Masked, Unmasked

By alconbleu

31K 1.1K 452

Behind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise. More

1: Start
3: In a Very Distant Past
4: First Heartache
5: Moving Forward
6: Uncovering
7: Sad Endings + Surprising Beginning
8: Barrowed Time
9: Painful Truth
10: Two Can Play this Game
11: Present Time
12: Mood
13: The Song
14: First Signs of...
A/N
15: Trust Issues
16: Change of Heart?
17: Perturbed D
18: Stuck With You
19: Fantasy
20: Unexpected Twist
21: Is It Over Now...
22: Something to Look Forward to
23: Pent-up Emotions
24: Detour
25: One Good Reason
26: DOA
27: Marry You
28: I Do
29: The Things You Do....
30: Honeymoon eh?
31: Another Ordinary Day
32: Why
33. Reunited
34: Untitled(hahaha)
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Next
Chapter 43
Chapter 44: Missing You
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47. Ang Adobo at si Alyssa
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51: Lakas Tama
Chapter 52
Chapter 53: Loving Her

2: So Near Yet...

691 19 2
By alconbleu

"Sa wakas dumating ka narin Dennise! Akala ko iindianin mo na ako eh." Tumayo agad si Ella ng makita ang papalapit na kaibigan.

"As if I have a choice. O halika na at baka maiwan pa tayo ng eroplano lagot pa ako sa parents ko." Sabi niya pagkatapos halikan sa pisngi ang kaibigan.

Ilang minuto pa ang lumipas at nasa himpapawid na sila.

Ayon nga sa napagkasunduan nilang mag-ama naiwan siya para tapusin ang presentation samantalang ito, ang mommy niya at si Beatriz ay nauna na doon sa probinsiya.

Sumandal si Dennise at pinikit ang mga mata. Antok pa siyang talaga. Sobrang aga kasi ng flight na kinuha ng daddy niya. Kung siya nga lamang ang masusunod ayaw niya pa sanang bumangon mula sa pagkakahiga sa kanyang kama pero ayun na nga, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang bumangon, mag-ayos at pumuntang airport para sa flight pauwi ng Negros.

"Besh, how was the presentation nga pala." Maya't maya'y narinig niya ang boses ng kaibigang si Ella.

"It went well naman besh. Kinabahan ako pero hopeful naman ako sa magiging resulta noon. Ginawa naman namin ang lahat for that, it's up to Mr. Scott nalang talaga kung sino ang pipiliin niya." Minulat niya ang kanyang mga mata at sinagot ang tanong ng kaibigan.

"So, hindi pa pala sila nakapili. Marami ba kayong nagpresent kahapon?" Patuloy parin sa pag-usisa si Ella.

"We were on schedule besh, wala na akong idea if after namin ng team ko may nagpresent pa, pero marami talagang interesado na makuha yung project eh! Sana lang talaga, kami ang mapili nila." Bumuntong hininga si Den. In a way disappointed siya kasi akala niya after ng presentation na iyon kahapon, agad na iaanounce kung sino sa mga nag-participate ang makakakuha ng project.

"Makukuha mo yan, ikaw pa ba?" Pagpapalakas ni Ella sa loob ng kaibigan.

"Confident ako na mapapasaamin yung project besh. Ipagpapaliban nga lang daw muna ang announcement hanggang sa pinakalast day ng bidding for the said project which is twenty days from now."

"Twenty days from now ang announcement? Eh paano iyon diba you'll be staying sa Negros for a month? Baka nagtampo ang abuela mo niyan pagbumalik ka ng Manila nang hindi pa tapos ang isang buwan." Medyo worried na turan ni Ella. Nakita niyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Dennise.

"Iyon pa nga ang problema doon. Hay, ewan nalang pero sana pumayag siyang icut ko ang bakasyon ko doon in time for the announcement. Importante si nana sa akin besh, pero alam mo ring importante din itong project na ito for me and para sa company." Mahina niyang sabi.

