Ghost Detective! (COMPLETED)

By MCMendoza21

573K 17K 570

Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng... More

SEASON I:: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note and Trailer for Season II
Ghost Detective: Mysteries. Secrets.
SEASON II:: Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 [Part 1]
Chapter 25 [Part 2]
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 [Part 1]
Chapter 35 [Part 2]
Chapter 36 [Part 1]
Chapter 37 [Part 2]
What I want to say! [Author's say]
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Part 1]
Chapter 41 [Part 2]
AUTHOR's NOTE
SEASON III:: Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [Part 1]
Chapter 46 [Part 2]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 [Part 1]
Chapter 54 [Part 2]
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57 [Part 1]
Chapter 58 [Part 2]
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 [Part 1]
Chapter 62 [Part 2]
Chapter 63 [Part 3]
Chapter 64 [Part 4]
Chapter 65 [Last Part]
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part 1)
Chapter 71 (Before what happened:1)
Chapter 72: (Before what happened:2)
Chapter 73 (Part 2)
Chapter 74: Pagtatapos (Part 1)
Chapter 75: Pagtatapos (Part 2)
Chapter 76: Pagtatapos (Last part)
EPILOGUE - Part 1
EPILOGUE - Part 2
EPILOGUE - Part 3
EPILOGUE - Last Part
LAST AUTHOR's NOTE
REMINDER

Chapter 18

9.3K 314 10
By MCMendoza21

A/n : Thanks sa pag-vote tsaka sa pagbabasa nang story kong ito, ah? Thanks, really. It really give us motivation. :)

****
Pacific Scott Academy..

"Girl, sige na naman. Pagbigyan mo na 'ko.. hihingin ko lang naman eh."

Kanina pa ako kinukulit nitong si Strawberry or Berry for short, at sa totoo lang naririndi na ako sa kanya. I know that I might sound rude kasi one week pa lang mula ng makilala ko silang dalawa ni Milka-- Kamil pala.. ayaw niya kasi ng milka kasi parang pambata daw.

Anyway, yun nga.. hindi ko naman din siya maitaboy kasi baka masamain ako. You know.. the way I talk and act, minsan reckless at stobborn ako. Alam niyo na yun di ba? Pero kasi eh.. >.<

"Kayla, please naman.. I'm sure naman may number ka ni papable mr. Jerry di ba? Impossibleng wala kasi driver mo siya. Sige na naman.. Pleaseeee--Aray! Sino--tss.." Napatingin siya sa likuran niya pati ako at nakita ko si Mami na ngumiti sa akin tapos nung paharap na kay Berry, inirapan niya lang ito.

Yan ang matagal na niyang kinukulit sa akin. Yung number ni mr. Jerry. I didn't understand at first, kung bakit, pero buti naman at sinabi sa akin ni milk--kamil pala, na may tama daw ang cousin niya sa driver ko.. pero hindi ko pa rin ma-gets kung anong nagustuhan niya sa mas matanda sa kanya.

Siya ba yung tipo ng babae na may 'thing' sa mga older guys? I think so.

Maya-maya narinig na naming nagring yung bell, hudyat na magsisimula na ang klase. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin pero nasa classroom ko sila ngayon. Dumadayo dahil lang sa number na yan. Siyempre dahil alam ko naman yung salitang 'privacy' at 'respect' kaya magpapaalam muna ako sa pinaghihingan ng number.. Kay mr. Jerry.

"Tsk! Magkikita tayo mamaya, K. Hindi ako susuko hangga't di ko nakukuha yun! Bye-bye!" -Berry

Tapos nauna na siyang lumabas. Nilapitan naman ako ni kamil at Mami. They gave me smile kaya ako rin ngumiti. "Spoiled-brat yun eh, sensya na." Walang emosyon sabi ni kamil.

"O-okay lang naman.." Kahit hindi. -_-

"Anong okay? Kitang-kita naman sa hitsura mo kanina na naaasar ka na sa babaeng yun eh. Don't cha worry, yow beybeh will save yah!" Si Mami yan. At buti na-gets ko yung sinabi niya sa huli. Ngumiti nalang ako.

Pagtapos din nun ay nagpaalam na sila at baka dumating na daw ang prof nila. Terror daw yun eh. Sakto din pagkalabas nila ay dumating ang unang teacher namin kaya nanahimik na rin lahat at nag-start na ang klase.

