Chapter 25

149 12 14
                                    

Maven Domini

Habang nag iintay kami ni Avery nang oras dumating naman si Sof.

"hey lovebirds, tara lunch na tayo. Okay na ang lahat, si Joie at Mariko andun na tatawagin ko lang si Sam, Cielle at Graye. Hummm punta na lang kayo dun sa cottage okay?" sabi ni Sof tyaka ito umalis

"yeah, thanks Sof." pahabol ko

inaya ko na si Avery na pumunta sa cottage kung saan doon nya niready ang lunch namin. Medyo maaga pa naman dahil 11:39am lang pero okay na din.

pagdating namin sa cottage ay agad hinanap nang mga mata ko si Mariko, ewan ko ba kung bakit pero sya ang gusto kong makita agad pero dismayado ako dahil wala sya, pero sabi ni Sof ay andito na daw kasabay ni Joie.

"hayyy, sabi ko na dapat pagdating pa lang nag rest na ko. Naligo kasi ako agad sa dagat tapos nung nakita ko naman na naghahanda na para sa kakainin natin ngayon hindi ko naman maiwasan na hindi makialam." sabi ni Mariko habang papalapit sya sa cottage tyaka nya pinatong doon yung tray na dala nya

"hahaha ayan, masyado ka kasing pabida." banat naman ni Joie sa kanya na tatawa tawa

"nakakainis to ehh, wag kang kakain nang niluto ko ha." bawi naman ni Mariko kay Joie kaya hindi ko maiwasan na mapangiti, itong dalawa talagang to kahit kailan.

"anong meron? anu ba yang niluto mo Mariko? mukang masarap ahh." banat naman ni Cielle na kararating lang at pumuwesto sa likod ni Mariko para silipin yung nasa tray

like, bakit nasa likod pa sya ni Mariko ehh nasa table na naman na yung niluto.

it's ginataang crab and shrimp yung nakikita ko at muka ngang masarap.

may pagkain na sa table, may fruits, vegetables salad, inihaw na chicken wings, inihaw na pusit at bangus

"eto pa yung isang niluto ni Mariko." sabi naman ni Gray na kararating lang at may dala itong palayok "tinikman ko at sobrang sarap, grabe!" tyaka nya ito pinatong sa table

"wow! parang ang sarap nga nyang sinaing na tulingan mo Mariko, tera na let's eat." sabi naman ni Avery na nasa tabi ko "luv, tera na." yaya nya pa sa akin tyaka ito umupo kaya umupo na din ako sa tabi nya

"but wait, there's more." sabi ni Mariko tyaka ito umalis

"nako! masisira ang diet ko talaga nito." singit naman ni Sof

inintay na lang namin na bumalik si Mariko para mag start na kami mag lunch, napansin naman namin na pabalik na sya at may dala itong bowl.

"eto na ang ating dessert, buko pandan made by yours truly." sabi nya tyaka nya pinatong sa table nang nakangiti

"for sure, tulog ka later. hahaha. siesta ka kasama ako, hindi mo rin kasi ako pinatulog ehh." sabi naman ni Joie

"sorry na, yes siesta time tayo later." sabi naman ni Mariko

"so tera na, pray kana Joie para makapag lunch na tayo." sabi naman ni Sof

habang kumakain ay hindi ko mapigilan na mapatingin kay Mariko, like pinagtatanggalan nya kasi si Cielle nang balat nang shirmp at nag eeffort ito na mabigyan nang crab.

magkatabi kasi sila at alam ko sa ugali kasi ni Cielle ay wala itong pasensya na kumain nang ganon kasi nga ay matagal balatan at kainin

"luv, gusto mo ipagbalat din kita nang shirmp?" tanong naman ni Avery sa akin

"no no luv, it's okay. natatawa lang ako kay Cielle kasi parang gustong gusto nya yun pero tamad mag-effort." sabi ko na lang, ayoko din naman na maistorbo si Avery sa pagkain nya, si Mariko kasi parang ang simple lang sa kanya na gawin yun

napansin ko naman na sumandok si Sam nang buko pandan at inabot ito kay Avery "alam ko na favorite mo to." sabi ni Sam tyaka ito tumingin sa akin at ngumiti

bigla akong nahiya sa ginawa ni Sam, dapat naka focus lang ako kay Avery pero eto ako ngayon naiinggit kay Cielle na hindi naman dapat