"You will figure it out Besh." Hinawakan ni Ella ang kamay ni Dennise. Naiintindihan niya ang kaibigan. Medyo may kahirapan nga ang sitwasyon nito ngayon pero kampante siyang malulusutan din ito ni Dennise.

"I will cross the bridge when I get there besh." Ngumiti siya kay Ella at pinikit uli ang mga mata.

Naging tahimik ang dalawa sa buong duration ng flight. Si Dennise mas pinili ang umidlip nalang muna habang si Ella ay hinayaan nalang ang kaibigang bumawi ng tulog. Naging sobrang pressured and stressed kasi ito sa preparation ng presentation.
××××××××××

Sa ancestral house naman ng nga Lazaro, nagkakagulo na ang lahat. Masyado ng abala ang lahat para sa gaganaping selebrasyon mamayang gabi para sa kaarawan ni Martha Lazaro.

"Dad, whose gonna pick up ate Dennise from the airport?" Tanong ni Bea sa ama the moment na iwan ito ng taong kausap nito.

Napatampal sa noo si Jaime. Dala marahil ng sobrang pagkaabala nakaligtaan niyang ngayong umaga na pala ang dating ng kanyang panganay.

"I forgot your ate hija. Paano na ito ngayon may pupuntahan pa kami ng driver?" May aasikasuhin pa kasi si Jaime sa bayan.

Nakita ni Anna ang kanyang mag-amang masinsinang nag-uusap, kaya lumapit ito sa kanila.

"May problema ba hon? Mukhang seryoso kasi ang pinag-uusapan ninyo ni Beatriz." Tanong agad ng ginang ng makalapit na sa dalawa.

"Nakalimutan ko kasing this morning ang dating ni Michelle. Nakapagsabi na ako doon kay June na ipagdrive niya ako papunta sa bayan. Kakausapin ko kasi si Mayor at personal na iimbitahin para pumunta mamayang gabi." Paliwanag ng inhenyero sa asawa.

"I and ate Jia will fetch ate Dennise from the airport dad. Malapit lang naman iyong Bacolod - Silay International Airport from here. Plus I will drive carefully naman po eh." Beatriz volunteered, na may kasama pang pamimilit. Gusto lang nito talagang makapagliwaliw para makakuha ng magagandang larawan.

"Are you sure anak? But where is your ate Jia? Baka may ginagawa din iyon." Her mother said.

"Uhm, excuse me po tito, tita may problema po ba?" Isang babae ang biglang dumating at sumali sa usapan ng mag-anak.

"Oh ikaw pala Alyssa, hija. May kailangan pala akong sunduin ngayon sa airport pero kakasabi ko lang sa driver na may pupuntahan kaming iba." Paliwanag naman ni Jaime sa babaeng nagngangalang Alyssa.

"Sabi sana ni Bea, silang dalawa nalang ng pinsan niyang si Jia ang susundo, pero baka busy din iyong isang iyon ngayon." Si Anna Lazaro.

"Ako nalang po ang susundo sa taong iyon tito, tita. Nandoon po kasi si Jia sa mga naglalagay at nag-aayos ng bulaklak. Siya po yata ang sinabihan ng mama at papa niya para mag-oversee noon." Paliwanag ni Alyssa.

"Hindi ba nakakaabala sa iyo hija?" Paninigurado ni Jaime sa inaalok na tulong ng dalaga.

"Wala po iyong anuman. Sino po ba iyong susunduin sa airport?" Nakangiting tanong niya sa mag-asawa.

"Si ate Dennise, ate Ly." Nakakalokong ngumiti si Bea.

Nasamid naman si Alyssa ng marinig ang pangalang iyon. Nagulat talaga siya. Akala kasi niya hindi na ito makakarating.

"Sige po tito, ako napo ang bahalang sumundo sa anak ninyo. Ang pick-up ko nalang po ang gagamitin ko." Nagawa paring sabihin ng dalaga.

"Maraming salamat kung ganon hija." Magkapanabay na nagpasalamat ang mag-asawa kay Alyssa. Ngumiti lang naman si Alyssa sa mga ito bilang tugon.

