Chapter 11: Ashley
Cedrick’s POV
Nakakairita na talaga yung babaeng yun. Kung ako lang din naman masusunod ititigil ko na tong pagpapanggap na to eh. Kaso hindi nga pwede. Nasimulan na namin to kaya kailangan tapusin namin to. Kayo? Sa tingin niyo ba gusto ko tong nangyayari samin? HINDI NO! Alam niyo naman yung dahilan kung bakit hindi namin pwedeng itigil to.
Kung nandito lang sana si Ashley hindi sana nangyayari to. Bakit kasi kailangan niya pa akong iwan? Kahit dalawang taon na siyang wala, hindi ko pa rin siya nakakalimutan.
“Insan, tinitignan mo na naman yang picture ni Ashley. Tagal na nun ah. Di ka pa rin nakakamove-on?”
Hindi ko namalayan na naka-upo na pala sa harapan ko si Timothy, yung pinsan ko. Dito na siya nakatira samin simula nung mamatay sa plane crash yung parents niya nung 9 years old pa lang kami. Kami na yung naging pamilya niya after that incident.
Hindi kami parehas ng school na pinapasukan. Ayaw niya kasi eh. Baka daw magsawa siya sa mukha ko kung pati sa school magkikita kami.
Itong itsura kong to pagsasawaan niya? Tss.
“Ano insan? Gusto mo bisitahin natin si Ashley?”
“Tara.” Nakangiti kong sabi.
Umalis kami ng bahay at pinuntahan yung lugar kung nasan si Ashley.
Sa lugar kung saan pwede namin siyang puntahan kahit anong oras. Sa lugar kung saan walang gumugulo sa kanya. Sa lugar kung saan tanging pangalan niya na lang ang makikita ko.
“Ashley, nandito na naman kami. Si Cedrick kasi namiss ka na naman. Dalawang taon ka ng natutulog dyan ah. Bumangon ka na. Gusto ka ng makita ni Cedrick ulit eh.”
“Tumahimik ka nga dyan Tim.”
“Hahaha. Ito naman. Oo na. Sige, maiwan ko na muna kayo. Dun muna ako sa kotse. Babye Ashley.”
Naglakad na palayo si Timothy at iniwan akong mag-isa sa tapat ng puntod ni Ashley.
Tulad ng dati, nakatingin lang ako sa pangalan na naka-ukit sa lapida niya at kinakausap siya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam ko nasa paligid lang siya at naririnig lahat ng sinasabi ko. Nararamdaman ko yun.
“Ash, pa’no ba yan? Namiss na naman kita.”
Di ko na naman napigilan yung sarili ko. Pumatak na naman mga luha ko. Kada pupunta ako dito ganito lagi ang eksena.
Three years ago, she was diagnosed with Leukemia. And after a year, she passed away. Mabilis na kumalat ang cancer cells sa katawan niya.
Ang saya sana namin eh. Tanggap siya nila papa at mama. Ganun din naman yung parents niya sakin. Nangako kami sa isa’t-isa na walang iwanan. Pero bakit ganun, iniwan niya pa rin ako.
Four years na sana kami ngayon kung hindi lang siya umalis. Kaso anong magagawa ko? Hanggang dun na lang yung buhay niya. Mahirap kalabanin ang diyos. Kaya kahit hindi ko kaya, pinilit kong tanggapin na hindi na talaga kami pwedeng magsama.
Hindi naging ganun kadali para sakin na tanggapin ang lahat. Sobrang depressed ako nun. Kaya napabayaan ko na din pati pag-aaral ko. Pero nung tumagal, unti-unti ko na ring natanggap. Pero syempre hindi ko pa rin siya kayang kalimutan. Siya yung unang babaeng minahal ko. Pero wala eh. Ganito yung kapalaran namin. Mahirap man, kailangan tanggapin.