"hui Dom, tikman mo naman tong sinaing na tulingan na niluto ni Mariko. Diba gustong gusto mo yung mga luto nya?" singit naman ni Gray pero bigla din akong kinabahan

"ohh? wait, gusto mo pala nang sinaing na tulingan? wait, ikukuha kita. Humm what part ba gusto mo?" tanong ni Mariko sa akin habang nakangiti

"no Mariko, ako na ang kukuha para kay Dom." sabad naman ni Avery sa tabi ko

agad naman na sumandok si Avery at tinanong ako kung anong part gusto ko, wala akong nagawa kaya sinabi ko na lang na yung buntot na part.

"alam mo Mariko, masarap ka din pala magluto kasi kung ako Prof. mo ibabagsak kita." singit ni Joie sa usapan, siguro to lighten up the mood dahil alam naman namin lahat na magaling si Mariko

"sabi ko wag kang kakain nang mga niluto ko diba? pero tingnan mo nakaka extra rice kana." banat naman ni Mariko kay Joie

-------------------

after namin mag lunch ay nagpahinga na nga si Mariko at Joie sa room nila, nakatambay naman kami nina Gray at Cielle sa front beach, si Sam at Avery nasa terrace nang room kasi ayaw mainitan at doon nila pinili na mag pahingan at si Sof busy na naman. Ewan ko ba dun kung anong ginagawa nya, dapat nag bbeauty rest nga sya kasi mamayang dinner ang party nya

"tapatin mo nga ako Dom, may gusto kaba kay Mariko?" nagulat ako sa tanong sakin ni Gray, bigla din akong kinabahan

"bakit naman yan magkakagusto kay Mariko? si Avery na girlfriend nan ohh, i mean Avery diba? sobrang daming nagkakagusto dun at alam natin na mataas ang standard and deads na deads kaya yang kaibigan natin dun, diba Dom?" singit naman ni Cielle

"oo naman, tyaka hinding hindi ko ipagpapalit si Avery kay Mariko. Avery is my home, legit." sabi ko na lang pero ewan ko iba na yung feeling pag sinasabi ko yon hindi gaya nang dati. Hindi ko na alam kung ano ba itong nararamdaman ko, ang hirap.

"oo naman diba?" bigla kong narinig ang boses ni Mariko mula sa likod ko, ganon din si Cielle at Gray na napatingin din kay Mariko

"tyaka wag nyo ngang itanong yan kay Maven, alam nyong may girlfriend yung tao tapos bibigyan nyo pa kami nang issue." sabi ni Mariko tyaka ito nag sip sa dala nyang Mango shake ata

ang sakit pala pag mismong sa tao na nagugustuhan mo nang galing ang mga salitang yun, na alam mong hindi magiging sayo. Hindi ko din naman sya dapat na ginugusto dahil in a relationship naman ako, ako kasi talaga yung may problema dito

"ito naman, nagtatanong lang naman kasi kami. paano ito kasing si Dom kanina nung nakain tayo parating nakatingin sa atin, hindi ko alam kung bakit." sabi naman ni Cielle at doon ako kinabahan, napapansin pala nya ako

"hey luv, parang anlalim nang usapan nyo dito ahh." sabi ni Avery habang naglalakad papalapit sa amin kasama nito si Sam

"hey guy's." bati naman ni Sam sa amin na may dala ding mango shake

"hindi naman, nag papahangin lang." sabi ni lang ni Gray tyaka ito tumayo at pinaupo doon si Sam

agad din namang lumapit sa aking tabi si Avery, hindi sya nakaupo kaya naman napatingala ako sa kanya at sa hindi ko inaasahan ay bigla nya na lang akong hinalikan sa lips pero smack lang naman, ikinabigla ko talaga yun at hindi ko lang pinahalata kaya hinigit ko na ang waist nya para maupo sa lap ko

"ohh diba legit?" sabi ni Mariko tyaka nito inubos yung mango shake sa baso "wait lang guy's ha, isasauli ko lang tong baso at titingnan ko din si Joie sa room namin." dagdag nya pa tyaka ito umalis kung nasan kami

"alam nyo guy's, tara na mag swim na tayo." sabi ni Cielle tyaka ito tumayo

----------------------------

ud! please vote and comments 😂

stream 6🫁🍳🏆☠️



GLIMPSEWhere stories live. Discover now