SABULUM CLOQUE ACADEMY [COMPL...

By Shezmee

570 26 29

AGENT ACADEMY SERIES #1 "Don't tell your real name if you don't want to die." Every December, the Academy sen... More

PROLOGUE:
CHAPTER 2: TRY AND ERROR
CHAPTER 3: ANATA NO ONOMAE WA
CHAPTER 4: REASONS
CHAPTER 5: CODENAMES
CHAPTER 6: WELCOME TO SCA
CHAPTER 7: CURSED DORM
CHAPTER 8: FIRST AND LAST RULE
CHAPTER 9: THE FIRST BATCH
CHAPTER 10: 8BS
CHAPTER 11:
CHAPTER 12: HI!
CHAPTER 13: DAZE AND CONFUSE
CHAPTER 14: THE SAME
CHAPTER 15: MCAHNY
CHAPTER 16: BETRAYAL
CHAPTER 17: RAID
CHAPTER 18: THE END
CHAPTER 19: GOOD BYE
CHAPTER 20: LOSS
CHAPTER 21: THE WOMAN IN BLACK
CHAPTER 22:
CHAPTER 23: WE'RE BACK
CHAPTER 24: THE LETTER
CHAPTER 25: FIRST DAY OF SCHOOL
CHAPTER 26: LISTEN
CHAPTER 27: DRUGGED AND WOUNDED
CHAPTER 28: HIDDEN
CHAPTER 29: PART 1
CHAPTER 29: PART 2
CHAPTER 29: PART 3
CHAPTER 30: WISH
CHAPTER 31: FREEDOM
CHAPTER 32: YOU'RE SPECIAL AND UNIQUE
CHAPTER 33:
CHAPTER 34: TRUTH
CHAPTER 35: HISTORY
CHAPTER 36: OFFICIALY
CHAPTER 37: PART 1:
CHAPTER 37: PART 2:
CHAPTER 37: PART 3
CHAPTER 37: PART 4:
CHAPTER 38: PART 1:
CHAPTER 38: PART 2:
CHAPTER 38: PART 3:
CHAPTER 39: THE TRUTH
SPECIAL CHAPTER:
CHAPTER 40: FINALE
EPILOGUE
AUTHORS NOTE:
BONUS CHAPTER

CHAPTER 1: MYSTERIOUS MESSAGE

44 1 13
By Shezmee

ZEY ZEY POV:

Pagdating ko sa harap ng bahay ni Tita, malayo pa lang tanaw ko na sila mula sa salamin na katabi ng kanilang pintuan. Sa magkabilaan kasi ng pintuan, mayroong transparent na salamin.

Nakatayo si Tita na nakapameywang sa harap ni Psycho na nakaupo sa sofa. I held the doorknob but I immediately stop my self opening the door because of what I heard.

"Buti pa si Zey zey, nag aaral ng mabuti! Eh ikaw puro ka problema! Wala ka nang nagawa kundi humingi ng pera sakin!" Sumandal ako sa pinto.

"Umakyat ka sa kwarto mo ngayon na!" I heard some footsteps until it faded after that, I open the door. Inayos ko yung sling bag ko.

"Oh Zey zey, nandito ka na pala. Maghugas ka mamaya ng plato ha tapos na kaming kumain." anito at naglakad paalis.

'Hayyyst kahit hindi ka talaga kumain, maghuhugas ka pa din ng plato' galing ako sa trabaho, bago ako umuwi ay kakain na ako kasama si Aya.

Aya was my best friend since 1st year of high school, kung sa'n ako magpunta, naroon siya. Ewan ko ba kung bakit niya kailangang magtrabaho eh medyo may kaya naman sila.

"Opo!" umakyat ako papunta sa kwarto.

Oo nga pala anong oras na ako nakakauwi sa bahay ni Tita ng dahil sa part time job ko. Im working in a coffee shop as a waiter. Well, I don't have a choice. Nilapag ko yung sling bag ko sa bedside table.

Humiga ako sa kama, nakaapak ang aking paa sa malamig na semento ng aking kwarto. I look at the ceiling of my room, mga ilang sandali nagvibrate yung cellphone kong nasa bedside table.

"Hello?" hindi ko na tinignan ko sino yung caller basta sinagot ko na lang.

[Hello anak. Kamusta kana diyan?] tanong ng nasa kabilang linya. Napabalikwas ako ng bangon at napamulat.

"Ah....Hello Ma! Okay lang naman. Kayo diyan ma? Okay lang ba kayo?" pabalik na tanong ko kay mama.

[Okay lang naman ako anak.] malungkot niyang sabi. Haysst. My mother and her lies.

"Ma, I told you! Diba sabi ko sayo kung nagaaway kayo ni papa pwede niyo naman sabihin sakin. Kakausapin ko si papa." pamimiliit ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong pinagaawayan nila, ayaw nilang sabihin sakin at siguro isa din 'yon sa mga dahilan kung bakit ako narito.

[Okay lang naman ako.] huminga ako ng malalim. Kahit naman na kulitin ko siya, hindi niya pa din sasabihin.

"Ah Ma....yung sinabi ko nga pala sa inyo na after three years lilipat na ako ng school. Ahm--" pang iiba ko ng usapan ngunit walang nagsalita sa kabilang linya.

"Ma?" Ulit kong tanong.

[Ano?! Nababaliw kana ba?! Magtratransfer ka?! Hindi mo ba naisip yung utang natin sa Tita mo ha?!] pagalit na sigaw niya. [Hindi! Hindi ka magtratransfer hanggang hindi ka natatapos ng Junior High sa pinagaaralan mo ngayon!]

"Ma naman. Nag promise ka sakin dati na after three years magtratransfer ako, 'yon yung usapan ma." gusto ko nang umiyak. Usapan 'yon eh!

[Bakit ba paulit ulit kang bata ka ha! Sabi ng hindi! Gawin mo kung anong gusto mo. Bahala ka sa buhay mo!] sigaw niya sa telepono.

"Ma, three years na akong nandito. Nagpapartime job na din ako, tapos yung sahod ko binibigay ko kay Tita. Hindi pa ba sapat yun ma? Magkano ba yung utang natin sa kanila ha?!" dahil sa inis ko ay naitaas ko yung boses ko.

'Opsss!'

[Sinasagot mo na ako ngayong bata ka! Iyan ba ang natutunan mo sa pagaaral ha!? Bahala ka sa buhay mo!] biglang namatay yung linya. Humugot ako ng hangin at huminga ng malalim. Humiga ako.

Sabi ko kay mama noon na sana kila ate na lang sana ako tumira pero hindi siya pumayag. Malayo daw kasi roon kung doon ako titira kaya dito na lang daw ako sa kaibigan niya. So napagusapan namin na pagkatapos ng three years lilipat na ako ng school.

Tapos noong 14 years old ako, i was in 2nd year that time, nalaman ko kila tita na kaya pala ako pinapunta dito ay para pagbayaran yung utang ng parents ko. Kaya naisip kong mag part time job para kahit konti mabawasan ko yung utang namin.

Sakto naman na napadaan ako sa W, it was a coffee shop owned by a Detective, a woman. W stands for wisdom. They are hiring new waiter, nakakapagtaka dahil hindi na ako inenterview. Dahil siguro kulang na kulang na sila but the weird thing is never kong nakita yung may ari.

Nagmumuni muni ako sa kawalan ng makarinig ako ng malakas na katok mula sa labas ng pintuan ng kwarto. Baka si Tita, hindi pa pala ako pumuntang naghugas.

Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang masamang kaluluwa ay este mukha pala ni Psycho.

'Akala ko si Tita tshhh!'

Sometimes, the thing you want to happen, doesn't happen. And the thing that you never expect to happen, does

"Ikaw ang may kasalanan eh--" bakit ako? Sinasabi niya 'yan habang dinuduro-duro pa ako. "Ano masaya kana!? Alam ko naman na gustong gusto mong mapuri eh, isaksak mo sa pagmumukha mo yang mga papuri nila sayo! Bakit ba nila ako laging kinukumpara sayo ha?! Ano bang meron ka na wala ako? Ha?!" pumikit lang ako habang nilalamon yang mga salitang yan. Hindi ko namalayan na may lumandas na palang isang butil ng luha sa aking pisnge, i wipe that tear using the back of my hand.

'I never wished that to happen.'

"Pasalamat ka nga eh pumayag si mama na dito ka muna manirahan. Kung sabagay nagbabayad nga pala kayo ng UTANG! Mangungutang naman kasi yang nanay mo! malandi pa!. Siguro yung pera na binigay mo kay mama eh galing sa bar no? Wow!!!" she clap her hands in amusement. Timpi lang Zey Zey kaya mo yan.

PATIENCE is a VIRTUE

"Ano wala kang maisagot kasi tama ako diba?!" Padabog niyang sinarado yung pinto. 'Lakas sumugod siya din lang naman ang magwowalkout.

'Diba dapat ako? Ouyzter! Bumalik ka dito!'

Sumandal ako sa pinto, hindi ko na nakayanang pigilan pa ang luhang kanina ko pa pinipigilan, bumuhos na ito. Kahit na ayaw ko itong lumabas ay kusa itong lumabas.

'Leche naman oh!'

'Sa tingin mo ba gusto kong ako yung dahilan kung bakit ka naikukumpara? Alam ko naman na masakit makumpara eh kasi nasubukan ko na yan pero bakit ako ang sinisisi mo? kasalan ko ba? inexpect ko ba yung pangalan ko mula sa bibig ni Tita? Hindi!' gustong gusto ko yan sabihin sa harap ni Psycho pero bakit hindi ko magawa.

Sinigaw ko na lang ang mga salitang yan sa aking isipan, mahirap na nakikibahay lang ako. Bumuhos pa lalo ang luha ko. Tumayo ako at inihanda ang mga gamit na kakailanganin ko.

'Leche kahit wala ng maghuhugas ng pinggan!'

Kinuha ko yung bagpack at nilagay roon yung mga mahahalagang gamit ko tapos kinuha ko yung lalagyan ng laptop, at do'n ko nilagay yung laptop ko.

Lumapit ako sa veranda, sa harap ng veranda yun yung garden nila tita, hinagis ko yung bag na naglalaman ng mga damit ko, bumagsak ito sa damuhan.

"Mababa lang to. Patawarin moko ma! Masusuway kita, gusto ko ng magtransfer nakakasawang maniwarahan sa bahay na 'to." Tumalon ako at pagkaapak ko sa damuhan gumulong agad ako.

'Ouch bakit hindi ako sumakto sa bag?'

"Ouch masakit yun ah. Nabali ata yung paa ko?"

'apaka malas ko naman!' nagmumukha akong magnanakaw

'Shet!'

Nakatayo ako ngayon sa harap ng fence ng bahay ni tita. Umakyat ako sa puno para maakyat ko yung fence, masyado kasing mataas yung fence nila tita kahit masakit yung paa ko kakayanin parin makalabas lang rito.

Mula sa puno na pinagakyatan ko, tumalon ako para mapunta sa kabila. Huli na ng napagtanto kong na sprain pala ako kanina sa pagtalon sa Veranda.

'Katangahan!' antanga ko talaga.

Shit gusto kong sumigaw. Nagpagulong gulong ako sa semento dahil sa sakit.

Nang makalabas ako sa bahay nila tita, may nakita akong guard na naglilibot, dali dali akong nagtago sa isang puno na may katabing isang malaking halaman.

'WTH!' Anong oras na ba? Ang aga naman yata nilang magronda? Kinuha ko yung cellphone ko sa bag.......7:45 naman na pala. May sasakyan pa kaya?

Halos kalahating minuto yata akong nagtatago sa kung saan saan para lamang hindi ako makita ng guard habang papalabas sa Village.

Habang naghihintay ng taxi na pagsasakyan, biglang may nabanggaan sa di kalayuan. Lumapit ako roon, sakto naman na taxi driver yung kausap ng lalaking naka motor. Tanongin ko nga kung pwede makisakay.

VIN POV:

Habang naglalakad ako sa loob ng bar may mga naririnig akong mga salita na hindi maganda sa pandinig ko but since I already mastered the emotion of the hell i care.

"Andyan na naman kasi yung kapatid ni Trxiun my love" malanding sabi nung babaeng kala mo coloring book ang mukha.

Umalis na ako dun at dumiretso sa may VIP room. They are always here in TRX CLUB.

"Oh, Trx.... I mean Vin--" I cut him off before he say my full name. "It's Vin and Im not Trxiun!" walang emosyon kong sabi kay papa.

"Okay Vin! I'm here to discuss about your study. Bakit hindi mo tularan yang kuya mo--" tumingin ako kay kuya na malapad na nakangiti ngayon.

"Pa, kung ito lang sasabihin mo aalis na ako at pwede bang huwag niyong isama yang kapatid kong babae! Lil'sis still young!" tumayo ako at naglakad. Pagdating ko sa pinto biglang nagsalita si mama.

