Masked, Unmasked

By alconbleu

31K 1.1K 452

Behind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise. More

1: Start
2: So Near Yet...
3: In a Very Distant Past
4: First Heartache
5: Moving Forward
6: Uncovering
7: Sad Endings + Surprising Beginning
8: Barrowed Time
9: Painful Truth
10: Two Can Play this Game
11: Present Time
12: Mood
13: The Song
14: First Signs of...
A/N
15: Trust Issues
16: Change of Heart?
17: Perturbed D
18: Stuck With You
20: Unexpected Twist
21: Is It Over Now...
22: Something to Look Forward to
23: Pent-up Emotions
24: Detour
25: One Good Reason
26: DOA
27: Marry You
28: I Do
29: The Things You Do....
30: Honeymoon eh?
31: Another Ordinary Day
32: Why
33. Reunited
34: Untitled(hahaha)
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Next
Chapter 43
Chapter 44: Missing You
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47. Ang Adobo at si Alyssa
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51: Lakas Tama
Chapter 52
Chapter 53: Loving Her

19: Fantasy

490 22 4
By alconbleu

"Yes po, ihahatid ko po siya the moment na umayos na ang lagay ng panahon. Makakaasa po kayo. She's safe and is in good hands. Bye po tito." Pinatay ni Alyssa ang cellphone and nilingon si Dennise na kasalukuyang nakaupo sa sofa.

Katatapos lang nilang maghapunan and kasalukuyan silang nasa sala. Dahil nga sa walang kuryente ng mga oras na iyon wala silang ibang pwedeng pagkaabalahan kundi ang tumambay.

Patuloy parin ang pag-ulan pati narin ang paiba-ibang bilis at lakas ng paghampas ng hangin.

"Alam mo? You have a very protected dad. Kinausap pa talaga ako. Hahaha." Parang aliw na aliw si Alyssa sa kaisipang sobrang nag-aalala si Jaime Lazaro sa nakatatandang anak.

"He's always like that. Madalas binibaby niya kami ni Bea! I'm not saying na it is a bad thing but minsan parang oa na. We're adults na, and he should learn to let us be." Dennise pouted, clearly showing sa pagkadisgustong nararamdaman niya on how her father treats her and her younger sister.

"That's what they are. Nature na iyon ng mga parents, lalo na ng mga tatay towards their daughter/s. Like for example sa case ninyong dalawa ni Beatriz. Puro kayo babae so natural lang na maging protective ang daddy niyo. Kaya chill ka lang." Alyssa chuckled.

"Iyon nalang nga ang lagi kong iniisip. You know para iwas inis narin. Hindi mo lang kasi alam how oa he is." Nakanguso niyang dagdag.

"Over acting to the point na ayaw niyang may nanliligaw sa inyo ni Beatriz?" Sumandal si Alyssa sa sofa sabay pikit ng sariling mga mata.

Hindi agad makasagot si Dennise.

"Hahaha. Hindi ka makasagot ah? Totoo iyon no?" Sabi ng dalaga sa tinig na punong puno ng panunukso!

"Shut up Valdez!" Angil ni Dennise sabay halukipkip na siya namang lalong nagpatawa kay Alyssa.

Ilang segundo pa ang lumipas bago tumigil si Alyssa sa pagtawa, umayos ito ng upo, at tinitigan si Dennise.

"Pero seryoso Den? May say ba ang daddy mo or even your mom sa klase ng taong nakarelasyon mo or doon sa makakarelasyon mo palang?" Puno ng kaseryosohang tanong nito.

That question came as a surprise. Hindi inaasahan ng dalaga na tatanungin siya ng ganoon ni Alyssa.

"Why are you asking me that Alyssa?" Salubong ang kilay na balik tanong dito ni Dennise.

