Ghost Detective! (COMPLETED)

By MCMendoza21

573K 17K 570

Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng... More

SEASON I:: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note and Trailer for Season II
Ghost Detective: Mysteries. Secrets.
SEASON II:: Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25 [Part 2]
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 [Part 1]
Chapter 35 [Part 2]
Chapter 36 [Part 1]
Chapter 37 [Part 2]
What I want to say! [Author's say]
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Part 1]
Chapter 41 [Part 2]
AUTHOR's NOTE
SEASON III:: Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [Part 1]
Chapter 46 [Part 2]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 [Part 1]
Chapter 54 [Part 2]
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57 [Part 1]
Chapter 58 [Part 2]
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 [Part 1]
Chapter 62 [Part 2]
Chapter 63 [Part 3]
Chapter 64 [Part 4]
Chapter 65 [Last Part]
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part 1)
Chapter 71 (Before what happened:1)
Chapter 72: (Before what happened:2)
Chapter 73 (Part 2)
Chapter 74: Pagtatapos (Part 1)
Chapter 75: Pagtatapos (Part 2)
Chapter 76: Pagtatapos (Last part)
EPILOGUE - Part 1
EPILOGUE - Part 2
EPILOGUE - Part 3
EPILOGUE - Last Part
LAST AUTHOR's NOTE
REMINDER

Chapter 24 [Part 1]

7.3K 213 2
By MCMendoza21

KAYLA

Kinabukasan ...

"KAYLA!! Gising na!!"

Agad akong napatayo kahit na disoriented pa ako at parang wiggly ang nararamdaman ko. Tinignan ko agad ng masama ang salarin ng pagkagising ko at nakikita ko siyang nagpipigil tumawa dahil nakatakip pa ang kamay sa bibig nito while looking at me. Tss..

"Sorry na po, mahal na prinsesa.. ayaw ko lang naman po na sisihin niyo ako dahil hindi ko po kayo nagising ng maaga dahil male-late po kayo.. " nang-aasar at may halong sarkasmong sambit niya. Hindi nalang ako sumagot at dumiretso na sa restroom to do my thing. After how many minutes ay bumaba na rin ako to have my breakfast pero nagulat ako nang makarinig ng tawanan at mga utensils na nagtutunugan.

Iisipin ko sanang nandito na ang papa at mommy ko pero sa pagkakarinig ko palang ng walang pakundangang halakhakan na sobrang pamilyar sa akin ay napalitan ang ngiti ko ng pagkasimangot. Not again..? Lagi na lang. kinumpirma lang ang hinala ko ng makarating na ako sa table at nabigla pa ako ng halos lahat sila nandito. Mukhang hindi pa nila ako napapansin dahil sa sarap ng kainan nila. Kaya tumikhim ako. Exaggerated akong tumikhim to get their attention.

And I succeeded.

"Good morning Kayla! Tara, kain ka.." Walang hiyang paanyaya sa akin ni Mami. Hindi ako kumikibo na pumunta sa pwesto ko pero hindi ako kumuha ng pagkain kahit na nagugutom na ako. I gave them the technique of silence and it works! Nakaharap na kasi silang lima sa akin.

Yeah, five of them are here. Except for ate mig.

"Ano na naman ang ginagawa niyo dito?.." I said that while looking at the one I know whose behind all this. Si Mami.

Napasimangot naman siya sa pagkakatitig ko sa kanya.

"Hep, hep, hep.. wait a minute dude. Bago mo ako bigyan ng nakamamatay mong tingin ay hayaan mo akong magsalita. I-defend ang sarili ko.. give me atleast the benefit of the doubt." Mahabang litanya niya.

Narinig kong pumalakpak sina Berry at Thomas. "Edi wow, sweety.." Si Thomas.

"Ang bigat noon best.. big word.." Alam niyo na naman kung sino yan. Napahawak nalang ako sa sentido ko at marahang hinilot ito.

