Chapter 24

127 8 0
                                    

Maven

andito ako ngayon sa hi_ace namin dahil ngayon yung out of town namin, inaantay na lang yung iba kasi dito kina Sof ang antayan. Ako ang driver, hindi na din talaga natuloy yung gusto kong breakfast sana namin kina Mariko.

"hi luv" bungad ni Avery sa akin, may dala syang tumbler at inabot nya ito sa akin tyaka sya umupo sa tabi ko "coffee yan para hindi ka antukin sa biyahe." dagdag nya pa

kinuha ko ito tyaka ko ipinatong sa slot kung saan may patungan talaga nang tumbler or bottled water para sa driver

"thank you luv" sabi ko na lang, inistart ko na yung van para painitin muna ang makina

"oo nga pala, i made clubhouse if ever na magutom ka sa biyahe. tsk! bakit kasi hindi ka nag breakfast?" tanong sakin ni Avery

ang totoo, naiinis ako kasi nireject ni Mariko yung kagustuhan ko na mag breakfast kami sa kanila kaya tinamad na din akong mag agahan

"nothing, tinatamad pero yeah kakainin ko yang ginawa mong clubhouse, gawa mo na yan ehh tatanggi pa ba ako?" sagot ko na lang kay Avery

"hey lovebirds, kanina pa kayo? andito na pala lahat, wait at tatawagin ko lang sila para makaalis na tayo." sabi ni Sof sa amin, sumilip kasi ito sa window ni Avery

"sure Sof." sagot ni Avery kaya umalis na din si Sof para tawagin yung iba

"hayyy! inaantok pa ko." sabi ni Joie papasok pa lang nang sasakyan

"ehhh? nauna kapa ngang natulog kesa sakin kagabi. magkachat tayo or baka may kachat kapang iba." pang aalaska naman ni Yves kay Joie

"andaming sinasabi, dito kana maupo." hinila naman ni Joie si Yves kaya natilapid ito at tumama ata yung shoulder nito sa sandalan ng upuan

hindi ko maiwasang mapasinghap, kitang kita ko yun kahit pa nakatingin lang ako sa salamin at kita ko din kung paano napa-ngiwi si Yves dahil sa naramdaman.

gusto kong magtanong kung okay lang ba sya pero hindi ko na ginawa, nakita ko na lang na naupo na sya sa tabi ni Joie at kita ko na nagsosorry naman si Joie sa kanya, hinawakan pa nga ang balikat ni Yves para tingnan.

"mga anlilikot naman kasi ehh." singit naman ni Sof tyaka ito umupo sa unahang raw nina Yves, nasa dulo kasi si Yves at Joie.

"wow! coming from you talaga Sof?" natatawang sabi naman ni Joie

"hey, Sam okay ka lang ba jan?" pagtatanong naman ni Avery sa bff nya

"yeah! okay naman katabi itong si Sof ehh." sagot naman ni Sam

"alam mo Mariko, ilabas mo na yang special sandwich na gawa mo kasi parang medyo gutom na ko." singit naman ni Cielle

"napaka takaw naman talaga." sabi ni Gray

"hummm Domini, what are you waiting for? wala ka bang balak na umalis pa?" banat naman bigla ni Sof kaya napatingin ako sa unahan, pinanonood ko kasi sila sa salamin

"I think lutang pa ata sya, here ohh." sabi naman ni Mariko at may inabot itong sandwich sa akin, kinuha naman ito ni Sof at nung kukunin na ni Cielle para iabot sa akin ay bigla nya na lang itong binuksan at kinagatan

dismayado akong pinaandar ang van

"luv, may clubhouse naman akong ginawa for you diba? here." sabi ni Avery, binuksan nya ito tyaka nya isinubo sa akin.

nahihiya man ay kinagatan ko na ito, she's sweet and kind, ano pa bang hahanapin ko?

"ohh meron naman palang clubhouse na gawa si Avery for you, di mo na siguro need nang sandwich na ginawa ko." banat ni Mariko, marahil nakita nya siguro na sinubuan ako nang sandwich ni Avery

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon