Owning Her Innocence (R-18)

By RaceDarwin

64.1M 1.2M 125K

Callante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four (Part 1)
Chapter Forty Four (Part 2)
Chapter Forty Four (Part 3)
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two (Part 1)
Chapter Sixty Two (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 1)
Chapter Sixty Three (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 3)
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue

Chapter Three

995K 20K 3.8K
By RaceDarwin

"ONE, TWO, THREE... Asawa ni Juan. Araw gabi, walang panty.."

 Napatigil si Kira sa akmang pagpasok sa kotse niya nang marinig niya ang boses na iyon ni Callan. Marahas na lumingon siya at nakita niya ang lalaki na kumakanta habang nililinisan ang kotse nito.

 "Nang-aasar ka ba?" Hindi naman ito kumakanta kanina. Pero nang lumabas siya ng gate, bigla na lamang ito kumanta na parang nagpaparinig sa kanya.

 Ngayon lang ulit niya ito pinansin buhat ng mapagbintangan niya itong nagnakaw ng Victoria Secret panties niya. Naging busy siya sa pagmamanage ng bar and restaurant niya. Ilang araw na din kasing absent ang manager niya na si Amy. Hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa lukaret at biglaan ang pag-absent. Bukod sa pagiging manager ng babae, itinuturing din niya itong kaibigan.

 Tumingin sa kanya si Callan. Nakakaloko ang ngiti na nakapaskil sa labi nito. "Mukha ba akong nang-aasar, bebe ko?"

 "Ano'ng bebe ko ka d'yan! Umayos ka!" Ayaw niyang masira ang magandang umaga niya kaya pumasok na siya sa kotse niya at binuhay ang makina.

 Lumapit ito sa bintana ng kotse niya at sinilip siya. "Ano naman ang kailangan mo?" asik ni Kira sa lalaki.

 He grinned mischievously. "Nothing. Just want to ask if you're okay."

 "Oh, i'm okay, Callan. Thanks for asking." puno ng sarcasm na sagot niya. Walang siyang balak na i-entertain ang lalaki. Ayaw nga niya na kausapin ito. Subalit hindi niya malaman kung bakit kahit naiinis siya dito natatagpuan pa rin niya ang sarili na pinapatulan ang pang-aasar ng binata.

 "Kumusta naman si Jiro?"

 "He's alive and still breathing."

 "Ah, akala ko pinatay mo." He chuckled, and it felt like a sensual vibration inside her chest.

 "At bakit ko naman papatayin, aber? Mahal ko ang boyfriend ko. Infact, nagpaplano na nga kami ng kasal."

 Tumaas ang sulok ng labi ni Callan sa sinabi niya. "Really? Baka naman ikaw lang ang nakakaalam ng planon pagpapakasal niyo?"

 "Bwisit!" Pinigilan niya ang sariling abutin ang leeg ng lalaki para sakalin. "Hindi kita pinipilit na maniwala. Kung ayaw mo maniwala, e di huwag. Palibhasa ang bitter bitter mo. Kailan ka ba huling uminom ng ampalaya juice?"

 "I have nothing to be bitter, Kira baby. Kahit wala akong girlfriend, hindi pa naman ako natitigang. Hindi tulad ng iba d'yan. May love life nga, tigang naman pagdating sa sex."

 "Putangina ka, ah! Pinatatamaan mo ba 'ko?"

 "Bakit tigang ka ba?"

 "Tangina! Umalis-alis ka sa daan ko! Sasagasaan kita!"

 Malakas at malutong na tumatawa si Callan habang tumakbo papalayo sa kanya at bumalik sa tapat ng bahay nito. Inis na pinasibad niya ang kotse para mapalayo na sa lalaki. Nanggigigil na kumawala ang malutong na mura sa bibig niya. Hindi siya ang uri ng babae na palamura. Pero kapag si Callan ang kaharap niya, parang nauubos ang pasensya niya.

 Ang walanghiyang 'yon! Inaakusahan ba siya nitong tigang?

 Oo, aminado siyang wala siyang sex life. At the age of twenty-six, she was still a virgin woman.

 Hindi pa niya pinapayagan si Jiro na kuhanin ang pagkababae niya. Ilang beses na siyang inaya ni Jiro na magtalik sila. At sa tuwing ginagawa nito 'yon, tumatanggi siya at idinadahilan niya na gusto niyang gawin iyon sa tamang panahon.

 Alam ni Kira sa puso niya na si Jiro na ang tamang lalaki para umangkin sa kanya. Subalit naniniwala siya na hindi pa tamang panahon para ibigay niya ang pagkabirhen niya sa nobyo. At siguro ang tamang panahon na 'yon ay kapag kasal na sila. Handa niyang ibigay ang hinihiling ng lalaki sa gabi pagkatapos ng kasal nila.

 Napawi ang inis niya kay Callan nang maalala ang pagkikita nila ni Jiro kagabi. Nagpunta sila sa isang Japanese inspired restaurant. Nag-date sila kagabi bilang pambawi nito sa hindi pagsipot sa anniversary nila. Kung ano-ano ang pinagkuwentuhan nila. About her business, and then his work. Hanggang sa napunta ang usapan nila sa pagpapakasal. Three years na sila ni Jiro at sa tingin ni Kira ay nakilala na nila ang isa't isa kaya tama lang siguro kung mapag-usapan na nila ang tungkol sa bagay na 'yon.

