Chapter 19

169 10 0
                                    

Mariko

after 1 week pumasok na ko sa univ. and hindi naman ako nahuli sa acads dahil tinulugan ako nang mga blocked mates ko and yung sa pagluluto ay ayos lang naman daw na humabol ako, actually medyo masakit pa ang bali at sugat ko pero kaya ko na naman na.

at sa isang linggo na iyon ay wala ding paramdam sakin si Domini, aaminin ko na namimiss ko na sya sobra pero hindi ko naman pwede syang dalawin dahil baka makaistorbo pa ko sa kanila ni Avery.

"Mariko" sigaw ni Cielle mula sa malayo kaya agad akong napalingon, tumatakbo syang papalapit sakin na wari ko ay yayakapin ako.

"finally" sabi nya pa bago sya yumakap sakin

"hehehe eto okay na naman ako." sabi ko na lang tyaka ako ngumiti at bumitaw nang yakap sa kanya

"wait, kamusta na nga pala si Dom?" tanong nya sa akin

"hummm" nag taas lang ako nang balikat

"ohh hindi mo ba sya dinalaw? kasi last few days di na ako nakapunta kasi busy, akala ko naman nagpunta ka kasi diba kayo yung magkasama nung naaksidente kayo." usisa ni Cielle sa akin.

"hindi na, andun din naman si Avery para alagaan sya." sagot ko na lang

"no, i mean friends naman kayo kaya natural na dalawin mo sya pero sabagay kahit naman ikaw ay enjured din." sagot na lang ni Cielle

kung alam mo lang Cielle kung gaano ko ka gustong puntahan si Domini pero hindi pwede. araw araw nagdadasal ako na sana okay sya, na sana masaya sya, na sana naaalagaan sya nang ayos, na sana ako na lang nag aasikaso sa kanya pero hindi ganon.

yan ang mga gusto kong sabihin kay Cielle pero hindi na, hahayaan ko na lang na isipin nya na unti unti na kong nakaka move on kay Domini.

"Mariko, alam mo alam ko naman na mahal mo sya pero siguro tama yung ginagawa mo. wag kang sumugal sa alam mong ikaw ang talo." sabi ni Cielle tyaka nya tinapik ang balikat ko

tumango na lang ako tyaka nya ko nilampasan at iniwan.

habang naglalakad ako sa hallway hindi ko maiwasang hindi mapansin sina Avery at Dom na naglalakad din, papalapit ito sa akin.

hindi ko alam kung iiwas ba ako or hindi ko na lang papansinin pero kung kailan na iiwas na ko ay tyaka naman ako tinawag ni Avery

"Hey Mariko, are you okay now?" pagtatanong nya sakin kaya agad silang lamapit sakin, tiningnan ko si Domini at ganon na lamang nung pagtingin ko sa kanya, tinanguan nya lang ako ngunit hindi ngumiti.

ang sakit, sobra.

nag iwas na lamang ako nang tingin sa kanya tyaka ko binalik ang tingin kay Avery

"yah! I'm okay, mauna na ko ha need ko na umattend nang class." pagexcuse ko sa kanila at para makalayo na din.

"ingat ka." sabi na lang ni Avery tyaka sila lumampas sa akin

walang ano-ano'y agad akong tumingin sa kanila, inaalalayan nya si Dom kaya naglakad na lamang ako ulit

hindi ko na talaga alam, malamig na ang treatment sakin ni Dom pero eto pa din ako concern sa kanya.

hanggang kailan ko ito titiisin, hanggang kailan ako masasaktan, hanggang kailan ako aasa at hanggang kailan mawawala ang feelings ko sa kanya.

gusto kong magmadali kung paano ngunit hindi ko pa din naman alam kung paano ko uumpisahan ang pag layo sa kanya kung sa bawat segundo ay sya ang laman nang isip ko pati nang puso ko

napaka swerte ni Avery, sobrang naiinggit ako sa kanya at sana ay mahalin nya si Domini nang totoo at sa wari ko ay totoo naman ang pinapakita ni Avery kay Domini.

alam kong wala akong binatbat doon.

-------------

"hey!" nagulat ako sa taong sumalubong sa akin, he looks familiar.

