Chapter 18

192 9 2
                                    

Mariko

I don't know pero paglabas ko pa lang sa room ni Maven ay tumulo na ang mga luha sa mata ko. aaminin ko masakit, pero alam ko din naman na wala akong karapatan na masaktan, na mag selos dahil hindi ako ang girlfriend.

Nagmadali na akong pumunta sa labas nang hospital para makasakay at makauwi, masakit pa man ang mga sugat na natamo ko kagabi ay hindi ko na ininda pa, dahil mas masakit ang puso ko. sobra.

Kagabi lang kasama ko si Maven na masaya habang kumakain pero ngayon, wala akong makitang concern manlang sya sa akin. para bang nagmistulan akong hangin, oo pinansin nya ko pero hindi ganon ang pakikitungo nya sakin.

ayokong mag reklamo sa kanya dahil sa una pa lang alam kong may girlfriend sya at ako mismo ang nag desisyon na sumama sa kanya, ang unfair lang na sobra akong apektado nung naaksidente kami, sinilip ko pa sya kanina bago ako umuwi at bumalik ako dahil hindi ako mapakali na hindi sya makita pero nang makita nya ko ay hindi ko kinaya ang treatment nya, dahil ba andon si Avery?

siguro nga ay tama ako, wala akong puwang sa puso nya pero anong magagawa ko kung sobrang mahal ko sya.

baka nga tama na layuan ko na sya, baka nga tama na dumistansya na ko, baka nga tama na tigilan ko na tong nararamdaman ko, kahit masakit ay gagawin ko. hindi pa naman ako ganon katanga para hindi ko pigilan, may girlfriend yung tao, anong laban ko?

"miss". napalingon ako sa lalaking katabi ko sa jeep na sinasakyan ko

"ewan ko pero kanina kapa umiiyak". inabutan nya ko nang panyo na wari ko ay sa kanya, siguro naman kanya yon.

gusto kong tumanggi pero ininsit nya na ito sa akin kaya wala akong nagawa para tanggapin iyon.

"salamat". yan ang tanging nasabi ko sa kanya

"fix yourself, wag mong ipakita na inaway ka nang boyfriend mo. hahaha. mga lalake nga naman pero wag mo ko idamay ha." sabi nya bago sya pumara at bumaba sa jeep.

mga ilang minuto ay bumaba na din ako sa jeep, hindi pa ito mismo yung bahay namin pero ito na ang babaan, dumarecho na muna ako sa isang park na medyo malapit sa pinagbabaan ko. ayoko na muna umuwi kahit medyo masakit itong mga natamo kong sugat, gusto ko munang huminga.

naupo muna ako sa isa sa mga bench doon, nagpahangin.

ako lang siguro ang umaasa na baka may pag-asa sa aming dalawa, kitang kita naman nang dalawa kong mata kung gaano kamahal ni Avery at Domini ang isa't isa pero yung puso ko, si Domini palagi ang pinipili kahit na mali.

mahirap umiwas, sa bawat mga tingin nya nang palihim ay syang nagpapalalim nang feelings ko sa kanya, sa mga concern nya na mararamdaman mong totoo, sa mga pagpupumilit nya na makasama ako, sa mga panahon na nararamdaman kong nagseselos sya, mga pagkakataon na kasama ko sya. mga bagay na hindi nya naman ginagawa sa iba pero sa akin ginagawa nya.

masisisi mo ba ako?

"andito ka lang pala." nagulat ako sa nagsalita, it's joie.

"hi! yeah medyo mga ilang minuto na." sagot ko tyaka ako tumingin sa kanya.

"sabi sakin ni Dom, sundan daw kita." tyaka sya umupo sa tabi ko

Domini, again.

"ahh uuwi na sana ako." sabi ko na lang

"akala ko kasi nasa hospital kapa, dadalaw kami sayo kaso umaga pa lang pala nakalabas kana. ikaw, kamusta ka?" concern na tanong sakin ni joie

kung hindi ako magsisinungaling ay aaminin kong masakit ang mga sugat na natamo ko pati na din ang puso ko ngunit kailangan kong mag panggap na ayos ako, sobrang okay.