"Pwede sama ako ate Ly?" Tanong ni Bea ng akma ng tatalikod si Alyssa.

"Sige ba? Wala iyong problema Bei." Magiliw na turan naman ni Alyssa at humarap sa dalaga.

"Kunin ko lang ang camera ko sa kwarto ate. Pakihintay lang ako ha? Sandali lang ito." Sumisigaw habang tumakbo si Beatriz para kuhanin ang camera.

Napailing nalang ang mag-asawa sa inasal ng kanilang bunso.

"Pasensiya kana talaga hija." Sabing muli ng ginang

"Wala pong problema doon tita, minsan lang naman po ito. Huwag niyo na pong isipin." Sinserong ngiti ang binigay ni Alyssa sa mag-asawa.

Nang makabalik si Bea, agad din namang umalis ang dalawa lulan ng Ford pick-up ni Alyssa.

"Kamusta kana Bei? Balita ko halos malibot mo na ang buong mundo ah?" Pambungad na tanong ni Alyssa sa dalagang nasa kanyang tabi.

"Oa naman iyon ate, mapalad lang na nakapunta sa ibang mga lugar at sa ibang bansa. Hehehe." Tumawa pa si Bea dahil sa sinabi ni Alyssa.

"Masaya ka naman ba sa trabaho mo?" Nakangiti parin si Alyssa. Napansin niyang kinakalikot nito ang camera.

"Masaya ako ate, passion ko yung photography eh, don't get me wrong I love being a part of the international humanitarian organisation pero in a way nakakadepress makita ang mga nangyayari sa mundo at ang epekto nito sa mga bata. Seeing those kids suffer broke my heart everytime ate. War, violence, hunger and even the lack if oppurtunities those children are facing are very depressing, thinking na kahit sila mismo on their own hindi na nila alam if bukas or the next day buhay pa sila." Lumingon sandali si Alyssa sa gawi ng dalaga at doon nakita niya kung gaano nga ito kalungkot.

Kitang-kita sa mga mata nito ang awa at pag-aalala para sa mga batang iyon.

Iyon ang isa sa hinahangaan niyang ugali ni Bea kahit noon paman. Mabait ito at may busilak na kalooban. Nakikita niya kung paano nito tratuhin ang mga obreros ng hacienda, wala itong kyeme na makipag-usap o makihalubilo sa mga ito. Maski sa pagkain sumasalo ito sa mga ordinaryong manggagawa ng hacienda.

"Ganun naman talaga ang mundo Bei, kailan ba naging patas ang lahat? Hindi kailanman. Marami parin ang nagdurusa, ang naaapi, ang nagugutom. Kami sa hacienda mapalad nalang kami na mabait si nana Martha, pati narin ang tita Juliana at ang iyong ama. Kasi kung mapang-abuso rin sila, maaring matulad din kami sa mga batang nasa iyong kwento. Maaring hindi rin namin masisigurado at maaaninag manlang ang bukas." May kalungkutan din sa boses ni Alyssa ng sabihin niya iyon.

"Pamilya tayong lahat sa hacienda, ate. Walang amo at walang obrero. Tandang tanda ko pa noong buhay pa ang abuelo. Sampung taong gulang palang yata ako noon. Sabi niya isang gabi habang may salo-salo."

Tumigil muna si Bea bago nagpatuloy sa pagsasalita. Parang sinasariwa niya sa isipan ang mga katagang narinig mula sa kanyang abuelo, ilang taon na ang nakakaraan.

"Ang haciendang ito ay pag-aari nating lahat, kung ano ang meron dito ay saatin iyon. Kaya pagyamanin natin ito para sa ating mga pamilya at sa susunod pang henerasyon."