Hindi na nga maganda ang gising ko, courtesy of Leira standing prettily beside me, sinamahan pa ng combo ni Berry at Mami plus Thomas pa. Is this my worst day yet? Tell me. "Urgh!" Mahinang usal ko nalang.

Nasa ganoong posisyon ako ng may pumalit sa kamay ko na naghihilot sa sentido ko at sa paraan palang ng haplos niya ay hindi ko na kailangang tingnan kung sino siya.

Siya lang naman ang may kakayahan na humawak sa akin ng ganyan. Yung may sobrang affection at pag-aalala.

"Are you okay? Pasensya na sa biglaan naming pagpunta dito.. Hindi ko rin naman gusto na pumunta dito... ng kasama sila eh." Sa sinabi niyang yun ay napaharap ako ng wala sa oras at sinimangutan siya.

"So may balak ka palang pumunta dito mag-isa at istorbuhin rin ako? Mr. Rodney Moore?" Mataray na tinuran ko. Narinig ko nalang na humalakhak siya na siyang ikinatigil ng pagbabangayan ni Mami, Berry at Thomas at sabay silang napatingin sa amin, especially kay Rodney.

"Dude.. tumatawa ka talaga?! It's been ages since I heard that cracking laughter of yours.." Exaggerated na reaction ni Thomas. May pahawak-hawak pa sa bibig nito na parang nagugulat.

Pero what does that mean? I know for a fact na hindi palatawa si Rodney at kahit na.. nililigawan niya ako.. hindi ko pa siya naririnig na tumawa ng ganyan. Yung parang may buhay talaga at pati, to be honest, nagugulat ako sa kanya ngayon.

"It's really been awhile since I saw you laugh like that Rodney.. I think, the last time I heard that is when La--" Rodney cut her off.

"Tama na yan. Let's just get down to business when you're done eating. Sa sala nalang muna ako. Excuse me." Tapos umalis na siya.

Gusto ko sanang magtanong kung anong nangyayari pero mukhang wala rin namang balak magsabi sina Thomas at Mami. Even Berry and Kamil. Kumakain na sila pero hindi tulad ng kanina ay tahimik sila ngayon na talagang nagpapabangon lalo ng curiosity cells sa katawan ko pero pinili ko nalang tumahimik na kumain at pinakiramdaman ko sila. I might push the wrong button if I try to ask.

Pagkatapos kumain ay pumunta na kaming lahat sa sala at nakita namin si Rodney na nakaupo at nakapikit ang mga mata. Mukhang puyat pa ang isang ito pero pinilit pang pumunta dito. And that is because of Mami.. ang kulit kasi ng babaeng ito.

Naupo ako sa carpeted floor namin at kinuha ang newspaper na nasa glass table. "So, again, why were you here? At mukhang hindi rin kayo papasok ngayon ah?" I asked without looking at them.

"Hindi mo ba alam? Tinext pa naman kita kagabi na walang pasok ngayon because of some random holiday at school." Si Mami ang sumagot.

"Really?" Ako habang hindi pa rin tumitingin sa kanila. Naramdaman ko namang may nakatingin sa akin at nung tinignan ko kung sino ay nawala na ang atensyon ko sa newspaper na binabasa ko.

"Gising ka na pala. Good morning." Napasimangot naman siya sa sinabi ko pero hindi ko nalang pinansin. I look at Berry when she raised her hand.

"Hmm?"

Nilabas niya yung laptop niya bigla at dahil doon ay naging seryoso na kami. Alam ko na pag ganito ang kilos niya eh. And yes, it's about the outside case that we're trying to solve.

"Spill the beans, Berry." Dagdag ko pang sabi. Tumango naman siya at mabilis na nagtipa sa laptop niya.

"Sorry kung pumunta kami dito unannounced, and if you're asking kung sinong may pakana nito, ako, kayla. Ako ang nag-aya na pumunta dito ng ganito kaaga. Again, sorry to disturb your sleep. Kayo din."

