Owning Her Innocence (R-18)

By RaceDarwin

64.1M 1.2M 125K

Callante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four (Part 1)
Chapter Forty Four (Part 2)
Chapter Forty Four (Part 3)
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two (Part 1)
Chapter Sixty Two (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 1)
Chapter Sixty Three (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 3)
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue

Chapter Eleven

1M 19.1K 1.6K
By RaceDarwin

  

 NAKASANAYAN na ni Kira ang gumising ng maaga. Four thirty pa lang ng umaga ay nakabangon na siya sa kama niya at malinis na ang kanyang kwarto. Kumakain muna siya ng umagahan bago lumabas ng bahay at magsimulang mag-jogging. She have a healthy lifestyle. 

 Hindi siya tulad ng ibang babae na tanghali na gumigising. Siya talaga ay gumigising ng maaga para bago mag-alas siyete ay nasa daan na siya patungo sa Shakira's. Maaga sila nagbubukas. Sa mga oras kasi na 'yon ay may pumupunta na sa kanila for breakfast. Kaya ang mga empleyado niya ay kailangan na madaling-araw pa lang ay nandoon na. Iba-ibang klaseng putahe ang sine-serve nila.

 Si Amy noon ang nagmamanage ng restaurant niya sa tuwing hindi siya nakakapunta agad. Ngayon na alam na niya ang lihim na relasyon ni Amy sa boyfriend niya, sa tingin niya ay wala na itong rason pa para magtrabaho sa kanya. Hindi na rin niya ito maituturing pa bilang isang kaibigan. Kung hindi lang siguro siya nagtanga-tangahan. Baka matagal na niyang nalaman na ang ahas ay wala sa gubat, kundi nasa tabi lang niya.

 Nang umagang iyon ay nilinis agad niya ang kuwarto niya at pagkatapos ay nagtungo sa kusina para mag-init ng tubig na pang-kape niya. Napakunot-noo siya ng marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto ng bahay niya habang naghihintay siyang kumulo ang pinaiinitan niya. Tumingin siya sa hugis bilog na orasan na nakasabit sa dingding malapit sa TV niya. The clock showed that it was five-thirty seven in the morning.

 Para malaman kung sino ang kumakatok, nagtungo siya sa pintuan at binuksan iyon. Gayon na lamang ang pagkabigla niya nang makita si Callan. Muntikan na siyang pangapusan ng hininga.

 Nakasandong itim ito na humahapit sa maskulado nitong pangangatawan at basketball shorts ang pambaba nito. Pawisan ang lalaki at parang kaybango pa rin nitong titigan. She tried not to stare at him. Itinatak niya sa isip na hindi siya dapat magpadala sa nakakaakit na pisikal nitong anyo. Pero 'tang-na lang, he could make her stare at him.

 Itinaas ni Kira ang kilay, paraan upang pagtakpan ang nararamdaman na paghanga sa lalaki.

 "Good morning, Kira." nakangiting bati nito, napakatamis ng ngiting iyon at napakahirap balewalain.

 "Anong kailangan mo?" kunwari'y iritang tanong niya.

 "Uh, puwede ba'ng makahingi ng mainit na tubig?"

Tuluyan na talagang umangat ang kilay ni Kira. Napansin niya ang mug na hawak nito. "At pumunta ka pa talaga dito para manghingi ng mainit na tubig? Hindi ba puwedeng magpakulo ka ng sa 'yo?"

 "Naubusan na ng laman ang---"

 "Ang mga palusot mo talaga." Gusto niyang isipin na pumapara-paraan lang ang lalaking ito. Pero bakit naman nito gagawin 'yon? Para namang napakaganda niyang babae. "Ang lapit-lapit ng coffee shop. Puwede ka namang pumunta doon tutal nag-jogging ka na rin naman."

 Nagkamot ito ng batok. "Gipit ako ngayon, eh. Ang mahal pa ng bilihin."

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Lokohin mo pa ako!" Mas mayaman pa sa kanya ang lalaki.

 Natawa ito. "Pasuyo naman, honey."

 "Don't call me honey. One night stand can't change that i'm still taken."

 "Taken by who? By your cheating ex-boyfriend? Ang boyfriend mo na ipinagpalit ka sa isang babae na nangyaring kaibigan mo?" nang-uuyam ang ngisi nito.

 Her jaw clenched, and she tried not to look affected by his words. "Wala kang pakialam kung isang taksil ang boyfriend ko. Baka nakakalimutan mo, isa ka ring taksil na boyfriend, di ba?"

 Napakunot-noo si Callan. "What are you talking about?"

Napangisi si Kira. "Ang bilis mo naman makalimot, Callan." Nakataas ang kilay na tinitigan niya ang mukha nito. His blue eyes looked so confused. Base sa ekspresyon ng mukha nito, malinaw na hindi nito naaalala ang pangyayaring 'yon.

 Ang pangyayari na inanyayahan siya nito na maging date sa JS prom habang may relasyon pa pala ito sa kaklase niyang si Millen. She couldn't forget that. Pagkapahiya ang naramdaman niya noon sa mga nakasaksi sa eksena na 'yon.

