Chapter 3

348 19 8
                                    

Mariko Yves

"Kanina ka pa?" Napalingon ako sa nagtanong, it's Cielle

Andito pa ko sa parking lot nang school, actually maaga pa talaga para sa class ko this morning.

"5-10 minutes." Sagot ko sa kanya

"Ang aga, diba maya pang 8:15 ang class mo? 8 minutes bago mag 7 pa lang." Tanong ni Cielle tyaka sya sumandal sa hood nang kotse ko

"Maaga ako ginising ni Mama, pinagluto ko din sya nang breakfast at nag baon din sya nang lunch nya. Si Papa naman nag breakfast din bago pumasok and si Kuya Gill." Explain ko kay Cielle tyaka ako tumabi sa pwesto nya

"Teka! Si Dom yun diba?" Sabay turo naman ni Cielle kay Dom na naglalakad sa hallway papunta ata sa dentistry building.

Yes it's Dom and kasama nya si Avery to be exact.

Pero nag nod na lang ako kay Cielle bilang sagot ko

"Kulang na lang talaga sa dalawang yan, label." Sabad ulit ni Cielle sa tabi ko

"Ang tagal na din no nung niligawan yan ni Domini, almost 4 months na ata if I'm not mistaken." Patuloy na pagkakwentuhan namin ni Cielle

"Maraming may crush jan kay Dom pero si Avery talaga yung gusto nya, mapalalake o babae mga nagkakagusto jan." Patuloy ni Cielle

"Oo nga, grabe. Sabagay, maganda naman si Dom at mabait pa." Komento ko

"Teka." Sabi ni Cielle tyaka sya tumingin sa baba, nakita ko na umupo sya tyaka nya itinali yung nakalag ko palang sintas nang sapatos

"Tsk! Nag abala ka pa, ako na sana nag sintas ulit." Sabi ko pero tumayo na din si Cielle dahil naitali nya na ito

"Small things, Mariko. Anu ba naman yung itali ko yung sintas nang shoes mo sa palagian mong pataste test sa amin. Walang wala yang ginawa ko." Sabi ni Cielle na natatawa pa

"Bakit feeling ko nanghihingi ka nang kapalit ha?" tanong ko kay Cielle na natatawa na din

"Actually yun talaga yung purpose nun." Straight forward na sabi sakin ni Cielle kaya nahampas ko sya sa balikat pero slight lang naman

"Anu bang gusto mo? Swear ipagluluto kita, ikaw pa ba Cielle?" Sabi ko kay Cielle kaya nakita ko naman agad ang reaksyon nyang nanlalaki ang mata dahil sa narinig

"Sure yan ha, gusto ko sana nang carbonara with garlic bread." Natawa naman ako sa sinabi nya

"Ohhh bakit? Anung nakakatawa dun?" Tanong nya sakin

"Seryoso ka, with garlic bread pa? So ipagmamasa pa kita para makagawa nang garlic bread? Bumili ka na lang naman, pahihirapan pa talaga ako." Sabi ko kay Cielle tyaka ko kinuha yung tote bag ko na nakapatong lang din sa hood nang kotse ko

"Teka." Pigil sakin ni Cielle, pero hindi pa naman talaga ako aalis kinuha ko lang yung bag ko

"Gagi! Kinuha lang yung bag akala mo aalis na ko?" Sagot ko sa kanya

"Hindi, mag promise ka muna na ipagluluto mo ko nang carbonara." Pagpupumilit ni Cielle sakin at hinawakan pa ang braso ko tyaka inalog-alog ito, parang bata sa sobrang kulit

"Cielle isa pa kukurutin na kita sa singit jan, oo nga kasi ipagluluto na kita. Tsk! Nagpapalambing ka lang naman sakin." Sabi ko

"Masarap ka kasi magluto, Sayang naman yung chance mo diba? Mapagluluto mo ang isang Cielle Vergara." Natatawa nyang sabi

"Jusq! Ewan ko sayo, jan kana nga Cielle at may klase pa ko at kung wala ka pang klase wag kanang mag balak na makisit-in samin." Sabi ko kay Cielle tyaka ako naglakad papunta sa building namin

GLIMPSEOnde histórias criam vida. Descubra agora