Mr. Chickboy (Completed)

By WinonaSaiz

83.9K 1.5K 58

A chickboy's story. Warson ~ More

Introduction √
His Side √
Selfie Monday √
Long Wednesday √
Cosplay Friday √
Saturday Night √
Comeback √
Past √
The Bet √
Dinner √
Agreement √
Ligaw: Day 1 √
Ligaw: Day 2 √
Ligaw : Day 3 and 4 √
Status : In Relationship √
First Day √
Representative √
Mr. and Ms. Santa Claus. √
Christmas Break √
Christmas 1.1 √
Christmas 1.2 √
Special Chapter 1 √
Boracay Escapade 1.1 √
Boracay Escapade 1.2
Missing her.
New Years Resolution.
Abnormal Beat
Confused
Special Chapter 2
Special Chapter 1.2
Heartaches.
Leaving Him.
Miserable.
A life without Sam.
False Alarm
Operation:Finding Sam
Irish's Help.
Locating Samantha.
Summer.
Serenading Sam.
Courting all over again.
Mr. Chickboy Moves.
Beg.
Signs
Chance
Birthday.
Two
Eternity.
Second Life.
Last Wish
New Beginning
Graduation Day.
True Feelings
New Chapter
Our Love.
Right Time, Right Place.
SC: Harold's Love
SC: Harold's Love
SC : Harold's Love.
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Girl
SC : Sandrex Love
SC : Rosas' Gumamela.
SC : Rosas' Gumamela
SC : Rosas' Gumamela
Epilogue
Book 2

Satur-Date.

671 16 0
By WinonaSaiz

Warson

"Saan ba tayo pupunta?" Nakahalukipkip na tanong sa akin ni Sam ng sumakay na ito sa sasakyan ko. Nagtatakang napalingon ako sa kanya. Di pa rin talaga ako makapaniwala na nagiba siya ng ugali. For a very short period of time ay ang laki na agad ng pinagbago niya. Ngumiti ako sa kanya at piniling hindi nalang siya sagutin.

"Hey. Di mo pa ako sinasagot." Wika niya.

"Nanliligaw ka pala Baby? Sige, hindi na kita papahirapan pa. Tayo na ulit." Nakangiti kong wika sa kanya. Napahiyaw ako sa sakit ng suntukin niya ako sa braso.

"Ayieeh.. Nagba-blush ka ba baby? Haha! Mahal mo pa rin ako noh? Haha! Okay lang naman sakin yun, the feeling is mutual rin kasi." Wika ko. Tumahimik naman ito at itinuon ang pansin sa bintana. Kinikilig na ata, iba talaga nagagawa ng mga charisma ng mga Rodriguez.

Saan kami pupunta? Uhmm. Sa totoo lang hindi ko alam. Ang totoo kasi ay kinakabahan ako, hindi ko napaghandaan ang pagpayag niya sa date namin. Ang landi ko, kakasimula palang ng pasok namin pero date na agad ang inaatupag ko. Hehe. Okay lang, marami namang pera si Ate at si Papa. Joke.

"Baby? Gusto mo bang kumain muna?" Tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga ako ng tango lang ang sinagot niya sa akin. Hays.

Minabuti kong dumaan sa restaurant na pinuntahan namin dati. Sa Redbons Restaurant kung saan kami sinet up ni Ate ng date noon.

"Redbons Restaurant? Masarap ba diyan?" Tanong nito. Natigilan ako sa tanong niya. Pati ba naman ito kinalimutan niya?

"Oo naman, dito tayo unang nag date. Dito tayo sinet-up ni Ate ng date noon diba? Dito rin tayo nagkaroon ng agreement bilang pagpapanggap mo bilang girlfriend ko." Wika ko. Ng umiwas ito ng tingin ay lumabas ako ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto.

"Welcome to Redbons Restaurant Ma'am, Sir. Any Reservation?" Tanong ng waiter na sumalubong sa akin.

"Yes, table for two - Mr. Rodriguez." Wika ko. Tinext ko na rin kasi ang secretary ni Papa dito sa Manila para ipareserve kami ng table dito. Mayaman sila Papa eh.

"This way Ma'am, Sir." Dinala kami ng waiter sa rooftop ng restaurant. Gabi naman kasi kaya maganda ang view dito ngayon. Pinaghila ko ng upuan si Sam.

"Sana sinabi mong dito tayo pupunta." Wika nito habang lilinga linga sa paligid. Parang first time nitong pumunta sa lugar na ito kung makapaglibot ng paningin sa paligid.

"Sorry, okay lang naman yun. Maganda ka naman kahit anong isinusuot mo." Wika ko. Yumuko ito at napansin ko ang pagpula ng pisngi nito. Ang ganda niya talaga kapag nagbablush.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya ng ibinigay sa amin ng waiter ang menu list.

"Whatever you choose. I'll eat the same food you'll order." Sagot niya habang kinakalikot ang cellphone. Hay. Sana ako nalang ang cellphone na yun, buti pa kasi yun nahahawakan niya ako hindi.

