Chapter 26

156 9 2
                                    

Mariko

pagpasok ko pa lang sa room namin ni Joie ay hindi ko na mapigilan na maiyak

palagi nya saking pinararamdam na mahalaga ako pero kada makikita ko sila ni Avery ay kitang kita ko sa kanilang dalawa kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

"tsk! Domini again." sabi ni Joie tyaka ito tumayo sa kama bago lumapit sa akin

hindi ako nakaimik dahil alam naman talaga na si Dom ang may kagagawan kung bakit nasasaktan ako

agad nya akong yinakap at inaya na maupo sa kama

"Mariko, isa lang naman ang may kasalanan dito at si Dom yun. Masyado syang malandi para sabihin sayo ang mga bagay na yun at alam naman natin na may gf sya, hayaan mo na kesa makasira ka nang relasyon. Sa huli ikaw pa rin naman ang sisisihin ni Avery kasi una pa lang binalaan kana nya, oo fault ni Dom pero hindi nya makikita yun kasi mahal nya yon." explain sakin ni Joie

nagpunas muna ako nang luha sa mga mata ako, masyadong masakit sa akin ito lalo na at sama sama kami ngayon.

"dapat kasi hindi na ko sumama ehh." sabi ko na lang

"shhhh, Mariko isipin mo na lang na para ito kay Sof kaya andito ka tama din naman si Avery na layuan mo na lang. Diba nga kaninang umaga grabe sya kung makatingin sayo, hayaan mo at wag mo na lang pansin. Sa palagay ko naman ay nahihirapan din sya sa sitwasyon. Mas mabuting hindi nya alam na mahal mo sya dahil once na malaman nya yun baka iwan nya si Avery at ano? ikaw ang sisisihin ni Avery dahil ikaw ang umagaw pero ang totoo na fall na sayo si Dom pero hindi din natin sure na baka kaya ganyan lang si Dom sayo kasi mahalaga ka sa kanya at panatag na sya sayo." dagdag pa ni Joie tyaka nya ko yinakap

"paano ako? what if pag sinabi ko kay Dom na gusto ko din sya? siguro baka maging masaya." hoping na baka pwede pa

tiningnan akong mabuti ni Joie, mata sa mata

"hindi mo gagawin yan dahil kung mahal ka non matagal nang iniwan non si Avery, sana gets mo. Kita din naman nating lahat yung effort ni Dom mapasagot nya lang si Avery and lahat ba nang yun ay nagawa nya na sayo? kung hindi pa, just stay. Wag kang gagawa nang mas higit na masasaktan ka. Mahal kita Mariko kasi kaibigan kita, ayokong nakikita na nasasaktan ka."

pinunasan ni Joie ang mga luha sa mga mata ko

"let's some rest, kanina kapa gising at hindi kapa nakakapag pahinga tyaka yang puso mo ipahinga mo naman muna."

nag nood na lang ako at sabay na kaming nag siesta ni Joie

I love Joie so much

--------------------------

6pm na nang mag pasya kaming lumabas ni Joie sa room namin, napansin ko na aligaga na si Sof dahil ngayon yung party para sa bday nya, ewan ko ba kung bakit napaka hands on nya sa bagay na yun ehh kami kami lang naman ang bisita. like, pwede naman samin na simpleng salo salo lang.

dumarecho si Joie nang lakad kaya naman humabol na ko sa kanya, mas nauna kasi syang mag lakad. Nakita ko na tumigil sya tyaka nya ko nilingon.

"Mariko! wait lang ha, may naiwan pala ako sa room." tsk akala ko kung ano naman kaya nag nod na lang ako tyaka nya ko nilampasan.

dumarecho ako nang lakad, malapit na pala ako sa dalampasigan at tanaw na tanaw ko din ang sunset. sobrang ganda, as in kaya naman inilabas ko ang phone ko para picturan yung papalubog na araw.

habang nag ppicture ay nahagip nang camera ko si Dom, magisa syang nakatayo malapit sa dagat, halos nakatapak na nga sya sa tubig kapag umaalon ito.

napansin ko na nakatingin din sya sa papalubog na araw, ewan ko pero agad ko syang pinicturan sa ganong posisyon, sobrang ganda.

silluette sya tingnan pag capture ko

from some reasons, patuloy akong naglakad papalapit sa kanya

"ang ganda." bigkas ko pero sa kanya ako nakatingin

"yeah, super." sabi nya din tyaka sya tumingin sa akin

wala akong nagawa, eto na naman ako. marupok pagdating sa kanya

"kamusta?" gusto kong malaman kung kamusta na ba talaga sya

"I'm fine, masaya, super." nakita ko din ang malawak na ngiti sa mga labi nya

"good." yun na lang ang nasabi ko, dahil alam ko naman kung sino ang nag papasaya sa kanya.

