Masked, Unmasked

By alconbleu

30.7K 1.1K 450

Behind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise. More

1: Start
2: So Near Yet...
3: In a Very Distant Past
4: First Heartache
5: Moving Forward
6: Uncovering
7: Sad Endings + Surprising Beginning
8: Barrowed Time
9: Painful Truth
11: Present Time
12: Mood
13: The Song
14: First Signs of...
A/N
15: Trust Issues
16: Change of Heart?
17: Perturbed D
18: Stuck With You
19: Fantasy
20: Unexpected Twist
21: Is It Over Now...
22: Something to Look Forward to
23: Pent-up Emotions
24: Detour
25: One Good Reason
26: DOA
27: Marry You
28: I Do
29: The Things You Do....
30: Honeymoon eh?
31: Another Ordinary Day
32: Why
33. Reunited
34: Untitled(hahaha)
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Next
Chapter 43
Chapter 44: Missing You
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47. Ang Adobo at si Alyssa
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51: Lakas Tama
Chapter 52
Chapter 53: Loving Her

10: Two Can Play this Game

422 19 5
By alconbleu

Flashback within a flashback.

"You were saying na kambal sina Alyja at Alyssa Valdez?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dennise sa kasintahan ng pinsang si Jia.

After kasing mahimasmasan ni Dennise nakiusap siya kay Jia na kung maari ay papuntahin niya sa mansion si Miguel. Gusto talaga kasi niya itong makausap. Agad namang tinawagan ni Jia ang kasintahan, and good thing pumayag at dumating din ito agad.

Kaya ito silang tatlo, nasa balkonahe ng kwarto ni Dennise at masinsinang nag-uusap.

"Kambal silang dalawa ate. At one point naging magkaklase kaming tatlo during elementary but sakitin kasi si Alyja, patigil tigil siya sa pag-aaral kaya napag-iwanan namin siya ni Alyssa." Paliwanag ni Miguel.

"What? Napag-iwanan? But she told me nag-aaral parin siya? Never niya rin nabanggit na may sakit siya." Marahas ang ginawang pagharap ni Dennise sa pinsan. Nakakagulat kasi ang sinabi nito.

"Nasabi niya ba sayo kung anong grade or school level na siya noong mga time na iyon ate?" Si Jia.

"I had no idea. Never ko natanong sa kanya ang bagay na iyon. Basta ang sabi niya lang nag-aaral siya. Ano bang sakit niya Miguel?"

"Heart disease ate Den, and she died when she was fifteen!" Paglalahad ni Miguel.

Parang bomba iyong sumabog sa pandinig ni Dennise! Napatingin siya bigla kay Miguel punong puno na pagkalito ang mga mata.

"Tama ang narinig mo ate, Alyja Valdez died a long time ago!" Agad na lumapit si Jia kay Dennise para icomfort ito.

"She's dead and wala manlang akong kaalam alam doon?!" Puno ng sarkasmo na turan ni Dennise. Napapailing nalang talaga siya sa mga natuklasan.

Kung tutuusin sobrang tagal na mula ng mangyari iyon pero ang isiping tinago ito sa kanya ng dating kasintahan ay nagdulot ng iba't ibang uri ng emosyon kay Dennise. Galit, panghihinayang at awa para sa dating kasintahan.

Gusto niyang bigyan ng benefit of the doubt si Alyja, baka may valid reason ito sa nagawang paglilihim. Pero wala naring point para mag-dwell pa siya sa isyong iyon. Matagal narin kasing patay si Alyja so papano pa niya itatanong dito ang rason kung bakit siya nito pinaglihiman?

That left Dennise thinking. And naisip niya na ang pinakamainam niyang gawin ay ang alamin kung sino itong Alyssa Valdez na ito! Ang Alyssa Valdez na nanloko sa kanya!

"Miguel pwede mo bang sabihin sa akin ang mga nalalaman mo about Alyssa Valdez?" May katigasan na turan ni Den sa lalaki.