"Nothing. Curiousity! Yeah that's it! I am curious, because look at you? Hindi lingid sa kaalaman ng marami na naggaling ka sa isang buena familia. Mayaman, tanyag, makapangyarihan! Isang Lazaro! Your surname alone speaks power and money. With that, sigurado akong kung sino man ang magtangkang manligaw siyo ay hindi lang dapat pumasa sa pansarili mong pamantayan kundi pati narin sa pamantayan ng iyong pamilya. Tingin ko diyan na rin pumapasok ang pagiging over protective ng daddy mo. As I said sa status na mayroon kayo, gusto lang makasigurado ng daddy mo na matinong tao iyong nakakasalamuha mo, and eventually yung makakatuluyan mo in the future. Matino in a way na malinis iyong kanyang hangarin, hindi iyong may hidden motive. Like kunwari, sa kilos at pananalita may gusto or even mahal ka niya but the truth is, pera mo lang pala ang habol." With that tumayo si Alyssa at pumuntang kusina. Sinundan lang siya ng tingin ni Dennise.

"Kung makapagsalita itong babaeng ito! Tingin niya napakabobo ko? Na hindi ako marunong kumilatis ng tao? Saka sino siya para sabihing pera lang ang habol ng mga lalake sakin? Ggrrrr! Nakakainis ka Valdez!" Hindi na maipinta ang mukha ng dalaga dahil sa mga kaisipang iyon.

"Parang ganoon na nga! Kita mo ilang taon ka ding napaniwala ng babaeng iyan? She posed as your girlfriend, when in fact, matagal na palang patay iyong si Alyja!" Hindi na talaga paaawat ang kanyang konsensiya.

Dala marahil ng labis na pag-iisip at pakikipagtalo sa sariling isip hindi namalayan ni Dennise na nakabalik na si Alyssa.

"For you. Maganda ito sa malamig na panahon." Mahinang sabi ni Alyssa na nakatayo na sa harapan ng dalaga. May dala itong bucket na naglalaman ng ilang bote ng beers. Inilapag niya iyon sa center table, pagkatapos kinuha ang isang nakabukas ng bote at iniabot sa dalaga.

"Thank you." Nagpasalamat siya at agad na inilapit sa bibig ang bote. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para agad na tunggahin ang laman ng bote.

"Hindi kita masisisi kung sa tingin mo ay ganon ako katanga! You are just speaking based on your own experience. Diba nga naloko mo narin ako?"

Nakita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Alyssa! Natigilan at napatiim baga ito.

Nakita niya rin kung paano nito inisang lagok nito ang laman ng boteng nasa kamay, saka siya tinitigan.

"Foul!" Agad na naibulong niya, pero huli na para bawiin iyong mga salitang binitawan niya!"

Hindi maiwasan ni Dennise na kabahan sa uri ng tingin ni Alyssa. Hindi maikakailang may galit sa titig na iyon! Dahil sa kaba at sa antisipasyon sa maaaring gawin ni Alyssa lalong naging mas mahigpit ang naging paghawak ni Dennise sa bote ng kanyang beer.

Walang may alam sa kung ilang minuto pa ang itinagal nila sa ganoong posisyon. Siya, nakatingin sa kung saan, takot na salubungin ang titig ni Alyssa. Habang ito naman ay patuloy lang din sa pagtitig sa kanya.

Umabot pa nga sa puntong hindi na masigurado ni Dennise kung kakikitaan parin ng galit ang mga titig ni Alyssa sa kadahilanang, hindi talaga niya kayang tumingin pabalik dito worst ang makipagtitigan sa babae.

"If you want to change, may spare and fresh clothes na nakaready sa room before ng kwarto ko. May mga un-used undergarments din sa drawers. Lahat ng mga kakailanganin mo ay nandoon na. Ikaw nalang ang bahalang maghanap. Ang room na iyon narin ang magsisilbing kwarto mo for tonight. Feel at home and goodnight Dennise!" Iyon lang at tumayo na ito para iwanan siya.

Tumayo ito bitbit ang bucket na may laman pang ilang bottle ng beers at tinungo ang kusina.

Isang napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Dennise matapos makaalis ni Alyssa. Kulang nalang ay sabunutan niya ang kanyang sarili dahil sa labis na pagkadismaya.