"As if namang may magagawa pa ako, and if this is about that case wala namang problema sa akin dahil importante yan. So start."

Hinarap niya sa amin ang laptop niya at nakita namin na Facebook website ito. Naguguluhan kaming lumingon sa kanya.

"Gusto mo ba kaming mag-check ng FB namin?" Sarcastic na tanong ni Mami. Tinignan siya ng masama ni Berry kaya nag-peace sign naman ang isa. Berry rolled her eyes at her.

"Tignan niyo kasing mabuti.. wala akong magawa kagabi at hindi rin ako makatulog dahil sa sobrang kili-- este dahil sa uminom ako ng kape kaya napagtripan kong mag-hack ng FB ni Kenneth Paul Peron, son of the victim merceditha Peron. At yan ang nakita ko." Hindi ko nalang pinansin ang pagkatigil ni Berry sa pagsasalita kanina but I know better than that.

Ka-text ko kaya si Kuya Jerry kagabi. At nakita niya raw si Berry to some place that's dangerous. Hindi niya sinabi kung saan exactly but I have a hunch kung saan yon. Actually, I expected Berry and everyone else to be here today, hindi ko lang in-expect na ngayong umaga pala. 7:40 palang ng umaga, FYI. -__-

Pero back to business. Tinignan ko nang mabuti ang FB ng isang lalaking may pangalan na 'unknown stranger' at mukhang bago palang ang facebook niya. Wala pa kasing kahit ano. Pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga status niya.

Feeling ko tumayo ang mga balahibo ko sa pangingilabot sa mga status na alam kong kahit sinong bata ay matatakot at baka maiyak pa sa sobrang pangingilabot. And the strangest and weird about this is that, Kenneth Peron is his only friend.

"Nakakakilabot naman yung mga status niya.. " nasa likod ko sila sa pangunguna ni Mami. Siya rin ang nagsalita.

"I agree, sweety. I bet kaya wala siyang friend kasi hindi friendly ang mga messages and status niya. Pero.." Parang alam ko na ang gusto niyang sabihin pero hindi niya maituloy.

Hindi ko nalang sila pinansin at pinindot ko ang personal messages niya.

"Hey, bakit mo inalis agad? Binabasa ko pa yung mga status eh." Reklamo nila thomas at Berry pero hindi ko pa rin pinansin.

May kailangan akong kumpirmahin para matapos na ang kasong ito. Ang nabasa ko kasi sa newspaper kanina lang ay tungkol sa tatlong bahay sa iba't-ibang subdivision malapit sa amin na naging biktima ng pamamasok ng bahay at pagkamatay ng mga kababaihan. Ang pinaka-strange pa dun ay lahat ng mga babaeng namatay ay single mother at may tag-iisang anak.

Nag-scroll down lang ako hanggang sa may mahagip ang mata ko kaya itinigil ko na doon.

'Unknow stranger' : Malapit nang mabuo ang mga karakter sa laro ko.. gusto mo nang makita iyon diba, anak?

Kenneth Peron : opo, papa! Galingan niyo po ah? Tsaka kunin niyo na po ako sa mga matatandang ale na 'to kasi ayoko sa kanila..

I heard some gasps behind me at mukhang alam na nila ang iniisip ko.

"So.. that 'unknown stranger' is the killer? At tinawag pa siyang papa ng bata, ibig sabihin..." Si Mami. Hindi niya maituloy ang sasabihin kaya ako na ang nagsalita.

"Hindi, mami.. Hindi siya ang ama ng bata. He's just pretending." That's for sure. Kailangan ko lang maipagkonekta ang lahat bago kami humakbang.

At para malaman ko na rin ang totoo sa pagkatao niya..

"What do you mean? I know you have something in your mind. Spill it." I just look at them then I stood up and walked upstairs until we reached my bedroom. Alam nila ang ibig-sabihin nito. Na sikreto ang pag-uusapan namin.

At may pinagawa ako kay Leira secretly.