"What's with the sad face?" Tanong nito. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Shemay. Anong nangyayari sayo 'son! Tss.

"Wala lang, nakakaselos kasi yung phone mo. Buti pa yan nahahawakan ang kamay mo." Wika ko. Nalaglag ang panga ko ng makitang ngumiti ito ngayon. As in Wow! Anghel ba siya!

"What?" Natatawang tanong nito.

"It's good to see you smiling again." Wika ko na nagpaalis ng ngiti sa mga labi niya. Tss. Sana pala hindi ko nalang pinansin yun.

"Here's your order Ma'am, Sir." Buti nalang pala dumating na ang order namin. Mababawasan ang awkwardness sa paligid. Hay buhay.

"How's the food?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko kasing magana itong kumakain ng hipon. Hipon? Hipon! Allergic siya dyan!

"Teka! Sam! Diba may allergy ka sa hipon? May gamot ka ba diyan?" Nagaalalang tanong ko sa kanya. Shit. Pag may nangyaring masama sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kung bakit ba naman kasi yan pa ang napili kong orderin. Shit!

Namumula ang mukha nitong nagiwas ng tingin sa akin. Lumipat ako sa upuang katabi niya at kinapa ang leeg niya. Hindi naman siya mainit.

"May gamot akong baon Son." Nakahinga ako ng maluwag ng malaman iyon. Bumalik agad ako sa upuan ko at pinagsilbihan siya.

Hindi ko na ulit siya ginambala kumain. Mukha kasing sarap na sarap ito sa mga pagkaing nasa harap nito ngayon. Ngayon ko nga lang nakita ang side niyang ganito. Matapos nitong kumain ay hinawakan nito ang tiyan nito't dumighay ng malakas. Nagkatinginan kami't nagkatawanan ng malakas.

"Haha! Ang epic! Nakakahiya, grabe. Haha!" Tumatawang wika nito habang hawak hawak pa rin ang tiyan. Ako rin ay nahawa na sa kakatawa niya. Natigil lang ako sa pagtawa ng hinila niya ako paalis ng lugar na ito. Nagiwan ako ng ilang libo pambayad ng kinain namin.

"Hey. Ako naman ang magdadrive. No objections allowed." Wika niya sabay agaw ng susi sa akin. Sumakay agad siya ng driver seat at wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Ikinabit ko ang seatbelt at pinatugtog naman niya ang mp3.

"Whoooo!" Sigaw niya sabay paharurot ng sinasakyan namin. Halatang halata ang saya nito sa mukha ngayon. Tila ba ngayon lang nakalabas ng bahay. Kung ganito pala lagi ang magiging epekto ng pagkain niya ng hipon ay dati ko pa siya pinakain ng ganito. Aaraw arawin ko pa para makita lang kung gaano siya ka hyper ngayon.

Nagbalik ako sa ulirat ng bumaba ito ng kotse. Nandito kami sa tapat ng Pizza house na may promong eat-all-you-can?! Hindi pa ba siya nabusog sa kinain namin kanina?

"Let's go Son!" Sigaw niya. Nagmamadali akong tumakbo pagkatapos kong masiguradong nakalock na ang kotse ko.

Pinahanap niya agad ako ng mauupuan namin habang siya daw ang bahalang kumuha ng kakainin namin. Sabi ko nga dapat ako ang kukuha kaso ayaw niya. Tss.

Inilibot ko ang paningin ko't nakita ko si Sandrex na may kasamang babae?! Tinawag ko siya't namula pa ang mukha ng makita kong sinusubuan siya nito pero agad ring napalitan ng makitang umupo sa harap ko si Sam na may dalang limang pinggan ng pizza. Teka! Lima?! Hindi pa ba siya nabusog sa inorder namin kanina?!

"M-mauubos ba nating lahat 'to?" Natatakot kong tanong. Shet. Busog pa naman ako.

"Oo naman!" Nakangiti nitong wika bago nilantakan lahat ng pizza na nasa harap niya. Namamanghang napatitig ako sa kanya. Ang gana nitong kumain, hindi na iniisip kung anong sasabihin ng iba. Teka? Carbs 'to ah? Hindi ba siya natatakot na tumaba? Pero kahit tumaba naman siya ay hindi pa rin akong magsasawang mahalin siya. Siya lang kasi ang nagiisang Samantha sa buhay ko.

"Ayaw mo ba ng kinuha ko?" Nagtatanong ang mga matang wika nito. Umiling ako't nilantakan na rin ang mga pagkain na kinuha niya. Bahala na kapag sumakit ang tiyan ko mamaya.

Ng natapos kaming kumain ay agad na naman niya akong hinila palabas ng pizza house. Nagpaalam ako kay Sandrex at nakita ko ang kakaibang ngiti sa mga labi nito. Uulanin ko ng tanong yan kapag nagkita kami sa Monday.