Nasaktan niya ito. Aware siya doon, pero hindi niya alam kung dapat ba siyang humingi ng paumanhin o hayaan nalang ang dalaga!

Sa kawalan ng ibang options napagpasyahan nalang ni Dennise na puntahan ang silid na binanggit ni Alyssa.

Sa tulong ng mga automatic emergency lights na nakapwesto sa mga strategic parts ng bahay, nagawang marating ni Dennise ang kwartong iyon ng walang nangyaring aberya.

Pagbukas na pagbukas niya ng pintuan nakita niyang maliwanag sa loob niyon. Tulad ng sa labas, may automatic emergency light din na nakakabit sa dingding pero hindi iyon ang bagay na lubos na humuli sa kanyang atensiyon, bagkus ay ang painting na nakasabit sa isang bahagi ng dingding. Painting iyon ng isang malawak na kapatagan na punong puno ng mga nag-gagandahang mga bukaklak. Kinabahan siya. Posible kayang? Sa nanginginig na mga paa ay dahan-dahan siyang lumapit sa dingding.

"Nemophila Menziesii 'baby blue eyes', God bakit may ganito dito!?" Buong pagkamanghang turan ni Dennise. Parang wala sa sariling hinaplos niya ang naturang obra maestra.

"Bakit may ganito siyang painting? Gaano man kaliit or kalaki ang parte ng bulaklak sa naging relasyon nila ni Alyja, sigurado si Dennise na walang ibang taong nakakaalam ng napakaimportanteng detalyeng iyon, maliban sa kanilang dalawa! Siya lamang kasi at si Alyja ang may alam sa kwento ng naturang bulaklak. Pero bakit may painting ng naturang bulaklak dito sa bahay na pag-aari ni Alyssa? Posible bang naikwento ni Alyja kay Alyssa ang tungkol doon o maari kayang ang kwartong ito ay siya ring naging kwarto ni Alyja noon? Imposible! Ayon narin kasi kay Alyssa bago lang itong bahay, and matagal ng wala ang kapatid niya, hindi ba?" Napailing si Dennise, sabay libot ng paningin sa kabuuhan ng kwarto.

May kalakihan ang kwartong ito. Kulay crema ang kisame, at puti naman ang kulay ng dingding. May isang pintuan sa bandang gilid, na sa tingin ni Dennise ay siyang comfort room. Sa gitnang bahagi ng silid ay naroroon ang isang queen size bed with it's neat white beddings. May isang malaking flat screen tv din na nakamount sa dingding.

Dennise hurriedly checked the closet. Kung may mga damit kasi doon, paniguradong may umuukopa talaga sa kwarto.

Inisaisa niya sa pagbukas ang bawat drawers pero wala siyang makitang gamit or damit na maaring pag-aari ninuman. Ang nandoon lamang ay ilang piraso ng sealed pouch na merong tatak ng sikat na underwear brand. Tiningnan iyon ni Dennise and napansin niyang magkaiba ang sizes ng mga iyon. May nakita rin siyang plain white tshirts and pajamas.

After niyang machecked ang buong silid naupo muna siya sa kama at humarap uli sa painting.

Ang kaalamang walang ibang nagmamay-ari ng silid na ito, at nagsisilbi itong guest room, ay nagdulot nang kalituhan kay Dennise.

Bakit may ganoong painting si Alyssa? Sa dinami dami pa talaga ng bulaklak sa mundo, iyong bulaklak na iyon pa ang nasa painting? Nagkataon lang ba? O baka naman alam ni Alyssa ang kwento sa likod ng mga bulaklak na iyon, o pwede ding hindi talaga nito pag-aari ang painting? Posible din kasing si Alyja talaga ang may-ari noon at dahil nga wala na ito naiwan nalang iyon kay Alyssa.

"Aahhh. Valdez! Ano ba talaga ang totoo!" Naisigaw niya bago magpasyang pumasok sa cr para magpalit.