“Ash, may gustong ipakasal sakin sila mama. Pero syempre hindi ko siya gusto. Dahil ikaw pa rin ang mahal ko. Kaya ngayon, nagpapanggap kami na may relasyon para mapigilan yung gusto nilang mangyari. Wag ka sana magalit sakin. Promise, hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kanino.”
Habang naka-upo ako sa tapat ng puntod niya, parang may pumatak sa kamay ko. Nung tinignan ko, may patak ng tubig. Tapos nagtuloy-tuloy na ang pagbuhos ng ulan.
“Ash, wag kang umiyak. Nagpromise naman ako sayo noon diba? Na ikaw lang talaga. Walang papalit sa lugar mo dito sa puso ko. Promise yan.”
At tuluyan na nga akong nabasa ng ulan. Pero hindi pa rin ako umaalis sa kinauupuan ko. Gusto ko pang makasama si Ashley ng matagal.
“Insan, halika na. Umuulan na.”
Patakbong lumapit sakin si Timothy na may dalang payong at pinayungan ako.
“Mauna ka na Tim. Dito muna ako.”
“Ano ba Ced? Sa tingin mo kung nandito ngayon si Ashley gusto niyang makita kang ganyan?”
“Pero Tim –“
“Wala ng pero-pero. Tumayo ka na dyan. Magagalit pa sayo nyan si Ashley kung magkakasakit ka pa. Bye Ashley, kunin ko na muna tong si Cedrick ah. Next time na lang.”
Pinilit ako ni Timothy na tumayo at hinila pabalik sa kotse.
“Tara na. Ako na magda-drive.”
Kinuha niya sakin yung susi at tsaka pinaandar ang sasakyan.
Halos sabay kaming lumaki ni Timothy kaya kilalang-kilala na niya talaga ako. Alam niya bawat pangyayari sa buhay ko. Nakita niya ang mga pinagdaanan namin ni Ashley kaya alam ko naiintindihan niya ako.
Habang nasa kotse kami, bigla namang may naitanong sakin si Tim.
“Insan, may fiancée ka na pero hindi mo pa rin nakakalimutan si Ashley. Unfair yan bro.”
Hindi ko na siya sinagot dahil nawala na ako sa mood.
Nako Tim, kung alam mo lang. Si Ashley pa rin talaga nasa puso ko at hinding-hindi magbabago yun.
***
“Cedrick, labas ka muna.”
Tinawag ako ni Vincent. Dahil taga ibang section siya, hindi siya pwedeng pumasok sa classroom namin.
Mali. Pwede pala siya pumasok. Kaso ayaw niya lang. Pa-shy type.
Hindi pa naman nagsisimula yung klase kaya lumabas ako ng room at lumapit sa kanya.
“Bakit?!”
“May nalaman ako. Ba’t di mo sinabi sakin?”
“Ang alin?”
Hinila niya ako palayo sa maraming tao tapos may binulong siya sakin.
“Kayo na pala ni Sofia. Bakit wala kang sinasabi sakin?”
Bigla ko namang tinakpan yung bibig niya.
“Ano ba? Wag kang maingay. Tsaka hindi totoo yun.”
“Kung hindi totoo, bakit kailangan mo pang takpan yung bibig ko? Kelan pa naging kayo ha?”
“Hindi mo kasi naiintindihan Vince. Kunwari lang yun. Nagpapanggap lang kami. Fake couple.”
“Ahhh! Kulang naman yung details na sinabi sakin ni Michelle.”
“Michelle? Yung bestfriend ni Sofia? Siya nagsabi sayo?”
“Oo. Kahapon lang. Bakit kayo nagpapanggap?”
Geez. Pa’no nalaman ni Michelle? Ibig sabihin sinabi ni Sofia? Grrr, masisira ang reputasyon ko neto ><
“Oi Ced, ayan na pala si Sofia oh.”
Lumingon ako para tignan kung nandyan na nga ba talaga si Sofia. Ngayon pa lang siya dumating.
Nung malapit na siya samin, bigla ko siyang hinila.