"Alyssa and I became classmates in highschool, she's smart and has this charm and also she's a born leader. Kaya hindi nakapagtataka that she graduated with highest honors. After highschool wala na akong balita sa kanya or even kay Alyja, magkaiba na kasi ang school na pinasukan namin noong college."

"So how come na alam mo ang naging relasyon ko sa taong iyon?" Tanong uli ni Den. Gusto gusto niya talagang makakuha ng kahit anong impormasyon patungkol sa babeng nanloko sa kanya.

"Ate Den, wala pong kasalanan si Miguel. Ako po kasi ang nagsabi sa kanya ng tungkol sa inyo ni Alyja." Pag-abswelto ni Jia sa kasintahan.

Tiningnan ni Miguel ang kasintahan. Parang sinasabi nito na kaya niyang ipaliwanag ang lahat kay Dennise.

"Kahit matagal na kaming magkasintahan ni Jia never niyang sinabi or nabanggit sa akin na nagkaroon ka ng relasyon sa isa sa Valdez twins. As a matter of fact three days ago ko lang nalaman iyon ate Den. Nasa labas kami that time, it so happened na nakakita ako ng isang classmate from highschool. We chatted and namention nga ng taong iyon that Alyssa's due to recieve an award." Paliwanag ni Miguel, magsasalita pa sana itong muli pero naunahan na siya ni Jia.

"Miguel's classmate joined us ate, kaya narinig ko ang usapan nilang dalawa, and noong makaalis na iyong classmate niya, I told Miguel na may kakilala pala siyang Valdez. Sabi niya oo, twins pa nga daw iyon sina Alyja at Alyssa Valdez nga daw. Nagulat ako pagkarinig ko noon at napansin iyon ni Miguel so wala akong natirang choice kundi sabihin na nagkaroon ka ng relasyon kay Alyja Valdez." Tiningnan ni Jia ang pinsan at huling huli niya kung paano gumuhit ang galit sa maamo nitong mukha.

"So tama ako sa sinabi ko kaninang impostor iyong babae sa news article?" Nang makita at mabasa kasi niya ang news article na iyon, una talagang pumasok sa isip niya na impostor at naloko siya ng 'dating kasintahan'. Nang Alyssa Vadez na iyon! Kung iyon nga ang totoo nitong pangalan.

"Isa lang ang sigurado dito ate Den at iyon ay ang pagpapanggap ni Alyssa bilang si Alyja. Pero bakit niya kaya ginawa iyon?" Takang tanong ni Jia.

"Regardless sa kung anumang reason meron siya, hindi niyon mababago ang katotohanang ginago niya ako! Niloko niya ako at pinaniwala na siya ang unang taong minahal ko. Kahit ilang taon na buhat ng mangyayari iyon, hinding hindi ko iyon makakalimutan! Kinamumuhian ko siya kinamumuhian ko si Alyssa Valdez!"

Ang panglolokong iyon ang naging mitsa para kamuhian ni Dennise Lazaro si Alyssa Valdez. Hiniling nalang niya na sana ay huwag nang mag-krus muli ang kanilang mga landas.

Pero mapaglaro talaga ang tadhana. Twenty-seven na noon si Den and twenty six na si Alyssa. Pitong-taon mula ng magkahiwalay sila, ng sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita silang muli.

Nasa Negros noon si Dennise para umattend ng birthday party ng kanyang tita Juliana. Hindi katulad ng mga previous birthday parties nito na magarbo at maraming mga bisita ngayong taon simple lang at intimate ang okasyong ito. Mangilan ngilang closed friends lang ng mag-asawang Rafael Lacson and Juliana Lazaro Lacson ang imbitado, at isa na nga dito si Felipe Villarama na kasama ang recognized Agriculturist at anak anakang si Alyssa Valdez.

Nang makita ni Jia si Alyssa ay agad nitong tinawag ang pinsan at pinaalam dito na nandoon nga ito para sa party ng kanyang mama.