++++++++++

"Good evening po uli ma. May nakalimutan po ba kayong sabihin kanina kaya pinatawag niyo kami uli?" Anna and Jaime stepped inside the old woman's room.

Nakita nilang nakaupo na ang matanda sa sarili nitong kama.

"As I said kanina, huwag napo kayong masyadong mag-alala sa mga obreros and sa lagay ng hacienda mama. Minimal damage lang po ang natamo natin, pati narin iyong sa mga bahay ng mga obreros, I will attend to their needs as soon as this storm's over." Jaime said habang inaalalayang makapasok ng tuluyan ang asawa.

"Please take a seat." Mwestra ng doña sa sofa na nasa isang sulok ng silid.

Agad namang naupo doon ang mag-asawa habang ang matandang doña ay nanatiling nakaupo sa kanyang kama.

"Hindi iyon ang rason kung bakit ko kayo pinatawag na dalawa. Settled na ang usaping iyan Jaime. Tapos na nating pag-usapan iyan kanina. There is something else we need to settle." Panimula nito sa mukha at tinig na puno ng kaseryosohan.

"If hindi tungkol sa hacienda, then tungkol po sa anong bagay ang kailangan nating pag-usapan mama?" Si Jaime na prenteng nakaupo sa sofa.

"It's Dennise." Maikling tugon nito.

"What about her ma? May nagawa po bang hindi niyo nagustuhan ang batang iyon?" Anna sounding so alarmed. Ramdam niyang may sasabihing importante ang matanda.

"What has gotten inside your daughter's head para umalis ng hindi nagpapaalam kahit kanino? Kung hindi pa nagpunta ang guard para personal na sabihing umalis siya papuntang bahay ni Alyssa hindi pa natin malalaman na nandoon siya! For goodness sake bumabagyo ngayon! Hindi ba niya naisip na maaring may mangyaring masama sa kanya buhat ng kasalukuyang lagay ng panahon?" The old womans upset. Frustrated ito sa naging padalos dalos na desisyon ng apo!

"Calm down mama. She already called, actually nakausap din ni Jaime si Alyssa. Alyssa confirmed na nandoon nga si Dennise sa bahay nito and the lady assured my husband that Dennise's fine. Ihahatid nalang daw niya ang apo ninyo dito pag-umayos ang panahon." Anna stood up from the sofa and came near her mother-in-law. Pinakalma niya ang matanda. Mahirap na baka matrigger pa ang karamdaman nito.

"Anna's right ma, plus don't you trust Alyssa? Michelle's safe with her, I am sure of it. Hindi noon pababayaan si Michelle." Dagdag pag-alo ni Jaime sa ina.

"Nandoon na ako Jaime. Hindi nga siya pababayaan ni Alyssa but that doesn't change the fact na umalis siya ng hindi nagpapaalam sa atin! Worst we are in the middle of a storm. Sobrang delikado sa labas. In the first place, ano ang nagtulak sa kanya para gawin ang bagay na iyon? Tapatin niyo nga akong dalawa. May namamagitan ba sa apo ko at kay Alyssa? Magkarelasyon ba silang dalawa?" Pinaglipat lipat ng matanda ang tingin sa mag-asawa.

Napaawang ang bibig ni Anna sa hindi inaasahang tanong na iyon ng matanda. Si Jaime naman ay napakunot noo at biglang napaupo ng tuwid. Pareho silang gulat na gulat sa katanungang iyon.

"Ma naman, bakit niyo naman naisip iyon? I got it, common knowledge na and obviously alam mo narin na Alyssa's into girls but with Michelle? Hindi iyon papatol sa kapwa niya babae! Lot's of men. Well known, educated, and rich men are all around her. Admiring, adoring and swooning over her. Those men are willing to do everything just to be with her. All she needs to do is to choose the best among them. So paano niyo po naisip na papatulan ng apo niyo si Alyssa?" Si Jaime ang unang nakabawi mula sa pagkabigla. Pagak itong tumawa. Ni minsan hindi sumagi sa isip nito ang posibilidad na binanggit ng ina.

