Owning Her Innocence (R-18)

By RaceDarwin

64.1M 1.2M 125K

Callante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four (Part 1)
Chapter Forty Four (Part 2)
Chapter Forty Four (Part 3)
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two (Part 1)
Chapter Sixty Two (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 1)
Chapter Sixty Three (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 3)
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue

Chapter Seventeen

1M 20.5K 2.1K
By RaceDarwin


 KUNG hindi pa yata tumawag kay Kira ang kanyang ina, hindi niya maaalala na mahal na araw nga pala. Masyado siyang nakatutok sa mga naging pangyayari sa buhay niya at nakalimutan na niya na may balak nga pala siya na umuwi sa Palawan para makasama ang mga magulang sa araw na 'yon.

Abot-abot ang paghingi niya ng paumanhin sa kanyang ina sa nasira niyang pangako habang kausap ito sa telepono. "Ma, sorry talaga. Nawala sa isip ko na uuwi nga pala dapat ako."

"Ayos lang 'yon, 'nak. Naiintindihan ka naman namin ng papa mo. Alam rin naman namin na masyado ka pang abala sa negosyo mo. Basta 'wag mo kakalimutan alagaan ang sarili mo d'yan, ha? Wala kami ng Papa mo para tingnan ka o alagaan ka."

She smiled. "Yes, Ma. Thank you."

"At huwag mo na rin papakaisipin pa 'yong loko-loko mong dating kasintahan. Ang mga ganoong tipo ng lalaki, ibinabaon sa hukay," may halong pagbibiro na sabi ng ina niya.

Natawa si Kira. "Mas matindi ka pala, 'Ma. Ibabaon talaga sa hukay." Palabiro talaga talaga ang ina niya. Palibhasa lumaki ito na masiyahin kahit hirap ang buhay.

 Her mother's name is Reina, and her father is Rico. Ang love story na yata ng mga magulang niya ay pinakamagandang story na narinig ni Kira. Nagkakilala ang mga ito dahil sa pagiging emplayado sa mga Fontanilla. Naging malapit na magkaibigan muna bago maging magkasintahan. Kaya siguro kahit gaano pa ang hirap na naranasan nila, hindi ang mga ito basta-basta nag-aaway. Kapag may sakit nga noon ang papa niya, nakikita niya kung gaano nagpapanic ang mama niya sa sobrang pag-aalala.

Handa itong magpuyat mabantayan lang ang papa niya hanggang sa bumuti ang pakiramdam.

Ang mga magulang niya ay naging dahilan upang mapagtanto niya na hindi kailanman kailangan ng kayamanan para maging masaya ang isang pamilya. Hindi kailanman naging batayan ng isang masayang tahanan ang karangyaan ng isang bahay. Ang kahulugan ng tahanan ay malayong-malayo sa kahulugan ng bahay. Dahil ang isang bahay na puno ng pagmamahal ay maaaring tawaging tahanan. Ngunit kapag ang isang bagay ay walang pagmamahalan sa mga nakatira doon, hindi iyon matatawag na tahanan.

Pagkatapos niyang makausap ang ina sa telepono ay nagtungo na siya sa banyo para maligo. Habang naliligo ay pinag-iisipan niya kung pupunta siya ngayon sa Shakira's o hindi. Pakiwari ni Kira ay wala siyang gana na lumabas ngayon ng bahay.

 Parang mas gusto niyang humiga buong maghapon at magbasa ng romance books o manood ng romantic movies. Hindi naman siguro masama kung magpahinga muna siya ng isang araw. Tutal may pumalit na naman kay Amy bilang manager at si Cad na ang naging assistant niya sa kanyang opisina.

Nasa kalagitnaan siya ng pagliligo nang marinig niya ang sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Awtomatikong nagsalubong ang kilay ng dalaga, lalo na ng marinig niya ang pamilyar na boses ng isang lalaki.

"Kira, open the goddamned door!" galit na galit ang tinig ng lalaking 'yon habang binubugbog na yata sa pagkatok ang pinto niya.

Jiro? Lihim na sambit niya nang makilala ang boses nito. Nagdadalawang-isip si Kira kung lalabasan ba niya ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang kailangan sa kanya ng lalaking iyon o kung ano na naman ang gusto nitong sabihin sa kanya. Tapos na sila ng lalaki. Ang kataksilan nito ang mismong tumapos ng relasyon nila. So, what the heck was he doing here?

Mabilis na inabot niya ang tuwalya at itinapis sa katawan, saka lumabas ng banyo.