Nagulat si Dennise nang malaman ang presensiya ni Alyssa at ni ginoong Villarama sa salo-salong iyon. Hindi niya kasi alam na magkakilala or magkaibigan ang kanyang tito at tita at ang nagmamay-ari ng katabing lupain ng hacienda Lazaro.

Nakabihis na siya at lahat pero hindi na muna siya bumaba sa hardin para makihalubilo sa iilang bisita, sa halip tinungo niya ang kwarto ng kanyang nana Martha at tinanaw ang pagdiriwang mula sa balkonahe nito.

Wala kasi sa mansion ng mga panahong iyon ang kanyang nana. Ito ay nasa kanilang bahay sa Manila. Iyon nga rin ang dahilan kung bakit silang dalawa lamang ni Beatriz at ang kaibigang si Fille ang naroroon para sa birthday ng kanyang tita. Nagpaiwan nalang ang kanyang mga magulang para may kasama ang kanyang nana Martha.

Habang pinagmamasdan niya ng lihim ang bawat galaw ni Valdez ay nakarinig si Dennise ng pagbukas at pagsara ng pinto. Pumasok si Fille at lumapit sa kanya. Pinasadahan din nito ng tingin ang mga taong naroroon sa baba.

"Jia told me na nandito ka. Looks like may lihim kang tinitingnan diyan sa mga bisita ng tita mo ah? Sino ba yang tinitingnan mo?" Sabi ni Fille ng makalapit na ito sa barandilya.

"Look at the person on your three o'clock." Simpleng turan ng arkitekto sa kaibigan.

"My god! Siya na ba iyan Dennise?!" Hindi makapaniwala na bulalas ni Fille habang sinisipat ng tingin ang taong tinutukoy ni Dennise.

"The one and only." Dennise said and an evil smile suddenly appeared on her lips.

"Wow! Look at her. She's hot and the years were clearly good at her. She matured yes, but in a great way. Mas lalong nakadagdag sa appeal niya. Nagkita na ba kayo? Kakilala ba siya ng tito or ng tita mo?"

"That I don't know. But I heard kanina she's with the owner ng kabilang farm. Kilala naman nila tito at tita ang may-ari ng kabilang lupain but wala akong idea kung kilala nila si Valdez." Dennise replied, eyes still focused on the lady.

"So, what now my friend? Parang pinagtatagpo talaga kayo ah? So what't your plan?" Nakataas ang kilay na tiningnan ni Fille ang kaibigan. Nasisense kasi niyang may binabalak itong gawin.

"Plan? Nothing in particular ate Fille." Sabi niya habang hindi mawalawala ang pilyang ngiti sa kanyang mga labi.

"Whatever is it Dennise, be sure na hindi iyan magbackfire sayo ha?" Puno ng pag-aalalang paalala ni Fille sa taong kapatid narin kung kaniyang ituring.

"Makakaasa ka ate Fille. Hahaha. Let's go na nga let's start the party!" Kinindatan pa ni Dennise ang kaibigan bago hawakan ito sa kamay at hatakin palabas ng kwartong iyon.

Sa isang parte naman ng hardin ay nag-uusap at pinagmamasdan ng magpipinsang Bea at Jia kasama si Miguel ang bisitang si Alyssa Valdez.

"So iyan na pala siya? She changed alot since the last time I saw her ate Ji." Mahinang bulong ni Bea sa pinsan.

"Me too, hindi ko na nga siya nakilala kanina when I first saw her. Good thing hindi niya rin ako nakita." Miguel laughed abit. Hindi pa din kasi sila nagkakaharap ni Alyssa. Nakita niya lang ito kanina habang papasok siya.

"Hindi ko na nga matandaan ang hitsura niyan from the last time. But, based on her picture on that news article na pinakita ng kuya Miguel mo last year, malaki na nga ang pinagbago niya. Kung titingnan kasi hindi na siya iyong mahiyain na dalagita dati na pinakilala ni Dennise as "her friend"." Puna ni Jia sa appearance ni Alyssa Valdez. Ibang iba na kasi talaga itong gumalaw at ang paraan ng pagdala nito sa sarili ay kapansin pansin narin. Confident pero hindi to the point na mayabang or mahangin tingnan.