 "Hindi ko maalala. Care to tell me---"

 "Huwag na." Inabot niya ang mug nito. "Ikukuha na kita ng mainit na tubig. D'yan ka lang." sabi niya dito nang tangkain nitong sundan siya sa kusina. Mabilis na sinalinan niya ng kumukulong tubig ang mug nito. At nagtaka pa siya na wala pa palang kape ang mug nito na dala nito. Napakamot siya sa batok. Ayaw naman niyang maging madamot kaya pinagtimpla na lang niya ito. Matutong magbigay sa mga tagong "gipit."

 Ay, naku, naku. Ang lalaking iyon talaga. Hindi siya naniniwalang gipit ito. Sa totoo ay napakayaman ng lalaking ito. He is not just a police officer.

 Callan is also a businessman. Tumutulong ito sa upang mapalago pa ang family business ng mga ito sa San Jose, San Juan at Rosario. Nagkalat ang malalaking beach resorts ng mga ito. Bukod doon ay involved din ang mga Fontanilla sa paggawa ng masasarap na alak na idini-distribute hindi lang sa buong bansa kundi pati sa Malaysia at Thailand.

 Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos maisip na kung bakit sa dinami-dami ng kayamanan ng lalaking ito ay nananatili pa ring simple ang buhay nito. Hindi tulad ng ibang lalaki na mayaman, si Callan ay hindi mo agad na masasabi na ubod ng yaman.

 Oo, mamahalin ang kotse na nakikita niyang dala nito minsan. Pero hindi nito iyon laging ipinapagkalandakan sa mga kaibigan nito o sa ibang tao. Minsan nga lang nitong gamitin iyon. Kadalasan ay naka-motor lang ito kapag may pinupuntahan.

 And she was still wondering kung bakit naging pulis ito. Nang malaman niya na magpupulis ito, hindi lang siya ang nagulat. Pati yata ang mga kaibigan nito ay napanganga na lang ng makita na itong naka-uniform na pang-pulis. Isipin mo, ang isang bad boy at palikerong tulad ni Callan ay magpupulis? Subalit sino ba siya para husgahan si Callan. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pangarap. Nagkataon lang na 'yong pangarap ni Callan ay sabihin na natin na.. labis na kasindak-sindak.

 Napapitlag si Kira nang maramdaman niyang may tao na sa likod niya. Paglingon niya ay nakita niya si Callan na nakatayo sa likuran niya. Nahuli niya itong nakatitig sa pang-upo niya.

 "Hoy!"

Parang natauhan na nag-angat ito ng mukha. "Bakit?"

 "Anong bakit? Kung saan-saan ka tumitingin na manyak ka. Di ba, sabi ko maghintay ka sa labas?"

 "Naiinip akong maghintay. At saka, wala naman akong gagawing masama sa 'yo." Sumilay ang pilyong ngisi sa labi nito.

 Inirapan niya ang binata at inabot dito ang coffee mug. "Ayan, pinagtimpla na din kita ng kape. Baka sabihin mo napakadamot kong kapitbahay." "Nah. Alam ko naman na mapagbigay kang kapitbahay." binigyang diin pa nito ang salitang mapagbigay, at saka hinipan ang mainit na kape. She gritted her teeth. Kahit hindi nito diretsong sabihin, alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Humugot siya ng malalim na hininga.

 "Okay. Callan, puwede bang humingi ako sa 'yo ng pabor?" she smiled at him, parang nakikipag-kaibigan.

Nag-angat ito ng mukha. "Ano 'yon?"

 "Puwede bang kalimutan na lang natin 'yong nangyari? Alam mo na. Pareho naman siguro natin na hindi ginusto 'yon. Lasing ako noon at wala akong kontrol sa ginagawa ko. And maybe, nawalan ka rin ng kontrol sa sarili mo. Pareho lang tayo na may kasalanan at mas makakabuti kung ibaon na lang natin sa limot 'yon. Puwede ba?"

 Mahinahon ang boses ni Kira habang sinasabi iyon. She use good words for him to understand her. She wants peace with him. Kasalanan rin siguro niya kung bakit may nangyari sa kanila. Kung hindi ba naman siya isa't kalahating gaga na nagpalunod-lunod pa sa alak.

 Ngunit hindi niya alam kung ano pa ang mali sa sinabi niya. Nakita niya ang unti-unting pagdilim ng anyo ng binata. His blue eyes looked so murderous again. Parang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

 Kumatok ang kaba sa dibdib niya, napalunok siya. "B-Bakit ganyan ka makatingin? M-May sinabi ba akong masama?"

 Hindi inaalis ang tingin sa kanya na ibinaba ni Callan ang mug sa kalapit na mesa at humakbang palapit sa kanya. Bago pa niya magawang makaurong, nahapit na nito ang beywang niya at mariing idinikit sa katawan nito.

