Masked, Unmasked

By alconbleu

31K 1.1K 452

Behind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise. More

1: Start
2: So Near Yet...
3: In a Very Distant Past
4: First Heartache
5: Moving Forward
6: Uncovering
7: Sad Endings + Surprising Beginning
8: Barrowed Time
9: Painful Truth
10: Two Can Play this Game
11: Present Time
12: Mood
13: The Song
14: First Signs of...
A/N
15: Trust Issues
16: Change of Heart?
17: Perturbed D
18: Stuck With You
19: Fantasy
20: Unexpected Twist
21: Is It Over Now...
22: Something to Look Forward to
23: Pent-up Emotions
25: One Good Reason
26: DOA
27: Marry You
28: I Do
29: The Things You Do....
30: Honeymoon eh?
31: Another Ordinary Day
32: Why
33. Reunited
34: Untitled(hahaha)
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Next
Chapter 43
Chapter 44: Missing You
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47. Ang Adobo at si Alyssa
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51: Lakas Tama
Chapter 52
Chapter 53: Loving Her

24: Detour

715 26 11
By alconbleu

Nang sumunod na araw maagang naghanda si Alyssa. Pupunta siyang hacienda Lazaro. Ang kanyang pakay? Pormal na mag-file ng resignation.

Kagabi, bago matulog tinawagan niya si Rafael Lacson. Sinabi niya dito na kailangan nilang mag-usap. Ginawa niya iyon out of courtesy, dahil nga ito ang naghire sa kanya para magtrabaho sa hacienda. Nararapat lang na sa kanya din siya pormal na maghain ng resignation.

Sinabihan siya nito na maaari silang magkitang dalawa kinabukasan, bandang alas nueve ng umaga, sa mansion. Ngunit buong galang niyang hiniling na kung maari ay huwag sa lugar na iyon sila magkita at mag-usap.

Hanggang maari kasi ay iniiwasan ni Alyssa ang kahit na anong inter-aksiyon sa ibang myembro ng pamilya Lazaro, lalong lalo na kay señiora Martha.

Labis ang kanyang pasasalamat ng hindi na niya kinailangang magpaliwanag sa kung bakit ayaw niyang pumunta ng mansion. Naintindihan agad siya ng ginoo at sinabi nito sa kanya na sa opisina nito sa azucarera siya pumunta.

Medyo may kalayuan mula sa mansion ang lugar na iyon, ngunit mas pabor iyon kay Alyssa. Una, tanging si Rafael lamang ang palagiang nandoroon sa azucarera. Madalang na mapagawi ang ibang myembro ng pamilya sa bahaging iyon ng hacienda. Pangalawa, hindi doon nagtatrabaho ang mga obrerong malalapit sa kanya. Karamihan kasi sa mga obrerong napalapit kay Alyssa ay sa manggahan o di kaya ay sa malaking bahay talaga nakatokang magtrabaho. Hindi sa iniiwasan niyang makita ang mga taong iyon, ngunit ramdam niya na hindi pa ito ang tamang oras para makausap ang mga ito.

Ipinarada niya ang sasakyan sa isang bakanteng loteng may ilang metro ang layo mula sa gusali ng azucarera. Nasa parteng iyon kasi ang tanggapan/opisina ni ginoong Lacson.

Bumaba siya at naglakad. Hindi ito ang unang beses na napagawi siya sa naturang lugar kaya kahit papaano, may idea narin siya kung saan paparoon.

Tumigil si Alyssa sa isang pintuan.

"Ito na iyon!" Bulong niya bago iniangat ang kamay para kumatok. Nakailang katok din siya bago may narinig na tinig mula sa loob.

"Please come in." Iyon lang ang hinihintay ni Alyssa bago pihitin pabukas ang seradora.

"Good morning po boss Rafa." She smiled warmly at Rafael Lacson.

"Ikaw na pala yan Alyssa. Magandang umaga din sayo." Lumapit sa kanya ang ginoo saka nakipagkamay. Taos puso naman niyang tinanggap ang gesture na iyon.

Pagkatapos noon, Rafael led her sa isang may katamtamang laking sofa. Nakapwesto ito sa gitna ng silid na iyon. Naupo siya doon.

