Masked, Unmasked

By alconbleu

30.9K 1.1K 450

Behind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise. More

1: Start
2: So Near Yet...
3: In a Very Distant Past
4: First Heartache
5: Moving Forward
6: Uncovering
7: Sad Endings + Surprising Beginning
8: Barrowed Time
9: Painful Truth
10: Two Can Play this Game
11: Present Time
12: Mood
13: The Song
14: First Signs of...
A/N
15: Trust Issues
16: Change of Heart?
17: Perturbed D
19: Fantasy
20: Unexpected Twist
21: Is It Over Now...
22: Something to Look Forward to
23: Pent-up Emotions
24: Detour
25: One Good Reason
26: DOA
27: Marry You
28: I Do
29: The Things You Do....
30: Honeymoon eh?
31: Another Ordinary Day
32: Why
33. Reunited
34: Untitled(hahaha)
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Next
Chapter 43
Chapter 44: Missing You
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47. Ang Adobo at si Alyssa
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51: Lakas Tama
Chapter 52
Chapter 53: Loving Her

18: Stuck With You

489 24 10
By alconbleu

Once naiparada na ni Dennise ang sasakyan. Wala na siyang sinayang na oras, inayos niya ang suot na hoodie, kinuha ang payong na nasa passenger seat at tumakbo palapit sa main door.

"Ly, Alyssa. Open the door." Sigaw niya habang walang patid ang pagpokpok sa kahoy na pintuan.

Makailang ulit niya iyong ginawa pero walang sumasagot, wala ring nagbukas ng pinto for her.

Sinubukan niyang pihitin ang knob pero to no avail. Tama ang sapantaha niya, sarado ang pintong iyon.

Humakbang siya at lumayo ng kaunti sa may pintuan, tiningnan niya ang harapang bahagi ng bahay. Hoping na makakita ng bukas na bintana. Pero muli siyang nabigo. Puros sarado ang mga ito.

Ilang minuto na siyang nakatayo doon ng maalalang noong huling beses na nandito siya sa likurang parte nanggaling si Alyssa, noong pauwi na sila. Sa backdoor ito dumaan!

Ang realisasyong iyon ang nagtulak sa dalaga na maglakad papuntang likurang bahagi ng bahay, at tama nga siya. May daanan doon na kumukonekta sa main house at sa dirty kitchen. Umusal siya ng panalangin bago itulak ang isang may kalakihang steel gate na siyang nagsisilbing pintuan ng dirty kitchen.

She heaved a sigh of relief ng mabuksan niya iyon. Tinupi niya payong at ipinatong sa isang trash can na nakapwesto malapit sa steel gate.

Laundry area, dirty kitchen and isang kwarto ang bumubuo sa space na iyon. Comfort room marahil iyong silid na nakita niya.

Nagpalinga linga si Den, and nakita niya rin agad ang hinahanap niya. Ang backdoor ng mismong bahay.

Lumapit siya at katulad ng sa main door pinihit niya iyon pabukas, pero same result din, sarado ito. Locked from the inside!

"Alyssa. It's me Dennise, please open up!" Kumatok at tinawag niya uli ang dalaga. Pero wala talaga. Wala siyang marinig na kahit ano mula sa loob. Walang movement or kahit anong sound indicating na someone's inaide let alone is making his way towards the door.

"Sobrang himbing naman ng tulog niya? Hindi manlang nakaramdam na may tumatawag mula sa labas? Or baka may masama ng nangyari kung sa kanya?" Masyado na siyang kinakabahan sa kung ano man ang nangyari kay Alyssa. Frustrated siya pero wala siyang magawa. She felt helpless.

Natagpuan nalang niya ang sariling nakaupo sa isang upuan na nasa tabi ng isang hindi kalakihang mesa. Nakapangalumbaba.

Nanatili siya sa ganoong pwesto ng who knows how long. Sinilip niya ang relong pambisig ang it reads twenty minutes past ten in the morning.

"Tssk. Parang walang patutunguhan ang pagpunta ko rito." Nakaramdam na siya ng pagkainip.

She stood up and was about to make her way out of that place when she heard some rumbling from the outside.

And Dennise swear natigil pansamantala ang pagtibok ng puso niya ng pumasok ang taong kanina, no scratch that. Noong isang araw pang laman ng kanyang isipan. Si Alyssa Valdez!

