Masked, Unmasked

By alconbleu

31.7K 1.1K 452

Behind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise. More

1: Start
2: So Near Yet...
3: In a Very Distant Past
4: First Heartache
6: Uncovering
7: Sad Endings + Surprising Beginning
8: Barrowed Time
9: Painful Truth
10: Two Can Play this Game
11: Present Time
12: Mood
13: The Song
14: First Signs of...
A/N
15: Trust Issues
16: Change of Heart?
17: Perturbed D
18: Stuck With You
19: Fantasy
20: Unexpected Twist
21: Is It Over Now...
22: Something to Look Forward to
23: Pent-up Emotions
24: Detour
25: One Good Reason
26: DOA
27: Marry You
28: I Do
29: The Things You Do....
30: Honeymoon eh?
31: Another Ordinary Day
32: Why
33. Reunited
34: Untitled(hahaha)
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Next
Chapter 43
Chapter 44: Missing You
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47. Ang Adobo at si Alyssa
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51: Lakas Tama
Chapter 52
Chapter 53: Loving Her

5: Moving Forward

488 19 1
By alconbleu

"Nay, pwede po ba akong pumunta bukas sa mansion ng mga Lazaro?" Tanong ni Alyja habang sila ay kumakain ng hapunan.

"Anong meron doon at kailangan mo pang pumaroon Alyja?" Tanong din ng kanyang ina.

"Darating po kasi sila Dennise bukas. Gusto niya pong naroroon ako pag dumating siya." Mahinang usal naman ng bata.

Nabitin sa ere ang gagawin sanang pagsubo ni Alyssa ng marinig ang sinabi ng kakambal.

Tumigil sa pagkain si Eliza Valdez at tinitigan ng may pag-aalala ang anak.

"Diba sabi ko sayo Alyja, iwasan mo ang mapalapit sa batang iyon?" Malumanay na sabi niya sa anak habang tinititigan ito ng mabuti.

"Pero nay..."

"Walang pero pero anak. Mahirap makipaglapit sa mga ganoong klaseng tao. Kita mo naman kung gaano sila kayaman hindi ba? At tayo? Ito lang tayo." Nilibot ng kanilang ina ang paningin sa maliit nilang bahay.

"Ito lang ang meron tayo." Malungkot niyang dugtong.

"Hindi naman issue iyong katayuan natin sa buhay sa pagkakaibigan namin ni Dennise inay! Mabuti naman po ang pagtanggap nila sa akin doon sa mansion, at nakita niyo narin po kung paano sila makitungo sa atin ng dumalaw sila dito. Nakitaan niyo po ba sila ng pagkamatapobre? Hindi naman po diba? Kaya walang basehan ang pag-aalala niyong iyan." Giit parin ni Alyja.

Napailing na lamang ang kanyang ina at pinagpatuloy ang pagkain.

Si Eliza Valdez ay isang masipag at responsableng maybahay sa sundalong si Victor Valdez. Kahit hindi matatawag na mayaman masaya naman ang kanilang buhay mag-asawa. Simple at kontento na sila sa kung anuman ang meron sila.

Nabiyayaan sila ng kambal, dalawang babae. Si Alyssa ang unang iniluwal ng kanyang ina at matatawag naman na bunso si Alyja.

Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang bumago sa buhay ng mag-anak. Anim na taong gulang si Alyja ng malaman nilang may deperensiya ito sa puso. Mahina ang puso nito at nirekomenda ng doktor na iwasan nila itong mapagod, mastress, maging masyadong masaya, o hindi kaya ay maging sobrang malungkot pagkat makakaapekto iyon sa kanyang kalusugan.

Kasabay ng regular na check-up at pag-inom ng gamot sinunod ng mag-asawa ang lahat ng habilin ng doktor, na naging dahilan ng pagbuti ng kalagayan ni Alyja.

Pero hindi na naging normal ang nakalipas na dalawang taon ng buhay ng batang si Alyja. Mula kasi ng madiskobre ng mga magulang niya ang kanyang karamdaman, naging mas maingat pa ang mga ito sa kaniya.

Malimit nasa loob lang siya ng kanilang bahay o di kaya ay hanggang bakuran na lamang. Nakapag-aral naman siya ng normal pero madalas ding lumiban sa klase pag sumasama ang kanyang pakiramdam.