"Hindi ka na ba magtitino? Nakakahiya ka sa pamilya." hindi ko pinansin yung sinabi nila, nagtuloy tuloy akong pumunta sa pintuan. Binuksan ko yung pintuan at tumambad sakin ang malakas na musika at amoy ng alak. Naglakad ako papunta kay Blacks.

"Oh blacks babyahe na naman tayo" sabi ko sa motor ko. Sinuot ko yung helmet at sumakay kay blacks. Pinaandar ko ito at mabilis na pinatakbo.

Nang malapit na ako sa intersection line pinabagal ko yung takbo ng motor ko at nagpreno pero nagdirediretso ako.

"Shit!" I cursed. Bakit ayaw magpreno?

"Fuck!" pag angat ko ng tingin ko'y may sasakyan na dirediretso na nagmula sa kanan, before my motor hits the passenger seat, few inches away. I did the safest thing for me.

'I dont know if it's the safest!' tumalon ako at gumulong sa semento, buti na lang pinatay ko yung motor at buti na lang mahina yung impact.

"Shit! Ouch!" tumayo ako nahihilong lumapit sa Taxi na nabangga ko.

"Manong okay lang ba kayo?" sinapo ko ang aking ulo.

"Okay lang ako iho ikaw? okay ka lang ba?" nagaalalang tanong sakin nung taxi driver. Lumabas siya mula sa driver seat, buti na lang yung nabangga ko eh yung passenger seat.

"Okay lang po" sabi ko kay manong.

"Sorry manong, hindi ko sinasadya" pagkasabi ko no'n ay may babaeng lumapit samin na may dala dalang bag.

'Magtratravel ba siya o baka naman tumakas siya? may dahon pa sa kanyang ulo eh. Umakyat ba ito sa puno?'

"Ano ba kasing ginagawa mo?" tanong sakin ng driver. Tumingin ako sa babae at ngumiti ng malapad.

"Sorry Sir--" nahihiyang sabi ko. "Ahm susunduin ko sana yung girlfriend ko eh"

"Girlfriend? Sino ba yang girlfriend mo ha na nagpapasundo gabing gabi na?" tanong nung driver. *Evil smile*

"Ah siya po--" turo ko sa babaeng kakarating lang. Tumingin naman siya sa likuran niya tsaka niya tinuro yung sarili niya.

"Ako?! Anong meron? Anong ako?" gulat na sabi niya. Nagtatanong ang kanyang mata ngunit iniwas ko lang ito at sinalubong ang malagkit na titig nung taxi driver sa amin.

"Oh babe sorry ah nalate ako--" lumapit ako kanya at ipinalibot ang aking kamay sa kanyang bewang at hinapit siya palapit sakin. Tinignan niya naman ako ng masama.

Best Actor of the Year!

"Just play along sweetie kung ayaw mong sabihin ko sa kanya na tumakas ka." mahinang bulong ko sa kanya na tanging kaming dalawa lang ang nakakarinig, yumuko pa ako ng konti para lang maabot ko ang kanyang tenga. Nagulat naman siya roon.

'Shit ang bango niya.' tumayo ako ng maayos at humarap sa taxi driver.

"Pasensiya na po talaga." pagpapaumanhin ko. Tinanggal niya ang aking kamay na nakapalibot ng mahigpit sa kanyang bewang.

"Oh siya sige. Sa susunod iho, magingat ka sa pagdradrive ha--" tumalikod siya sa amin. Ngumiti naman kami ng pagkatamis tamis. "Teka--" humarap ulit siya. "Magtatanan ba kayo?" tinuro niya yung mga bag na dala dala nung babae.

"Hindi po!" "No!" Sabay naming sabi. Nagkatitigan kami nung babae.

"Kung binabalak niyong magtanan, itigil niyo na yan. Umuwi na kayo sa bahay niyo. Mga kabataan nga naman ngayon." pagkatapos niyang sabihin yun, pinaandar niya yung sasakyan niya at umalis.

"Ako?! Magtatanan?! Wow!" hindi makapaniwalang sabi ng babaeng katabi ko while clapping her hands slowly.

"Me? Magtatanan?! Kasama itong babaeng to? Tsh! yang pagmumukhang yan?" Tinignan ko siya ng nandidiring tingin.