On instinct Dennise immediately ran towards the other lady's direction. Enveloping the said lady in an oh so very tight hug.

"Thank's God you're okay!" She whispered, still clinging on Alyssa's semi wet jacket.

Si Alyssa naman parang na-bato-balani. Hindi siya nakagalaw. Shocked was an understatement. Hindi niya inaasahang ang magandang mukha ng arkitekto ang agad na bubungad sa kanya. Kung siniswerte ka nga naman?! Isang mahigpit na yakap pa talaga ang isinalubong nito sa kanya!

"Hey my jacket's damp. Baka mabasa ka." Alyssa softly said. Nakataas ang braso nito not sure if yayakapin pabalik ang dalaga.

"Sorry for that but, I was just happy knowing that you are okay." Nahihiyang kumalas si Dennise sa pagkakayakap kay Alyssa at nahihiyang nagbaba ng tingin.

"Hhmmm. Is it true?" There's this hint of happiness in Alyssa's eyes na hindi niya kayang itago. Her hearts frantically beating and seeing Dennise's cute reaction bought warmth on her being.

"Yup. Supposedly galit ako sayo, more so, nagtatampo ako because hindi ka nagtext. It seems to me na nakalimutan mo ang sinabi ko the last time na magkasama tayo. But seeing you, and knowing that your out of harms way just bought me that much needed relief." She continued, head still hanging low.

"Sshhh. Come here. I am all good and okay. No need for you to worry na. Im sorry." Alyssa crossed that small distance between them and hugged the architect.

"Okay ka lang pala, yet hindi ka nagtext! Where were you Alyssa?" Dennise asked sa nagtatampong tinig.

Alyssa lets her go and...

"Well talk about that later my lady. But first, I need to change my clothes. It's wet and I am starting to feel cold! Pasok na muna tayo Den." Nakita niyang kinuha nito mula sa bulsa ng suot na jacket ang susi ng pintuan.

In no time nagawang mabuksan ni Alyssa ang bahay. Hinatak niya si Den papasok. They are holding each others hands. Hindi na nga binitawan ni Alyssa ang kanyang ng dalaga hanggang sa makarating silang pareho sa kanyang kwarto.

"Seat and wait for me, just gonna change my clothes." Pinaupo niya si Dennise sa kama at mabilis na hinalukay ang closet looking for fresh clothing. Basta nalang siyang dumampot ng kung ano doon and agad na tinungo ang cr.

Naiwang napapailing at napapangiti nalang si Dennise.

"I'm gone changing. Come let's went outside. Gotta cook some lunch. Tulungan mo akong magluto. Gutom na ako." Alyssa said the moment na lumabas ito ng comfort room. Inilahad niya ang kamay sa nakaupo paring si Den.

"Huh?" Tinitigan lamang ni Dennise ang nakalahad na kamay ni Alyssa.

Napataas ang kilay ni Alyssa dahil sa naging akto ng babae.

"Dali hold my hand na, magluluto pa ako. May's not coming today coz of the weather, so no one's gonna cook something for us." She flashed her signature cutie patootie smile.

"Uhm the problem's I don't know how to cook." Sabi niya upon holding the other lady's hand.

"Aww. Sad naman. Eversince ba hindi ka talaga marunong magluto?" Papasok na sila noon sa kitchen.

"May alam naman like the once for breakfast. Eggs, hotdogs, bacons, hams and stuff. Simple once lang talaga, ang mga complicated dishes nadah! Plus takot kasi akong matalsikan ng cooking oil so hindi ako madalas tumambay sa kusina. What are you cooking nga pala?" She asked ng makarating sila ng kusina. Umupo siya sa stool by the counter habang si Alyssa ay hinalungkat ng ref.

"Pork sinigang. Saktong sakto sa malamig na panahon."

"Sabi mo gutom kana? Matagal lumambot yung pork. Luto ka nalang ng iba."

"Napakuluan ko na kanina ang pork. I just need to add these ingredients." Alyssa then put all the needed ingredients on the counter top.

"Let me help you with those." Tumayo si Dennise at lumapit kay Alyssa.

Nagtulong silang dalawa, nagcut at nagbalat ng mga ingredients ang arkitekto habang nagsaing naman si Alyssa.

Hindi nagtagal luto na ang pork sinigang ala Alyssa.