Dahil sa hindi makalabas at wala ring pagkakataong makipaglaro sa ibang mga bata, ang kakambal lamang niyang si Alyssa ang kasakasama ni Alyja sa halos araw-araw na ginawa ng diyos.

Wala namang problema iyon kay Alyssa. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para maging isang mabuting "ate" sa kakambal.

Lahat ay ginawa niya. As in lahat talaga, pati ang pagpayag na kalimutan nalang niya ang batang nakilala sa patag at ipaubaya nalang sa kapatid ang pakikipagkaibigan dito.

Salat man sa pera at sa iba pang materyal na bagay maayos namang naitaguyod ng mag-asawa ang kanilang maliit na pamilya.

Dala ng trabaho bilang sundalo, madalas na hindi kasama ni Victor ang kanyang pamilya. Madalas kasi itong nadedestino sa mga malalayong lugar.

Isang buwan pagkatapos ng ika-walong taong kaarawan ng kambal, isang napakasamang balita ang bumago sa takbo ng buhay ng buong mag-anak.

Namatay sa isang engkwentro si Victor. Naging biyuda si Eliza at naging ulila sa ama ang kambal sa napakamurang edad.

Dahil sa pangyayaring iyon, at para narin mabilis na makalimutan ang sakit ng pagkawala ng asawa, napagdesisyunan ni Eliza na iwan ang bayan kung saan sila unang namuhay. Gamit ang perang pinagbilhan niya ng kanilang bahay pati ng kanilang mga kasangkapan, lumuwas silang tatlo ng Negros. Ang probinsiya ng ama ni Eliza.

Dahil matagal naring patay ang sarili niyang mga magulang, bago umalis sa dati nilang tirahan tumawag muna si Eliza sa nag-iisang kapatid ng kanyang ama, ang kanyang tiya Rosa.

Nagbakasakali kasi siyang matutulungan siya nito sa plano niyang pag-uwi sa probinsiya. Baka sakali naring maipasok siya nito sa pinapasukan nitong mayamang pamilya. Ngunit nalaman niyang matagal na pala itong retirado. Dahil sa edad nito, pinatigil na ito ng kanyang amo sa pagtatrabaho at kasalukuyan ng nakatira sa isang bayan na malayo sa dati nitong pinagtatrabahuhan.

Ganoon man ang nangyari, laking pasasalamat parin ni Eliza sa kanyang tiyahin dahil tinulungan parin siya nitong nakapasok bilang kasambahay sa dating pinagtrabahuhang mayamang pamilya. Ang pamilya Villarama.

Naging mabuti naman sa kanya ang mag-asawang Felipe at Evelyn Villarama. Pinayagan pa nga siya at tinulungang makapagpatayo ng isang maliit na bahay sa isang parte ng malawak na lupaing pag-aari ng mga ito.

Ang perang nakuha niya ng mamatay ang asawang sundalo ay siyang ginamit ni Eliza para maipagpatuloy ang pagpapagamot sa anak na may sakit. Kahit papaano nakakaraos din naman silang mag-iina. Masipag din kasi si Eliza, kung wala itong trabaho sa malaking bahay, tumutulong ito sa ibang mga manggagawa sa mga gawain sa farm ng mga Villarama. Pati nga si Alyssa ay tumutulong sa kanyang ina basta wala lang itong pasok sa paaralan.

Ang kasipagang iyon ni Alyssa ay siyang labis na nagustuhan ng mag-asawang Villarama. Kahit mahigit isang buwan pa lamang silang nagtatrabaho doon sa pamilya, kapunapuna nang gusto at magaan ang loob ng mga ito sa mag-iina lalong lalo na kay Alyssa.

"Nay, sinabi po ni senior Felipe sa akin na kung gusto ko daw pong mag-aral hanggang sa kolehiyo ay tutulungan po nila ako." Pag-iiba nalang ni Alyssa sa takbo ng usapan.

Kahit kasi anong pagbabawal ang gawin ng ina sa kapatid. Igigiit at igigiit parin nito ang sariling kagustuhan, at sa huli para hindi narin magdamdam ang anak pinababayaan nalang din ito ni Eliza na gawin ang sarili nitong kagustuhan.