After 4 subjects, lunch break na rin namin. Buti naman dahil tinatamaan ako nang antok kanina while the last two teachers were discussing. Pantulog yung boses nila eh. Good thing na nililibang ako ni Leira, may kinukwento siya sa akin na napanuod niya daw sa TV kagabi habang kumakain ako. Yung mga pick-up lines ba yon.

Then there's Rodney, at ang walangya.. hinihipan niya yung sa tenga ko, siyempre nakikiliti ako pero hindi ko nalang pinahahalata. Tapos hindi lang yun.

He's holding my hand under our desk. Hindi ako makapag-concentrate talaga, buti nga hindi kami nahahalata ng teacher dahil tinakpan ko ng libro yung mukha ko. Kunwari nagbabasa.

Inaayos ko muna yung mga gamit ko kaya ako nalang mag-isa...? No, kasama ko itong walangya at tinitignan niya ako.

"Stop staring." Walang emosyon kong sabi. Pero nag-smirk lang siya sa akin.

"Paano kung ayoko?"

"Dudukutin ko mata mo." Then I gave him my evil smile. Pero hindi naman tumalab. Inirapan ko nalang siya. I heard him laughed. Tsk! Inuubos niya talaga pasensya ko.

pero hanggang saan nga ba ang pasensya ko? Parang pagdating kasi sa kanya parang nagiging unlimited. Tss.. must be my imagination.

"Ang kulet kulet ni kuya Rodney.. Hihi~" that's leira. Seriously? Mukhang kinikilig pa siya jan na parang hindi mapakali. Pag-untugin ko kaya sila?

"Uy wag naman, Kayla! Pero sabagay.. di naman ako masasaktan. Ghost ata 'to!" Sabi niya na may parang tono ng 'atapang atao'. Yung sa old movies ni rene requestas? Remember him? Well, nevermind.

Pero.. narinig niya yung sinabi ko? I look at him whose sitting pretty beside me. "Sinong iuuntog mo sa akin? Don't tell me.. may multo kang kasama?"

"Bakit, natatakot ka na niyan?" Pang-aasar ko.

Umiling siya. "Hindi. Isa lang naman ang kinatatakutan ko eh.."

"Ano naman yun? Para maipanakot ko sa'yo.." I said while not looking at him.

"Ang mawala ka.." He said. This time, napatingin na ako sa kanya at muntik na nga akong maduling dahil ang lapit na pala ng mukha niya sa akin.. And my damn heart is really pounding.. like it'll ripped out of my chest.

Ano bang sinasabi niya? Tsk, parang tanga.

Hindi ko nalang siya ulit pinansin at palabas na sana ako ng room pero napahinto rin ako. He held my hand gently then he guided me palabas ng room without breaking our holding hands. Katulad ng dati ay pinipilit kong i-pull yung kamay ko pero katulad din non na malakas siya, wala akong nagawa.

"B-bitaw.." I murmur.

"Ayaw."

"A-ayoko ng attention.." Nasabi ko. Huminto naman siya kaya napahinto rin ako. Great. Talagang hininto niya pa dito sa cafeteria na sobrang daming tao. Lalo akong nakakaramdam ng panliliit at parang pakiramdam ko pa ay inaalipusta ako ng mga tao sa mga nanlilisik nilang tingin.

Hindi ako kumportable. "Kayla.. gusto mo ba i-possess ko yung body ng lalaki dito para maalis ka jan.." Nag-aalala naman na sabi ni Leira. Siyempre hindi ko nalang siya sinagot pero i smiled faintly to her, without the others noticing. Baka isipin pa nila baliw ako eh.

Alam ni Leira na hindi ako kumportable sa maraming tao at alam niya ang nangyayari once na ganito kaya talagang halata mong naaasar na din siya sa mga tao. Itinataboy na nga niya yung mga tumitingin kaso dahil sa isa nga lang siyang kaluluwa kaya hindi rin niya mahawakan. Tumatagos lang siya.

Naiiyak na ako, yumuyuko nalang ako.

"P-please rodney.. Wag.. dito.." Huling paki-usap ko pa.

Pero napatigil ang lahat ng bulungan ng mga tao at pati rin ako ay napatulala na lang sa mga nangyari..

Someone stole the attention of the students from me. Tumatakbo siyang papunta sa amin.. kay Rodney pala at ang ginawa niya ay.. "Pasensya na, dare lang ito." Tapos hinalikan niya si Rodney.

One.. two.. three...... it lasted for 10 seconds. Seriously? Bakit ko ba binibilang? At bakit parang gusto ko na naman ulit lumuha? Tsk. I must be crazy.

