GLIMPSE

By supersaira

10K 397 185

A MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone More

Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 2

450 22 0
By supersaira

Maven Domini

After ko sa bahay nina Avery, dumarecho ulit ako nang school para umattend sa class ko.

5:26pm na ngayon at awasan na, hindi ako nakisabay sa iba kasi andaming nagmamadali na makalabas sa campus. Usually kasi ay may gala pa yung iba, yung iba naman ay gusto nang makapag pahinga nang maaga.

"Kumusta ang lakad mo kina Avery kanina? Kumusta yung Mom nya?" Tanong sakin ni Joie habang papalapit ito sa akin sa parking lot, kasama nya si Yves na nakahawak pa sa kamay nya habang naglalakad.

"Okay na sya, actually hindi naman ito malala." Paliwanag ko sa kanila tyaka ako sumandal sa kotse ko

"Mabuti at ganon na lang no, anyway sayang at hindi mo natikman yung ginawang ice cream ni Mariko. Grabe! Bagay pala yung Banana sa Mangosteen." Pagmamalaki ni Joie sakin nang gawang ice cream ni Yves "pwede na nga syang ibenta." Dagdag pa nito

"Ano kaba Joie, pataste test ko lang naman yun but thanks sa compliment." Sabi ni Yves at ngumiti ito kay Joie

"Sayang pala no? Baka naman meron pa jan ohhh." Pagbibiro ko kay Yves but half meant.

"Don't worry, next time." Sabi nya lang sakin tyaka nya kinuha yung susi nya sa tote bag nyang dala.

Yves is very simple, uniform or minsan gala uniform lang ang suot nito, I mean wala nang kung ano-ano pang dala at nilalagay sa mukha, minsan napapansin ko naka lipgloss lang sya na natural lang naman samin, hindi din sya mahilig sa mga kung ano-anong nakasabit sa katawan pero lagi lang syang may wrist watch. Tote bag ang favorite nya, ewan ko ba kung bakit. Hindi din sya mahilig sa porma, madalas shirt, jeans at Chuck Taylor lang sya pag may okasyon sa school or kahit gagala kami magbabarkada. She's a commoner, indeed pero may ibubuga naman sa life, yung Mom nya Attorney and her Dad is MLGOO-DILG. Hindi ko din alam kung bakit Culinary Arts ang course nya, anlayo sa parents nya. Yung kuya nya nga ang alam ko graduate sa PMA.

"Hey!" Nagulat ako sa pag snap nang mga daliri ni Sof sa harapan nang mukha ko, wait bakit sila andito? Diba si Joie at Yves lang kausap ko kanina

"Space out." Sabat naman ni Gray at tawa nang tawa

"Naka-damoves yan kay Avery kanina kaya lutang yan, hanggang ngayon iniisip nya yung mga nangyari." Panunukso naman sakin ni Joie

"Nagkiss kayo kanina no? Aminin mo, aminin mo." Banat naman ni Cielle at mas malakas pa ang pagtawa nito.

"Wala namang masama." Nagulat ako sa sinabi ni Yves "she's courting Avery naman diba? And label na nga lang ang kulang sa kanilang dalawa." Dagdag nya pa tyaka sya ngumiti sakin

Eto na naman yung puso ko, beating faster but I don't know. I felt disappointed sa sinabi nya pero instead na yun ang ipakita kong emosyon ay nginitian ko na lang sya na yun naman ang dapat na ipakita ko.

"Got to go, may family dinner pa kami ehh. Need ko din nang pahinga, grabe yung pagod ko kanina." Sabi ni Yves at nag wave ito sa amin tyaka sya nagtungo sa kotse nya na one car lang yung pagitan sa kotse ko.

"So Tara na, uwi na tayo. Kokonti na din naman ang nalabas ngayon sa gate." Yaya ni Gray sa amin para makauwi na.

Nagpaalam na kami sa isa't isa, sumakay na ko sa kotse ko pero nakita ko pa kotse ni Yves na dumaan tyaka ko naman pinaandar ang kotse ko.

Habang nagmamaneho naalala ko na naman si Yves, hindi ko alam kung bakit tuwing anjan sya ay may kakaiba akong nararamdaman na sa palagay ko ay hindi ko dapat na maramdaman. Is it okay if am avoiding her? Pero bakit ko naman sya iiwasan? Anung idadahilan ko? Medyo malabo naman yun tyaka tatanungin nila ako kung bakit iniiwasan ko si Yves, aact na lang ako nang normal kahit hindi naman normal? Pero bakit nga hindi normal yung feelings ko? Tsk! Ang gulo naman ehhh!