Biglang napataas ng tingin si Alyja at nakangiting tinitigan ang kapatid

"Magandang uportunidad iyon Alyssa, huwag mo ng palampasin pa." Sinsero nitong wika.

Iyon ang isa sa pinagpapasalamat ni Eliza sa dalawa niyang mga anak. Oo, hindi sa lahat ng oras magkasundo ang mga ito pero sa mga pagkakataong tulad nito nakikita niyang suportado ni Alyja si Alyssa sa pag-abot ng sarili nitong mga pangarap. At masaya siya doon. Imbes kasi na maingngit ito sa mga uportunidad na dumarating sa kapatid, masaya at excited pa ito para dito.

Marahil sa batang isip nito tanggap na nitong sa kanilang dalawang magkapatid mas malaki ang posibilidad na maging matagumpay si Alyssa dahil, ito ay ang mas may kakayahan para tapusin ang pag-aaral kompara sa kanyang may iniindang karamdaman.

"Nabanggit na iyan ni seniora Evelyn sa akin kahapon anak. Ikaw ano ba ang gusto mo?" Tinitigan niya ng diretso ang kanyang panganay.

"Ah eh kayo po ang iniisip ko nay. Kasi kung sakali pong mag-aral ako hindi na po ako makakatulong sa inyo at malalayo narin po ako kay Alyja, sa kadahilanang sa bayan napo ako papag-aralin ni senior. Saka po maiiwan po siyang mag-isa dito habang kayo po ay nasa trabaho." May kalungkutan sa tinig na sabi ni Alyssa. Tinitigan din niya ang kapatid na tuluyan ng itinigil ang pagkain.

"Huwag mo ng isipin iyon Alyssa. Kaya ko na ang sarili ko, at mag-aaral din naman ako kahit dito lang sa paaralang malapit sa atin." Nasigla parin ang boses ng bunso habang sinasabi iyon sa kapatid.

"Totoo ba iyon? Kung ganoon, maraming salamat Alyja." Buong puso siyang ngumiti at nagpasalamat sa kapatid.

"Tama naman ang kapatid mo Alyssa, minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon, kaya huwag mo na kaming isipin. Mag-aral ka. Pagbutihin mo para maabot mo ang iyong mga pangarap." Inabot ng kanyang ina ang kanyang palad na nasa ibabaw ng mesa at hinawakan iyon ng mahigpit sabay ngiti.

"Salamat po nay. Pinapangako ko pong pagbubutihin ko para makatulong pa po ako sa inyo pagdating ng panahon." Masayang tumayo si Alyssa at niyakap ang nakaupong ina.

"Ay sali ako dyan!" Tumayo rin si Alyja sa pagkakaupo at mabilis ding sumali sa pagyayakapan ng ina't kapatid.

Tumatawa ang magkapatid sa labis na kaligayahan, habang si Eliza naman ay maluhaluha dulot parin ng sobrang kagalakan.
××××××××××

Nang sumunod na umaga, bandang alas nueve gumayak na si Alyja para pumunta sa mansion ng mga Lazaro.

Hindi gaya dati na sa kapatagan lang sila madalas magkitang dalawa ni Dennise, ngayon malaya ng nakakapasok sa mansion si Alyja. Nang makarating nga siya doon, agad din naman siyang pinapasok ng gwardiya at sinabing kanina pa nakarating sila Dennise, at kasalukuyan na siyang hinihintay nito.

Medyo nahihiya man ay dumeretso siya sa lugar kung saan sinabi ng isang katulong na hintayin niya si Dennise, at iyon ay sa lanai ng mansion.

Kasalukuyan siyang nakatingin sa naggagandahang mga potted at flowery plants ng biglang may tumusok sa kanyang tagiliran.

Pigil ang pagsigaw na pumihit siya paharap sa gumawa noon at namangha siya ng makitang muli si Dennise.

Medyo mahaba ng isang dangkal ang buhok nito kompara noong isang taon, mas lalo rin itong pumuti at lalong lutang na ang kagandahang taglay nito.

Nang magkaharap sila, nagulat siya ng bigla siya nitong yakapin ng mahigpit. Agad naman siyang nakabawi sa pagkabigla at niyakap din pabalik si Dennise.

"Good to see you again Alyja. Kamusta kana?" Masayang sambit nito ng maghiwalay sila ng yakap.

