay sa relasyon namin, Ikaw ang magbigay nang napakahabang pasensya sa amin kung ubos na ubos na kami. Sa lahat nang aspeto na maaari na kaming sumuko, Ikaw ang magbigay sa amin nang malawak na pang unawa para maintindihan namin ang isa't isa. Lord, thank you kasi binigay mo sakin itong taong nasaharapan ko ngayon, sobrang saya ko iba pala talaga ang power mo." Dasal ko pero pinarinig ko ito kay Luv.

"Lord, salamat sayo dahil binigyan mo ako nang pagkakataon na magmahal at yun ang mahalin ang taong nasa harap ko. Kung sakali man na magkaroon kami nang problema Ikaw ang una naming lalapitan, Ikaw po sana ang maging tagapayo namin. Today, aaminin ko sa inyo na mahal na mahal ko itong taong binigay nyo para sa akin at wala na akong hihilingin pa." Dasal naman ni Luv

Pagmulat ko nang aking mga mata, isang Maven Domini Lim ang nakangiti sa akin. Sabay na kaming nag sign of the cross tyaka ko sya niyakap muli.

"Luv, I love you." Sincere na sabi ko

"I love you too, luv." Sagot nya naman sakin

Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko at inintertwine ito.

"Bagay na bagay no luv?" Sabi nya tyaka ito natawa "feeling ko sakin talaga naka-fit yung kamay mo." Dagdag nya pa

"Noko! Sobrang sweet mo na hindi ka naman ganyan kasweet before." Sabi ko

Sa mga oras na to, sobrang saya nang puso ko. Nung unang araw na nakilala ko si Dom, angas na angas ako na akala mo everytime sasapakin ka pero pag unti unti mo na syang nakilala napaka soft nyang tao. Hindi lang sya showy pero mararamdaman mo talaga pag mahal ka nya.

GLIMPSEOnde as histórias ganham vida. Descobre agora