"Salamat boss, pero nakapagkape na po ako." Magalang siyang tumanggi sa alok nitong inumin.

"May prior schedule po ba kayo ngayong araw? May ineexpect pa po ba kayong iba?" Hindi niya maiwasang itanong. Base kasi sa uri ng pananalita nito parang maliban sa kanya may iba pa itong hinihintay.

"Wala naman akong ibang iniexpect kundi ikaw lang. It's just that, I wasn't expecting you to come this early. This must be really an important matter." Nasabi pa nito, nasa himig ang pagtataka.

Hindi malaman ni Alyssa kung ano ang magiging reaksiyon. Wala ba ito ni katiting na ideya sa rason ng pagparito niya? Clearly, while the two of them talked the previous night, hindi naman nabanggit ni Alyssa ang rason kung bakit niya gustong makipagkita.

Hindi manlang ba nito naisip na maaring may kinalaman sa pangyayaring "iyon" kung bakit siya naparito?

Tumikhim muna siya ng ilang beses bago inabot sa lalake ang kanina pang hawak na envelope.

"Boss, I came here to formally render may resignation." She directly said.

Nagitla ang kaharap ngunit agad din naman nitong tinanggap ang envelope at agad na binuksan. Inilabas niya ang lamang dokumento at pinasadahan iyon ng tingin, at kitang-kita ni Alyssa kung paanong napatiim baga ang lalaki. Mula sa papel ay napatingin ito sa kanya. Mukha'y punumpuno ng pagtataka.

"If this was about the events that took place during the program, then in behalf of my mother-in-law ako na mismo ang humihingi ng tawad sayo Alyssa." Rafael Lacson stood up and walked a few steps away from her.

Alyssa smiled a little. May alam at nakakaramdam din naman pala ito.

"Kung ano man po ang hindi pagkakaunawaang namagitan sa amin ng doña Martha, labas napo kayo doon boss. Hindi niyo po obligasyong ihingi siya ng tawad." Malumanay na wika ng dalaga. Nakatingin siya sa lalaki na kasalukuyan ng nakatalikod sa kanya.

"Tama ka marahil ng sabihin mong wala akong obligasyong ihingi siya ng tawad ngunit ang kaalamang ikaw ay kanyang inagrabyado ay nalilihis sa moral na pamantayan, kung kaya't ako na mismo ang magsasaayos noon. Hindi ko man alam ang puno't dulo ng pagkakagulo ninyong dalawa, sana mahanap mo sa sarili mong mapatawad ang aming si doña Martha. Lagi mo sanang isipin ang mga trabahador na siyang labis na maapektuhan sa oras na ikaw ay lumisan, Alyssa. At iyong project na kaakibat ng pag-award ng mga lupa sa mga farmers? Yung sustainable livelihood na gusto mo for them, paano na?" Lumipat na si Rafael sa swivel chair na nasa likod ng executive desk.

"Habang buhay ko pong tatanawin na utang na loob iyong pagbigay niyo sa akin ng trabaho dito sa hacienda. Isa po kayo sa mga unang tao na nagtiwala sa akin. Binigyan niyo po ako ng pagkakataong maipakita ang aking kakayahan sa ganitong larangan. Ang mga trabahador po? Kampante po akong maiintindihan nila ang desisyon kung ito. Tamang oras nalang po ang siya kong hinihintay para maipaalam narin sa kanila ang plano kong ito. May kaugnayan naman po sa project na iyon, alam ko po na kaya at may sapat na silang kakayahan para maisakatuparan iyon, kahit wala na ako dito." Nababakas ang labis na determinasyon sa boses ni Alyssa habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Napag-isip-isip niya na sapat or sobra pa nga ang mga kaalamang naibahagi niya sa grupo nila tatay Rene para maging matagumpay ang isa pa niyang project.

"Kung ganoon wala na pala talaga akong magagawa para pigilan ang pag-alis mo ng hacienda?" May halong sarkasmo ang tinig ni Rafa ng tumingin kay Alyssa.