"Hinding hindi ko iyon makakalimutan ate. Kung nagkataon lang na hindi ako nainlove sa pagiging photographer at naging volunteer worker, mas nanaisin ko pang mamalagi dito sa hacienda. Mas masarap mamuhay dito. Simple lang ang lahat, kontento and thankful ang mga tao sa kung anong meron sila, basta parang ang saya lang." Buong kagalakang nasabi ni Beatriz habang kinakalikot parin ang hawak na camera.

"Iyan ang kaibahan ng buhay namin dito sa probinsiya kesa sa buhay na mayroon kayo sa lungsod. Hindi ko sinasabing walang ambisyon ang mga taga rito ha, syempre may mga pangarap din naman kami pero kung may pagpipilian lang mas gusto naming dito nalang manatili at mamuhay ng payak."

"Iyon nga ate eh. I wonder why ate Dennise prefer the city life eh?" Out of the blue na tanong ni Beatriz. Hindi din kasi niya alam bakit ganoon ang nakakatandang kapatid.

"Pangarap din siguro niyang sundan ang yapak ng inyong ama kaya ganon nalang ang pagpursige niya." Nakatuon sa daan ang tinging, sabi ni Alyssa.

"You think so ate? Kasi minsan tingin ko kay ate Den, she's so fixated on achieving her goals and dreams na nababalewala na niya ang ibang mga bagay. Like iyong mga small things lang. Example is yung presentation niyang iyon. Dad assured her na siya na mismo ang kakausap doon sa developer pero she insisted talaga na she'll do it herself. If pumayag lang siya sa suggestion ni dad di sana two days na siyang nandito. Two days na siyang kasama nila ate Jia at Gabby na magbond, and two days narin niyang nalalambing si nana. Pero wala eh, and I doubt kung magagawa niya pang makipagbonding sa mga pinsan namin at kay nana when she comes here." Malungkot na pahayag ni Bea.

Nagulat si Alyssa sa kanyang mga narinig. Hindi kasi niya akalain na may tinatagong sama ng loob ang bunso ng pamilya sa kanyang ate Dennise.

"Bakit mo naman nasabi iyon? Your dad told me yesterday na pumayag na ang ate mong magstay dito ng thirty days as what nana has requested ah?" Malapit na sila sa airport might as well itodo na ni Alyssa ang pagtatanong dito kay Beatriz.

Napangiti si Alyssa, kahit kasi matagal na since ng huling nagkasama sila ni Bea, close parin ito sa kanya. Komportable parin itong ishare sa kanya ang pinakatinatago nitong saloobin.

"Knowing ate, sinabi niya lang iyon para tigilan siya ni dad. But, deep inside her nag-iisip na iyon ng way para mapabilis ang pagbabalik niya ng Manila." Nilapag ni Bea ang camera sa sariling kandungan at tumanaw sa labas ng bintana.

Napataas ang kilay ni Alyssa ng marinig iyon mula kay Bea.

"Ganoon pala mag-isip ang ate Den mo? Ang iba one step ahead lang mag-isip siya pala five steps ahead talaga?" Naglalaro ang mapang-uyam na ngiti sa labi ni Alyssa, bago itinigil ang kotse.

"Nandito na tayo Bei, pakitawagan mo nalang ang ate mo. For sure nakalapag na ang sinasakyan niyang eroplano." Tiningnan ni Alyssa ang relong pambisig. Labin-limang minuto na ang nakakalipas mula ng scheduled arrival nila Dennise.

"Sandali lang ate at tatawagan ko, galit na iyon panigurado dahil late tayo." Napapailing na kinuha ni Bea ang cellphone at tinawagan ang kapatid.

Tinawagan na nga ni Beatriz ang kapatid. At hindi nga siya nagkamali, naiinis na ito dahil ang tagal daw ng sundo nila.

Nagdrive uli si Alyssa para tunguhin ang kinaroroonan ni Dennise.

"She's with ate Ells pala te Ly." Imporma ni Bea sa kasama. Natatanaw na rin niya ang kapatid na nagkakandahaba ang leeg kahihintay ng susundo sa kanila ng kaibigang si Ella. Lol.

"No problem Bei, bilisan lang natin ha kasi limited lang ang time na allowed sa pagtigil dito eh. Halika na baba na tayo."