Napahampas ako nang kamay sa manibela, indikasyon na nag sanhi ito nang malakas na tunog.

Potek! Napa face-palm na lang ako sa aking sarili.

Bigla namang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan

Luv is calling.........

Napangiti ako nang makitang natawag sakin si Avery kaya agad kong sinuot yung wireless earbuds ko para makausap sya.

Luv?- Avery

Hi luv. -me

Pauwi kana po? -Avery

Yeah, on my way po. -me

Ingat ka luv, nga pala pwede mo ba akong sunduin samin bukas nang morning going to school? Nasiraan kasi si Ate nang car ehh need nyang gamitin yung family car namin so walang maghahatid sakin sa school bukas. -Avery

Sure luv, anything for you. What time ba? As usual? -me

No po, mas early. Siguro 7am nang morning may lab kasi kami ehh need ko pa ayusin yung mga need na gamit para dun. Is it okay for you? -Avery

Yes naman Luv, Ikaw pa ba kaya kong tanggihan? Siguro mga 6:30 nasa gate nyo na ko. -me

Thank you luv, you're the best talaga. -Avery

Always for you, luv. -me

Bye luv, ingat sa pagddrive okay? Mamahalin pa kita nang matagal or I must say forever. -Avery

Luv, wag ka magpakilig kahit anung gawin mo malakas na talaga ang tama ko sayo. I love you 3000. -me

I love you too luv, bye. -Avery

Ibinaba na ni Avery ang call, wala akong nagawa kundi ang mapangiti na lang. Grabe! Am I lucky or blessed to have her?

Pagdating sa bahay ay nadatnan ko dun si Mom na nag pprepare nang lulutuin nya ata for dinner, nag beso ako sa kanya tyaka ako kumuha nang water sa ref.

"Anjan na din ba ang Ate mo?" Tanong sakin ni Mama habang patuloy na nag gagayat nang vegetables

"Wala pa Ma, baka mamaya andito na din yun." Sagot ko kay Mama "Sige Ma, akyat na muna ako sa room ko."

"Teka, hindi kaba muna magmimiryenda? Ang Papa mo ba wala pa din?" Tanong ulit ni Mama tyaka sya tumingin sakin

"Ma? Baka maya maya andito na din sila." Sagot ko na lang

"Aba masarap kaya itong niluluto ko ngayon, mabuti nga at nag day off si Yaya ngayon kaya napilitan akong umuwi nang maaga para mag prepare nang food." Sagot ni Mama tyaka sya bumalik sa paggagayat

"Ma, masarap ka talaga mag luto." Pagtatapos ko nang usapan ni Mama para makaakyat na ko sa room ko para magpalit nang pangbahay.

Dumarecho na ko sa room ko, inilapag ko ang bag sa sofa doon at nahiga ako sa kama ko kahit pa naka uniform pa ko. Gusto ko lang mag relax, hinubad ko na din yung shoes ko gamit ang mga paa ko.

Tiring day.

10 minutes ata akong nakahiga tyaka ako nag palit nang pangbahay, nag suot lang ako nang shirt at short na cotton para kumportable naman.

Pababa na ko sa hagdan nang nakita ko si Ate Ynah na bagong dating, she's working na din kasi at fresh grad sya. Currently sa bank sya nagwowork kasi Accountancy grad naman sya, nag rereview din sya for board exam.

"Aba parang nasa mood ka ngayon, sissy." Bati sakin ni Ate habang nakangiti.

"Happy life." Sagot ko na lang pero napansin ko naman agad yung paper bag na dala nya, bukod sa bag nyang dala pa pang work "may pasalubong ka ba jan, ate?" Dagdag ko pa tyaka ko kinuha yung paper bag na dala nya

"Hoy anu ba? Galing yan kay Mariko." Nagulat ako sa pangalan na sinabi ni Ate, wait Mariko as in Mariko na si Yves? Pero kinuha nya ulit ito sa kamay ko.

"Mariko?" Napatanong na lang ako sa gulat ko, bigla na lang kasing bumilis ang tibok nang puso ko

"Yeah! Mariko? Sino pa bang Mariko? Yung friend mo." Sabi ni ate tyaka nya binaba yung working bag nya sa sofa at dumarecho sya nang kusina

Sumunod ako sa kanya para magtanong pa, ewan ko pero parang may gusto pa kong malaman.

"Anu ba yan? Bakit ka nya binigyan? Close ba kayo? Saan kayo nagkita?" Tanong ko kay Ate habang nilalagay nya sa plate yung galing daw kay Yves.

"Bakit ba andami mong tanong? Anu naman sayo kung binigyan ako ni Mariko? Friend mo naman sya, bawal bang iclose yung mga friends mo?" Sagot sakin ni Ate

For the first time, nainis ako sa sagot ni Ate and still hindi ko pa din alam kung bakit. Dapat naman diba wala akong pakialam?

Nag calm down ako kasi baka mahalata ni Ate na nainis ako sa sagot nya.

"Pero Ate ano nga? Tyaka pahingi naman nyan, nagdadamot na?" Sabi ko in a jolly tone

"Last week kasi nag open account si Mariko sa bank kung saan ako nag wowork, so ayun tinulungan ko sya para mapadali yung process so kanina dumaan sya dun para lang ibigay to sakin, pathank you nya daw." Paliwanag ni Ate tyaka sya sumubo nang kinakain nya na galing kay Yves.

And for the first time, nainggit ako nang light kay Ate Ynah.

"Ahhh kaya naman pala but I want to taste that Ate. Sariling gawa nya ba? Kasi kanina may pataste test sya samin." Proper way na pagkakasabi ko kay Ate kasi alam kong mali yung nararamdaman ko towards to Yves.

"Ma, gusto mo din ba?" Sabi naman ni Ate nung nakita namin na pabalik na si Mama sa kusina "galing to kay Mariko, diba Ma culinary student yun. Paturo ka dun minsan nang bagong recipe." Dagdag pa ni ate pero sinubuan nya na si Mama nung binigay ni Mariko, nakakainis! Ako yung gustong makatikim ihh.

"Aba masarap nga ang sea food paella nya, may something akong nalalasahan and hindi ko mafigure out. I guess Mariko is one of the best culinary student sa Univ. nyo Domini." Sabi ni Mama habang nilalasap nya yung luto ni Yves.

"Diba Ma, magaling talaga si Mariko." Sabi ni Ate habang nakangiti.

Gusto kong nang banatan si Ate sa mukha nya, halatang iniinggit nya ko pero dapat chill lang ako.

"Sobra, ngayon pa lang proud na ko sa kanya. Grabe Domini, magaling pala talaga yung kaibigan mo." Papuri naman ni Mama kay Yves and doon nabago ang mood ko, I think Yves got points kay Mama.

"Tara na sissy, mukang gusto mo na talagang matikman itong paella ni Mariko." Sabi ni Ate tyaka nya ko hinila papuntang Salas

Napangiti ako, finally.

Habang nakaupo kami ni Ate sa sofa at kinakain ko ang paella na galing kay Yves. Napansin ko naman si Ate na busy sa phone nya.

"Sino naman yan at nakangiti ka pa?" Agaw pansin ko kay Ate tyaka ko binaba sa table yung plate na hawak ko

"Si Mariko, tinatanong nya kung masarap daw ba yung paella na luto nya." Sagot ni Ate habang busy pa din sa pag pindot sa phone

"Bakit magkatext kayo?" tanong ko, kasi nawawala na naman ako sa mood

"Kinuha nya yung number ko, sabi ko nga sayo na lang magtext kaso mapilit sya kaya binigay ko na." Explain ni Ate habang nagtetext pa din

"Bakit sakin magtetext?" Tanong ko na lang

"Bakit hindi ba pwedeng sayo tyaka friends naman kayo diba?" Sabi ni Ate tyaka sya tumingin sakin

"Ehh syempre, sayo talaga dapat kasi tinulungan mo naman pala sya." Sagot ko tyaka ako uminom nang juice

"May point ka, kaya ayan badtrip ata sakin ngayon. Niloko ko kasi na hindi masarap yung paella nya." Tatawa tawang sagot ni Ate

In some reasons, tumayo na ko sa sofa kung saan ako nakaupo at walang lingon-likod na umalis doon at dumarecho sa kwarto ko. Narinig ko pang sinabi ni Ate na "Anu yon?" pero binaliwala ko na.

Kasi kahit ako hindi ko alam kung bakit ganito ako, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko to, hindi ko alam kung bakit naiinis ako kasi dapat hindi ko ito nararamdaman.

Hindi dapat

Hindi maaari

Hindi pwede

Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok sa room ko, I need to chill, I need to convert my feelings, dapat kay Avery lang


Si Avery lang.

------------------

Please vote and Follow nyo naman po ako, yun lang. Hahaha

Ciao! 🤗

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
15K 834 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
179K 12.1K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
2M 45.9K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...