Chapter 4

338 19 21
                                    

Maven Domini

Maaga akong nagpunta kina Avery para nga sunduin sya para pumasok. Nakita ko na agad syang naka abang sa gate nila bago pa man ako dumating.

Pagdating ko'y agad akong bumaba para kunin yung bitbit nya.

"Good morning, luv." Bati sakin tyaka nya inabot yung mga daladala nya.

"Good morning, luv." Sagot ko sa kanya tyaka nya ko kiniss sa cheek ko.

Hindi ko na itatanggi pa na I'm blushing pero bago pa man nya makita yun ay agad ko na nilagay sa kotse yung mga gamit nya.

"Kita ko yun nag blush ka." Sabi ni Avery sakin habang nakangiti bago ito pumasok sa kotse ko, wala akong nagawa kundi ang ngumiti na din.

Nang maayos ko na ay sumakay na ako sa kotse ko bago ko ito pinaandar.

Habang binabaybay namin ang daan, napansin ko si Avery na may kinukuha sa bag nya kaya napalingon ako.

"Nakapag breakfast kana? I made clubhouse sandwich for you, luv." Sabi nya tyaka nya ito binuksan pero nakita ko din agad na nilabas nya yung tumbler nya na may lamang tubig.

"Yes but, mukang masarap yan ahh." Sabi ko sa kanya habang nagmamaneho

"Try this, luv. Promise hindi ka magsisisi tyaka sinarapan ko talaga to for you." Sabi sakin ni Avery tyaka nya nilapit sakin yung sandwich para subuan ako, she's so sweet as always kaya naman kinagatan ko na agad ito.

"How was it?" Tanong nito sa akin

"Grabe luv, ang sarap ha." Sabi ko sa kanya after ko lunukin yung nasa bibig ko.

Pero yung sandwich talaga ni Yves yung pinaka the best na natikman ko so far, hindi ko mafigure out kung anong secret ingredients ang meron doon sa ginawa nya before but then eto na naman, I felt guilty. Si Avery ang nasa harapan ko pero si Yves yung naisip ko sa sandwich kaya naman ngumanga na ulit ako para subuan nya ulit nang sandwich na hawak nya.

"Aminin mo nga sakin, hindi ka nag breakfast no?" Pagkasabi ni Avery non ay sya naman bukas nya sa tumbler para painumin ako.

"No, nag breakfast nga ako, luv." Sabi ko sa kanya tyaka sya naman yung kumain sa sandwich na pinagsasaluhan namin.

"Much better, nako magagalit talaga ako pag hindi ka kumain. Basta pag nagugutom ka just call me, okay?" Bilin sakin ni Avery kaya napangiti ako ulit kasi super caring nya all the time, grabe! girlfriend material kaya maghahanap pa ba ako nang iba?

Pagdating namin sa parking lot ay bumaba na agad kami at kinuha na namin yung mga dala nyang gamit then didirecho na kami sa storage room para kumuha pa nang ibang tools.

Habang naglalakad kami ay napansin ko sa kabilang way na magkasama si Yves at Cielle, I think may maganda silang pinaguusapan dahil mukang masaya naman silang dalawa.

"Luv, wait lang ha." Sabi ni Avery kaya napatigil kami, napansin ko naman na inayos nya yung dala nyang paper bag.

Bago pa man kami makalampas kina Cielle at Yves ay nakita ko pa si Cielle na nakaupo sa harapan ni Yves at inayos nito ang sintas nang sapatos na suot ni Yves.

I don't know pero nung nakita ko yun ay nainis ako, nawala akong bigla sa mood. Anu yon? Is Cielle courting Yves na ba? Bakit wala akong balita? Bakit hindi ko alam? And hindi ko mas lalong alam sa sarili ko kung bakit kailangan kong mainis knowing na si Cielle naman ang nanliligaw kay Yves kung sakali? Diba dapat isa ako sa mga masaya para sa kanila?

Napapikit ako at huminga nang malalim to ease my temper, ayoko nang ganitong pakiramdam kasi feeling ko nagbebetray ako kay Avery na wala namang ibang ginawa kundi ang mahalin lang ako but in some reasons naiinis ako kay Yves, bakit si Cielle? Bakit hindi na lang iba? Bakit kailangan kaibigan pa namin?

GLIMPSEWhere stories live. Discover now