Switched Bodies [EXO FF] [Com...

By KarenKrisDeGuzman

83.4K 4.1K 752

Naimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xi... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Huling Kabanata
Epilogue
Acknowledgement

Kabanata 20

1.9K 96 15
By KarenKrisDeGuzman

Chapter 20

 

Suho POV

"Wooh. Sa wakas, tapos na rin ang rehearsal." Sigaw ni D.O(Lay) pagkatapak nya sa loob ng dorm namin.

Sobrang hassle ang rehearsal namin ngayon. Doble ang effort na binibigay namin dahil na rin sa sitwasyon. Kailangan naming pag-igihan. Hanggat di pa kami nakababalik sa dati.

"Ang tahimik mo naman Chen. Di ako sanay. Finally, nagbalik loob ka na ba sa Diyos?" sarkastikong sabi ni Suho(Luhan) kay Tao(Chen). Oo nga, pagkabalik kasi nya galing maggrocery ganyan na sya katahimik. 1 week ago na yun for Pete's sake.

"Hays. Bakit ba ang malas natin sa mga instructor ngayon? Una yung demonyo nating choreographer na si Cleianne. Ngayon naman isang witch na voice instructor." Inis na sabi ni Luhan(D.O). Napagalitan din kasi sya kanina eh.

"Hoy wag mo ngang ginaganyan si Mith Cleianne at Coach May." Depensa naman ni Kris(Sehun). Tinignan naman sya ng masama ni Kai(Kris) dahil sa tabingi nyang 's'.

Binalingan naman ako ni Kai(Kris) di talaga ako sanay na pokerface lang si Kai, so unreal. "Someone's looking for you, outside."

Sino naman kaya yun? Ibinaba ko na muna ang mga gamit ko sa sofa tsaka lumabas ulit. Sarado na ang gate. Ang sama talaga ni Kris, di man lang pinapasok ang bisita ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang gate, laking gulat ko na lang ng makita ang bisita ko.

Nakakagulat talaga.

-__- di ko kasi kilala.

Sasaeng ba to? Ang ganda naman nyang sasaeng kung ganun.

Pansin na pansin ang paka westernian ng suot nya. Brown ang buhok nya na medyo kulot sa dulo. Brown din ang mata nya which is very suitable sa kanya. Dagdagan pa ng kissable lips nya.

Aish, why am I daydreaming in the middle of this awkward situation?

Ngiting-ngiti syang nakatingin sa akin. Napangiti din tuloy ako ng awkward.

"Hi!" bati nya sa akin.

"He-he hi din."

"Ahm, I'm here for Suho." masiglang sabi nya.

"Ah ako nga..." Damn, ako nga pala si Chen. Bakit ba kasi ako ang tinawag ni Kris? Argh, ang hirap naman neto. "Ah sige, tatawagin ko lang sya."

Bumalik agad ako sa loob ng dorm tsaka tinawag si Luhan.

"Anong sasabihin ko?" naguguluhang tanong ni Luhan.

"Itanong mo kung sino, di ko sya kilala eh. Kung kilala ko man, di ko na sya maalala basta. Ikaw na ang bahala. Paalisin mo na kapag makulit."

"Aish, samahan mo na lang ako." pangungulit nya sa akin.

In the end, napilit din nya akong samahan sya.

Nasa bungad pa lang si Luhan ay niyakap na agad sya nung babae. Mas ikinagulat ko pa ng halikan sya nito sa pisngi.

O__O

What the hell is happening?

Bahagyang naitulak ni Luhan yung babae. Pero hindi sya nagpatinag.

"Kamusta ka na Joonmyeon Oppa?" bati nya kay Luhan. Ako naman ay nasa tabi nila. Mukhang di naman ako napapansin nung babae kaya okay lang.

 "Uh. Maayos naman ako. He-he miss... sino ka ba?" tanong ni Luhan sa kanya na medyo napapakamot pa sa batok.

"Seriously? Grabe ka, sumikat ka lang at naging si Suho ng Exo, di mo na ako nakilala. Ako si Zandriana Park. Si Ria. Di mo na matandaan?" Nagtatampong sabi nung babae.