"Okay lang sayo na ito lang ang ulam? May breaded pork ribs ako dyan or if you want inihaw na isda. I could cook any of those if gusto mo?" Sabi ni Alyssa habang naghahain.

"No. No, ayos na ito Ly. This is more than enough." Nakangiti niyang sabi habang nag-aayos ang kubyertos na kanilang gagamitin.

"Time na para tikman mo itong recipe ko. Let's eat Dennise!" Alyssa happily said.

Masaya nilang pinagsaluhan ang pagkaing sila mismo ang nagluto. Napuna ni Dennise na naparami ang kain ni Alyssa. Imbes na punahin, hinayaan nalang niya ito. Gutom marahil talaga ito.

Hindi narin muna siya nagtanong kung bakit hindi nito nagawang nagtext sa kanya. Now's not the time for it.

"I'm full, thank's God. Ikaw? Nabusog ka ba?" Binalingan siya ni Alyssa.

"Syempre naman, ang sarap mo pala talagang magluto. Nahiya tuloy ako." Compliment nito sa cooking skills ni Alyssa.

"Hahaha. If you're put into the position na wala ka ng maaasahan kundi sarili mo lang then gagawin mo talaga ang lahat para matuto."

Dennise nods in agreement. Marahil iyong ilang taong inilagi niya sa abroad ang tinutukoy ng dalaga.

Nag-usap pa sila ng ilan pang minuto bago uli nagtulungan para iligpit ang kanilang pinagkainan.

Nang matapos na iyong gawain sa kusina, nagtungo na ang dalawa sa sala para doon magpalipas ng oras. Naupo si Dennise sa dulong bahagi ng couch habang si Alyssa naman ay sa isang single sofa piniling pumwesto.

"Mukhang malakas na naman ang ulan sa labas. Pati iyong hangin sobrang lakas din. Nakakatakot!" Sabi ni Dennise habang pinapakiramdaman ang sitwasyon sa labas. Takot din kasi siyang magbukas ng window at sumilip.

"Mukha nga. And that was why nagulat ako when I saw you kanina." Alyssa said, smiling. She still can't believe it na nandito ngayon si Dennise.

"I braved the storm because of you! Hindi ka kasi nagtext. I was worried Alyssa! I was calling you through your phone pero hindi ka sumasagot!" Den blurted out. She felt the need na ipaalam sa babae ang nararamdaman niya.

"Sorry Den, nakalimutan ko talaga. Marami kasi kaming napag-usapan ni tito Felipe that night. Mga posibleng maging actions with regards sa pag-harvest ng mga prutas. Maraming factors na kailangang iconsider lalo na at may paparating na bagyo." Alyssa paused and looked at her.

Dennise remained mum. She needs to hear everything this lady has to say.

"Late na akong nakauwi noon. Yes, I knew about that call, pero hindi ko na maalala kung ano ang reason bat hindi ako nakapick-up. Siguro, I was still talking to tito Felipe during that time, or nagdadrive na akong pauwi. I'm sorry D." Mahina niyang sabi. In a way nahiya siya because hindi niya akalaing mag-aalala ng ganoon ang dalaga.

"Hindi natapos ang paghihintay ko na magparamdam ka. The day after that, I was hoping parin na makatanggap ng anything mula sayo. Pero natapos lang uli ang araw ni isang tawag or text wala akong natanggap." Hindi naman niya sinusumbatan si Alyssa. Gusto lang talaga niyang sabihin dito ang nararamdaman niya during those days.

"That was the day kasi ng harvest. Masyado kaming naging busy. We are basically racing against time. Walang dapat masayang na oras, isang lapse of judgment lang on my part maaaring macompromise ang buong ani. Kargo de konsensiya ko din ang mga trabahador. Thankfully wala namang masamang nangyari sa kanila and iyong mangoes enough volume lang ang nakuha namin para makabawi."

"Wala kayong tutubuin?" Hindi makalaniwalang naibulalas ng dalaga.

"Meron naman siguro pero hindi kalakihan. May mga puno pa kasing hindi namin naharvest. Hindi na kakayanin, nagsisimula na kasing lumakas ang hangin pati ang ulan. So mahirap na magrisk. Ayos lang iyon, atleast walang napahamak." Kontento narin si Alyssa sa kinalabasan ng harvest. Hindi malaki ang tubo pero atleast nakabawi sa gastos.