"So tell us, what was your thinking? Anong totoo?" Tanong ni Berry. All I answer to them was a smile.

****

KAMIL

They all look at her, expecting something.. waiting for something only she could answer. Ako? Alam ko na ang sasabihin niya so I didn't bother listening. Instead I just put my headphones on to my ears and let the music run through my mind and soul. The loud sound of drums, guitars and other rocking instruments that satisfy my soul is the only way to cope up in this endless pain that I'm feeling.

Siguro naguguluhan kayo sa sinasabi ko pero sa tamang panahon ay masasabi ko rin sa inyo ang tungkol dito. Huwag lang ngayon. It's still unbearable. It's still too painful. Oo tama si Berry ng laging sinasabi sa akin, na Emo ako, na emotionless at cold ako. Pero hindi niya alam ang rason at wala na akong balak pang sabihin sa kanila yon. As long as I live, walang makakaalam ng sikreto ko.

Ewan ko lang kay Kayla.

She knows me more than my cousin and my friends even if I didn't told her about me alam kong alam niya yon. Sa aming grupo, sa kanya ako nahihiwagaan hanggang ngayon dahil talagang ganon ang pinapakita niyang impression sa akin o talagang slow lang ako? I don't know.

Hindi alam nila Berry at ng iba pa na nagkaka-usap at nagkikita kami ni Kayla ng kaming dalawa lang. Ganon ka-gaan ang loob ko sa kanya.

Alam niya kung anong pinagdadaanan ko at alam niya kung sino ako. We understand each other because maybe, in a way, we are similar. I don't know how but I think we have that connection.

Tinignan ko sila at nakikita kong nanlalaki ang mga mata nila. Mukhang sinabi na ni Kayla ang kailangang sabihin.

Pero alam kong hindi lang ang kaso na ito ang tinututukan niya. Ah, kailangan niya pala tutukan ito dahil may koneksyon ito sa hinahanap niya.

Nung naramdaman kong tumayo sila ay tumayo na rin ako at nauna nang lumabas sa kwarto ni Kayla papunta sa labas ng may makasalubong ako. Isang taong kilalang-kilala ko. Bakit nandito ito?

Mukhang hindi lang ako ang nabigla dahil nakikita ko ang nanlalaki niyang mata habang nakatitig sa akin. I just didn't mind him at umalis na ako doon.

I'm not the same as before.

****

KAYLA

Pagkalabas namin ay nakasalubong ko si kuya Jerry at kasama niya pala ulit si kuya adrian kaya nginitian ko sila.

"Kuya jerry, alis lang kami saglit ah? Pag tumawag sila mommy at papa pakisabi na nag-sleepover ako kila Mami. Bye, kuya.. Bye kuya adrian." Pagpapaalam ko.

Nginitian lang ako ni kuya adrian at tangkang guguluhin ang buhok ko pero nahawakan na yon ni kuya jerry at masamang nakatingin dito.

"Hahaha okay dude, okay.. chill ka lang jan. I'm not harmful naman eh." Natatawang sabi ni kuya adrian habang nakataas ang dalawang kamay nito na parang sumusuko.

"I'm not buying that Paredes." Walang emosyon na sambit ni kuya. Binalingan niya naman ako. "Kayla, ingat kayo ah? And if ever ginabi ka na nga ay doon ka na matulog kila Mami. Ba't nga pala hindi kayo pumasok ngayon?"

"Wala kaming pasok ngayon because of some holiday in school. We'll go now, bye kuya! See you later.." Tinignan ako ng nagtataka ni kuya pero nginitian ko nalang siya ng matamis at lumabas na ako ng gate at sumakay ako sa sasakyan ni Mami.

Pabulong ko lang sinabi yung huling sinabi ko pero totoo naman talagang magkikita kami mamaya..

"Ang lalim ata ng iniisip mo? Akala ko ba tapos na ang kaso na 'to?" Napansin niya pala. Nginitian ko nalang siya.