Omo, kilala nya ako? Sino ba sya? Di ko talaga sya kilala. Ria. Ria. Ria, aish tinitigan ko naman syang mabuti, di ko talaga sya kilala. Siniko naman ako ni Luhan. Binulungan ko naman sya agad na di ko talaga kilala yung babae. Umiling na lang ako kay Luhan. Hopeless case na talaga, di ko sya kilala. I swear.

"Uh, pasensya na Ria. Di kasi kita maalala eh. Baka nagkakamali ka lang. Sige, pasok na ko sa loob." Luhan said with full of sincerity. Tinapik nya muna ang balikat nung babae na si Ria bago sya umalis at nagtungo na sa dorm.

Nakakaguilty tuloy, naiwan syang umiiyak. Nilapitan ko sya at inalok ng panyo ko. Marahan syang ngumiti at kinuha ang panyong inalok ko.

"Uh pasensya ka na miss. Uh, san na ang punta mo nyan?" tanong ko dahil may mga dala syang bagahe. Naglayas ba to?

"Hmm. Sa hotel, nakabook na ko. Sobrang excited kasi ako kaya dumiretso na talaga ako dito pagkababa sa eroplano para makita si Suho, kaso di naman pala nya ko maalala."

Nilalamon na talaga ako ng guiltiness.

"Uh hatid na kita sa waiting shed." Alok ko sa kanya. Makabawi man lang.

Tumango naman sya, kaya ako na ang humila sa isa nyang bagahe. Nagsimula na kaming maglakad, mga 300meters pa bago makarating sa waiting shed.

"Pagpasensyahan mo na si Luh.. este Suho hyung, medyo tumatanda na kasi yun, nagiging makakalimutin na. Kaya di ka maalala. Suho-gramps kasi eh."

-__- ambuset, bakit ko ba binubully ang sarili ko?

"Nakakainis sya. Childhood bestfriends kaya kami. Paanong di nya ko maaalala? Ako lang naman yung bestfriend nya na addicted sa strawberry. Naglalaro pa nga kami lagi ng golf nuon eh. Ako pa nga yung nagtatanggol sa kanya tuwing binubully syang dwende kasi nga maliit sya."

O__O Uh I think naaalala ko na sya.

Patuloy pa rin sya sa pag-iyak habang naglalabas ng sama ng loob. "Naliligo pa nga kami ng sabay eh. Alam ko nga yung favorite nyang brief na may tatak na.."

"Voltez 5!" sabay naming sabi.

Natigilan sya ng marinig ang sinabi ko. huminto sya sa paglalakad tsaka ako tinignan.

"Alam mo?" naguguluhan nyang tanong.

"Ah, ano. Kasi naikwento yun ni Suho hyung sa akin." sabi ko habang pinipilit na ngumiti.

"Ah ganun ba. Tsk. Kainis sya. Akala nya ha. Wag na wag syang lalapit sa akin. Tamaan sana sya ng kidlat. Magkaroon sana sya ng kulugo all over his body. Aish, naku. Subukan nya lang lumapit sa akin at magsorry. Iisa-isahin kong bunutin ang buhok nya sa katawan, umpisa sa baba. Babalatan ko talaga sya ng buhay, gamit ang nipper. Tsaka ko sya ibababad sa Ariel bleach!"

Napa-gulp na lang ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya na ako si Suho?

~

Lay POV

"Dyo anong iluluto mo?" tanong ko kay D.O ng magpunta ako ng kusina para uminom ng tubig, naabutan ko syang nagbabalat ng patatas.

"Magluluto ako ng Bulalo. Tinuro to ni Harriet sa akin nung nasa Pilipinas pa tayo."

"Aaah. Tulungan na kita." Sabi ko. Kumuha ako ng kutsilyo tsaka nagsimula na ring magbalat ng patatas. Iisa lang kasi ang peeler namin, gamit yun ngayon ni D.O kaya kutsilyo na lang ang pambalat ko ng patatas.