“Hoy Sofia, bakit mo sinabi kay Michelle?”
“Ang alin?”
“Yung sa contract natin? Masisira ang image ko neto eh.”
“Bakit naman?!”
“Sasabihin nila na pumatol ako sayo? Na ang cheap ng taste ko. Tsk. Pag ‘to kumalat sa buong school lagot ka sakin.”
“HOOOY! Ang kapal ng mukha nito. Sa tingin mo ba gusto ko ding malaman nila to? Feeler ka ah. Tsaka si Michelle lang naman sinabihan ko ah.”
“Oo si Michelle lang sinabihan mo. Eh siya, ilan ang sinabihan??”
“What do you mean?”
“Sinabi sakin ni Michelle na kayo ni Cedrick. Yun nga lang, hindi niya sinabi na nagpapanggap lang kayo.” singit ni Vincent.
“Whaaaat? Sinabi niya sayo? Argh, sabi ko secret lang yun eh.”
“Don’t worry Sofia, hindi ko pagkakalat. Baka kung anong magawa sakin nito ni Cedrick eh.”
Bigla naman tumakbo si Sofia palayo.
Anong nangyari dun? Hindi pa nga kami tapos mag-usap tapos bigla na lang aalis??
***
Sofia’s POV
Lagot sakin tong Michelle na to. Bakit niya sinabi kay Vincent? Sabi ko wag niyang ipagsasabi kahit kanino eh.
Nagmadali akong tumakbo papunta sa classroom para tignan kung andun na si Michelle. Pagdating ko, nandun na siya at busy sa pagsasoundtrip.
Hinila ko yung earphones na nakasuot sa tenga niya.
“Hoy Mitch, sabi ko sayo diba secret lang? Bakit mo pinagsabi?”
Pinandilatan ko na siya ng mata. Naiinis kasi ako eh. Bakit niya sinabi?
Mukhang na-gets niya naman agad kung ano yung ibig kong sabihin.
“Alam mo girl, ok lang naman siguro kung malaman yun ni Vince. Bestfriend niya naman si Cedrick eh. Parang ako, bestfriend mo ako, kaya ok lang yun.”
“Oo. Bestfriend na nagrereveal ng secret. Dapat hindi ko na lang sinabi sayo eh.” >_<
“Siya lang naman sinabihan ko eh. Promise, wala na akong ibang pagsasabihan.”
“Hhmmp.”
“Wala na talaga akong pagsasabihan promise. Parusahan mo ako pag may iba pang naka-alam.”
“Sige na.”
Yan ang mga halimbawa ng mga pilit na sagot.
Wala naman akong magagawa eh. Alam niya na yung secret namin ni Cedrick. Hindi ko naman pwedeng bawiin pa yun. Tsaka may tiwala naman ako sa kanya kahit papano. Hindi niya na ‘siguro’ ipagsasabi pa yun ulit.
***
**Dismissal time**
“Ok class, dismiss.”
Dahil tapos na yung club activity namin, diretso uwi na ako ngayon.
Inayos ko muna yung mga gamit ko.
“Sofi, sabay tayo.”
Sabi ni Mitch. Ngayon na lang ulit kami sabay umuwi dahil laging may practice sa theater club nung nakaraang linggo.
“Locker muna tayo.” Sabi ko sa kanya.
Pumunta kaming dalawa sa locker area.
Nung naglalakad na kami hallway, may narinig akong tumatawag sakin kaya huminto muna kami at lumingon sa likod. Nakita ko si Mico na patakbong lumalapit samin.
“Sofi, tulungan na kita.”
Tapos kinuha niya yung mga dala kong libro.
“Oy, anong ibig sabihin nito?” Bulong sakin ni Michelle.
“Next time ko na sasabihin.”
Pumayag naman siya. Baka marinig kasi ni Mico yung pag-uusapan namin eh kaya next time na lang.
Pagtapos namin maglocker, naglakad na kami palabas.