"Ang weird mo talaga, pero love pa rin kita. Weirdness included." I chuckled on what she said.

"Hahaha.. I love you too, Mami. Pero tumingin ka sa dinadaanan natin at baka parehas tayong mawala ng maaga sa mundo." Siya naman ang natawa sa sinabi ko at nag-concentrate na siya sa pagmamaneho.

Napatingin nalang ako sa window ng kotse habang iniisip ko ang napag-usapan kanina.

***FLASHBACK***

I gave them a smile. Mukha namang mas lalo silang naguluhan at na-curious sa ginawa ko kaya hindi na rin ako nag atubiling patagalin pa. Nakita ko sa peripheral vision ko si Kamil na nagpasak lang ng headphones sa tenga at napailing ako sa isip ko. Alam niya na kasi kaya ganyan siya.

"Nandito ang ghost spirit ni merceditha Peron, at kinuwento niya sa akin ang kailangan malaman.. Kilala niya ang mga babaeng pinatay ng unknown stranger na nalaman kong ang pangalan ay Reynaldo Barrameda jr. Yung lalaki pala na yon ay isang manliligaw niya at hindi lang yon possessive din ito to the point na nagiging sanhi na yon ng kabaliwan niya. Yung tatlong babae pa na pinatay niya ay niligawan niya din pero hindi siya gusto ng mga ito kaya pinatay niya. In short, psychopath." Paliwanag ko.

"Damn! Psychopath is on our way again?! My gosh! Ini-invade na ba nila tayo?" OA na reaction ni Mami. Yung tinutukoy niya siguro yung tungkol sa nakaraang kasong sinolba namin. (Season one: chapter 6-10)

Binatukan naman siya ni Berry na ikinasama ng tingin ng isa. "Ang OA ha! Tsk. Pero may point ka best.." Pagsang-ayon rin niya.

"Tapos may kasama pang batok? Sasang-ayon din naman pala.." Pasaring ni Mami.

"Ang OA mo kasi, Para kang tanga! I'm just saving your ass." Walang pakundangan na pasaring pabalik ni Berry.

And let their war begins. Hayy!!

***END***

Sa ngayon nga ay pupunta kami sa bahay ni Reynaldo para kumprontahin siya. Nalaman namin kung saan siya nakatira, salamat kay Merceditha Peron at sa tatlo pang babaeng nagpakita rin sa akin. Nagpapasalamat na nga agad sila sa amin pero pinigil ko muna dahil wala pa naman kaming naitutulong. Ngayon palang kami kikilos.

Maya-maya ay naramdaman kong may kumalabit sa akin at na-realize ko na nakatulog pala ako sa sobrang lamig ng hangin dahil sa ulan. Nandito na rin pala kami sa pakay namin.

"Mukhang napuyat ka nga talaga. Sorry ah?" Buti naman na-realize mo. Gusto ko sanang sabihin pero what's done is done. Tapos na eh.

"Wala yon. Let's get this done and after that I'll have my good sleep. Sana lang hindi na kayo mang-istorbo." Makahulugan kong wika. She smiled sheepishly. Mukhang may balak pa ah? Tss. Hindi ko na talaga sila mapapatawad pag inulit nila yon!

Lumabas na kami ng sasakyan at mukhang ganun din sina berry, Kamil, thomas and Rodney na hanggang ngayon tahimik pa rin. Kanina ko pa rin siya hindi kinikibo. Hinahayaan kong siya mismo ang kumausap sa akin pero mukhang hindi ko yun maaasahan ngayon.

Anyway, i'll have my time for that later on.

For now, let's get this over with and the second one will be coming out naturally.

Hitting two birds with one stone

Continue Reading

You'll Also Like

10.8K 345 43
Si Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Haba...
1M 5.4K 7
BOOK 1 Kinilala kong kaibigan ay mabuti, Pagkakaibigan ay susubukin, May tunay at nagtraydor para mailigtas ang minamahal Pero sa pagdating ng araw M...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...