Nakakadalawang patatas na ako hanggang sa ikatlong patatas ay di sinasadyang mahiwa ko ang palad ko. Dumausdos ang talim ng kutsilyo at nahiwa ang gitna ng palad ko mismo.

"Aaaah!" sigaw ko. Agad naman akong dinaluhan ni Dyo. Kumuha sya ng table napkin at iyon muna ang itinapal sa kamay ko.

Napakadaming dugo niyon. Feeling ko nga hihimatayin ako sa dami ng dugong lumalabas doon.

Nagsidatingan na rin ang ibang members at naririnig ko silang natataranta at may sumisigaw pa.

"OMO! Call 119! ... 199? ... 991? ... Ah 911! CALL 911!" matinis na sigaw ni Tao(Chen), nakarinig  naman ako ng parang malakas na pagbatok.

"Ang ingay mo Chen. Di ka nakakatulong. Kanina lang ang tahimik mo. Ngayon naman naghahasik ka na naman ng lagim!" boses iyon ni Suho(Luhan).

"Tumawag na kayo. EMT." Utos ni Chen(Suho).

Dinala ako nila Xiumin hyung sa kwarto ko at pinahiga doon. Nalapatan na rin ako ng first aid, ewan ko lang kung tatalab kasi kung anu-ano ang nilagay nila sa kamay ko. Pati sibuyas at bawang. -__- sa sobrang panic nila.

"Lay, ano ba yang binubulong-bulong mo? Nagdedelihiryo ka na ba?" tanong ni D.O sa akin sya ang kasama ko sa kwarto, binabantayan nya ako.

"Hindi. Nag-chichiyuu-chiyuu lang ako, para gumaling na ako. Chiyuuu-chiyuuu-chiyuuu." Sabi ko habang hinihipan ang kamay ko.

Napapokerface na lang si D.O tsaka iniwan akong mag-isa sa kwarto ko. Anong problema nun? May nasabi ba akong mali?

Ilang minuto lang ang lumipas ng may magbukas ng pintuan ng kwarto ko. Baka si Dyo na yun. Magpapakuha ako ng tubig.

"D.O paku-" natigilan na lang ako ng hindi si Luhan(D.O) ang sumalubong sa akin. Kundi isang anghel.

Sinasabi ko na nga ba. Katapusan ko na. Sinusundo na ako ng angel ko. Pero bakit nakadamit ng orange na mukhang jumper ang angel ko. Uso ba yun sa langit?

"Angel. Kukunin mo na ba ako?" tanong ko sa kanya.

She smiled at me before held my hand and unwrapped the bandage. I looked at her and examine her physiques. Mahaba ang  buhok nya na nakaponytail. She has this pale white skin. Nakaface mask sya kaya di ko makitang masyado ang mukha nya, plus yung bangs nya pa. But I do know. She's beautiful. I had the opportunity to look into her eyes, and I almost lose my breath upon discovering it. Her eyes were grey.

The most wonderful thing I've ever seen. May naalala tuloy ako. I knew someone who has the same kind of eyes like her.

"Ouch." Daing ko ng lagyan nya ng gamot ang kamay ko. marahan nyang pinapahidan ng kung anong gel ang sugat na iyon. The next thing I knew, manhid na ang palad ko.

"I'm an emergency medical technician, sir. I'm here to rehabilitate your wound. Pwede mong ipikit ang mata mo, kung ayaw mong makita ang pagtahi ko sa sugat." Malumanay na sabi nya.

"Would it hurt?" tanong ko.

"No sir. I'll take care of you. Don't worry." She assured.

Pagkatapos nun ay pumikit na ako. Ramdam ko yung tahi pero gaya ng sabi nya, walang iyong sakit. Makalipas ang ilang sandali ay natapos din iyon. Nilagyan na nya ng benda ang kamay ko.

"Thank you, Angel." Sabi ko sa kanya.

"It's Kysha, sir." She said then afterwards ay tinanggal na nya ang facemask nya.

"Kysha?" halos pabulong kong tanong. It can't be.

"I'll be going sir." Inayos na nya ang mga gamit nya tsaka tumayo.