"eto, awa nang diyos buhay pa naman. hehehe". nagawa ko pang magbiro kay joie

"para naman tong sira, pero sige sana mabilis kang maka recover. paano nga pala yung pasok mo? hindi ka madaling makakakilos." another concern from joie

"siguro excuse muna ako, alam na din naman sa school ang nangyari sa amin at binigyan na kami nang ilang araw na pahinga, siguro ay babawi na lamang ako pag kaya ko na." paliwanag ko sa kanya.

"pero, sorry ha. maiba ako, bakit kayo ni Dom ang magkasama kagabi?" nice question joie, sabi na di ako makakatakas sa kanila pag ganito.

"napadaan lang si Dom samin at nagyaya na kumain sa labas, simple lang." explain ko sa madaling paraan para di na sila mag isip pa

"nung nabalitaan ko kasi na kayo ang magkasama nung naaksidente ay nagulat ako, bakit hindi si Avery ang kasama nya." -joie

"normal lang naman yun sa magkaibigan diba? bakit hindi ba kayo nalabas ni gray or sof?" pagiiba ko nang usapan

"mga ganong oras? hindi." direcho nyang sagot sa akin

drop ko na lang ang usapan, gusto ko dingalaman kung bakit pinasundan ako ni Dom kay Joie, hindi ko na sana tatanungin pa pero yung iggerness sa loob ko, gusto ko talaga malaman. Okay, sige eto na naman ako Domini na naman pero kasi baka concern talaga sya sa akin

"anyways, bakit nga pala ako pinasundan sayo ni Domini?" tanong ko

"pag dating ko pa lang sa hospital sinabi nya na yun ehh, kasi hinahanap ko din naman ikaw sa kanya." sagot ni joie sa akin

but then, anong point nang ipasundan nya pa ko ehh halos deadmahin nya nga ako sa hospital kanina porke andun si Avery.

"ahhh okay." tanging nasagot ko

"siguro concern din sya sayo kasi kadarating mo lang daw pero umalis ka din agad and gusto nya din malaman kung saan ka siguro pupunta, sabi nya kasi ay baka hindi kapa okay dahil kagabi lang nangyati sanyong dalawa yung aksidente at look, fresh pa nga yang mga nakatapal sa mga sugat mo ohhh, hindi ba talaga masakit?" seryosong tanong nya sakin

"mas masakit to." mahinang sabi ko tyaka ko tinuro yung heart ko

"what? ano ulit yun? hindi ko naman maintindihan ehh." kakamot kamot pa si joie na nagrereklamo kaya napatawa ako sa reaksyon nya

"nevermind, teka may tsekot ka ba? baka naman pwede mo kong ihatid sa amin." kinapalan ko na ang mukha ko at si joie naman ito

"hay nako, aalis alis walang dalang kotse tapos ngayon magpapahatid." agad naman tumayo si joie tyaka nya ko inalalayan na tumayo

ininda ko ang sakit paghawak pa lang nya sa braso ko, kasi ang totoo masakit talaga.

"jusq ka Mariko, intayin mo na lang ako jan and kunin ko lang kotse ko sa parking. jan ka lang ha, wait for mee." sabi ni joie at nagmadali na itong umalis

ngayon ako nakaramdam nang pagod, mas mabuti siguro na ipahinga ko na lang muna itong katawan ko para madali akong makarecover, kailangan ko ding ipahinga yung puso ko dahil alam ko din na durog na durog ito ngayon.

mas okay na din siguro muna ito para sa kapakanan ko, mahirap na kung katawan at puso ko na yung umiinda nang sakit.

tumayo na ako nang dahan dahan para makapag lakad na ako papunta malapit sa kalsada para sa gayon ay hindi na mahirapan si joie na akayin ako dito sa park.

----------------

hello madlang people mabuhay, mini Miss You Master. 🥰

kamusta naman bini fest nyo?

anyway don't forget to vote and comments 😍

ciao!

GLIMPSEWhere stories live. Discover now