"Wala na po kayong magagawa pa boss Rafael. Iyon na po ang desisyon ko. Final na po iyon." Nagbaba siya ng tingin.

Tumayo si Rafael at lumapit sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat.

"Kung ganon pinapayagan na kitang magresign. Pero tandaan mo laging bukas ang hacienda para sayo Alyssa. Saan ka man dalhin ng agos ng buhay tandaan mong nandito lang ako para sayo. Para na kitang anak Alyssa." Sabi pa nito. Mula noon hanggang ngayon magaan talaga ang loob ng ginoo sa batang ito.

Doon tumayo si Alyssa at yumakap kay Rafael.

"Maraming salamat po tito. Huwag po kayong mag-alala kung sakali man pong magbago ang isip ko ikaw ang una kong pupuntahan. Hahaha." Tumawa nalang siya para pigilin ang nagbabadyang pagpatak ng kanyang mga luha. Masakit din sa parte niya ang pangyayaring ito ngunit ito ang kailangan niya ng mga sandaling iyon. Kailangan niyang lumayo at iwan ang lugar na ito.

"Hihintayin namin ang pagbabalik mo Alyssa." Nasabi ni Rafa ng magbitaw na silang dalawa.

"Salamat pong muli. Sige po kailangan ko na pong umalis. Marami pa po akong kailangang asikasuhin."

Naglakad na pagkatapos noon si Alyssa. Tinungo na nito ang pintuan.

"O siya sige. Lagi kang mag-iingat Alyssa. Huwag kang makakalimot na tumawag." Nakangiting wika ni Rafael bago pa makalabas ng tuluyan si Alyssa.

"Sigurado po iyon tito. Mag-ingat din po kayo. Kayo nalang din po ang bahalang magpaalam kila Jia at Gabby para sakin. Mauna napo ako." Isang senserong ngiti ang ibinigay niya bago pihitin pabukas ang knob.

"Makakaasa ka. Goodluck hija. Hanggang sa muli nating pagkikita."

Narinig niya pang wika nito bago maisara ang pinto.

Malungkot man hindi parin maiwasang hindi makaramdam ng relief ni Alyssa. Buong akala niya magiging 'madugo' ang pakikipag-usap niya kay Rafael. Good thing, hindi na ito nag-usisa sa kung ano ba talaga ang naging ugat ng hindi pagkakaunawan sa pagitan niya at ng doña. Hanggat maaari kasi ay ayaw na ni Alyssa na may ibang makaalam sa naging usapan nila ng doña.

Isa nalang ang problema niya----iyon ay kung papaanong magpaalam kila tatay Rene at nanay Susana kasama ng lahat ng mga trabahador na malapit sa kanya.

Nang araw ding iyon nagawa ring makipag-usap and eventually magpaalam ni Alyssa sa mga trabahador. Tinawagan niya ng mga bandang tanghali ang kanyang manong Val at pinakiusapan itong papuntahin lahat ng mga malalapit nilang kasamahan sa bahay nila tatay Rene kinagabihan.

Wala sa plano ni Alyssa ang pakikipag-usap kila tatay Rene ng araw na iyon ngunit naisip niyang at some point gagawin at gagawin niya parin iyon. So why prolong the agony hindi ba?

Ayon sa napag-usapan, sinadya ni Alyssa ang bahay nila tatay Rene ng gabing iyon. Alam niya kasing ang panahong iyon lamang ang siya niyang tyansa na makitang kompleto ang mga trabahador. Salamat at hindi narin nag-usisa pa si manong Val sa kung bakit sila magkakaroon ng biglaang meeting.

Ang gabing iyon ay naging emosyonal para kay Alyssa pati narin sa mga taong itinuturing niya at siyang pamilya. Halos lahat ng naroroon ay mataas ang emosyon. May kumwestyon sa kanyang pagpapasya. Mayroong pilit na inalam ang totoong dahilan ng kanyang napipintong pag-alis, may nagtampo, may nagalit, ngunit labis na nagpasalamat si Alyssa sa mag-asawang Rene at Susana. Ang mga ito kasi ang nagsilbing kanyang abogado. Pinakiusapan ng dalawa ang kanilang mga kasamahan na intindihin at igalang nalang ang kung ano mang desisyon ng dalaga. Pinaintindi ng mga ito sa mga obreros na kahit hindi pabor sa kanila ang desisyon ni Alyssa, nararapat parin nila iyong respetuhin. Gaano man iyon kasakit at kahirap tanggapin.