"Nag-alala marahil siya sa kalagayan ni Alyssa and because they're friends with each other naisipan niyang puntahan. Michelle did that because she cared for Alyssa - as a friend, and not because of some absurd reason like the two of them are romantically involved with each other!" He added. Hindi talaga ito naniniwalang posibleng mangyari iyong naisip ng sarili niyang ina.

Naisip pa nga nitong masyado nang matanda ang sariling ina para magspeculate ng mga bagay bagay na malayong mangyari sa realidad, lalo na ang tungkolnsa lovelife ng sarili nitong apo.

Habang punong puno ng conviction si Jaime na nungkang magkakagusto si Dennise kay Alyssa or sa kahit sinong babae. Si Anna naman ay natigilan at biglaang napaisip.

"Pero paano nga kung tama iyong sapantaha ni mama? What if there is something going on between our daughter and that girl, Alyssa? Come to think of it, knowing Den na everymove is calculated and pinag-iisipan talaga. Iyong ginawa niya which obviously was a drastic one, is so not her. So there must be something between the two of them na nagtulak sa anak natin to be that reckless." Anna gave the two a piece of her mind.

"Jaime hijo, sobrang tagal na ng inilagi ko sa mundong ito para hindi malaman kung ang isang aktwasyon/kilos ng isang tao ay ginawa niya lamang out of friendship or because of something much deeper. Tandaan mo hindi natuturuan ang puso, hindi din itong pwedeng pilitin. Kusa lang itong titibok. Madalas pa nga, titibok ito sa hindi inaasahang pagkakataon at sa hindi inasahang indibidwal." Makahulugang wika ng matanda na naging dahilan ng agad na pagkapalis ng ngiti sa mukha ni Jaime Lazaro.

++++++++++

Thirty minute or so after na pumuntang banyo si Dennise para maglinis nang katawan lumabas na ito. Suot narin nito ang damit na nakuha sa closet. Dahil sa maginaw talaga ng gabing iyon minabuti nalang niyang isuot uli ang sariling hoodie.

Ilang minuto matapos niyang ayusin ang sarili natagpuan nalang ni Dennise ang sarili na nakaupo sa kama. Nakikiramdam sa maaring maging pagkilos ng taong naiwan sa labas. Ni Alyssa.

Nang walang marinig na kahit ano napagpasyahan niyang lumabas at tingnan kung naroroon parin ito sa kusina.

Bitbit ang cellphone, buong ingat niyang tinahak ang direksiyon ng kusina.

Nang marating niya ito hinanap niya agad ang dalaga, lumabas pa nga siya sa dirty kitchen pero wala na doon ang dalaga.

Pumihit nalang siya at tinungo ang ref upang kumuha ng tubig na maiinom. Dahil nga walang kuryente nakapatay ang naturang gamit.

"May generator naman siya dito, bakit hindi niya ginamit iyon para paandarin itong ref?" Nakakatawa pero iyon pa talaga ang naisip ni Dennise ng mga sandaling iyon. Lol.

Pansamantala siyang natigilan at napangiti. Marahil natawa rin siya sa kanyang naisip. Ipinilig nalang niya ang kanyang ulo saka pinagpatuloy ang naantalang pag-inom ng tubig.

Nang makainom na siya, naglakad siya patungong sala. Pero tulad sa kusina wala din doon si Alyssa.

So isa lang ang ibig sabihin noon. Nasa kwarto na niya ito. Natigilan uli si Dennise. Nakatayo siya sa gitna ng living room contemplating on whether or not pupuntahan niya ito.

Nakailang hakbang na siya bago muling napatigil. Ano naman ang maaari niyang sasabihin dito? Handa ba siyang ibaba ang sariling pride at humingi dito ng paumanhin sa hindi magandang nasabi niya kanina? O tatanungin niya ba ito tungkol sa nakitang painting? Ewan niya. Bahala na.

