Chapter 11

287 14 13
                                    

Avery

Pag-uwi namin ni Luv ay dumarecho na agad ako sa room ko, I don't know pero wala talaga ako sa mood ngayon. Nag shower na lang ako at hindi na din ako nag dinner pa.

Ayokong isipan nang masama si Mariko dahil wala naman talaga syang ginagawa pero ang harapang nakikita ko kung paano tumingin sa kanya si Luv ay yun ang masakit. Ayokong tanungin si Luv about doon dahil baka hindi ko lang din magustuhan ang isasagot nya, kahit pa panatag akong ako ang mahal nya at lagi naman nya ding sinasabi yon pero iba ang mga tingin nya na syang parating ikinakasakit nang puso ko.

Bago pa lang kami at matagal din naman syang nanligaw sa akin but why, Mariko?

Narinig kong tumunog ang phone ko, nakita kong tumatawag sakin si Luv kaya kahit naguguluhan ako ay sinagot ko parin dahil okay naman kami.

"Hi Luv." Sagot ko naman agad

"Sleepy? Are you busy now?" Tanong nya sa kabilang linya

"Not really, going to sleep. Hummm pass 9 na rin naman." Sagot ko

"Hummm nakapag dinner kana?" Tanong nya

"Hindi na, I'm tired." -me

"Awww. I wanna invite you pa naman na mag dinner, I'm here na sa tapat nang house nyo. Silip ka sa window." -Dom

Ang lahat nang takot ko na baka magbago at magiba ay nawalang parang bula dahil sa mga narinig ko.

Agad naman akong sumilip sa bintana at nakita ko syang nagwave pa.

Totoo nga na nasa labas sya, sa sobrang saya ko ay pinatay ko na ang tawag at agad na umalis sa kwarto ko para puntahan sya.

Bago pa man ako makalabas ay nakita ko si Mom na nanonood nang TV kaya nagpaalam na din ako, pumayag naman sya agad dahil kilala nya naman si Domini.

Paglabas ko ay agad kong binuksan ang gate at walang ano-ano'y niyakap ko sya, I still miss her, very much.

"Why Luv?" Pagtanong nya sakin na halatang worried

Hinawakan ko ang makapal na kilay nya at tinanggal sa pagkakakunot nito.

"Nothing, I miss you." Pagkasabi ko nun ay kiniss ko sya sa lips pero smack lang nakita ko naman yung gulat nyang reaksyon kaya natawa ako.

"Very much huh? I miss you kaya nga andito ako ngayon." Sabi nya tyaka sya yumakap sakin ulit.

Matagal kaming nasa ganong posisyon, ewan ko pero siguro safe place namin ang isa't isa.

"Kakahiwalay lang natin galing u-belt." Sabi ko na lang tyaka ako bumitaw nang yakap

"Yeah! Pero bakit masama bang mamiss ko agad ang Luv ko?" Grabe sya magpa-cute, as in.

Kuhang kuha nya talaga ko sa mga gesture nya na yon.

"Hay nako, tera na nga. So saan mo ba ko dadalhin ha?" Tanong ko na lang tyaka ako pumasok sa kotse nya.

"Nakakainis naman ehh, ako dapat ang nag bukas nan para sayo." Maktol nya sa akin

"So lalabas pa ko para buksan mo ulit?" Sabi ko na lang kasi ang cute nya talaga

"Nevermind." Sagot nya tyaka sya pumunta sa driver seat at pumasok.

Gusto kong tanungin kung anong nangyari kay Mariko kanina dahil sila naman talaga yung friends pero mas pinili ko na lang na wag na dahil baka mawala lang din ako sa mood ko, like ayokong maramdaman para kay Mariko ang bagay na yun dahil mabuti naman syang kaibigan sa akin at kay Luv.

"After natin nang street food gusto ko lang tanungin kung pwede ka ba sa pares?" Tanong sakin ni Luv

Agad akong napatingin sa kanya like, what-look kasi hindi ko alam yung pares na sinasabi nya.

GLIMPSEWhere stories live. Discover now