Magkapanabay na bumaba ang dalawa, si Bea dumeretso sa harapan ng kapatid at ng kaibigan nito para tulungan ang nga itong maisakay ang kanilang mga maleta. Si Alyssa naman ay umikot sa likod ng pickup para buksan ito, para doon nalang nila ilagay ang mga maleta at iba pang dala ng mga bagong dating.

"Hi ate, hello ate Ella. How was your flight?" Nakangiting humalik si Beatriz sa pisngi ng kapatid at kay Ella.

"So far so good Bei, nakarating naman kami in one piece dito. Ito nga lang ate mo nagiging oa na." Nakaismid na tinitigan ni Ella ang matalik na kaibigan.

Tinaasan naman ni Dennise ng kilay ang babae.

"Beatriz, bakit ngayon lang kayo? Don't tell me pinatigil mo pa ang driver ng ilang beses para kumuha ng pictures sa daan? Lalo tuloy sumakit ang ulo ko sa kakatunganga dito. Besh, pakilagay nalang ng gamit mo sa likod. Bea pakitulungan ang ate Ella mo with her luggage." Dennise being her usual bossy self, daming tanong, daming utos, daming satsat! Pero kesa magreklamo pa, tumalima nalang din agad si Bea. Matatagalan kasi sila lalo kung gagawin niya pa iyon.

"Pumasok ka nalang nga sa sasakyan Dennise. Naririndi nako sayo. Kanina kapa kasi talak ng talak." Utos nalang ni Ella sa kaibigan para tumigil na ito.

Sinunod naman ni Dennise ang sinabi ng kaibigan, hawak hawak ang isang shoulder bag pumasok na ito sa loob ng sasakyan.

"Ate Ells, kami nalang ang bahala sa mga luggage niyo. Pasok ka nalang din doon sa loob. Kaya na namin ito." Pangungumbinsi pa ni Bea kay Ella. Alam niya kasing pagod din ito mula sa byahe.

Inayos ni Alyssa ang pagkakasuot ng ballcap niya at mabilis na umikot para tulungan si Beatriz sa mga bagahe.

Naabutan niya ang pagpasok ng isang babae sa sasakyan, pero hindi niya nakita ang mukha nito, hindi tuloy niya natukoy kung sino iyon.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Alyssa, pagkatapos ng mabilisang pagsakay ng mga bagahe sa pickup. Agad din naman silang lumulang uli ni Bea at nagmaneho na pauwi ng hacienda.

Sa buong byahe pabalik ng hacienda hindi napansin ni Dennise ang nagmamaneho ng sasakyan. Totoo nga sigurong masakit ang ulo nito kasi nakasandal lang ito sa upuan at nakapikit ang mga mata, habang ang kaibigan naman nitong si Ella ay naaliw sa pagtingin sa tanawin na kanilang madaraanan.

Hilim na nagpasalamat si Alyssa dahil hindi siya napansin ni Dennise. Hindi kasi niya alam ang magiging reaksiyon nito kung sakaling malaman nitong siya ang nagdadrive ng mga oras na iyon.

Dahil sa limitadong oras kanina sa airport ay hindi niya napagmasdan ng matagal si Dennise. Kaya ngayong nakapikit/tulog ang dalaga, while si Bea at Ella naman ay nag-eenjoy sa pagkukwentuhan ng kung anu ano, pinagkasya nalang ni Alyssa ang sariling manakanakang tapunan ng tingin si Dennise.

Maganda parin ito tulad ng dati, yun nga lang parang naging mas intimidating ng dating nito ngayon. Nakaramdam si Alyssa ng pamilyar na kirot sa kanyang dibdib. Maraming alaala ang gustong kumawala sa kanyang isipan pero pinilig niya ang sariling ulo.

"Oo, namis mo siya, pero hindi ito ang panahon para doon." Suway niya sa sarili.

Tinuon nalang ni Alyssa ang paningin sa daan at nagfocus sa pagmamaneho.