Hindi namalayan ni Dennise na nakagat na niya ang sariling daliri sa sobrang pag-iisip.

"Bahala na talaga si batman!" Nasabi nalamang niya bago nagsimulang ihakbang muli ang mga paa para puntahan ang dalaga.

Isa, dalawa, tatlo. Pangatlong beses ng kumatok si Dennise sa pintuan ng kwarto ni Alyssa pero hindi parin siya nito pinagbubuksan.

"Uhhm. Wala naman yatang masama if buksan ko nalang ito." Sabay pihit ng knob.

🎶But it's just a sweet,
sweet fantasy baby,
🎶When I close my eyes,
You come and take me
🎶It's so deep in my daydreams

🎶But it's just a sweet,
sweet fantasy baby.
🎶I want you so bad,
I want you so bad.

Alyssa's setting at the edge of her bed, guitar on hand and humming a beautiful tune.

🎶But it's just a sweet,
sweet fantasy baby,
🎶When I close my eyes,
You come and take me
🎶It's so deep in my daydreams

🎶But it's just a sweet,
sweet fantasy baby.
🎶I want you so bad,
I want you so bad.

Hindi napigilan ni Dennise ang pagguhit ng isang magandang ngiti sa kanyang mga labi the moment na inawit muli ni Alyssa ang partikular na mga linyang iyon.

Alyss's singing voice brought feeling of calmness and euphoria to Den's being.

Nakalimutan na nga niya ang totoong pakay niya sa pagpasok sa kwartong iyon. She smiled once again. Totally captivated by the scene infrontvof her.

Alyssa seemed to be enjoying herself. Totally unaware of the other lady's presence.

Dennise felt sorry na kailangan niyang iinterrupt ang napakagandang moment na ito.

"Ahem. Excuse me but can I have a moment with you?" Banayad na wika ng babae. Not wanting to stun the other lady.

"God! Kanina ka pa ba diyan?" Bigla naman ang naging paglingon ng dalaga, palatandaang nagulat parin ito.

"Sort of. Uhm. The song? I kinda heard all of it." Isang tipid na ngiti ang pinakawan ni Dennise.

"Fantasy." Sabi niya without looking at Den's direction, medyo nahiya siya knowing na narinig siya nitong kumanta. Instead binaba niya ang hawak na guitara and inayos ang pagkakasuot ng kanyang eyeglasses.

"Mariah or Jodie Comer?" There's a hint of amusement in Dennise's voice upon saying that.

Naglakad si Alyssa at tumigil sa harapan niya.

"Mariah's an icon and she owns that song but Jodie's version's very refreshing. I wish they made her sing the whole song and released it. Too bad they didn't!" Alyssa sounding so dissapointed, she even slumped herself on her bed.

"Who knows baka may unreleashed full version talaga ng song na iyon si Jodie Comer. Na for some reasons hindi lang nilalabas until now, but malay natin in the near future diba? So huwag ka ng malungkot dyan. I will get you a vinyl copy if ever irelease iyon! That's a promise?" Dennise sat beside Alyssa.

"Sure ka ba dyan?" Parang batang tanong pa nito.

"Yes I am pretty sure about that. And Ly, I'm sorry." She said.

Salubong ang kilay na tinitigan lang siya ni Alyssa. As if asking kung para saan ang apology na iyon.

"Sorry kanina. Hindi ko na....."

"Sshhh you talk so much. Forget about it." At hinatak siya nito causing her to fall beside the giggling lady.

They found themselves wholeheartedly laughing while lying side by side.

After a moment, Alyssa stopped and with her eyes riveted to the ceiling - slowly whispered...

"Would you like to sleep with me?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 34.9K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
16.4K 461 7
What happens when Narda and Regina are left in the same room? (darlentina/reginarda short story fanfic) date started: 11/15/22 A/N: hi guys! I became...
3.6M 291K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
2.7K 92 23
Temp Fairchild. Thrown into the mundane world, with no one to protect her but her sharp wit and charisma. A smile, a wink and enough confidence, is e...