"Anong sabi mo?!" humarap siya sa akin ngunit tinalikuran ko lang siya sapagkat nanunuot sa aking ilong ang kanyang pabango. Pumunta ako sa motor kong natumba at binangon ito.

"Hoyy! Pasalamat ka nga tinulungan kita eh!" Malakas na sigaw niya. Wow parang hindi ko din siya tinulungan ah. Tumingin naman ako sa kanya. Lumapit siya sa akin. "Hatid mo ako, pinalayas mo yung taxi driver eh"

"Bakit naman kita ihahatid, Sino kaba? Tinulungan? E tinulungan din naman kita ah. Maglalayas ka sa bahay niyo remember? So if someone see you na pagala gala dito, huhuliin ka and then kapag nahuli ka ang bagsak mo, Babalik ka pa din sa bahay kung saan ka tumakas." sumakay ako sa motor ko at pinaandar ito ngunit agad ko itong pinatay sapagkat biglang kumirot ang aking kamay. Shit paano ako makakadrive ngayon?

"Well girlfriend moko." What?! Nooo! Sinusi ko ang aking motor at papaandarin na sana ng biglang kumirot na naman yung kamay ko.

"Fuck!" Malakas na mura ko.

"Alam mo ba napakaganda ng motor na ito--" pinalandas niya ang kanyang kamay sa harapan ng aking motor. "Tapos antanga nung nag drive. Kinakawawa mo lang yang motor mo. Give me the key." nilahad niya ang kanyang kamay ngunit nagaalinlangan akong ibigay sa kanya yung susi.

"Bakit anong gagawin mo sa susi" tanong ko.

"Iaadobo ko para may ulam ka mamaya" sarcastic niyang sabi with matching evil smile.

"What?!" Tsh!

Kinuha niya yung susi sa kamay ko bago ko pa man maibigay tapos sumakay siya sa harap ko. Magkalapit lang ang aming katawan kaya naman naamoy ko na naman yung pabango niya. As in dikit mismo.

'Shit. Mali to!'

"Usog" ha?

"Usog sabi" ahhhh! Umusog naman ako.

"Hawakan mo bag ko" Sabi niya sakin.

"Ano ako yaya mo?" naiinis na sabi ko.

"Wow. So gusto mong hawakan ko yang bag habang nagdradrive ako, gusto mong mamatay tayong dalawa? Mahal ang kabaong, wala akong pambili non." pabalang na sabi niya sa akin. Hinablot ko naman ito at isunukbit sa aking likuran.

"Teka marunong ka bang magdrive" tanong ko sa kanya. Malay niyo hindi pala marunong.

"Ahm hindi, pero wala tayong choice ayoko maglakad hindi ka din makakadrive kaya kung ako sayo kumapit ka." pagkasabi niya 'yon bigla niyang pinaharurot ng mabilis. Napayakap ako sa kanya ng wala sa oras.

'What the hell!' ayokong mamatay ng dahil sa bungguan.

'Bakit pa kasi nasprain yung kamay ko?'

'Tapos ako pa sinisisi niya kung bakit wala siyang pagsakyan? Wow!'

"Grabe ka yumakap ah" hindi ko na pinansin yung sinabi niya. Kailangan kong masabi sa kanya na walang preno yung sasakyan. Bakit ko ba nakalimutang sabihin kanina?

'Damn!'

"I HAVE SOMETHING TO TELL YOU!" Pasigaw na sabi ko.

"TEKA AMBILIS NAMAN ATA. ANO!?" Sigaw niya pabalik.

"WALANG PRE*************" hindi niya narinig yung sinabi ko kasi masyadong malakas yung busina nung sasakyan.

"ANO ULIT YUNG SINABI MO?! HINDI KO NARINIG EH! TEKA BAKIT WALANG PRENO 'TO!?" hmmmm

"YUN NA NGA YUNG SASABIHIN KO EH!"

"EH BAKIT HINDI MO SINABI NG MAAGA! BAKIT NGAYON MO LANG SINABI!"

"SORRY NAMAAAAAAAN" bigla akong napasigaw dahil bigla niyang niliko.

"HOOYY DWENDE! AYUSIN MO PAGDRADRIVE MOOOO!"

"WOW KAPRE! PARANG INAYOS MO KANINA YUNG PAGDRADRIVE MO AH!"

Bigla niyang inihinto sa isang building paano niya nagawa yun ng walang preno?

"Anong gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Ibebenta natin motor mo" natatawa niyang sabi.