“Sofia, hatid na kita.” Sabi ni Mico habang pababa kami sa hagdan.
Bigla naman akong naubo at napatingin kay Mitch. And base sa facial expression niya, alam ko na ibig niyang sabihin.
“Ano kasi, hmm—“
“Ay Sofia, nakalimutan kong may pupuntahan pa pala ako. Sige, mauna na ako ah. Mico, hatid mo si Sofia ha. Hanggang sa bahay nila.” Sabi ni Michelle tapos nagmadaling bumaba ng hagdan.
Alam kong hindi totoo yun. Saan naman siya pupunta? Gusto niya lang talaga kaming iwan ni Mico ng kaming dalawa lang. Style ni Michelle bulok. Psh.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Mico hanggang makarating kami sa first floor.
“Ano... Sofia, yung tungkol dun sa tinanong ko....“
Napatingin ako sa kanya. Bigla naman siyang umiwas ng tingin.
“...Hindi naman kita minamadali. Sige pag-isipan mo muna. Maghihintay ako.”
Ngumiti na lang ako. Hindi ko rin alam isasagot ko eh. Sobrang awkward nito. Nakayuko na lang tuloy ako habang naglalakad. Nahihiya ako eh.
“Yow. Mico!”
Narinig kong may tumawag kay Mico mula sa malayo kaya inangat ko yung ulo ko para tignan kung sino yun. Nagulat ako ng makita ko sina Cedrick at Vincent.
“Oh Vince. Long time no see ah. Kelan ka pa bumalik?”, tanong ni Mico.
“Last week pa. Baka di mo lang ako napansin. Masyado kang busy sa play niyo eh. Infairness ha, maganda kinalabasan.”
“Napanuod mo? Salamat.”
“Oo. Ang ganda ng kwento. Favorite ko nga yung kissing scene part eh. Hahahaha!”
Sheez. Ano ba Vincent? Lumayas ka nga sa harap ko. Baka kung ano pang magawa ko sayo. Feeling ko lulubog na ako sa lupa sa sobrang hiya eh.
“Ahh. Ha-ha! Si-ge mauna na kami. Bye.”
Halatang nahiya din si Mico sa sinabi ni Vincent kaya nauna na kaming maglakad ni Mico.
“Teka lang Mics. Gusto mong sumama samin ni Cedrick sa Qwerty? Tara. Boys hang out.”
“Hindi na Vince, hahatid ko pa si Sofia eh. Kayo na lang. Sige.”
“Oooowww! Sige. Ingat kayo.”
Bago ako tumalikod sa kanila at maglakad, pinaningkitan ko muna ng mata si Vincent. May laman yung mga salita niya eh lalo na sa part na ‘oooowww’. Pang-asar talaga tong lalaking to.
***
Pagpasok ko sa bahay, dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Tapos lumapit naman sakin si Manang Cely.
“Ma’am may bisita po kayo. Hindi niyo po ba nakita? Naka-upo po siya dun sa sala.”
“Talaga manang? Hindi ko napansin eh. Sino?”
Tapos inilapag ko yung baso sa mesa at pumunta sa sala.
Nakita kong may lalaking naka-upo dun sa sofa. Lumingon siya sakin at ngumiti.
“Yo!” sabi niya tapos nag-salute siya.
Sino yan? Hindi ko naman siya kilala.
“Sino po kayo?”, tanong ko dahil ngayon ko lang naman siya nakita.
Tumayo siya at humarap sakin, “You’re Sofia right?”
Tumango lang ako.
“Pinapasundo ka kasi sakin ni tita Cheena eh. Tara na.”
“Wait! Wait! Wait! Hindi nga kita kilala eh. Bakit ako sasama sayo?”
“Ok. Magpapakilala muna ako. I’m Timothy. Cedrick’s cousin. Ngayon, sasama ka na?!”
“Paano naman ako makakasiguro na totoo yang mga sinasabi mo?”