"Ly, bakit mas pinili mong bumalik dito? Sigurado akong maganda iyong naging trabaho mo sa abroad, so bakit pinili mong umuwi dito and gawin ito?"

Tumawa ng pahak si Alyssa before magsalita?

"Oo, tama ka maganda ang naging trabaho ko sa abroad. Kasama ko pa ang isa sa mga pinakaclose kong kaibigan. Iyong New Zealander? Si Amy/Kiwi. Sabi ko nga hindi ako ipinanganak na mayaman. Sinwerte lang talaga ako at may tumulong sakin kaya heto kahit papaano nakakaahon narin. Bakit ako umuwi? Simple lang ang sagot ko doon Dennise. Ginawa ko iyon para tumulong at mag-give back sa community na umakap sakin."

"Importante talaga para sayo ang makatulong sa iba no?"

"As much as gusto kong makatulong gusto ko rin namang maging inspirasyon sa iba. Alam mo na para naman mainspire silang iangat ang buhay nila. And needless to say mahal ko talaga ang pagsasaka. Iba ang naidudulot nitong fulfillment sa akin. Iba din sa pakiramdam na ang mga kapwa mo Pilipino or iyong mga taong malapit sayo ang siyang natutulungan mo."

"Kahit sapat lang ang kinikita mo/ninyo ayos parin ba iyon sayo?" Nais malaman ni Dennise ang sagot ni Alyssa sa tanong na iyon, kasi if truth be told nakakaangat na si Alyssa compared sa mga ordinaryong magsasaka ng hacienda Lazaro or even doon sa mga nagtatrabaho sa farm ng mga Villarama.

"Syempre nakakababa iyon ng morale pero may pagkakataon talagang wala na sa samin ang control ng mga bagay bagay. Take for example itong bagyo. Walang may gusto nito pero wala din kaming magagawa para pigilin ito. Sabay nalang sa agos. Bawi nalang sa susunod na anihan." Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga.

"Naiintindihan ko iyong punto mo. Kaya nga ako bilib sa mga magsasaka eh. Sila kasi iyong isa sa may pinakamabigat na uri ng trabaho pero isa din sa may mga..."

"Isa sa may pinakamababang kita?"

Tango lang ang isinagot ni Dennise.

"Kaya nga eh, sa abroad hindi ganoon ang sitwasyon. Well taken cared of kasi ng government ang mga farmers, even the small once, and iyong mga produce nila, has a much higher market value. Kaya nakakaluwag luwag sila. Dito satin halos magpakamatay na ang farmer sa trabaho, baon pa sa utang then iyong product halos hingin nalang from them. Ano pa ang aasahan mo sa ganoong scenario diba? Hopefully soon ma-address na iyang issue na iyan. Maski dito nalang satin." Hindi nakatakas sa paningin ni Dennise ang kakaibang kislap sa mga ni Alyssa ng sabihin ang bagay na iyon.

"What do you mean by that Ly?" Nacurios talaga siya sa kung anuman ang gustong sabihin ng huli.

"May niluluto kasi akong project na makatutulong sa mga trabahador na kumita ng malaki-laki on their own. Meaning noon, is iyong kikitain nila ay hindi na nakatali sa pangkalahatang kita ng hacienda o ng farm kung saan sila nagtatrabaho."

"Wala akong idea sa kung ano man iyang project na sinasabi mo but sana may magawa iyan to uplift the lives of those workers."

"Positive naman ako. But alam mo narin siguro na the only way para mangyari iyon is, for those people to have their own farmland. I had laid my plans to nana Martha, we talked, and she said she's all in basta sa ika-uunlad ng buhay ng mga obreros but hindi din daw dapat macompromise ang operation ng hacienda. You knew it, ang mga obreros ang nagsisilbing backbone ng hacienda, if not for them hindi ito makaka-function."

"A project which aims to give a much better income upportunity for the obreros? You talking to nana, which in turn gave a possitive response pero kailangang hindi mahamper ang operation ng hacienda? I'm guessing you talked to nana about giving a part of her hacienda to the obreros?" Dennise asked for confirmation.

"Take no offense, but they deserved that. After all the years of hard work they put in for the hacienda, I guess tama lang iyon. Sa tingin ko willing naman ibigay ng nana mo iyon." A small and hopeful smile appeared on Alyssa's lips.