Pagkatapos humalik nang babae ay umalis na rin ito bigla. Habang nakatulala lang ang lahat ay ginamit ko ang pagkakataon para makaalis sa lugar na yun at tumakbo ako.

****

o___o

What was that? What happened?

Hinalikan ka!!

A-ano nga ulit? Nabingi ata ako.

Hinalikan ka!!

O_______O ..

WHAT?!? AKO NAHALIKAN??!!!??!!!

I felt someone tapping my shoulder. "Woo~ what a show.."

"It's not a show, Thomas. It's crazy." Nagpipigil na galit ko. Sinong sira-ulong gumawa nito sa akin?! Grr!! She is so dead! Naramdaman kong hinawakan ako ni Thomas sa magkabilaang shoulders ko at hinihilot-hilot niya pa yun habang marahan akong tinutulak papunta sa table.

"Rodney, relax lang.. alam ko nasa isip mo.. Pagpasensyahan mo na lang yun.. Attention-seeker ata ang babaeng yun."

"The hell I care!!"

"The hell it is. Pero kumalma ka. Gago 'to!" Sige tawa ka lang, tomas! Binatukan ko nga. Ayan, napahawak siya sa ulo niyang magkakabukol na mamaya.

"Shit pare! Hindi ako yung nanghalik sa'yo okay?! Ah-ray.."

"Buti nga sayo, pakyu!"

"Same to you, gago!" Tapos nun nagtawanan nalang kami. Pero hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa ng baliw na babaeng yun. Hindi naman yung halik ang kinagagalit ko eh-- oh who am I kidding? Siyempre galit ako sa lahat!! Pero nagagalit lalo ako sa gumawa nun dahil nakita niya.. NAKITA NIYA!! SI KAYLA MARIEN!! She saw that scene!! Bwisit!!

Baka kung anong isipin nun..ang hirap pa naman suyuin nang babaeng yun tapos.. argh!!

Suyuin?!

Ah, oo nga pala.. sa ganung paraan na ako nanliligaw. Ewan ko rin sa sarili ko at bakit hindi ko masabi sa kanyang nililigawan ko na siya o liligawan ko siya. It's just the way it is and I want it to be. Well, hindi na naman uso ngayon ang sabihin mong nanliligaw ka. Just do the act! Wala nang sali-salita.

Pero hindi pa man ata ako nakakatagal, busted na ata? Tsk! Bwisit talaga!!

Makita ko lang ang babaeng baliw na yun, tatapusin ko buhay niya! Mark my words! Pero siyempre hindi ako brutal para gawin yun. Ah bahala na! Bwisit!!

****
Mystery Club Room..

"Oh em! Ginawa niya yun?! That sounds... cool!!--ouch! My precious head.. Mamilyn.."

Binatukan ni Mami si Berry. Tapos sinamaan niya ng tingin. Si kamil, as usual, walang pakialam at nagtutugtog lang siya ng gitara niya. Pero hindi siya kumakanta.

Ako naman nakatulala lang, bahala na silang magtalo jan. Basta ako nagkwento lang ako ng nangyari kanina.. minus the bad points earlier. Ano nga ba yung bad points dun? Yung nakakuha ng attention o yung may nanghalik ka--shut it, brain! Forget about it!

"Para kang abno! Anong cool dun? Anong part dun ang cool?! " si Mami.

"Edi yung may nagnakaw ng halik dahil sa dare! Sus, dare lang yun! DARE!"

"Kahit na DARE lang yun, nakaka-hurt pa rin yun! Imaginin mo nga si manong Jerry na may kahalikan dahil lang sa DARE--" hindi na pinatapos ni Berry si mami na magsalita dahil naglumpasay na ito sa lapag.

"No, no!! Masakit.."

"Oh di ba masakit?!"

Nakakabingi silang dalawa pag magkasama. Nakikita ko ngang nagtatakip ng tenga niya si Leira sa tabi ni Kamil. Oo magkatabi sila.. or should I say tumabi siya kay kamil dahil sa ingay ng dalawa dito. Ang tenga ko naman ang kawawa.

*Goosebumps*

Napayakap ako sa sarili ko.. tapos tinignan ko ang paligid. Then, I saw a silihouette of a man. Nakatingin siya sa may field, kung saan may babaeng nakayuko at nagduduyan. Natatandaan niyo yung parang garden dito na makikita sa bintana ng mystery club room? Ayun, dun ko nakikita.

He's looking at a woman with a hint of sadness in his eyes.

