Chapter 20

247 9 0
                                    

Maven

andito ako ngayon sa isang bench sa school, nakaupo habang nakatingin sa kanya mula sa malayo.

after nang accident ay hindi ko na talaga nakausap si Yves, gusto kong makausap pero kailangan kong pigilan. hindi na ito katulad nang dati na malaya ko syang nakakasama pero kasi simula nung sinabi sakin yun ni ate ay may point naman sya.

and like, sobrang tagal ko din naman talaga pinangarap na maging girlfriend si Avery, doble ang efforts na ibinibigay ko mapasagot ko lang sya, ayoko din naman na masayang lang yun at mauwi sa wala. Mahal ko sya, sobra.

ang hindi ko lang talaga kaya sa ngayon ay bakit bigla na lamang nagka boundaries sa pagitan namin ni Yves, kung alam nya lang na sobra ko na syang namimiss, gusto kong alagaan sya, gusto kong mag effort sa kanya dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit kami naaksidente.

ngayon na habang nakatingin ako sa kanya, wala syang alam na sobra nya kong nasasaktan. ang makita sya na masaya kasama si Kuya Karlo ay masakit, sa dinarami rami nang lalaki bakit si Kuya Karlo pa, yung isang tao na naging kaclose ko dahil same kami nang course and isa sa tumulong sa akin sa nanganganib kong major subject last year.

alam ko na dapat hindi ko ito nararamdaman pero ito na to ehh, wala na akong magawa pa.

ang hindi ko pag paparamdam sa kanya nang buong linggo ay halos hindi ako matahimik, palagi akong nag aalala, palagi ko syang naiisip na sana okay lang sya, na sana gumaling sya nang mabilis, gusto ko ding mag sorry sa kanya dahil sa mga nagawa ko at actions ko lately at hanggang ngayon.

kada makikita ko syang nakatingin o tumitingin sa akin ay hindi ko maiwasang maging masaya, at least kahit manlang doon ay napapansin nya pa ko, alam ko naman na cold ang treatment ko sa kanya kaya ano pa ang aasahan ko diba?

madalas sa gabi kahit na injured pa ako ay palihim akong tumatakas sa bahay para lang silipin si Yves sa bahay nila, sobra ko na syang namimiss, gusto kong mayakap.

pero still mananatili na lamang ako sa kotse habang tanaw ang bintana nang kwarto nya at patay pa ang ilaw.

habang ginagawa ko ang bagay na yun ay never kong nakita na bukas ang ilaw nang kwarto nya, may one time pa nga na gusto ko na talaga mag doorbell para makita sya at makamusta manlang ngunit pinigilan ko na lang.

wala naman kasi akong choice ehh.

"parang malalim ata ang iniisip mo?" nagulat ako sa nagsalita mula sa likod ko, it's Sam

"ha? hindi naman." sagot ko

"kanina kapa nakatingin kay Mariko, alam mo kung gusto mo sya magiging okay lang sakin kesa pinipili mo yung kaibigan ko pero kitang kita ko naman sa mga mata mo na mahal mo sya." nagulat ako sa sinabi ni Sam sa akin kaya napalingon ako sa kanya

"no no, sam. it's just hummm." hindi ko alam ang sasabihin ko, Sam is Avery's bestfriend.

"see." tyaka sya umupo sa tabi ko "wala kang masabi kasi totoo." sabi nyang muli

"kasi ano, ako ang kasama nya nung naaksidente kami. Concern Citizen." sagot ko

"concern citizen? mahal mo ba ang kaibigan ko?" tanong nya sa akin

"sobra." yan ang ang nasagot ko dahil sobrang mahal ko naman talaga si Avery

"baka mahal mo kasi pasok sa standard mo and sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya diba? girlfriend material." sabi nya at tumingin din sya kay Mariko pero papasok na si Mariko aa room nya.

totoo naman na sobrang swerte ko na talaga kay Avery at super understanding pa, wala na akong mahihiling pa.

"pero pag nagdadalwang isip kana lagi mong tatandaan na piliin mo ang pangalawa, hindi ka naman mag mamahal nang pangalawa kung mahal mo pa talaga yung una." sabi ni Sam at bigla syang tumayo

"Sam." tinawag ko sya, gusto kong iexplain sa kanya kung gaano ko kamahal si Avery pero walang lumalabas sa bibig ko, hinahayaan ko lang sya na magsalita nang magsalita.