"Sakay na!" Yaya sa akin ni Sam. Siya na naman kasi ang magdadrive. Ikinabit ko ulit ang seatbelt bago siya sinignalan ng go. Pinaharurot naman niya ito agad. Hindi ko maimagine na kaya niya palang mag drive ng ganito ka bilis.

"Nandito na tayo." Wika niya pagtapos ay bumaba agad ng kotse. Inilibot ko ang paningin ko't nalaman kong nasa park kami. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

"Gusto kong mag star gazing." Wika niya. Napangiti ako. Mabuti naman at hindi niya pa rin nakakalimutan ang paborito naming gawin every time na nagdidate kami.

"Sure. Wait lang." Wika ko. Kinuha ko sa backseat ang blanket na parati kong dala at ginagamit namin every time na nagsta-star gazing. Inilatag ko ito sa itaas ng bubong ng kotse ko at inalalayan siyang umakyat.

Humiga siya sa braso ko. Naamoy ko kung gaano kabango ang buhok niya. Nagpalit na ata siya ng shampoo. Malaki na nga talaga ang naitutulong ng two months naming hindi pagkikita. Maraming nagbago sa kanya pero lahat ng iyon ay pinilit kong tanggapin dahil mahal ko si Sam.

"Bakit si Sam ang minahal mo?" Tanong niya na nagpalingon sa akin. Nakatitig pa rin siya sa langit. "I mean, isipin mong kabarkada mo ako at tinatanong kita, bakit si Sam ang napili mong mahalin?"

"Si Sam kasi yung klase ng babae na unang tingin mo palang ay alam mong mamahalin ka ng totoo. Siya kasi yung babae na unang kita ko palang ay alam kong para sa akin nga. At siya lang ang nagmamay-ari nito." Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa kanang dibdib ko. Lumamlam ang mata nito bago iniwas ang paningin sa akin at ibinalik ang tingin sa langit.

"Ang swerte pala niya." Mahinang wika nito.

"Maswerte talaga siya, syempre, gwapo at maginoo pa ang minahal niya eh." Wika ko na nagpangiti sa kanya.

"Thank you". Wika niya. Hindi na kami nagsalita at sinusulit ang date naming ito. Iba talaga kapag kasama mo ang taong mahal mo, bumibilis ang oras. Napapangiti ka for no apparent reason at iniisip mong hindi siya karapat dapat na saktan nino man. Handa kang ibigay ang lahat ng gusto niya kasi mahal mo siya.

Naramdaman ko ang pagbigat ng ulo niya sa braso ko. Nakatulog na ata. Nabigla ako ng tumagilid ito at napaharap sa akin. Payapa ang tulog nito't kay ganda ganda niya. Tila anghel na nalaglag sa ibabaw ng kotse ko.

Ngayon ko lang napansin ang nunal sa ilalim ng ilong niya. May nunal pala siya dun? Gusto ko siyang yakapin pero natatakot akong baka magising siya.

Minabuti ko nalang na pumikit at damhin ang kakaibang emosyong bumubuhay sa dibdib ko. Kada araw na lumilipas ay nadadagdagan lang ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Kakaiba rin pala ang feeling na katabi mo ang taong mahal mo sa pagtulog.

Parang ayaw mo ng matapos ang araw at hinihiling na sana hindi nalang nauso ang araw. Kakaiba ang feeling kapag yakap yakap ka niya, yung feeling na parang ligtas ka at hindi ka natatakot na mawala siya sa piling mo dahil sa sobrang higpit ng yakap mo. Hindi ko alam na ganitong damdamin pala ang naibibigay kapag katabi mo sa pagtulog ang taong mahal mo.

Sana habangbuhay nalang kaming ganito. Yung walang problemang dinadala at walang humahadlang.

Pero alam kong malabong mangyari yun, at handa ako sa bawat pagsubok na darating ulit sa amin ni Sam. Maging kami lang ulit at ipapatikim ko sa kanya ang sarap ng pagmamahal ng isang Chickboy.

----------

This chapter is dedicated to Mr. Marvic Pasit for sharing to me his real experience in dating. Haha! Kinuha ko lang ang naramdaman niya ng mag date sila ng gf niya. Haha!

Please vote and give comments guys :) thankies!

Xoxo,
Redbons.

PS. Tuloy tuloy na po ang updates nito after graduation. Marami pa po kasing inaasikaso sa school. Huhu. Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

206K 4.1K 60
Nang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.
205K 4.6K 47
*PROPHECY * *Sa mundo puno ng mahika may dalawang batang isinilang upang mag sanib pwersa pra wakasan ang pang-aapi ng kasama-an . Isang Prinsesa at...
937K 1.6K 3
What will happen if one day ma' meet mo ang isang tao na gugulo sa tahimik mong buhay?? subaybayan ang magulo pero masayang buhay ng ating mga bida. ...
145K 1.1K 62
Liz is a man-hater but Shane will come on the way and will change her mind and her heart too... Will she stop hating when she fall in love with this...