"Masaya rin akong makita kang muli Dennise, okay lang ako. Ikaw kamusta kana? Lalo ka yatang gumaganda." Huli na ng marealize niya ang ibig ipahiwatag ng kanyang sinabi.

"Hindi naman. Ikaw talaga Alyja." Namumula at medyo nahihiyang sabi ni Dennise sabay ngiti ng tipid sa kaharap.

"Totoo naman kasing napakaganda mo na ah!" Nakatawa niyang sabi pagkatapos. Sobrang cute ni Dennise sa kanyang paningin.

"Uhm, tama na nga iyan. Halika ka dito may pasalubong ako sayo." Pag-iiba nito sa usapan sabay aya sa kanya na maupo sa isang upuan na naroroon. At noon niya lang din napuna na may box nang naroroon sa ibabaw ng lamesa. Hindi niya tiyak kung naroon na iyon kanina o si Dennise mismo ang may dala noon at inilapag lang doon bago ang ginawa nitong panggugulat sa kanya.

"May pasalubong ka talaga para sakin?" Hindi makapaniwalang usal niya habang nakatingin parin sa box.

"Nariyan na nga oh? Buksan mo na para makita mo!" Parang ito pa ang mas exited na makita ni Alyja ang pasalubong na siya mismo ang may dala.

Lumapit naman si Alyja sa box at binuksan ito.

Nagulat siya at namangha ng makita ang laman ng box na iyon.

"Totoo bang sakin ang mga ito?" Hindi parin talaga siya makapaniwala sa nakikitang nasa loob ng box.

Tango at ngiti lang ang naging tugon ni Dennise.

Ang naroon kasi sa loob ng box ay ang buong collection ng paboritong book series ni Alyja. Nasabi at naikwento kasi niya ang tungkol sa mga iyon noong isang taon. Nabanggit niyang gusto sana niyang mabasa ang buong book series na iyon pero imposibleng mangyari dahil napakamahal niyon. Hindi kaya ng kanyang ina na bilhin lahat ng libro sa collection para sa kanya.

"Salamat dito Dennise." Dahil marahil sa sobrang kasiyahan nayakap niyang muli si Dennise.

"Sorry, masaya lang ako." Bigla siyang kumawala sa pagkakayakap dito ng mapuna ang kanyang ginawa.

Tumawa lang ng tipid si Den. Kitang kita niya kasi kung paano namula bigla ang pisngi ni Alyja ng mapunang nakayakap na ito sa kanya.

Ito naman ang nagblush. Lol.

Nagkamustahan at nag-usap pa silang magkaibigan. Nagpahatid din ng merienda si Dennise para sa kanilang dalawa. Humigit kumulang isang oras din ang inilagi ni Alyja doon bago nagpaalam para umuwi.

Ayaw niya kasing umuwi kapag masyado ng mainit ang sikat ng araw. Madalas kasi pag ganoon sumasama ang kanyang pakiramdam.

Sa paglipas ng mga araw sa buong bakasyong iyon mas lalo pang lumalim ang pagkakaibigan nina Dennise at Alyja.

Naging malapit man sila sa isa'i isa, may ilang mga bagay paring hindi magawang sabihin ni Alyja sa kaibigang si Dennise, iyon ay ang tungkol sa kanyang karamdaman at ang pagkakaroon niya ng kakambal.

Nang makarating sa kanilang bahay naabutan ni Alyja na nag-aayos ng gamit si Alyssa sa loob ng kanilang kwarto.

"Nandito kana pala? Kamusta ang pakiramdam mo? Hindi ba gaanong mainit sa labas?" Lumingon si Alyssa ng maramdaman ang presensiya ng kapatid.

"Umuwi nga ako bago magtanghali dahil siguradong napakainit na mamya. Mabuti naman ang pakiramdam ko Ly, kaya huwag kanang mag-alala." Nakangiting wika niya sa kapatid at inilapag sa sariling kama ang dalang box.

"Anong laman niyan? Mukhang mabigat yata." Puna niya sa box. Gusto sana niyang tanungin kung kamusta na ang kaibigan ng kapatid pero mas pinili nalang niyang pagtuunan ng pansin ang dala nito.

Umupo ang kakambal niya sa kama at buong ingat na binuksan ang box at pinakita ang laman kay Alyssa.