 Kinukulit na din kasi siya ng kanyang mga magulang na mag-asawa na para magkaroon na ng apo ang mga ito. Siya lamang kasi ang nag-iisang anak kaya natural na mag-asam ang Mama at Papa niya ng apo sa kanya. Hindi na rin siya bumabata.

 Subalit napansin niya si Jiro na natigilan at nawalan ng imik noong nagsasalita na siya tungkol sa kasal. She remember asking him if he was okay.

 And then, he answered, "Oo naman. Pagod lang ako sa work ngayon kaya medyo nahihilo pa rin ako."

 Hindi niya mapigilan maawa sa nobyo. Alam naman niya ang hirap ng maraming trabaho na tinatapos. Halos lahat ng tao ay nakakaranas ng pagod. Sa awa niya kay Jiro, nag-aya na siya umalis. Nagpahatid lang siya dito at pagkatapos ay umuwi na din ang binata.

 "ANO ba ang nangyayari kay Amy?" hindi na ni Kira napigilan magtanong sa kanyang mga empleyado tungkol sa manager niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito pinapasok. Almost four days na itong hindi nagpapakita sa kanya.

 Nagsisimula na siyang magtaka. Para ding si Jiro ang kaibigan, kung hindi ite-text ay hindi rin magte-text. Ang gaganda ng mga cellphone, tapos hindi naman ginagamit. Aysus!

 "Ma'am Kira, baka naman po may sakit si Amy?" sagot ng empleyado niyang si Dina.

Napakunot-noo siya. "May sakit? Kung ganoon bakit hindi man lang nagsasabi? Ano ba ang tingin niya sa akin, manghuhula?" "Baka nga, Ma'am. Ang laki ng earings n'yo, eh. Bilog na bilog."

 "Tse! This is called fashion. Ikinagaganda ko ang malalaking earings. Pero kung gusto mong mahulaan, akin na ang kamay mo."

 "Sige, Ma'am."

 Hinawakan niya ang kamay ng empleyado at ipinikit ang mga mata. "Nahuhulaan kong magkaka-asawa ka."

 "Gwapo ba, Ma'am?"

 "Hindi." Ngumisi siya at umasim naman ang mukha ng empleyado niya.

 "Ay, naku, Ma'am. Itigil n'yo na ang panghuhula. Balik na lang ako sa work."

 "Sabay ganoon?"

 Bumalik na din siya sa trabaho niya. Pero hindi siya mapakali dahil kay Amy. Bakit kaya hindi nagpapakita ang babaeng iyon? Ilang beses na niya itong itinext pero hindi ito nagrereply.

 Hindi na siya nakatiis.

 Lumabas siya sa restaurant niya at nagtungo sa kotse niya. Mayamaya lang ay nasa daan na siya patungo sa apartment ni Amy. Ilang minuto lang ay nandoon na siya sa tapat ng tinitirhan nito. Hawak ang cellphone sa isang kamay niya, bumaba siya ng kotse.

 Kumatok siya sa pinto ng bahay. "Amy?" Tatlong beses siyang tumawag, ngunit walang sumasagot sa kanya. Nagtaka pa siya na hindi naka-lock ang pinto ng babae nang tangkain niyang buksan iyon.

 Binuksan niya ang pinto at humakbang patungo sa loob ng bahay.

 Pagtapak pa lang niya sa loob ay bigla siyang nakaramdam ng pagdagundong sa dibdib niya. She had never felt that before. Kinakabahan siya sa isang bagay na hindi maintindihan. Bawat hakbang niya ay kumakabog ng husto ang dibdib niya. "A-Amy?"

 Nagsalubong ang kilay niya nang makarinig siya ng pamilyar na mga anas at ungol sa loob ng isang silid. Palakas iyon ng palakas. Gusto niyang umurong dahil may ideya na siya sa nangyayari sa isang silid na tinapatan niya.

 But she can't. She just can't.

 Pakiwari niya ay kailangan niyang buksan ang pinto ng silid ni Amy. She swallowed hard. Her heart beating fast. Naririnig niya sa labas ng pinto ang tunog ng pag-iisa ng katawan ng dalawang tao sa silid na 'yon.

 And then, she opened the door..

 Parang isang nakakahindik na eksena sa pelikula ang bumungad kay Kira. She saw Amy. Walang saplot sa katawan na nakasakay ito sa hubad na katawan ng isang matipunong lalaki. Erotikong tumatalbog ang malulusog na dibdib habang nagtataas-baba sa ibabaw ng pamilyar na lalaki..

 "Fvck, Amy.. You're doing good, baby."

 "Oohh, Jiro, Fck me.. Oohhh! Yes!"

 Tila may kustilyong tumarak sa kanyang dibdib. Bumagsak ang cellphone ni Kira sa sahig kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa pisngi niya... Gumawa ng ingay ang pagbagsak ng cellphone niya sa sahig dahilan upang kapwa mapalingon sa kanyang kinatatayuan ang dalawa.

 "K-Kira?"

Continue Reading

You'll Also Like

30.9M 585K 42
"You're invited to Temptation Island."
686K 25.3K 8
A collaboration of CC, Race Darwin, Makiwander
210K 3.9K 21
Dice and Madisson
29.5M 523K 39
(R-18) Three years ago, iniwanan ni Kim si Diego. He was her first everything. Her first love. Sa kabila ng lahat, nagawa siya nitong lokohin at ipag...