"I'm just curious hanggang ngayon ba wala paring alam iyong family niyo meaning your nana, tito and tita or even your dad and mom about sa sexual preference ng ate Dennise mo Bea? O maski iyong naging relationship niya sa kapwa niya babae?" Naitanong ni Miguel.

"Nope kuya Migs! Walang ibang may alam noon sa family. Except us, it was only ate Ella and ate Fille who knew about ate Den's secret." Si Bea habang umiinom sa kopitang hawak.

"Speaking of, Bei, nandito na ang ate mo and si Fille." Sabi agad ni Jia ng mamataan ang pinsan na palabas nang main door at naglalakad na papunta sa lawn.

"Shit! She better behave!" Naibulalas ni Bea while looking at her older sister walking oh so regal yet so sexy with her tight black dress. Tinutumbok kasi nito ang direksiyon ng kanyang tito at tita. Napuna din nilang humiwalay dito si Fille at kasalukuyan ng papalapit sa kanilang grupo.

"Hindi naman gagawa ng ikakasira niya o ng pamilya si ate Den. Let's just wait and see kung ano ang mangyayari sa party nato." Iyon nalang ang nasabi ni Jia habang tinitingnan kung paano nilapitan ni Dennise ang tiyahing si Juliana at iniabot dito ang isang may kaliitang box. Regalo niya marahil iyon sa tiyahin.

Nakita rin ng grupo kung paano umusal ng pasasalamat saka hinapit at niyakap ni Juliana ang pinakamatandang pamangkin.

Nag-akapan sila ng mga ilang minuto, at kitang kita nila kung paano lalong umaliwalas ang dati ng magandang mukha ni Architect Dennise Michelle Lazaro ng pagkabitaw nito mula sa pagkakayakap sa tiyahin, ay mukha kaagad ng nag-iisang Alyssa Valdez ang una niyang nasilayan!

Alyssa and Felipe Villarama were talking with Mr. and Mrs. Lacson when a beautiful and sexy lady approached Juliana and handed her a small box.

Hindi naaninag ni Alyssa ang hitsura ng babae pero hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang kinabahan. Aminin man niya or hindi kanina pa siyang kabado. Nagulat nga siya kung bakit patuloy parin siyang nilalamig kahit na nakasuot na siya ng isang black coat at pale blue button down shirt.

Pakiramdam niya basa na ang kamay niya dahil sa tensiyong nadarama. Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung bakit siya nagkakaganon! Nasa baluarte siya ng mga Lazaro at hindi maikakailang maaari silang magkita ng taong ilang taon na rin mula ng huling beses niyang nakita, at siya ring rason kung bakit gusto nalang niyang iwan si Felipe Villarama at tumakbo pauwi. Iyon ay si Dennise Lazaro. Ang babaeng ilang taon niyang niloko.

Hindi pa nakakalapit ang babae ay minabuti muna ni Alyssa na tumalikod at tumayo ng ilang hakbang mula sa mag-asawang Lacson.

Pero ng nagyayakapan na ang dalawang babae hindi na niya napigil ang sariling lumapit muli sa mga ito at hindi sinasadyang tumapat pa talaga siya sa gawi ng babaeng kayakap ni Juliana Lacson.

At iyon nga! Nang bumitaw na sa pagkakayakap ang dalawa at umangat ang mukha ng dalaga, bahagya namang napaawang ang bibig ni Alyssa.

Derektang nakatayo kalakip ang isang napakagandang ngiting nakapirme sa sariling labi, at mga tinging nang-aarok. Humarap sa kanya si Dennise Lazaro!

Naestatwa si Alyssa. Alam at inaasahan na niya ang posibilidad ng pagkikita nilang muli pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagbabago sa hitsura ng dalaga.

Mas gumanda kasi ito, ang buhok ay ilang inches na mas mahaba kesa dati, at mas naging prominent nadin ang facial features nito.

