Chapter 17

205 16 8
                                    

Domini

Nagising na lamang ako na umaga na, papasikat ang araw. Wala akong ibang nasa isip kundi si Mariko, kamusta naba sya? ano kayang nangyari sa kanya? okay lang ba sya? sobra sobra ang pag aalala ko dahil kami ang magkasama nung naaksidente kami.

Nakita ko si Mama na pumasok sa room ko dito sa hospital at dala dala yung mga papers at test sa akin pero hindi ko mapigilan na magtanong sa kanya.

"Mom, si Mariko? okay lang ba sya?" tanong ko agad dahil hindi na ko mapakali pa, ako ang may kasalanan nang lahat kung bakit andito ako at si Mariko, kung naging maayos lang sana ako mag drive, sana chineck ko muna ang kotse ko bago ko ito ginamit.

"Anak, don't worry. Okay na sya, inaayos na din nang parents nya yung mga bills ni Mariko dahil anytime soon pwede na sila lumabas, mas malubha ang tama mo kesa sa kanya. For now, rest well anak." sabi ni Mom, tyaka nya ko hinalikan sa noo.

ewan ko, pero napaiyak na lang ako sa tuwa nang mabalitaan ko na okay si Mariko.

"Ma, pwede ko ba sya makita?" pagmamakaawa ko sa Nanay ko

"Anak, okay sya. ikaw ang mas malubha ang tama. Uuwi muna kami nang Dad mo at si Ate muna ang mag babantay sayo, kukuha lang kami nang gamit for you." paalam sakin ni Mama tyaka sya lumabas nang pinto, si Dad naman ay hindi ko nakita pero agad ko ding nakita si Ate Ynah na pumasok sa room pag labas ni Mama. Nakita ko pa na niyakap sya ni mama at nag paalam.

"Maven Domini" bungad agad sakin ni Ate Ynah tyaka sya umupo sa tabi nang kama.

"Ate, i have a favor. Gusto ko makita si Mariko kung okay lang ba sya." sabi ko agad kay Ate bago sya maupo.

"Domini, alam mo ba yang sinasabi mo? Nakakaloka ka!" sabi sakin ni ate at nahalata ko na frustrated sya, like anong kasalanan ko? ako na nga naaksidente dito ehh.

"what? bakit parang galit ka? ano na namang kasalanan ko?" clueless na tanong ko tyaka ako umayos nang upo sa kama.

"Sa akin wala kang kasalanan pero sa girl friend mo marami, umayos ka nga! Alam ko naman na sobra mong mahal si Avery, matagal na pero nalaman ko na si Mariko ang kasama mo disi oras nang gabi tapos narinig ko pag uusap nyo ni Mama at halatang halata sayo na concern na concern ka at halos mag makaawa ka para lang makita sya, okay sige andon na tayo pero pag nalaman to ni Avery, sa palagay mo hindi sya masasaktan?" inis na ibinahagi ni ate sa akin ang saloobin nya and it's hit me so hard

pero kasi mahalaga si Mariko sa akin.

"pero ate, please gusto ko makita si Mariko." I'm pleading

"Pauwi na sila nang parents nya, hinatid ko sila kanina sa parking lot. Wag kang mag alala, okay si Mariko at bago sya umuwi ay sinilip ka nya. is it okay for you? mapapanatag kana ba dahil mismong si Mariko na yung concern sayo." pagbabalita sakin ni Ate Ynah

"Bakit hindi nya ko inintay na magising? Ate kami yung magkasama kagabi." sagot ko

"precisely! kayo yung magkasama na parang hindi naman dapat. Domini, ipapa alala ko lang sayo na may girl friend ka." rebut ni ate sa akin

"I know, pero masama na ba makipag kaibigan sa isang tao na mahalaga sa akin?" Pagtatanong ko

"Hindi masama pero ang tanong ko, kaibigan lang ba ang tingin mo kay Mariko? si Mariko kaibigan lang din ba ang tingin sayo?" balik tanong ni Ate at doon ako nakaramdam nang kirot

Ano nga ba kami ni Mariko? si Avery ang girl friend ko pero sobra ang concern ko kay Mariko, halos si Mariko na din lately ang laman nang isip ko, si Mariko na din lagi ang halos gusto kong kasama pero alam ko na sobrang mahal ko si Avery, ayokong mawala sya.

"See! napaisip ka. Layuan mo si Mariko kung paaasahin mo lang sya at mahalin mo si Avery kung ayaw mo sya mawala sayo." pagkasabi non ni ate ay tumayo sya at nag paalam para bumili nang breakfast.