Kinuha niya yung cellphone niya at may tinawagan. Ewan ko nga lang kung sino.
“Hello, tita, ayaw maniwala ni Sofia na pinapasundo niyo siya sakin.”
Sabi niya dun sa kausap niya sa phone habang nakatingin sakin.
“Ok po. Wait lang.”, sabi ulit nung lalaki tapos sabay abot sakin ng cellphone niya. Kinuha ko naman yun.
“Hello?”, sabi ko.
“Sofia? Sumama ka kay Timothy. Dito ka magdinner samin. Napagpaalam na kita sa mommy at daddy mo kaya ok na.”
“Po?? Si-sige po.”
Ano pa bang magagawa ko? Edi pumayag na lang ako.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ni Timothy. Mukhang pinsan nga talaga to ni Cedrick. Parehas silang maangas ang dating eh.
Sinalubong agad ako ni tita Cheena pagkadating namin sa bahay nila. Wooow! Ang ganda ng bahay nila. Pero mukhang wala pa si Cedrick. Baka kasama pa ni Vincent.
Si tita naman naman nilibot ako sa buong bahay. Ang laki ng bahay nila sobra. Ang ganda ng kusina nila pati dinning area. Pinapasok din niya ako sa mga kwarto nila. Tapos meron silang swimming pool underground. Ang cool nga eh. May theater room din. Meron ding music studio na may iba’t-ibang musical instruments. Siguro kay Cedrick lahat yun. Tapos pumasok kami dun sa room na maraming portrait ng mga iba’t-ibang pictures. Yung parang exhibit. Ang gaganda ng mga shots. Parang professional na photographer yung kumuha.
“Tita, kanino po ‘tong mga pictures?”
“Kay Cedrick lahat yan. Siya kumuha ng mga yan?”
Talaga? Si Cedrick ang nag-shot ng mga yan? Wow! May talent pala sa photography yung lalaking yun. Kaya pala camera club siya.
Lumabas na kami at pumunta naman sa garden. Ang cute nung backyard nila. May Gazebo pa. Tapos napansin ko din, may tree house dun sa bandang likuran. Medyo malayo siya sa kinatatayuan namin pero kitang-kita ko siya at ang ganda.
“Hmm, tita, tree house po ba yun?”, tanong ko lang para sure.
“Ahh oo. Si Cedrick nagpagawa niyan eh. Pero ngayon hindi na siya pumupunta dyan. Tsaka ayaw niyang may umaakyat dyan.”
“Bakit po?”
“Hindi niya ba nakikwento sayo? Kasi 2 years ago—“
“Ma!”
Naputol yung kwento ni tita dahil biglang dumating na si Cedrick.
“Oh Cedrick, dumating ka na pala. Niyaya ko si Sofia na dito na magdinner satin. Nga pala, hindi mo pa ba nakikwento kay Sofia yung tungkol sa tree house?”
“Problema na namin yun. Sige na, may tawag ka pa sa telepono.”
“Ay sino?!!!”
Tapos biglang tumakbo si tita papasok ng bahay. Naiwan kami ni Cedrick dun sa yard.
“Anong meron sa tree house?”, tanong ko sa kanya.
“Wala! Wag mo ng isipin yun. Tara na sa loob.”
Tapos naglakad na siya papasok sa bahay kaya sumunod na din ako.
Ano kayang meron dun? Bakit ayaw niyang sabihin? Naku-curious tuloy ako.
Si Cedrick dumiretso ng kwarto niya para magbihis.
Ako naman bumalik dun sa kwarto na parang exhibit. Ang ganda talaga nung mga shots ng pictures dun. I’m so amazed sa mga portraits dun.