At nakangiti ito sa kanya! Mga ngiti na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ni Alyssa! Masaya nga ba talaga itong makita siya?

"Uhm. Felipe this is my niece Architect Dennise Lazaro. Dennise, hija meet Mr. Felipe Villarama, he owns the farm next to our hacienda." Pagpapakilala agad ni Rafael kay Den at sa bisitang si Mr. Villarama.

"It's my plesure meeting you hija." Lumapit ang matanda at hinalikan sa pisngi si Dennise.

"Salamat po pero ang karangalan po ay nasa sa akin. Lalong lalo na po at kilala niyo po pala si Alyssa Valdez!" Kung may sarkasmo man sa tono ng pananalita noon ni Dennise, ay hindi iyon napansin ng kanyang mga kasama.

Lalo namang natulala si Alyssa sa narinig.

"Shit! Ito na nga bang sinasabi ko! Alam na niya ang totoo! Pero kumalma ka Alyssa! Kalma lang!" Pagkausap niya sa sarili. Ilang beses din siyang lumunok para kuhanin ang bara sa lalamunan.

"Oh, kakilala mo pala siya hija?" Takang tanong ni Juliana sa pamangking nakatayo parin paharap kay Alyssa.

"Sino ba ang hindi nakakakila sa kanya tita?" Isa pa uling evil smile ang pinakawalan ng dalaga. Napatingin naman sa baba si Alyssa dahil doon.

Lumunok uli si Alyssa at pinakalma ang sarili bago tinaas muli ang paningin derekta sa mukha ng dalaga.

"Alyssa Valdez here! Great meeting you Dennise!" Pormal na sabi ni Alyssa habang inilalahad ang sariling palad para makipagkamay sa dalaga.

Pero nagulat siya ng sa halip na tanggapin nito ang kanyang kamay ay hinapit siya nito para yakapin.

Narinig pa ni Dennise ang pagsinghap ang grupo nila Jia na nakatayo sa hindi kalayuan. Kasama narin ng mga ito ang kaibigan niyang si Fille. Pero hindi na iyon pinagtuunan pa ng pansin ni Dennise.

Naramdaman niya kasing nanigas at nanlamig sa bisig niya si Alyssa!

"Wasn't expecting on seeing you here tonight." Pilyang bulong pa nito sa taenga ng dalaga.

Mariin namang naipikit ni Alyssa ang kanyang mga mata ng maramdaman ang mainit na hininga ng dating kasintahan sa kanyang taeng. Lahat yata ng balahibo niya sa katawan nagsitayuan na! Lol.

"Dennise, hija ikaw na ang bahala diyan kay Alyssa ha? Mag-uusap lang kami nitong tito Felipe niya!" Pahayag ni Rafael sa pamangkin. Ewan ba kung napansin nito ang mga naging pagkilos ng pamangkin.

"Sige po tito. Ako na po ang bahala sa bisita niyong ito." Magiliw na sabi pa niya.

"Alyssa, maiwan na muna kita rito. Kilalanin mo na muna iyang dalaga nila." Magiliw na wika ni Felipe kay Alyssa.

"Opo señior." Iyon lang ang nasabi at natawa nalang si Alyssa.

Matagal ng wala ang tita at tito ni Dennise pati narin si señior Felipe pero si Alyssa ay hindi parin makapaniwalang kaharap na niyang muli ang dalaga.

Nakaupo na silang dalawa sa isang mesa na nasa isang sulok ng hardin. Medyo malayo sa nakararami at medyo may kadiliman. Hindi na kasi masyadong abot ng ilaw ang bahaging iyon ng hardin.

"Sor..."

"Don't mention it! So, is it Alyssa or what?" Pagputol ni Den sa iba pa niyang sasabihin sabay tingin bato ng isang mapanuring tingin.

"Alyssa." Tipid na turan naman ni Alyssa.