"Kira, lumabas ka d'yan! Kausapin mo ako!" galit na sigaw ni Jiro mula sa labas.

Napaurong siya sa takot. Kahit ano pa ang tapang niya, kinakabahan pa rin siya lalo na kapag may isang lalaking galit na galit na magsisisigaw sa harap ng bahay niya.

She swallowed hard when she felt the growing tension inside her chest. Lakas-loob na sumagot siya sa lalaki, pero hindi niya binubuksan ang pinto. "Ano ba'ng kailangan mo?" Kira tried to keep calm.

"Papasukin mo ako!"

"Jiro, sabihin mo muna kung ano ang kailangan mo sa akin bago kita papasukin." Subalit wala talaga siyang balak na papasukin ang lalaki. She don't trust him. Hindi siya nakakasigurado kung wala itong balak na saktan siya o gawan ng masama.

"Putang-na! Papasukin mo ako! Saka tayo mag-usap!"

Mariing napapikit si Kira sa galit na galit na boses ni Jiro. Ano ba ang problema ng lalaking ito at bigla biglang nasugod sa bahay niya?

"Putang-na, lumabas ka nga d'yan!"

Nagsimulang mangatal ang tuhod niya ng pinagsusuntok nito ang pinto niya. Napatili pa siya ng basagin nito ang isang bintana niya sa pamamagitan ng pagbato doon.

Nagsimula na talaga siyang makaramdam ng takot. Mabilis na tinumbok niya ang hagdan paakyat sa kwarto niya at ikinulong doon. Hinagilap niya ang cellphone para tumawag ng pulis. Ngunit natigilan siya ng makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril.

Kira could feel her blood draining from her face when she heard that. Nanuyo ang lalamunan niya sa kaba at sunod-sunod ang pagtatambol sa dibdib niya. Nilukob ng takot ang kabuuan niya at ang tanging naisip niya ay ang yumuko at takpan ang kanyang tenga. Halos mangiyak-ngiyak na siya sa takot. She was silently praying for her safety.

Oh, Lord. Ano ba ang ginawa niya para sumugod doon si Jiro? What did she do to make him mad and angry? Wala na siyang pakialam dito. Kahit pa maging masaya ito sa piling ni Amy. She let him go. And she totally move on. Hindi naman siya nanggugulo.

But why?

Napaiyak si Kira sa takot. Bumilis pa ang tibok ng puso niya nang marinig niya ang mabibilis na yabag paakyat sa kwarto niya. Bumukas ang pinto at tuluyan na siyang napaiyak sa takot.

Subalit natigilan si Kira nang maramdaman niya ang mainit na katawan na yumakap sa kanya mula sa likuran.

Nakulong siya sa matipunong bisig ng isang lalaki at nalanghap niya ang pamilyar na amoy na siyang tanging nakaakit sa kanya.

"Baby, you're safe now.." bulong ng lalaki sa tenga niya. Naramdaman niya ang paninigas ng katawan nang makilala ang boses nito. Lumingon siya at nakumpirma niya ang hinala.

"Callan.." Napakurap siya. "W-What are you doing here?" Naka-boxer shorts lang ito at walang pang-itaas. Tulad niya ay mukha kagagaling lamang nito sa banyo.

"I saved you from that bastard. Nasa banyo ako nang marinig ko ang ginagawa niyang paggiba sa pinto mo, pati na ang pagbato niya sa bintana mo. Ano ba ang nangyari?"

"I don't know. I mean, hindi ko rin alam kung bakit nagwawala ang isang 'yon at biglang sumugod dito."

"Kailan ba kayo huling nagkausap?"

"Noong isang araw lang.. Tumawag siya sa akin noon tungkol kay Amy. Pero pagkatapos no'n, hindi ko na siya kinakausap pa. I even deleted his number on my phone. I had no idea kung bakit galit na galit na pumunta 'yon dito." Pero may hinala si Kira na si Amy na naman ang dahilan kung bakit galit na galit na sumugod ang dating nobyo sa bahay niya. Baka nag-drama na naman ang tinamaan ng kalandian at siya na naman ang sinisi. Lintik naman talaga.

"Well, it seems to me na may hindi pa kayo pagkakaunawaang dalawa. Amoy alak ang dating nobyo mo at mukhang wala pang tulog. Kung hindi ako nagpaputok ng baril baka hindi 'yon umalis sa tapat ng bahay mo at magwala pa."

"Sa 'yo nanggaling ang mga putok na 'yon?" maang na napatingin siya sa binata.