Damn, she's Kysha. I knew it, nahalata ko na iyon sa mata nya. Pati na rin sa boses nya. So she pursued being a nurse pala. At hindi lang nurse, she's a freakin EMT.

Kysha Carlishelle Sy. Yung babaeng gusto ko, na sinacrifice kong iwan para maabot ang pangarap ko.

"Kysha!" sigaw ko. tumayo na ako sa pagkakahiga at hinabol sya. Akmang hahawakan na nya ang doorknob.

"Hey! Ako to. Si Yixing." Tinitigan ko syang mabuti. Naghahanap ng konting pag-asa.

"No, you're not Yixing. Ikaw si D.O right? Yung Yixing na kilala ko, yun yung nang-iwan sa akin. Sya yung nanakit sa akin." matigas nyang sabi.

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan sya. Siguro ay di pa nya ako napapatawad hanggang ngayon. God knows how much I cried when I left her. Gustong gusto kong bumalik. Humingi ng tawad, pero wala akong lakas ng loob nuon. But now, may chance na ako. Sisiguraduhin kong mapapatawad nya na ako, at ng masabi ko na rin sa kanya ang isang bagay na di ko nagawang ipagtapat sa kanya noon.

~

Harriet POV

My poor eyes... my poor... poor eyes. Huhuhu! Kotang kota na ako sa stress. Napakalaki na ng eyebags ko dahil sa pagpupuyat. Ang dami-dami kong pinoproblema. Kulang na lang ata ang dumagdag pa ang isyu sa ekonomiya ng Korea isama ang Pilipinas.

Isipin ko pa lang ang panliligaw ni Chanyeol sa akin, mababaliw na ako. Tapos dadagdag pa sa dalahin ko yung negrong si Kai. Kailan ba ako matatahimik?

Yan lang naman ang mga bumabagabag sa akin tuwing gabi hanggang madaling araw. Feeling ko nga ikababaliw ko na ito.

Why is this happening to me?

Lahat ba ng mga Dyosang tulad ko ay dumaan sa ganitong pagsubok? Char.

Ngayon na nga pala ang shooting ng MV ko. Sa mga oras na to parang matatae na ko sa kaba, enebeyen. Tapos na rin ang recording ng debut song ko. Sobrang excited nga ang tatay ko eh.

"Eugene, ready ka na ba para sa presscon?" tanong ni Dreya na manager ko. Yup, voice coach ko lang sya dati, pero ngayon manager ko na sya. Oh diba? Improving.

"Di ka naman masyadong excited noh? Next week pa yun. Focus na muna tayo ngayon sa MV." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Tumayo sya tsaka lumapit sa akin. kasalukuyan akong inaayusan ng buhok, next set na naman kasi.

"Nabalitaan mo na ba?" bulong sa akin ni manager Dreya.

"Ang ano?" bulong ko din.

"Tungkol sa EXO."

Napataas na lang ng bahagya ang isa kong kilay. Anong issue na naman ba ito?

"May sik-"

"Eugene unnie. May naghahanap sayo." Biglang singit nung isang staff sabay turo dun sa pintuan.

Nagpaalam muna ako kay Dreya bago puntahan yung naghahanap sa akin. Mamaya ko na lang siguro aalamin yung issue sa exo.

Nagmamadaling nagpunta ako sa kinaroroonan ng bisita ko. Laking gulat ko na lang ng makita kung sino iyon.

~

Someone's POV

Matalim ang pagtitig ko kay Eugene, si Harriet. Masayang-masaya sya habang pinupuri ng director matapos ang shooting nya. Pakasaya ka lang. Tss.

Malapit ko ng malaman ang sikreto mo Harriet. I will make sure na babagsak ka. Kasama mo man ang EXO, hindi yun ang makakapigil sa akin. Sama-sama kayong babagsak.

Continue Reading

You'll Also Like

27.2K 775 10
"I searched for my freedom and I found that when you came into my life." Teaser: A Fanboy's Confession Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang con...
1.4K 84 12
Isang kuwentong tungkol sa dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng masakit na biro ng tadhana...
10.3M 474K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...