"how about you?" balik tanong nya

ayoko syang sagutin nang totoo kaya minabuting mag sinungaling na lang ako

"same as you are, and feeling ko masaya din tong party ni Sof." sagot ko na lang

"Yves." natigilan ako nang tinawag nya kong Yves, yan kasi ang tawag nya talaga sa akin

"hummm?" sagot ko pero kinakabahan ako

"katabi lang kita pero bakit anlayo layo mo na?" doon ako nagulat sa sinabi nya sa akin

kung alam nya lang talaga kung gaano ko sya kamahal, kung paanong sakit ang kinakaya ko ngayon, kung paanong mag panggap na masaya

"ano kaba?" dinali ko pa ang balikat nya gamit ang balikat ko "andito lang ako lagi no, look ako pa nga nag luto nang lunch natin kanina, hindi mo ba ako maramdaman?" tanong ko na lang

"gets naman kita na pinalalayo ka sakin ni Avery pero wag mo namang sanang sagarin kasi diba magkaibigan din naman tayo, close kita close mo ko. we're friends." sa sanabi nya ay doon ako mas nasaktan, so lahat pala nang mga sinabi nya sa akin ay wala lang, bilang malapit na kaibigan lang.

ano nga ba ang magagawa ko, baka nga phase lang yun at narealize nya na mahal talaga nya si Avery at hinding hindi nya ito kakayanin na lokohin

and ako, bakit nga ba ako palaging umaasa sa mga mixed signals nya? palagi na lang akong nag papadala sa mga sinasabi at kinikilos nya pero ang totoo, kaibigan lang talaga ang tingin nya sakin

"we're okay, right? may kailangan lang din talaga tayo na sundin." ayoko naman na mag drama pa dito

"i really miss you, Yves." sabi ni Dom tyaka sya humarap sakin at pinagkatitigan ako sabay yakap nang mahigpit sa akin "sana dumating pa yung mga araw na katulad nang ginagawa natin dati, miss ko na yung mga pagkain kain natin sa gabi or kumain sa u-belt." after nya sabihin yun ay kumalas na sya nang yakap

"sorry, sorry kung matatagalan pa ang mga araw na yun." sagot ko

"it's okay, mag iintay ako sa araw na yun para sayo." nakangiti nyang sagot sa akin

"luv!" narinig kong tawag ni Avery sa kaharap ko ngayon

"hi luv, kinausap ko si Mariko and malinaw na samin ang lahat. Maybe next time sasamahan nya ulit tayo sa u-belt. diba? tyaka wag mo na kaming iiwan ni Avery ha." sabi ni Dom tyaka nya hinila si Avery sa tabi nya tyaka nya ito inakbayan

malinaw sa amin ang lahat? kailan pa?

pero hindi na ko nag salita pa at tumango na lang ako

"ang ganda ng view, wait kuhanan ko kayo nang picture bago lumubog ang araw." volunteer ko, oo na, tanga na, martyr or ano pa man pero masisisi nyo ba ako na

masaya yung taong mahal ko, sa taong mahal nya

inabot naman ni Dom ang phone nya sakin para kunan ko sila ni avery

andami ko nang take sa kanila, and the last shot was she kissed Avery's forehead habang magkahawak ang mga kamay nila.

sobrang perfect

"Mariko!" tawag sakin ni Cielle mula sa malayo "hanap ka ni Sof, tulungan mo daw sya mag cook."

"sure, no problem." sagot ko, Cielle save meee.

inabot ko naman yung phone kay Dom tyaka ako nag take nang wave tyaka umalis, narinig ko pa si Avery na nagsalita

"thank you Mariko, ang ganda nang mga shots mo."

--------------

ud

sino eksayted sa next ud? pero syempre stream pantropiko muna tayo blooms and support natin ang EP na Talaarawan 😊😊


ciao!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GLIMPSEWhere stories live. Discover now