Marahang tumango si Callan.

"Pero di ba, hindi ka puwedeng magpaputok ng baril basta-basta?"

He heaved a sigh. "Don't worry about that. Ako na ang bahalang magpaliwanag na superior ko. I just did that for you, Kira."

"Pero hindi mo na dapat ginawa 'yon. Dahil sa akin, madadamay ka pa."

"Sabi ko nga, huwag ka na mag-alala para sa akin. I know what i'm doing. And you should know that I'm willing to do anything for your safety. Kung hindi ko ginawa 'yon, baka napakahamak ka na sa kamay ng gagong 'yon. Hindi mo alam na mas marahas ang mga galit na lasing. Babae ka at wala kang laban sa gagong nobyo mo."

"Dating nobyo," pagtatama niya. "Hiwalay na kami at kinalimutan ko na siya."

She wanted to thank Callan. Ngunit hindi niya alam kung papaano magpapasalamat sa lalaki. Pakiramdam niya ay lagi itong naroon sa tabi niya kapag napapahamak siya o mayroong mangyayari sa kanya na hindi maganda. He could really be the next Superman. O kaya Captain America.

"I know."

She caught the naughty grin on Callan's face. "Why are you grinning like that?" magkasalubong ang kilay na tanong niya, pagkatapos ay bahagyang lumayo sa lalaki. Tila tumaas ang atmospera sa loob ng kuwarto niya kung saan sila naroroon.

Tumayo na si Kira at hinawakan ng mahigpit ang towel na siyang takip lamang niya sa katawan. Tumutulo pa ang tubig sa kanyang katawan mula sa buhok niya at gayon din si Callan.

Nakagat niya ang ibabang labi nang makita ang kabuuan ng binata. Tila naestatwang napatitig siya kay Callan. Maikli at manipis lang ang boxer na suot nito at halos nakikita niya ang bagay na bumabakat doon.

Damn, this is not good. Naaamoy niya ang sensuwal na init sa hangin sa silid niya at kakaiba ang nagiging reaksyon ng mga ugat niya sa katawan.

Kung kanina ay si Jiro ang dahilan ng pangangatal ng mga tuhod niya. Ngayon naman si Callan ang nagpapanginig doon. Pero hindi tulad kanina, hindi takot ang nararamdaman niya.

Sinalubong niya ang titig ni Callan, kumikinang iyon sa pagnanasa at pakiramdam ni Kira ay matutunaw siya. Her pebbling n-pples would be damned, she was totally affected by his lustful stare. Nanigas ang tuktok ng magkabilang dibdib ni Kira. Humigpit ang hawak niya sa tuwalya. Iyon na lamang ang takip niya sa katawan. Kung mahuhubad iyon sa kanya, lalantad sa harapan ni Callan ang kahubdan niya. A rush of hot, delicious cream of desire flowed between her legs when an image popped inside her head. The image was the same image that hunt her every night in her dreams.

Tumikhim si Kira para takpan ang nararamdaman niyang pag-iinit ng katawan. "So, i guess, ikaw ang nagpaalis kay Jiro."

"Oo. Takot lang no'n sa akin." mayabang na sabi nito, hindi pa rin inaalis ang titig sa kanya.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Gago. Kahit sino naman ay matatakot sa putok ng baril."

"Yes, baby.. But i do believe na hindi ka natatakot sa baril ko. Infact, nasubukan mo na nga na paputukin ang baril kong 'yon."

Napakunot-noo ang dalaga. "What do you mean?"

Humakbang ito palapit sa kanya. Tinangka niyang umurong ngunit sinalubong ang likod niya ng malamig na dingding. Mahinang napamura si Kira.

"Huwag kang lalapit.."Nginisian lang siya ng binata at nagpatuloy na lumapit hanggang sa ma-corner na siya nito.

Isinandal siya nito sa dingding at hinawakan ang magkabilang braso niya, iniangat iyon sa ibabaw ng ulo niya.

Nahigit niya ang hininga. "A-anong gagawin mo sa akin, Callan?"

Wala siyang nakuhang sagot dito.

Dahil mabilis na bumaba ang labi nito sa labi niya at inangkin iyon sa isang masarap at makapagpigil-hiningang halik..

Continue Reading

You'll Also Like

773K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
685K 25.3K 8
A collaboration of CC, Race Darwin, Makiwander
15M 292K 67
Men are trash--at least that's what Anne believes. But what if this photographer finds herself inexplicably attracted to an obnoxious womanizer who's...
205K 3.8K 21
Dice and Madisson