I realized na tama sya, kaya ko nga bang mawala si Avery? pero hindi ko alam kung bakit natatakot ako na mawala si Mariko at layuan nya ako.

Nasa akin ang mali, ayoko na lang muna isipin ang lahat. Gusto ko din muna mag pahinga, pagod na pagod pa ang katawan ko at masasakit pa ito, ang isip ko ay litong lito na din.

---------------

Nagising ako dahil sa naramdaman ko ang isang halik mula sa kamay ko, gusto ko agad mag mulat pero hindi pa kaya nang mga mata ko, ngayon ko halos ramdam ang sakit nang mga natamo kong sugat pero pinilit ko pa rin na imulat ang mga mata ko at ganon na lang ang tibok nang puso ko nang makita ko si Avery na hawak hawak ang kamay ko kaya agad ko sya tinawag.

sobrang namiss ko ang girlfriend ko, I don't know pero masaya ako.

hindi ko magawang hindi makipag biruan sa kanya kahit pa ramdam ko pa ang mga sakit na natamo ko.

hindi pa man natagal ang panghaharot ko sa girlfriend ko ay narinig ko nang tinawag ako ni Ate, agad akong napatingin sa kasama nya it's Mariko. Sa totoo ay gusto ko syang yakapin agad pero naalala ko bigla ang usapan namin ni ate kani-kanina lang kaya tiningnan ko si Mariko nang walang emosyon.

Ayokong masaktan si Luv, kasalanan ko naman. Mabuti nga at hindi na sya nag tanong tanong pa kung bakit magkasama kami ni Mariko kagabi. Mas mabuti na ganito na lang, si Avery pa nga ang concern at gusto tawagin si Mariko at Ate na nasa labas lang kanina pero gusto ko bumawi sa girlfriend ko at deserve nya yun.

But still, nakita ko sa mga mata ni Mariko na nasasaktan ito pero bakit? Isinang tabi ko na lamang muna iyon dahil sa pag pasok nang doctor kasama si Ate.

Chineck lang ako nang doctor at may mga sinabi na need ko inuming gamot at gawin para sa mabilis na pag galing ko after noon ay nagpaalam na syang muli sa amin at naiwan kami sa room, Ako si Avery, si Mariko at Ate Ynah.

Agad namang tumayo si Avery sa sofa kung saan katabi nya si Mariko, lumapit sakin si Avery at si Ate naman ang tumabi kay Mariko sa sofa. Nakita ko pa na tinapik ni Ate Ynah ang balikat ni Mariko tyaka ito ngumiti.

Nagfocus na lamang ako kay Avery, sa girlfriend ko.

"gutom kana ba? gusto mo nang kumain?" pagtanong ni Avery sakin noon ay sya namang pagtunog nang sikmura ko senyales na gutom na ko kaya hindi na ko nakatanggi.

Nakita ko naman na kinuha ni Avery yung food sa table, yun yung mga food para saming mga pasyente dito sa hospital.

she's so jowable! indeed.

"subuan na kita? or ano ba?" pagtatanong ni Avery sakin

"look at me, parang deserve ko naman ata na subuan ako." pagpapacute ko sa girlfriend ko

habang nakatingin si Avery sa plate ay syang pag nakaw ko nang tingin sa gawi ni Mariko, nakatingin lang sya sa akin at nakikita ko ang concern na tingin nya at pain, oo ramdam ko na nasasaktan sya pero bakit?

"hey luv, here." sabi ni Avery at sinubo nya sakin yung food

Nagfocus na lang ako ulit kay luv, Mariko is such a distraction.

Nakakatatlong subo pa lang ako nang food nang marinig ko si Mariko na nagsalita.

"Ate Ynah, i need to go home." sabi nya tyaka ito tumayo sa sofa, nakita ko pa ang pag inda nya sa sakit na natamo nya sa braso.

"Avery, Maven good bye. Alis na muna ako ha." sabi ni Mariko sa amin tyaka sya tumalikod ngunit bago pa man sya makalabas ay hindi ko maiwasan na hindi magsalita.

"Salamat naman at okay ka and salamat sa pagdalaw mo." sabi ko na lang sa kanya

"no worries, Maven." paalam nyang muli ngunit hindi na sya lumingon pa at tuluyan na lang lumabas nang pinto.

-----------

ciao! hahahaha.

feel free to comment ☺️☺️

I'm sorry Mariko Yves but for now, endure the pain. 😅😅


GLIMPSEWhere stories live. Discover now