"Sinong nagbigay niyan sayo?" Manghang tanong niya ng ilabas isa isa ni Alyja ang mga libro.

"Pasalubong ito ni Dennise sakin. Nabanggit ko kasi minsang gusto kong magkaroon nito." Masayang pahayag nito habang binubuklat ang isa sa mga librong iyon.

"Alam ba ng parents niyang binigyan ka niya ng ganyan?"

"Hindi ko alam kung alam nilang sakin balak ibigay ito ni Dennise, pero sigurado akong alam nila ang tungkol sa pagbili ni Dennise nito! Pasalubong niya ito sakin, kaya wala naman sigurong kasama kung tanggapin ko ito!" Medyo may diin na sabi ni Alyja.

Napabuntong hininga si Alyssa. Heto na naman kasi ang kapatid niya. Para kasing wala itong pakiaalam sa maaring sabihin ng pamilya ni Dennise sa pagkakalapit nilang dalawa.

Hindi naman sila nagkulang ng kanilang ina sa pagpapaintindi dito, pero hindi talaga ito tumigil. Hindi sa ayaw nilang maging magkaibigan ang dalawa, ang sa kanila lamang ay ang maprotektahan ang damdamin ni Alyja kung sakali mang may masamang masabi ang pamilya ni Dennise dito.

Malaki kasi ang posibilidad na kwestyunin nila ang totoong intensiyon ni Alyja sa pakikipaglapit sa kanilang si Dennise.

Sa loob ng isang taon mula ng makilala nito si Dennise at naging magkaibigan ang mga ito ni minsan kasi, hindi naputol ang komunikasyon ng mga ito. Hindi naging hadlang ang kawalan ni Alyja ng cellphone o ang kawalan nila ng telepono sa bahay para maipagpatuloy ang kanilang pagkakaibigan. Regular kasi ang pagpapalitan nila ng sulat.

"Walang masama sa pakikipagkaibigan mo sa kanya, ang sa akin lang naman ay baka mamis-interpret ng mga taong nakapaligid sa kanya ang ginagawa mo. Baka maisip nilang may motibo ka sa ginagawa mong pakikipaglapit sa kanilang anak." Sinikap niyang maging mahinahon habang nagpapaliwanag sa kanyang kapatid.

"Ganoon ba talaga iyon Alyssa? O nagseselos at naiinggit ka lang dahil kami ni Dennise ang naging malapit?" Mapaghamong tanong ni Alyja. Nakaharap na ito sa kanya at matiim ang klase ng pagtitig nito sa kanya.

"Oo, naiinggit ako kasi ako dapat ang nasa lugar mo?! Pero ano? Dahil sa sensitibong kalagayan ng iyong kalusugan kinailangan kong magparaya!" Iyon ang mga katagang gusto niyang sabihin sa kapatid ngunit nagpigil si Alyssa.

"Huwag mong sabihin iyan. Alam mong handa akong gawin ang lahat para sayo Alyja." Malungkot niyang usal, at tinapos ang paglalagay ng damit sa isang bag.

Hindi nakapagsalita si Alyja, tumagilid ito ng upo at binalik sa box ang mga librong inilabas kanina.

Nakatingin lamang si Alyssa sa ginagawa ng kapatid.

"Ingatan mo ang sarili mo dito Alyja, huwag mong kalimutan ang iyong mga gamot. Sundin mo rin lahat ng mga sinasabi ni inay." Iyon ang mga katagang namutawi sa mga labi ni Alyssa ng muli siyang magsalita.

Hindi parin umimik ang kanyang kakambal.

"Ayaw ko sanang iwan kayo dito ni inay pero kailangang doon ako mamalagi sa malaking bahay ng mga Villarama ngayong bakasyon. Kapag sumapit na ang pasukan, maaring sa bayan narin ako mamalagi. Tutulong din kasi ako doon sa tindahan ng mga pataba na pag-aari din ng pamilya."

"Kaya kaba nag-aayos ng iyong mga gamit?" Lumingon muli si Alyja sa kapatid. Nababanaag ang sobrang kalungkutan sa kanyang mga mata.

Tumango si Alyssa bilang tugon. At dahan dahang lumapit sa kinaroroonan ng kapatid.