"Alyssa! Okay Alyssa is it. As I was saying huwag ka ng mag-abalang mag-sorry. Kung ano man ang reason mo as to why you did that to me, itago mo nalang, hindi nako interesadong marinig iyon. Isa pa masyado ng matagal since that thing happened. I was young, naive and vulnerable that time, so madali lang talaga akong mapapaniwala. Plus you are a good actor and a great liar!" Tumawa pa ito ng nakakaloko after niyang sabihin iyon.

"Kaya nga nandito a...."

"Sshhhhh. Sabi ko huwag ka ng magsalita or nagpaliwanag. Let's put everything behind and start anew." Ngumiti uli si Dennise kay Alyssa.

Sa uri ng ngiti at mga tinging ibinigay ni Dennise kay Alyssa, hindi na masigurado ng huli kung totoo ba iyon or ano. Hindi niya alam ang gagawin. Pabor kasi sa kanya ang gustong mangyari ni Dennise. Hindi kaila na sa loob ng ilang taon naging emotinal baggage kay Alyssa ang ginawa niyang panloloko kay Dennise. Hindi kasi niya alam kung ano ba ang gagawin at sasabihin incase na magkita silang muli!

Alas! Ito na nga, at ibang-iba ang nangyari sa kanyang inaasahan! Mukhang napatawad na siya nito at ito pa nga ang nagsabing kalimutan nalang nila ang nangyari sa nakaraan.

"Friends?" Inilahad pa ni Dennise ang kamay kay Alyssa.

Ilang beses na napakurap si Alyssa habang nakatingin sa kamay ni Dennise. Nagdadalawang isip kasi talaha siya.

"May mali eh? Bakit ganon nalang kadali sa kanyang patawarin ako?" Tanong niya sa kanyang isip.

"Ganoon kadali kasi nga diba sabi niya matagal na iyon at mga bata pa talaga kayo that time. So why dwell on the past kung pwede naman kayong magsimulang muli?" Sagot naman ng kabilang bahagi ng kanyang isip.

"Friends." Sinsero niyang bulong at tinanggap ang pakikipagkamay ni Dennise. Alanganin pa siyang ngumiti sa babae habang hawak ito sa kamay.

Isang maluwag na ngiti naman ang naging tugon ni Dennise doon.
++++++++++
True to what they had agreed on, never na muli napag-usapan nila Alyssa and Dennise ang mga nangyari sa nakaraan. Hindi nadin nila nasabi sa pamilya ni Dennise na at one point naging magkarelasyon silang dalawa.

Naging malapit silang muli pagkatapos ng pagkikitang iyon. Naging open knowledge narin sa mga tao sa hacienda at sa mga nakakakilala na Alyssa's into girls. Kaya naging tampulan ng tukso ang dalawa. Sa tuwing nandoon kasi sa Negros ang dalagang Lazaro ay halos hindi na sila naghihiwalay ni Alyssa.

Masayang masaya si Alyssa dahil doon. Masayang masaya siya sa atensiyong binibigay ni Dennise sa kanya. Ramdam niyang napamahal na muli sa kanya ang dalaga. Well, hindi naman nawala or nagbago ang nararamdaman niya para sa babae. Mahal niya ito noon, at mas mahal na niya ito ngayon. Nakaramdam nga ng takot si Alyssa sa intensidad ng pagmamahal na nararamdaman niya pero kung palagi nalang siyang matatakot walang mangyayari sa kanya.

Magtatapat na siya dito. Maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa!

Iyon ang akala ni Alyssa!

++++++++++

A/N:

Current timeline napo ang kasunod nito! Hahaha.

Brace yourself on a roller coaster ride of emotions!

Thank you and keep safe everyone!

alconbleu(11/16/2021)

Continue Reading

You'll Also Like

817K 62.5K 36
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
26.4K 572 34
A scenario came inside my mind and it encourage me to make this story. I wrote this out of boredom and also to somehow express my delusions over the...
5.5K 228 12
Regina Vanguardia, the most beautiful girl in the highschool she is in, she's dated a lot of girls and boys but always breaks up with them for the sa...
1.1M 29.1K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...