Sa huli, pagkatapos maging kalmado ang lahat, nagawa ding pumayag ng mga obreros sa gustong mangyari ni Alyssa.
++++++++++

"Tol, asan na ba si Kiwi? Ang tagal niya ah? Nilulumot na ako dito." Reklamo ni Kim sa kaibigan.

Nasa isang high end bar silang dalawa at hinihintay ang kaibigang si Kiwi. Apat na araw matapos makapagpaalam sa lahat, umalis si Alyssa ng Negros at pumuntang Manila. May ilang bagay pa kasi siyang kailangan ayusin bago tuluyang makaalis ng bansa.

Mga limang araw narin silang nasa Metro at tatlong araw nalang ay lilipad na papuntang ibang bansa si Alyssa. Kasama niyang aalis sina Kiwi at Kim. Pinayagan din kasi ng mag-asawang Villarama ang pamangking si Kim na sumamang muli kay Alyssa. Si Kiwi naman ay sabit lang. Dahil wala naman itong importanteng trabahong maiiwan sasama nalang din ito. Bakasyon narin daw nito iyon. Nakatakda din kasi itong umuwi ng New Zealand matapos ang ilang araw na kasama sila Alyssa.

"Ewan ko sa isang yun. Kanina ko pa tinatawagan pero hindi naman sumasagot." Paliwanag ni Alyssa. Nakaupo lang silang dalawa habang nagmamasid sa mga nagkakasayahan, partikular ang mga naroroon sa dance floor.

"Ano ba ang sabi? Diba nakausap mo na siya kanina?" Parang inip na inip na itong si Kim na dumating si Kiwi.

"Hihintayin niya pa nga si Gretch. Sabay daw silang pupunta dito." Sagot ni Alyssa habang tutok na tutok parin sa dancefloor.

"Kasama niya si Ho? Baka hindi pa nakakaalis ng opisina iyong isang yun. Kahit kailan, panira talaga ng trip yung instik nayon!" Reklamo pa niya.

"Sshhh. Hayaan mo nalang tol. Maaga pa naman, sigurado akong maya-maya lang ay naririto na ang mga iyon. Uminom ka lang dyan." Sige parin siya sa pagtingin sa gawi ng mga sumasayaw.

Naintriga si Kim sa kung ano/sino ang tinitingnan ni Alyssa, kaya naman sinundan niya ng tingin ang direksiyon kung saan nakatingin ang kaibigan.

"Maganda diba? Mas maganda compared doon sa masungit mong ex-girlfriend, and not to mention magaling gumiling. Panigurado magaling din yan sa kama tol!" Dahil sa mas lumakas ang tugtog umusog ng konte si Kim para makalapit sa pwesto ni Alyssa.

"Wala ka talagang kwenta kahit kailan Fajardo! Kung anu-ano nalang talaga ang pinag-iisip mo. Mind you, hindi ako katulad mong hayok sa laman!" Napapailing na binatukan niya ang kaibigan dahil sa sinabi nito.

"Sobra ka naman. Hayok sa laman talaga? Anong tingin mo sakin, sex maniac?" Nagtampo-tampuhan pa si Kim. Ngunit hirap na hirap itong pigilan ang sariling matawa.

"Huwag mong pigilan, itawa mo lang kasi maniwala ka pag pinigilan mo ng pinigilan yan, utot ang kalalabasan niyan! Hahaha." Malakas ang ginawang pagtawa ni Alyssa.

Sa pagkakataong iyon hindi na napigilan ni Kim ang matawa.

Nagtawanan silang dalawa, ngunit agad ding nag-iba ang aura ni Kim. Bigla, isang malisyosong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

"My friend, now's the time na mag-enjoy ka. Go, lapitan mo na si miss beautiful. By the looks of it parang ikaw lang din ang hinihintay niyan. Obvious masyado ang ginagawa niyang pagpapansin. Makascore ka manlang before mo iwan tong Pilipinas." Pamimilit pa ni Kim. At first pademure pa ang babae but ngayon mahahalata naring she's trying to catch Ly's attention. Pasimple lang ang ginagawa niyang pagpapapansin, but is clearly waiting for Alyssa to make the first move.