Kulang kulang isang oras nakarating na rin sila sa tapat ng ancestral house ng mga Lazaro.

Agad na bumaba si Alyssa sa sasakyan timing kasi na pagring ang kanyang cellphone. Nagpaalam nalang siya kay Bea na agad din namang bumaba, sasagutin na muna niya ang tawag na iyon.

Wala namang naging problema iyon kay Bea, pinasalamatan pa nga siya nito at sinabihang huwag na niyang intindihin ang mga maleta kasi ipapakuha nalang niya iyon sa mga katulong.

Ginising ni Ella ang kaibigan at sinabihang nakarating na sila sa hacienda. Inayos naman ni Dennise ang sarili bago bumaba ng sasakyan.

Nakangiting mukha ng tita Juliana, ng pinsang si Jia at Gabby. Pati narin ng mommy niya ang sumalubong sa kaniya.

"Hello ate Den, great to see you." Masaya at excited na bati ni Jia sa pinsan.

"Welcome home hija, we missed you here." Maluha luhang pahayag naman ng kanyang tita Juliana.

"How was your flight hija?" Tanong naman ng kanyang ina.

Sinagot niya ang mga tanong sa kanya at isa isa niyang niyakap at hinalikan ang mga pinsan at ang tita pati ang mommy niya.

"Tita, this is Ella. Natatandaan niyo pa po ba siya?" Pagpapakilala ni Den sa kaibigan.

"Oo naman, welcome back hija. Mag-enjoy ka dito ha?" Nakangiting binati ng tita niya si Ella.

Binati din ni Jia si Ella pati narin ni Gabby.

Naglalakad na sila papasok ng magtanong si Den kung nasaan ang tito at daddy niya.

Kakatapos lang sabihin ng tita niya na may inasikaso pa ang tito Rafael niya pero maya maya rin ay nandito na iyon, ng pumasok naman ang daddy. niya sa main door.

"Sa wakas nandito ka narin hija. Hello Ella, kamusta ang flight ninyo?" Lumapit siya sa ama at humalik din dito, ganoon din ang ginawa ni Ella.

"Okay naman po tito. Natulog po si Dennise sa buong byahe." Sagot ni Ella na nakatawa.

"Masakit po kasi ang ulo ko kaya ganon. Puntahan ko po sana si nana." Sabi niya ng nakaupo na sila sa napakalawak na sala ng mansion.

"She's sleeping pa ate Den." Sabi ni Gabby na naupo sa tabi ng mama niya.

Ngumiti siya sa pinsan at tumango.

"Dad akala ko ikaw ang susundo sakin? Late tuloy si Beatriz at yung driver. May pinuntahan ka ba?" Parang wala lang na tanong ni Dennise pero patuloy ang paghagod niya sa kanyang noo damit ang sariling mga daliri.

"May pununtahan lang ako sa bayan. And sino naman iyong driver na tinutukoy mo?" Nagtatakang binalingan ni Jaime Lazaro ang anak.

"Iyong kasama ni Beatriz na sumundo samin sa airport. Diba driver iyon dito?" Sumandal na siya at pinikit ang mga mata.

"Anong driver ang pinagsasabi mo Dennise? Si Alyssa ang kasama ng kapatid mo. Si Alyssa ang nagmaneho at sumundo sa inyo ni Ella!" Matigas na sabi ng kanyang ama.

Napamulat agad ng mata si Dennise at napaupo pa ng tuwid ng marinig ang sinabi ng ama.

"Shit SIYA pala iyon?! Si Alyssa Valdez pala iyon? Hindi makapaniwalang naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 289K 106
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
2.7K 92 23
Temp Fairchild. Thrown into the mundane world, with no one to protect her but her sharp wit and charisma. A smile, a wink and enough confidence, is e...
1.5M 113K 43
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
16.4K 461 7
What happens when Narda and Regina are left in the same room? (darlentina/reginarda short story fanfic) date started: 11/15/22 A/N: hi guys! I became...