Tinignan ko isa-isa yung mga pictures. I want to know what’s the meaning behind each shots. Sa dami ng mga pictures na nakuhaan niya, hindi lahat yun nakadisplay. Yung iba nasa isang gilid at magkakapatong. Pati yun tinignan ko. Napansin ko lang, sa isang sulok, may mga photo album. Nacurious naman ako sa kung anong mga shots ang meron dun kaya tinignan ko. Pagbuklat ko, nagulat ako dahil iisang babae lang ang laman ng album na yun. Pero syempre iba’t-ibang post. Meron ding mga stolen. Ang ganda niya. Para siyang model. Pero mukhang bata pa. Tsaka parang luma na din tong mga pictures. Tinignan ko yung date, 2008 pa. Ang tagal na pala talaga.
Bigla namang may nagbukas ng pinto kaya napatigil ako sa ginagawa ko at lumingon sa pintuan.
“Andito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni tita.”
Si Timothy pala. Pumasok siya sa loob ng kwarto at lumapit sa kinatatayuan ko.
“Yan pala tinitignan mo. Nako, wag kang papahuli kay Cedrick na hawak mo yan. Magagalit sayo yun. Kahit kay tita tsaka sakin hindi niya yan pinapahawakan eh. Pero fiancée ka naman niya eh, kaya baka ok lang.”
“Sino ba to? Model niya to dati?”
Bigla naman siya natawa, “Tss, model?! Hindi ba nakikwento sayo ni Ced si Ashley? Yang babae sa pictures, si Ashley yan. Ex-girlfriend niya.”
Ex-girlfriend?
Aaaaaah! Naalala ko na. Nasabi niya nga pala sakin na nagka-GF na siya. Pero di naman siya nagkwento.
OK. This is my chance para malaman ang kwento :)
“Siya pala yung ex-girlfriend niya. Pwede bang magkwento ka naman tungkol sa kanya?”
“Bakit ako? Kay Cedrick ka magpakwento.”
“Ayaw niya nga magkwento eh. Sige na.”
“Ayoko. Ayaw niya nga magkwento sayo eh. Bakit kita kikwentuhan?”
“Sige na. Gusto ko lang malaman.”
Napakamot siya ng ulo, “Sige na nga. Ano bang gusto mong malaman?”
“Lahat!”
“Tanungin mo na lang ako ng mga gustong mong malaman. Nakakatamad magkwento eh. Sasagutin ko na lang tanong mo.”
“Sige. Kelan naging sila?”
“Matagal na yun. Hmmmmm, 4 years ago?!”
“Ooooh. Tagal na pala. Eh bakit naman sila nagbreak?”
“Namatay kasi si Ashley. Leukemia.”
“Eeh?! Talaga? Sayang. Ang ganda pa naman niya. Siguro mahal na mahal ni Cedrick si Ashley no?”
“Oo naman. Nako. Kung alam mo lang kung anong nangyari kay Ced nun after nung libing ni Ash. Maaawa ka sa kanya.”
“Talaga?! Sayang naman sila.”, tapos binuklat ko ulit yung album.
“Teka, hindi ka nagseselos?”, tanong ni Timothy.
“Nagseselos? Bakit naman?”
“Eh kasi diba girlfriend ka niya? Natural lang na magselos ang present sa past diba?”
Ay oo nga pala. Nakalimutan ko. Geez >:/
“Aah! Yun ba?! Ha-ha. Oo tama ka. Girlfriend niya nga ako. Pe-pero kasi ano... wala na naman siguro akong dapat pagselosan diba? Patay naman na si Ashley. Hindi niya na ulit mababawi sakin si Cedrick.”
Yikes. Sofia, ano bang mga sinasabi mo? Iwwww. Ashley, sorry.
“Sabagay. Wag mo na lang sabihin sa kanya na nagkwento ako sayo ah. Magagalit yun.”
“Bakit?”
“Ewan ko dun sa lalaking yun. Ok lang naman na pag-usapan si Ashley. Ayaw niya lang pag yung pagkamatay na ni Ash ang topic.”
“Ahh. Ok. Thanks Timothy.”
--
Next: Chapter twelve – It’s official