"Nah, no need, not my type. Walking red flag iyang mga ganyan. Matino kuno pero nasa loob ang kulo. Mahirap na baka mapikot ako ng wala sa oras tol." Napailing pa si Alyssa habang sinisimsim ang laman ng kanyang baso.

"Anong hindi mo type? Kulang nalang nga lumuwa na ang mata mo kakatitig sa kanya di ba?" Hindi makapaniwalang umismid pa si Kim.

"Yep, she's gorgeous, sexy and her smile-beautiful! Parang walang tulak kabigin. Mukhang perfect right? Except for one thing." Alyssa adjusted on her seat and look at Kim.

"Except what?" Nagsalubong ang kilay ni Kim.

"Mukha siyang bastusin. Sorry for the word but iyon ang nafifeel ko towards her. I might be wrong but look at her. Nagpapansin nga siya sakin yet that guys hand's all over her. Wala siyang pakialam sa kung saan man dumapo ang kamay ng lalakeng kasayaw niya! Nasa bu-- na nga yata niya ang kamay ng lalake." The look of disgust is evident on Alyssa's face.

"Nabobother ka parin ba sa mga ganyan tol? Clearly hindi naman tayo taong tabon para hindi maging aware sa mga ganyan. We even lived abroad for too long para hindi masanay sa mga vulgar ways ng mga tao doon. Marami pa tayong nawitness na mas malala pa dyan!"

"Us living abroad doesn't mean na totally adapted na tayo sa ganyang mga bagay. Ang personal take ko kasi diyan is, inorder for you to be respected by others, you must learn to respect yourself first. Hindi ka nila babastusin if and only if hindi mo sila bibigyan ng reason para bastusin ka. That girl, look at the way she dresses? Halos maghubad nalang yan eh. She might be beautiful and all kaya lang ang galawan s--t naman. Simple lang naman ang rule, try to be as decent as possible at walang mangbabastos sayo......" Magsasalita pa sana siya ngunit nagring ang kanyang cellphone.

Agad niya iyong kinuha sa ibabaw ng table at may pagmadaling lumabas.

"Hello, Ki. Nasaan kana? Nababagot na si Kim kahihintay sa inyo ni Gretchen." It was Kiwi whose on the line.

"There's a very very slight problem Ly." Napatigil sandali ang babae sa kabilang linya.

"Slight problem? Don't tell me hindi kayo makakarating?" Medyo nadismaya si Alyssa buhat sa narinig.

"Me and Gretch were about to go when suddenly Grechen recieved a message from her girlfriend, asking Gretch if she could in any way join her. She's with some of her friends daw, and are having a friendly dinner in a posh restaurant around BGC. Gretchen tried to tell her about our own night out, but her gf insisted on telling Gretch to go met up with her."

"So are you telling me hindi talaga kayo makararating and kaming dalawa lang ni Kim ang magkakasama ditong iinom at mag-eenjoy? Why don't you leave Gretchen nalang with that girlfriend of hers and pumunta ka dito? This would be the last time na makakapagparty tayo dito sa pinas mate! Sayang naman." Medyo nairita si Alyssa sa kaisipang pwedeng matapos ng maaga ang gabing ito. Nilolook forward niya pa mandin ang gabing ito.

"Gretchen did told her girlfriend about that."

"Aannndd?"

"Kasama tayo sa ininvite! Her gf wanted to met us, so were all be going to BGC to join Gretch's girlfriend. Hindi pa naman siguro kayo lasing diyan?"

"Drunk? Not a bit." Agad niyang tugon.

"Go tell Kim na. Will send you the establishment's name. Doon nalang tayo magkita. Drive safely Alyssa." At nawala na ito sa linya.

Nagmamadaling bumalik sa loob ng bar si Alyssa.