Then, naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya kaya tumingin siya sa akin. Nagsalubong ang mata namin. Nanlalaki pa nga yun, parang hindi siya makapaniwala na may nakakakita sa kanya. Nawala lang yung tingin ko sa kanya nung makita kong nag-angat ng ulo yung babae at napatingin sa akin.

She looks familiar... like I've seen her earlier-- yeah. i saw her.. kissing my man...

MY MAN?! No, no no!! Erase, erase!! THAT MAN!! Yun pala yun.

Hindi ko maipaliwanag ang feeling... parang naaasar ako sa babae pero nung nakita ko yung mata niya na may lungkot at parang mabigat ang dinaramdam.. parang naaawa naman ako. Then, I look again at the man that I saw.. He's looking at the girl.

Could it be..?

"Kayla!" Napaharap ako ng di oras sa dalawang tumawag sa akin.

"What?"

"Wala naman.. kanina ka pa namin tinatawag pero hindi ka kumikibo jan eh.." Si Berry

"Sino bang tinitignan mo jan.. Oh? Si Ate Mig pala." Napatingin naman ako sa sinabi niya.

"Ate mig?" I repeat what she said. Tumango naman siya.

"Oo. Siya ang leader ng sorority group na GG or Goddesses' Generation. Parang Girls' Generation lang no? Hehe.." Biro niya pa.

Goddesses' Generation? Sa pagkakaalam ko, sila ang natatanging sorority group dito sa PSA. Their members are obviously all girls who are really beautiful, and with brains. Mahirap daw ang makasali sa grupo nila, unless you have what it takes. Pero hindi pa daw yun. May mga pinapagawa kasing initiation. Pano ko nalaman? Aba, anong silbi ni Mami, the student council president? Actually nagku-kwento siya ngayon eh.

"... Her full name is Miguelle Ignacio. Ang cute nga eh, panlalaki pero yung spelling naman pambabae. Ang astig niyan, magaling siyang lumaban. I mean, bukod sa ganda at talino ng GG ay magaling din silang lumaban. But they're not like fraternity, gangsters and the likes. Parang sila yung mga babae na pwede ring maging lalaki when it comes to strength."

Tama nga si Mami. Astig it is.

Pero yung lalaki kanina na nakatingin sa kanya at yung hint of sadness sa mga mata nila.. I know that they're connected.

Naputol ang pag-iisip ko nung magtayuan ulit ang mga balahibo ko at sa direksyon ng kanan ako napatingin. There he is.

"Nakikita mo ako?" He said.

Sasagot na sana ako kaso hindi pa nga pala alam nila kamil at berry ang ability ko. Paano ko ba siya kakausapin? Ah! Alam ko na. Tinawag ko agad si Mami at sinabi ko ang nakita ko. Nanlalaki naman ang mata niya pero makikita mo rin na excited siya.

"Hey, hey, berry, milka. Pwede bang pasuyo naman? Pabili naman kami ng cream bread? Please?!!"

"Utusan lang ganun? Oh well, gusto ko rin ng cream bread kaya leggo! Ay, insan, let's go na."

Wala naman pasabi na tumayo nalang si kamil at lumabas na nga ang dalawa. Nang nasiguro na namin na nakalayo na sila at tsaka ako humarap sa lalaki. "Oo nakikita kita."

He smiled. "I'm Rio.. and you are?"

Pero instead na sagutin siya ay diretso kong tinignan siya.

"Kaano-ano mo yung babae kanina? Sister? Girlfriend? Cousin? What?"

"None of the above. To be exact, she's my wife."

wife?! Eh bata pa-- "uy kayla, anong sabi? Tsaka sinong babaeng sinasabi mo? Si ate mig ba?! Oh my! Boyfriend niya ba yan? Kasi di ko pa nakikitang nagkaroon ng interes sa mga lalaki si ate mig eh." Daldal naman ni Mami. Kaya di ko nalang pinansin.

"I know what you're thinking, but really.. asawa ko siya. And we have a three-year old son and daughter named Mario and Riley. And also... I'm a former teacher here."

Wow! So much for information.

But I'm getting excited over this one.

"So what do you want?" I asked him.

"I need your help." He said.

I gave him a smirk. "Then you've come into the right place."

Continue Reading

You'll Also Like

46.8K 1.7K 58
Highest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
185K 7.4K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...
1M 5.4K 7
BOOK 1 Kinilala kong kaibigan ay mabuti, Pagkakaibigan ay susubukin, May tunay at nagtraydor para mailigtas ang minamahal Pero sa pagdating ng araw M...