"Yeah. Nasabi ni dad sakin na noon pa daw during lolo's time kinoconsider na nilang gawin iyan. Donate a parcel or so sa mga workers, but sadly due to some reasons that did not materialize. Now sana maisakatuparan na iyan." Masaya si Alyssa na marinig iyon mula sa dalaga, she never expected kasi that Dennise whould be this open with the idea of giving the obreros their own piece of land. Bahagi ng lupa na parte mismo ng sarili nilang hacienda.

"Fingers crossed Den. Kasi pag nagkasundo na ang mga taong involved dyan and when everythings done, I mean the legal aspect of it, doon palang talaga magsisimula ang project ko."

"Communication is the key. If both parties comes to an agreement then iyon na yon. Everybody happy!" Dennise exclaimed na kinatawa rin ni Alyssa.

"Pero maiba ako Den, makakauwi ka ba neto?" After ng ilang minuto tumayo si Alyssa at lumapit sa bintana. Sumilip siya doon at nanlumo siya sa kanyang nakita.

Hindi kalakasan ang hangin pero ang dilim dilim ng paligid dulot ng napakalakas na ulan.

"I don't think kaya kitang ihatid sa hacienda ngayon Den. Zero visibility sa labas. Napakalakas parin kasi talaga ng ulan. Not to mention ang possibility na maraming obstruction sa daan, brought about ng mga nagsitumbahang mga punong kahoy. Delikado masyado for us na lumabas more so, ang magmaneho papuntang hacienda." May himig pag-aalala na turan ni Alyssa habang ibinabalik sa pagkakasara ang bintana, saka naupong muli sa couch.

"Pano ngayon yan? They didn't know pa naman na nagpunta ako dito." Napangiwi nalang si Dennise.

"Ano? Hindi ka nagpaalam sa inyo?" Pagkagulat at pagkalito ang nababanaag sa mukha ni Alyssa habang nakatingin ng deretso sa dalaga.

"Uh huh." Maikling tugon naman ni Dennise.

"This is not okay D. Paniguradong nag-aalala na ang mga parents mo and ang mga tao doon."

"Sila dad and mom including Bea and the rest didn't know but iyong security guard. He knew."

Isa uling tingin na kababakasan ng pagkalito ang ibinigay ni Alyssa kay Dennise.

"SOP naman iyon doon sa mansion. Kahit ikaw alam mong kami, particularly kaming mga younger member ng pamilya, hindi kami hinahayaan ng mga security guards na makaalpas ng gate unless magsabi kami kung saan ang aming destinasyon."

"Pwede namang hindi niyo sabihin ang totoo ninyong destinasyon sa mga guards na iyon!"

"No one dares na gawin iyon Ly, kasi may way sila para iconfirm if nagsisinungaling kami or not. Either tatawag sila sa parents namin or kung ano ano pa. Sa event na palusutin nila kami then malaman nila nana. Sila din ang magsasuffer. Mawawalan sila ng trabaho. Plus sa tingin mo papayagan ako ng guard na umalis if I didn't assure him na dito talaga ang punta ko sa bahay mo?" Dennise added.

"So sinabi mo sa guard na dito ang punta mo sa bahay?" Napataas na ang kilay ni Alyssa.

"Yup, I told him na dito ako pupunta. I also told him na sabihan sila dad." Medyo kampante pang wika ni Dennise. Hindi talaga siya worried in case na hanapin siya ng daddy niya. Tiwala siyang nasabi na ng guwardiya sa kanyang ama kung saan siya naroroon sa mga oras na iyon.

"Smart girl! Pero we still need to tell them na dito ka magpapalipas ng gabi sa bahay. We need to make sure na alam nila, para hindi na sila mag-alala pa. Tatawag tayo doon sa mansion. Sana nga lang may signal pa!" Alyssa stood up with her phone on hand.

"And what makes you think na dito ako magpapalipas ng gabi sa bahay mo? Ha Valdez?!" Naghahamon ang tinig na wika ng dalaga.

"Given the situation, napakadelikado nang lumabas, so you have no other options left young lady! Tonight, you are stuck with me!"

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 151K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1.4M 123K 44
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
47.5K 928 38
Michelle and Antonia are bestfriends and they love each. But Michelle didn't want their friendship to be broken that's why she did not make a move. ...
3.5M 285K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...