"Tol, tawagin mo ang waiter at bayaran mo ang nainom natin. Aalis tayo!" Wika niya habang nilalabas ang wallet. Kinuha ang card at inabot sa kaibigan.

Tinitigan lang ni Kim ang bagay na iyon.

"Aalis? Uuwi na tayo? Ano ba naman yan? Ang aga pa kaya Alyssa? Iyon ba ang sinabi ng babaeng pilipit ang dila? Pinapauwi tayo dahil hindi na sila darating? Mga lokong yun?" Badtrip na si Kim.

"Hindi tayo uuwi, lilipat lang tayo ng lugar. Nag-insist daw ang gf ni Gretch na puntahan siya nito. They are having a dinner somewhere in BGC."

"Eh di sumama siya. Puntahan niya yung girlfriend niya kung iyon ang gusto nito. Si Kiwi? Hindi naman siguro iyon sasama kay intsik at magtithird wheel buong gabi?!" Sumandal pa ito sa couch at hindi parin inaabot ang credit card.

"Kaya nga tayo aalis dito. Pupuntahan natin iyong dalawa. Pati kasi tayo ininvite ng girlfriend ni Gretchen. Gusto daw tayong makilala. Kaya tayo na diyan at asikasuhin mo na ang bill natin, magsi-cr lang ako sandali. Sa kotse mo nalang ako hintayin." Tumayo si Alyssa at inilapag sa hita ni Kim ang card.

"Eh di wow! Hindi manlang ako tinanong kung aprub ba sakin yung pinag-usapan nila?" Kahit gusto niyang magprotesta wala din naman siyang magagawa kaya kesa magmarakulyo, pinulot nalang ni Kim ang card at tinira ang natitirang laman ng baso, saka tumayo para magbayad.

Nakita ni Alyssa na nakasandal sa pinto ng nakaparada niyang kotse ang kaibigan. Hindi ito makakapasok sa loob kasi nasa kanya ang susi.

"Get inside, ako na ang magdadrive." Utos niya pa sa kaibigan.

"Natagalan ka yata doon sa cr? Saan nga pala yung place na tinutukoy ni Amy?" Nang makaupo na ay iyon agad ang tinanong ni Kim. Natagalan kasing lumabas si Alyssa.

"Nagtext na siya kung saan yung exact place sa BGC. Kasi, the girl. The one na nasa dancefloor kanina? Nandoon din siya sa loob ng comfort room. Hindi na nga sana ako tutuloy sa pagpasok when I saw a glimpse of her na nag-reretouch pero parang puputok na iyong pantog ko. I have no other choice but to get inside and do my thing. Akala ko hindi niya ako napansin but hell hinintay niya talagang makalabas ako ng cubicle." Nagsimulang magkwento ni Alyssa. Kasalukuyan narin nilang tinatahak ang daan patungo sa lugar na itinext ni Kiwi.

"Ay iba. Buti hindi ka nirape ng chikababes na yun. Hahaha." Malutong na tumawa si Kim. Naiimagine niya kasi ang horror sa mukha ni Alyssa habang kaface to face ang babae sa inclosed room na iyon.

"Lumapit siya sakin. Nagpakilala pa nga, then asked for my name. Syempre hindi ko ibinigay ang pangalan ko ano? Pagkasabi ko ng kunwaring name ko. Nag-excuse agad ako saying na I really need to go. But makulit pala talaga siya, humirit muli. Gustong makuha ang number ko." There's this playful smile that is slowly curving from her lips.

"Ibinigay mo naman? Sus, kunwari hindi type, yun pala bibigay din." Humalakhak ng nakakaloko si Kim.

"Binigay ko naman talaga any moment nga tatawag na iyon." Aliw na aliw si Alyssa habang nagkukwento.

Ilang segundo nga ang lumipas may narinig na silang tunog ng cellphone.

"Fu-- you Valdez! Bakit cell number ko ang binigay mo doon sa bi--h na iyon?! Malakas na sigaw ni Kim. Hahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 120K 44
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
4.7M 294K 107
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
3.7M 292K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
5.7K 229 12
Regina Vanguardia, the most beautiful girl in the highschool she is in, she's dated a lot of girls and boys but always breaks up with them for the sa...