Pilit man niyang nilalabanan ang lungkot na biglang bumalot sa kanyang pagkatao. Hindi talaga niya mapigilang hindi maiyak at masaktan sa nakaambang paghihiwalay nilang tatlo.

"Kung buhay lang sana hanggang ngayon si itay, siguradong hindi mangyayari ang lahat ng ito." Naisip niya habang hinapit payakap ang nakababatang kapatid.

"Sisikapin kong makauwi dito sa atin kung wala akong pasok o di kaya sa panahong wala akong trabaho." Umiiyak siya ng sabihin iyon sa kapatid.

Naramdaman ni Alyssa na namamasa na rin ang suot niyang tshirt. Umiiyak narin si Alyja.

"Mag-iingat ka doon ate, huwag mo ring pabayaan ang iyong sarili. Huwag mo na kami isipin dito ni inay. Kaya namin ang aming sarili." Humihikbi ito habang nagsasalita.

"Basta mag-iingat kayo dito. Lalong lalo kana. Malapit lang naman ang bahay ng mga Villarama, maaari mo rin naman akong dalawin doon kung kailan mo gusto. Iyon eh kung maisisingit mo ako sa arawang schedule mo." Medyo may himig pagbibiro nang turan ni Alyssa, habang pinapahid ang mga luha.

Masyado na silang madramang magkapatid, at ayaw niyang baunin sa kanyang pag-alis ang iyakan at kalungkutang nadarama.

"Ano ang ibig mo na namang sabihin doon?" Kumalas sa pagkakayakap si Alyja at tinitigan siya ng buong pagtataka. May bakas pa ng luha ang pisngi nito.

"Wala naman. Panigurado kasing magiging busy ka kay Dennise at hindi mo na iindahin ang pagkawala ko dito sa bahay." Nagtampo tampuhan pa siya.

"Loko ka rin ano? Syempre, iba parin ang samahan natin ate. Kaibigan ko si Dennise. Kapatid naman kita. Magkaibang magkaiba iyon! Nakakalungkot talagang isipin na hindi kana dito titira pero sabi mo nga para din ito sa atin. Kaya magtiis nalang muna tayo."

"Iyan ang gusto kung marinig mula sayo bunso. Laban lang tayo. Pero uhm..." Nag-alangan siya kung sasabihin pa ba niya kay Alyja ang nasa isip.

"May gusto ka bang sabihin?" Napuna nito ang pag-aalangan niya.

"Huwag mo nalang sabihin kay Dennise ang tungkol sa pagkakaroon mo ng kapatid Alyja." Seryosong usal niya kapagdaka.

"Seryoso ka doon?"

"Seryoso ako Alyja, mas makakabuting hindi niya alam ang tungkol sa akin. Sasabihan ko nalang din si inay na huwag niyang banggitin ang tungkol sa akin kay Alyja. Hindi o wala naman yatang ibang tao ang magkakainteres na sabihin sa mga Lazaro o kay Dennise na ika'y may kakambal."

"Tingin mo walang magkakamaling bumanggit noon sa kanila?" Noon palang pumasok sa isipan ni Alyja na maari pala talagang mangyari iyon.

"Malabong mangyari iyon, wala yatang obrero ang mga Lazaro na nakakakilala kay inay o may ideya manlang na may kambal siyang anak. Wala ring obrero ang mga Lazaro na nagagawi sa lupain ng mga Villarama at ganoon din pagdating sa mga obrero ng pamilya Lazaro. Wala pa akong nakikitang obrero nila na nakapunta doon sa malaking bahay." Kampante si Alyssa na walang makakakilala sa inay niya. Ordinaryong manggagawa lamang ito para makilala ng lahat.

"Kung iyon ang sa tingin mong makakabuti iyon nadin ang gagawin ko ate." Pagsang-ayon nalang din ni Alyja sa gustong mangyari ni Alyssa.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang kanilang ina mula sa bahay ng mga Villarama.

Nagsalo-salo sila sa tanghalian at ng hapon ding iyon sumama na si Alyssa sa kanyang ina papunta sa bahay ng mga Villarama.

Continue Reading

You'll Also Like

183K 1.6K 12
She's already taken.. Me
230K 5K 34
Jia Morado Bea de Leon
5.3M 477K 98
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
555K 18.9K 144
Read and find out...