 Napasinghap si Kira. "C-Callan.." Lapit na lapit ang mukha nito sa mukha niya at kulang na lang ay maglapat ang labi nito. Dumagundong ang dibdib niya sa kaba. Hindi siya sanay na ganito ang lalaki. He acted like he was being cheated by his girlfriend. Nagliliyab sa galit ang kulay asul na mga mata nito. Nanginginig na ang tuhod niya sa inaakto nito. "Callan, bitawan mo ako. Ano ba'ng sinabi kong masama?" Nakikiusap ang tinig niya. Hindi niya alam kung bakit tila umurong ang pagtataray niya na laging ipinapakita sa lalaki.

 "Lahat."

 "A-Anong lahat?"

 "Lahat ng sinabi mo. I don't like what you said. At ngayon pa lang di na ako pumapayag na kalimutan 'yon. Handa kitang panagutan."

 "A-ano? Pero bakit? Callan, hindi mo kailangan na panagutan ako! What we did was really a mistake!"

 "Ano ba ang mali sa ginawa natin, Kira? Walang mali sa ginawa natin. Hindi ako naniniwala na hindi mo nagustuhan 'yon. Malinaw sa alaala ko ang pagtugon mo sa mga halik ko. It was clear to me that you enjoyed every moment of what we did. You don't have to deny it to me. Ano ba ang ikinakatakot mo pa? Wala na naman kayo ng nobyo mong taksil."

 "Wag mong sabihin 'yan!"

 Nang-uuyam na ngumiti si Callan sa kanya habang ang mga kamay nito ay hawak ang magkabilang braso niya. "Hindi mo pa rin ba nakukuha, Kira? Your boyfriend doesn't want you anymore. Ang lalaking lagi mong ipinagmamalaki mo sa akin bilang matinong nobyo ay nanakaw na sa 'yo ng kaibigan mo. At nakakasigurado ako na mas may tsansa pa na maiharap agad ng dati mong nobyo ang kaibigan mo sa altar kesa sa 'yo."

 "P utangina mo!" hindi na ni Kira napigilan ang pag-alpas ng malutong na mura sa bibig niya.

The sensual smile on his face mocked her. "Why, honey? Masakit ba na marinig ang katotohanan?"

 Namasa ang mata niya sa luha. "Ano ba ang kailangan mo sa 'kin, huh? Bakit kailangan mo pa'ng sabihin ang mga 'yan?"

 "Ayaw mo ba'ng marinig ang katotohanan mula sa akin? It's your fault, Kira. Masyado kang naniwala sa lalaking 'yan. See? Nasaktan ka ngayon."

 Tuluyan ng bumagsak ang luha sa pisngi niya. "Kailangan mo pa bang ulitin 'yan, Callan? Kailangan mo pa ba na ipamukha sa akin na naging tanga ako?" Sinuntok niya ito sa dibdib. "Akala mo ba hindi masakit, ha? Ikaw kaya ang lumagay sa puwesto ko! Ikaw ba, anong mararamdaman mo kapag nalaman mong nagloloko ang taong inisip mong makakasama mo na habambuhay?"

 Tinitigan lamang siya ng lalaki. Pagak na tumawa si Kira. "Bakit nga pala ikaw ang tinatanong ko niyan? Syempre, hindi mo alam. Manloloko ka rin, eh. Mas hindi ka dapat pagkatiwalaaan. Dahil ikaw ang lalaking walang paki sa nararamdaman ng isang babae. Wala kang pakialam kahit nasasaktan na siya!"

 Napabitaw sa kanya ang lalaki. "H-hindi totoo 'yan."

 "Talaga lang? Huwag mo ako linlangin, Callan. Ikaw ang tipo ng lalaki na walang malasakit sa kapwa! You don't even care about my feelings!"

 Napatiim-bagang ang binata. And there was a hint of pain in his eyes. "Okay. Paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan. But i just want to say that i care.. Y-You just don't care to notice."

 MAY ILANG minuto na mula ng umalis sa harapan ni Kira si Callan. Ngunit nandoon pa siya siya sa kinatatayuan niya kanina, nakatulala sa kawalan. Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa kanyang isipan ang sinabi ni Callan.

 "But i just want to say that i care.. Y-You just don't care to notice."

 Oh, God. Ikinulong niya sa palad ang mukha at naguguluhan na umupo. Hindi lang ang sinabi ni Callan ang laman ng isip niya, kundi pati na rin ang sakit na bumalatay sa mukha nito sa masasakit na sinabi niya. Bakit ito masasaktan? Alam niya na wala naman talagang pakialam si Callan sa kanya. He was a selfish man. Sinasamantala nito ang pagtataksil ng boyfriend niya para maakit siya nito at muling madala sa kama.

 Humugot siya ng mahaba at malalim na hininga. She better stop thinking about Callan. Walang maitutulong sa kanya ang pag-iisip tungkol sa lalaki. One night stand is just one night stand. Walang ibang kahulugan iyon. Ipinaalala niya sa sarili na mas may mahalaga pa siyang bagay na dapat harapin.

Continue Reading

You'll Also Like

774K 37.8K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
801K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
606K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...