"lakad na, pumasok na si Mariko sa room nya at baka malate ka din sa first subject mo." sabi ni Sam tyaka nya ko tinapik sa balikat at umalis sa tabi ko.

"but Sam." habol ko sa kanya

"it's okay Dom, hindi makakarating kay Avery pero sana pag isipan mo nang mabuti at mas magmadali ka habang hindi pa gaano kabaliw ang kaibigan ko sayo." sabi nya sabay tawa

"mahal na mahal ko ang kaibigan mo." sabi ko na lang at yumuko ako, nakakahiya

"mahal na mahal ka din naman nya, I have to go. Bye Dom." sabi nya sa akin at tuluyan na syang umalis at nag wave nang may ngiti

ang totoo ay napaisip ako sa sinabi si Sam sa akin, tinamaan ako.

Mahal na mahal ko naman talaga si Avery, walang duda.

naglakad na ako papunta sa room ko, bago ako makapasok ay nakita ko pa si Gray at Cielle na magkakwentuhan sa corridor, wala pa siguro si Prof.

"nakasalubong ko nga pala si Mariko kanina." bungad sakin ni Cielle

"kamusta na nga pala sya?" tanong naman ni Gray

"i think okay naman na siguro sya?" hindi ko naman kasi talaga alam kung okay na sya

"muka syang makungkot." sagot ulit ni Cielle

"baka kasi masakit pa yung mga sugat nya, kahit naman siguro ako no. baka hindi pa ko pumasok pag ganon pa sitwasyon ko gaya nitong si Dom, injured pa pumapasok na." singit ni Gray

"is it okay na samahan nyo ko sa room nya ngayon?" ewan ko kung bakit pero kasi feeling ko gusto ko syang kamustahin, makausap, mayakap.

"ang craving ay si djwidjsksns." mahinang sabi ni Cielle, hindi ko gets ang sinabi nya

"hindi naman sa masama akong kaibigan ha, pero sige sasamahan ka namin." insist ni Gray

sinamahan ako nung dalawa na pumunta sa room ni Mariko, may ilang minuto pa naman para makausap sya

"favor naman Cielle, ikaw ang tumawag sa kanya at pasabi andito ako sa labas." sabi ko kay Cielle at hindi naman na ito tumanggi pa

"hanap----"

yes! hindi pa tapos magsalita si Mariko ay yinakap ko na sya nang mahigpit, ewan ko pero sobrang saya ko

masasabi kong heaven, sobrang panatag kasi talaga nang loob ko pagkasama ko sya at ngayon na kayakap ko sya mas doble ang pakiramdam na yun.

"i love you." bigkas ko pero agad din nag sink in sakin ang mga kataga na sinabi ko, anu yun?

"i love you? for what?" gulat na sabi ni Mariko kaya sya napabitaw nang yakap

"no no, i mean yeah i miss you." palusot ko na lang tyaka ko muli syang niyakap

"Gray, iiwan na ba natin tong si Dom dito?" rinig kong sabi ni Cielle pero deadma na ko

ang sarap nang bawat yakap ni Mariko, ayoko nang bumitaw pa.

"i think hindi." sabi ni Gray

pero ganon na lang ang gulat ko nang bigla akong hatakin ni Gray mula sa pagkakayakap ko kay Mariko at nagsanhi ito nang masakit na pagkirot nang bali ko sa paa at pagkirot mang sugat ko

nakita ko naman agad sa mga mata ni Mariko ang pag-aalala

"dahan dahan ka naman Gray, gagi ka." tatawa tawang sabi ni Cielle

papalapit na sakin si Mariko pero bigla naman syang hinigit ni Cielle at pinigilan.

weird.

"tara na, diba may class pa tayo ngayon." sabi ni Gray at hinatak na ko nang tuluyan.

"bye Mariko." sabi ni Cielle tyaka ito sumunod sa amin ni Gray

hindi na ako nakapag paalam pa kay Mariko pero sapat na yung mga yakap nya sa akin kani kanina lang.

-----------

harurut talaga tong si Domini, paasa.

anyways! ud again. 😂

GLIMPSEWhere stories live. Discover now