"hayss! yung guy sa jeep na nag pahiram nang panyo sayo, look imagine schoolmate pala tayo." masaya na pagbalita nya sakin

wala man sa mood pero ngumiti ako sa kanya

"ohhh wala ka bang balak isauli ang panyo ko? pero kung wala naman ay okay lang." sabi nya na mukang nag papacute

"teka! akala ko bigay mo na yun?" sagot ko na lang sa kanya

"bago ko sagutin ay, okay kana ba? gusto kitang tulungan that day kaso nagmamadali ako and ako pa unang bumaba sa jeep." explain nya pa

"it's okay, I'm alive and kicking!" pina jolly ko na lang ang boses ko kasi muka talaga syang good vibes

"saan kaba? hatid na kita pero wag kang mag isip nang kung ano jan ha, nakikipag friends lang ako sayo." tatawa tawa nyang depensa

"wala naman akong sinabi." tyaka ko binigay sa kanya yung shoulder bag kong dala na hindi naman kabigatan

"ohhhwwww!" tatawa tawa din sya nang inabot ko

"nag insist ka diba?" banat ko pa

"sabi ko nga ehh." sabi nya na lang tyaka ako naglakad papunta sa classroom ko at nakita ko naman na sumunod sya

"culinary student?" tanong nya sakin mula sa likod ko

ewan ko pero diba hindi pa namin kilala ang isa't isa? wala naman na sigurong dahilan para hindi ko tanungin name nya

"wait, kanina pa tayo magkausap tapos hinatid mo pa ko sa room ko pero hindi tayo magkakilala." lakas loob na sabi ko

"hehehe. sorry, I'm Karlo." kakamot kamot sa ulo nya tyaka sya nakipag shake hand sa akin

"Mariko." simpleng sagot ko pero inabot ko naman ang aking kamay

"computer engineering, graduating. ikaw?" tanong nya

tsk! computer engineering na naman, ahead lang kay Domini

"obviously, culinary arts." sagot ko, ewan ko pero mabait naman ako pero feel ko kasi na sagutin ko sya nang ganyan, in a good way naman. cute nya kasi bardahin parang tiklop kagad

"sungit naman." rinig ko pero pabulong nya lang binigkas

"akina na nga yang bag ko." sabi ko na lang tyaka ko kinuha sa kamay nya yung bag ko na bitbit nya

"alam mo ikaw, ang cute mo rin ano? ako na concern, ako na nag insist na tulungan ka, good traits naman pinapakita ko pero bakit feeling ko inis na inis ka sakin. hahaha." sabi nya sakin na natatawa

"kasi pakelamero ka. period." tyaka ko sya tinalikuran at pumasok sa room ko

"wow! thank you ha Mariko." sabi ni Karlo na talagang sumilip pa sa room namin at ngimiti nang malawak

"loko! lakad na baka malate ka pa." sagot ko na lang tyaka ako umupo

"sabay tayo mag lunch ha, bye!" sabi ni Karlo tyaka umalis

aaminin ko na nagulat ako sa huling sinabi nya, gusto ko pa sana mag complain pero paano? nagmadali syang umalis at hindi manlang inintay ang sagot ko, anyway wala namang sagot sa sinabi nya kasi ininsist nya yung lunch namin later

yes! lunch namin later, wala na din naman kasi akong magagawa and kung may lunch naman kami nina Cielle mamaya ay isasama ko na lang sya sa group of friends namin.

good vibes naman sya actually, mabait din naman at walang masama para hindi ko gawing kaibigan.

ako na nga itong nag attitude kanina sa kanya diba? so bakit naman hindi ko sya bibigyan nang pagkakataon tyaka lunch lang naman kasi yun, tsk! bakit ko ba masyadong iniisip pa.

"hi Mariko, kamusta kana balita ko naaksidente daw kayo blah blah blah."

nakipag kwentuhan na lamang ako sa classmate ko kesa isipin pa si Karlo.

------------

hoy hoy maloi!

hahaha update na, sorry medyo tumagal. 🤭🤭

to Mariko, kaya mo yan! kapit lang. 😂😂

feel free to comment blooms 🧡🧡

vote vote vote

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon