Chapter 1

772 24 8
                                    

Maven Domini

"Lutang o lubog?" Napabalik ako sa sistema ko gawa ni Cielle dahil sa tanong nya kaya binigyan ko sya nang what-look.

"Domini naman, umaga pa lang lutang kana. Wag mong kaisipin si Avery at mahal ka din non." Sabi sakin ni Cielle bago nya ko inabutan nang one whole sheet of paper, kinuha ko ito sa kanya pero para saan to?

"May quiz?" Paglilinaw ko

"Anong quiz? Yung totoo Dom? Loooong quiz to kasi one whole ang pinakuha ni Miss Tan sa atin." Singit naman ni Gray sa usapan namin ni Cielle

Yes! We're 3rd year college, Computer Engineering ang course namin nina Cielle at Gray then yung iba naman naming friends gaya nina Sof at Joie ay Nutrition & Dietetics, si Yves naman ay Culinary Arts.

But then, so totoo pala na may long quiz kami today. Minor subject lang naman feeling pa-major. Tsss!

Literature ang subject kaya yun ang quiz namin kaya medyo nahirapan ako, nauna din kasing natapos si Cielle pero sabay naman kaming natapos ni Gray.

"Nag chat nga pala si Sof sakin kanina, magkita kita daw tayo sa canteen at may pataste test na naman si Mariko." Sabi ni Cielle samin habang naglalakad kami sa hallway.

"Pero dadaanan ko pa si Avery, okay lang ba na mauna na kayo dun sa Main building, diba doon naman ang cookery room?" Sagot ko sa kanila tyaka ko inayos yung bag kong bitbit.

"Teka! Jowa mo na ba? Sabihin mo naman." Tanong sakin ni Gray tyaka nya ko pinigilan

"Not yet." Sagot ko tyaka ako umalis

Papunta na ako sa building kung saan doon ang mga Dentistry students. Yes, Avery and her best friend Samantha is a dentistry students. Kailangan ko silang puntahan para makasabay ko sa lunch at sa pataste test ni Yves. Actually, usapan na namin yun ni Avery today pero yung biglaang pataste test ni Yves ang hindi ko inaasahan.

Sa labas sana kami magla-lunch ni Avery kasama si Sam pero sasabihin ko na lang sa kanila na sa canteen na lang para kasama din nila yung mga kaibigan ko. Magkakakilala na naman na kaming lahat even Sam kaya wala nang problema, gusto ko din kasi laging natitikman yung mga niluluto ni Yves.

"Hey!" Bati sakin ni Sam habang nakasandal ako sa railings.

Nagwave ako sa kanya tyaka sya bumeso sa akin.

"Where's Avery?" Tanong ko dahil hindi nya kasama

"Ohhh? Hindi nya ba nasabi sayo na may emergency sya kanina? Sinundo sya dito ni Ate Amara." Paliwanag sakin ni Sam

"Ahhh ganon ba? Hindi nya nabanggit sa akin, Ikaw gusto mo bang sumabay samin na mag lunch?" Tanong ko na lang kay Sam

Medyo disappointed ako kay Avery dahil hindi manlang nya nabanggit sakin but it's okay kasi emergency naman daw.

"Ohhh thanks Dom but I really have to go, may gagawin pa kasi ako sa major subject namin. Maybe next time, thanks." Sabi ni Sam sakin tyaka nya ko nilampasan.

Wala akong nagawa kundi ang umalis na lang at dumarecho sa main building, baka kasi maabutan ko pa sila doon bago pumunta nang canteen.

Itetext ko na lang si Avery later at kakamustahin.

Pagdating kong main building ay nakita kong bitbit na ni Cielle ang niluto ata ni Yves. Nakita ko pa si Yves na pinapagpag yung apron nyang suot tyaka nya ito itinago sa drawer nya doon.

"Where's Avery?" Tanong naman ni Joie sa akin.

"May emergency daw ehh." Yun na lang ang sinagot ko.

"Tara na? Muka naman masarap yung niluto ko diba?" Sabi ni Yves tyaka nya inamoy yung niluto nya na hawak ni Cielle

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon