Chapter 21

244 15 0
                                    

Mariko

Nasa café ako after class, gusto ko muna mag-isip isip patungkol sa nangyari samin ni Dom kanina, ewan ko pero nagbibigay kasi sya nang motibo after nya ko hindi pansinin or kamustahin nang isang linggo.

oo, marupok na kung marupok pero si Dom kasi yung tao na nakakapag pasaya sakin. Aaminin ko na mali ang maramdaman ko ito sa kanya pero wala akong magawa.

aware naman ako na may relasyon sila ni Avery pero pag kasama ko si Dom ay hindi ko na naiisip ang mga bagay na yun.

"hi Mariko." ang lakas nang kaba ko nang biglang may sumulpot sa unahan ko, it's Avery.

hindi sya nakangiti, pakiramdam ko ay may importante syang sasabihin sa akin.

"hi, have a sit." sabi ko na lang tyaka ako ngumiti.

naupo naman sya sa harap ko

"nakaorder kana? ako na lang ang oorder para sa ating dalawa." sabi ni Avery at agad nya naman tinawag ang crew

after umorder ni Avery ay nanatili akong tahimik, ewan ko pero sobra sobra ang kaba ko.

kung ano man ang masasakit na salita ang matanggap ko sa kanya ay wala akong magagawa dahil kasalanan ko

tahimik! walang umiimik.

nabasag lamang ang katahimikan nang biglang dumating yung crew na pinag orderan ni Avery

inilapag nito ang dalawang tasa nang kape at dalawang slice nang choco cake.

tinikman ni Avery ang kape na inorder nya, tiyak kong muka naman syang nasarapan sa lasa nito.

hindi ko kaya na ganito kami kaya ako na ang unang umimik

"bakit ka nga pala napadaan dito? and thanks sa cake at kape." sabi ko na lang para mag start nang conversation

"alam mo Mariko, hindi na ko mag papaligoy ligoy pa at kailangan ko nang direchohin ka. Please, kung hindi ka kayang layuan ni Domini pwede ko bang ifavor sayo na ikaw na ang lumayo sa kanya." kirot sa puso ang una kong naramdaman, malumanay ang pagkakasabi nya pero para bang sinampal nya ko nang paulit ulit.

wala akong nagawa kundi ang mapayuko dahil sa sinabi nya, nahihiya ako sa mga ginagawa ko at nararamdaman ko

"please Mariko." dagdag nya pa ulit

tiningnan ko sya at makikita mo sa mga mata nya na sincere ang paghingi nya nang favor sa akin

"Avery..." yan lang ang nakayanan kong sabihin, ewan ko kung bakit pero walang lumalabas na salita mula sa bibig ko

"no, ang pag payag mo at favor ko sayo ang kailangan ko." sabi pa ni Avery

ang sakit na sinasampal ako nang katotohanan na hindi sakin si Domini at hindi ako para sa kanya

"magkaibigan lang kami ni Dom, Avery." yan naman talaga ang totoo kaya yan ang sinabi ko, ayokong akusahan nya ako na para bang inaagaw ko sa kanya si Dom dahil hindi naman yun totoo, mahal ko si Dom pero alam ko ang limitasyon ko

"I know, pero please." she's begging

"sige, para sayo ay gagawin ko pero gusto ko lang iclear sayo na walang kami ni Dom." pag payag ko kahit pa hindi ko gustong gawin ang favor nya, dahil alam ko na itong favor nya ang pinaka mahirap gawin.

worst feeling? when you act like stopped loving the person you love the most.

"ayoko lang dumating tayo sa point na magkaroon nang ilangan sa pagitan nating dalawa, alam naman natin sa isa't isa na magkaibigan tayo." dagdag pa ni Avery tyaka ito nag slice nang cake sa plate nya para kumain

GLIMPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon