GLIMPSE

By supersaira

10K 397 185

A MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone More

Characters
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 1

850 24 8
By supersaira

Maven Domini

"Lutang o lubog?" Napabalik ako sa sistema ko gawa ni Cielle dahil sa tanong nya kaya binigyan ko sya nang what-look.

"Domini naman, umaga pa lang lutang kana. Wag mong kaisipin si Avery at mahal ka din non." Sabi sakin ni Cielle bago nya ko inabutan nang one whole sheet of paper, kinuha ko ito sa kanya pero para saan to?

"May quiz?" Paglilinaw ko

"Anong quiz? Yung totoo Dom? Loooong quiz to kasi one whole ang pinakuha ni Miss Tan sa atin." Singit naman ni Gray sa usapan namin ni Cielle

Yes! We're 3rd year college, Computer Engineering ang course namin nina Cielle at Gray then yung iba naman naming friends gaya nina Sof at Joie ay Nutrition & Dietetics, si Yves naman ay Culinary Arts.

But then, so totoo pala na may long quiz kami today. Minor subject lang naman feeling pa-major. Tsss!

Literature ang subject kaya yun ang quiz namin kaya medyo nahirapan ako, nauna din kasing natapos si Cielle pero sabay naman kaming natapos ni Gray.

"Nag chat nga pala si Sof sakin kanina, magkita kita daw tayo sa canteen at may pataste test na naman si Mariko." Sabi ni Cielle samin habang naglalakad kami sa hallway.

"Pero dadaanan ko pa si Avery, okay lang ba na mauna na kayo dun sa Main building, diba doon naman ang cookery room?" Sagot ko sa kanila tyaka ko inayos yung bag kong bitbit.

"Teka! Jowa mo na ba? Sabihin mo naman." Tanong sakin ni Gray tyaka nya ko pinigilan

"Not yet." Sagot ko tyaka ako umalis

Papunta na ako sa building kung saan doon ang mga Dentistry students. Yes, Avery and her best friend Samantha is a dentistry students. Kailangan ko silang puntahan para makasabay ko sa lunch at sa pataste test ni Yves. Actually, usapan na namin yun ni Avery today pero yung biglaang pataste test ni Yves ang hindi ko inaasahan.

Sa labas sana kami magla-lunch ni Avery kasama si Sam pero sasabihin ko na lang sa kanila na sa canteen na lang para kasama din nila yung mga kaibigan ko. Magkakakilala na naman na kaming lahat even Sam kaya wala nang problema, gusto ko din kasi laging natitikman yung mga niluluto ni Yves.

"Hey!" Bati sakin ni Sam habang nakasandal ako sa railings.

Nagwave ako sa kanya tyaka sya bumeso sa akin.

"Where's Avery?" Tanong ko dahil hindi nya kasama

"Ohhh? Hindi nya ba nasabi sayo na may emergency sya kanina? Sinundo sya dito ni Ate Amara." Paliwanag sakin ni Sam

"Ahhh ganon ba? Hindi nya nabanggit sa akin, Ikaw gusto mo bang sumabay samin na mag lunch?" Tanong ko na lang kay Sam

Medyo disappointed ako kay Avery dahil hindi manlang nya nabanggit sakin but it's okay kasi emergency naman daw.

"Ohhh thanks Dom but I really have to go, may gagawin pa kasi ako sa major subject namin. Maybe next time, thanks." Sabi ni Sam sakin tyaka nya ko nilampasan.

Wala akong nagawa kundi ang umalis na lang at dumarecho sa main building, baka kasi maabutan ko pa sila doon bago pumunta nang canteen.

Itetext ko na lang si Avery later at kakamustahin.

Pagdating kong main building ay nakita kong bitbit na ni Cielle ang niluto ata ni Yves. Nakita ko pa si Yves na pinapagpag yung apron nyang suot tyaka nya ito itinago sa drawer nya doon.

"Where's Avery?" Tanong naman ni Joie sa akin.

"May emergency daw ehh." Yun na lang ang sinagot ko.

"Tara na? Muka naman masarap yung niluto ko diba?" Sabi ni Yves tyaka nya inamoy yung niluto nya na hawak ni Cielle

"Oo naman, amoy pa nga lang nakakagutom na." Sabad naman ni Sof tyaka ito umangkla sa braso ni Yves

Sinilip ko kung ano yung niluto nya at sa tingin pa lang ay muka nang masarap ang Roast Beef Tenderloin na niluto nya.

I glance at her, she's smiling from ear to ear. Mukang very good sya kay Chef Paolo today.

"I made Banana- Mangosteen ice cream din kanina, pinalagay ko sa fridge nang canteen. Kunin na lang natin later." Sabi nya samin habang nakangiti.

I'm so proud of her, as always.

Pagdating namin sa canteen ay umupo na agad sa available na table si Cielle at pinatong doon ang dala nya, sumunod na ang lahat sa kanya. Umupo na ko sa tabi ni Joie at umupo naman sa tabi ko si Gray, nakita ko naman si Yves na kinukuha yung ice cream sa ref nang canteen. Pagdating nya ay naupo sya sa kabilang side na katabi sina Cielle at Sof.

"Parang ang sarap nito ahh Mariko." Sabi ni Sof kaya kinuha nya na agad yung lunch box nya at kumuha nang niluto ni Yves.

Inilabas na din namin yung mga lunch box namin pero napansin kong walang lunch box na nilabas sina Yves, Cielle, Joie.

"Order na muna ako nang rice, jan na lang kayo. Excuse." Volunteer ni Cielle

Nakita ko naman na nag nod na lang si Yves at Joie sa kanya.

"Mariko, gusto mo share na lang tayo sa pack lunch ko?" Alok ko kay Yves.

"No Dom, I'm okay and naorder na din naman si Cielle." Sagot sakin ni Yves habang inaayos nya yung mga niluto nya at hindi sya tumingin sa akin

We're friends naman but, alam mo yung vibes na sa barkadahan hindi kami yung close as in. I mean lahat naman kami close pero gets mo yun, kagaya ko mas close ko si Cielle at Gray kasi same course kami pero ang close kasi talaga nya ay si Joie.

I used to call her Yves pag hindi kami ang magkausap pero pag kausap ko sya Mariko ang tawag ko sa kanya. I found cute lang kasi sya sa Yves nya na name.

Bumalik din agad si Cielle at may dala na itong tray na may lamang 3 rice at 6 pineapple juice. Inabot nya muna yung rice kina Yves at Joie tyaka nya binigay samin yung dala nyang juice.

Habang kumakain kami, biglang nagsalita si Sof na ikinagulat ko.

"Balita ko kayo na ni Avery?"

Medyo nabigla ako sa sinabi nya, bigla na lang din bumilis ang tibok nang puso ko sa sinabi nya.

"Kanino mo naman nabalitaan yan?" Balik tanong ko sa kanya but it's nice kung balita nya nga na kami na ni Avery.

"Jusq besh, kalat na kalat na sa dept. nina Avery. Ikaw ba naman lagi kang andon kada lunch break at awasan para kaunin si Avery. " Sagot naman ni Sof sa tanong ko

Out of nowhere, napasulyap ako kay Yves at nakita ko na nakatingin sya kay Sof at nakangiting nakikinig.

"Ikaw ha Domini, aminin mo na at hindi naman masama diba Mariko?" Paghingi naman ni Joie nang sympathy kay Yves

"Oo naman, single naman din kayo pareho." Sabi ni Yves tyaka sya tumingin sakin, but unexpectedly my heart beats paster than usual pero agad ko ding binaliwala yon.

"Pero guy's, hindi pa talaga kami. Sana malapit na kasi muka namang may pag-asa." Sagot ko sa kanila tyaka ako ulit kumain

Almost 4 months na din naman kaming may understanding ni Avery and ayoko din naman nang minamadali sya tyaka I really love her, besides alam ko din naman na she love me too.

Okay naman kaming dalawa sa kung anong meron kami ngayon, dadating din siguro kami sa araw na kami na. Yung masasabi kong girlfriend ko sya at ipagmamalaki ko.

Itinuloy na lang namin ang pagkain namin ngunit patapos na akong kumain ay biglang tumunog ang phone ko.

Pagtingin ko ay magandang mukha ni Avery ang nakikita ko, which means na sya ang natawag kaya agad ko naman itong sinagot.

"Hi luv, may emergency ka daw kanina?" Agad kong tanong sa kanya

"Yeah, but okay na naman na. Tumawag si Ate Amara kanina kasi parang nahilo bigla si Mom so nagpanic sya kaya ayun pero my Mom is okay na naman right now." Sagot ni Avery sa kabilang linya

"Hayyy! Thanks God. But wait, nakapag lunch kana? Anung gusto mo? Gusto mo ba puntahan kita sa inyo then drive thru ako para madalahan kita." Sagot ko sa kanya, ganon kasi ako kay Avery once na hindi ko sya nakasabay mag lunch pag may pasok.

"Sure luv, hindi pa din talaga ko nag lulunch. I want shawarma rice and buttered chicken, please." Sabi ni Avery

Gosh! How can I resist her, diba? Feeling ko ang cute cute nya.

"Okay luv, noted. See you in a bit. Bye." Sabi ko sa kanya tyaka ko binaba ang tawag

Napatingin naman ako agad kay Yves pero busy sya habang inuubos yung natitirang pagkain nya sa plate.

"Nako, lakad na patapos kana naman." Tyaka inabot sakin ni Gray yung pineapple juice at ininom ko na ito.

"Bye guy's, 2pm pa naman next class natin diba Gray? Be right back." Sagot ko tyaka ako tumayo, paalis na ko nang biglang nagsalita si Yves

"Hindi mo itatry yung ice cream?" Tanong nya sa akin

Gusto ko pero nagmamadali ako, sorry Yves.

"No, it's okay. Sa kanila pa lang kulang pa yan." Sagot ko na lang kay Yves tyaka ako tuluyang lumabas nang canteen, I felt sad kasi hindi ko na naman natikman yung mga ginagawa ni Yves, I mean yes ang sarap nga nung beef tenderloin kanina pero mas satisfying kung pati yung ice cream natikman ko din sana

Nakita ko naman na nag nod na lang sya sa akin.

Sayang, favorite ko pa naman ang ice cream kaso favorite person ko yung may kailangan sakin.

Dumarecho na ako nang parking lot, agad akong umalis dahil bibili pa nga ako nang shawarma rice at buttered chicken na binilin ni Avery.

Habang nag ddrive ay chineck ko ang phone ko at nakita ko na may text doon si Avery.

Luv: [Thank you for everything, you the best. Ingat ka luv.]

Agad akong napangiti sa text nya, hindi ko na din nireplyan dahil magkikita din naman kami.

Dumaan na ko kung saan may shawarma rice at buttered chicken, pagbili ko ay agad din naman akong nagtungo sa bahay nina Avery.

Alam ko na naman kung saan subdivision sila dahil matagal na din naman kaming nasa ganitong part ni Avery, actually label na lang talaga ang kulang sa aming dalawa.

Pagdating ko sa bahay nila ay nakita ko na agad sya sa labas nang pinto nila, siguro ay nag aabang sakin.

Ngumiti sya agad sa akin kaya hindi ko din mapigilan ang mga ngiti ko, agad syang lumapit sa gate nila para pagbuksan ako.

Hindi ko na din mapigilan at agad na niyakap ko sya, sya ang aking pahinga.

"Hay nako, Ms. Lim miss mo naman agad ako." Sabi sakin ni Avery tyaka nya ko ginantihan nang yakap.

Bumitaw din ako agad kasi baka nga gutom na sya, haharutin ko pa ba? Inabot ko din yung dala ko na nirequest nya.

"Thank you, luv." Sabi sakin ni Avery tyaka nya ko hinigit papasok sa bahay nila.

"Wait, yung gate." Sabi ko sa kanya kaya napatigil sya

Nag-shrug sya tyaka lumapit sa gate then sinarado nya.

"Ito naman ohhh." Sabi ko na lang sa kanya kasi parang excited na talaga syang kainin yung dala ko

"Kanina pa kasi ako cravings dito, nga pala si Mom nasa room nya nagpapahinga then si Ate Amara nasa work nya na ulit, pumasok sya this afternoon." Pagbabalita sakin ni Avery

Natutuwa ako kapag ganito sya, yung sinasabi nya sa akin yung mga whereabouts nya and her family. Yung Dad nya naman kasi wala dito, ofw abroad isang Architect.

"Nice, okay na agad si Tita and ang sipag din talaga ni ate Amara no?" Sagot ko sa kanya tyaka ako umupo sa sofa nila.

"Yes! Ahh wait for me luv, lalagay ko lang to sa plates. Hoy! Saluhan mo ko sa pagkain ha." Sabi sakin ni Avery bago sya pumunta sa kusina

Lagi syang ganyan, kada may dala akong food sa kanya hindi pwedeng hindi kami salo. Like, iisang plates lang talaga yung pinagkakainan namin and I think sobrang sweet non para sakin.










Continue Reading

You'll Also Like

641 53 20
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
805K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
522K 16.6K 124
I saw you happy with another girl Am I late? Then reality hits me I deserved it I left you hanging but what can I do? I can't force myself to unlove...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...