"What?! Who gave you the fucking permission to sell my motorcycle? Napakatino mong kausap grabe!" nawawalan ng pasensiya kong sabi. Tinignan ko siya sa mata, sa mata. She look at me too, but I dont know why, hindi ko nakayanang titigan siya ng matagal.

'Ang pangit kasi ng mata niya!'

"Ipaayos mo yang sasakyan mo, aalis na ako" naglakad siya palayo.

'Okay lang kaya yun umuwi ng magisa?'

'Gabi na ah? Baka anong mangyari dun?' teka bakit ba ako nagaalala. Nevermind! Buti na lang bukas pa itong shop na ito.

"Anong yun mister?" may lumabas na isang lalaking may hawak hawak na mga screw.

"Ipapaayos ko lang po yung motor ko manong, bigla na lang po kasing nawalan ng preno."

"Ilapit mo dito mister" sabi niya.

"Sige po"

Pagkatapos kong ipaayos, naalala ko nga palang hindi ako makakadrive kaya pinakuha ko yung sasakyan ko dito sa kaibigan ko at nag taxi pauwi.

ZEY ZEY POV:

Paggising ko ng umaga, tinignan ko yung paa ko, okay na siya pagkatapos nun laptop agad yung inatupag ko. Bubuksan ko na sana yung laptop nang biglang ayaw mag open.

'hala anong nangyari dito?' 'lobat ba?' kinuha ko yung charger ng laptop. Isinaksak ko ito, ngunit kahit anong gawin ko ayaw pa din mag open.

"Bakit ayaw mong mag open" ginulo ko yung buhok ko. Ish yung report koooo!

"ZEY ZEY!" malakas na sigaw ni ate Che. Oo nga pala dito ako tumuloy kagabi pagkatapos nung nangyari kagabi. Juskooo! Actually she's my cousin her name is Chermayie.

Tumingin ako sa pinto na animoy naroon siya sa labas ng kwarto. Ibinalik ko ulit ang aking tingin sa laptop.

"BAKIT?!" Tanong ko habang nagtitipa ng kung ano anong letra sa keyboard ng laptop.

"YOU HAVE AN INVITATION LETTER!" eh? kanino naman sana galing?

"WHO GAVE YOU THE LETTER!" Nagtatakang tanong ko.

"I JUST SAW IT IN THE MAIL BOX! HALIKA NGA KASI DITO! MUKHA TAYONG BINGI EH!" bumaba ako, dala dala yung laptop.

"Nakita ko yan sa mail box. Tinignan ko nakapangalan sayo" nilahad niya sa akin yung invitation letter. Tinignan ko kung san galing Mister R and Miss M.

Inamoy ko ito, mabango siya. Nagulat ako kasi black yung paper na pinagsulatan nila tapos yung balot niya eh white. What's with the black and white? Inopen ko yung paper. Kinailangan ko pang itapat sa araw para mahalata yung nakasulat.

16 (53) 92 l 92 m Q l o q (63) 89 A d e m 39

Anong meron dito? Nagulat na lang ako ng biglang nagopen yung laptop.

"Oh anyari sayo para kang nakakita ng multo" tumingin ako sa taas tapos nanalangin. Kung minumulto niyo man ako, tigil niyo na po. Umagang umaga may nangmumulto sakin.

"A-a-a w-wala. Hehehe" mabigat ang mga hininga ko habang sinasabi yang mga yan. Tinaasan niya ako ng kilay at nagtatakang tinignan niya ako. Umiling iling siya tapos umakyat na siya papunta sa study room niya.

"Phew" tumakbo ako papunta sa kwarto dala dala yung laptop. Umupo ako sa kama at Sinandal ang aking likuran sa headboard then I put my laptop in my lap.

01001001|01010100|01010101|01010100|01010101|01001100|01001111|01011001|

Shezmee

Hello dear readers! I hope you enjoyed my first chapter.

Continue Reading

You'll Also Like

869K 108K 181
Story is available in both unicode and zawgi.This is not my own creation. I'm just having fun translation. I give full credit to original author and...
210K 31.4K 71
Title : Po Yun (破云) Author : Huai Shang (淮上) Chapter:155 chapters + 6 Extras Genre:Action,Crime,Adult,Mystery,Drama,BL,bittersweet Content warning :...
1.4M 235K 123
Author - 木瓜黄 (Mu Gua Huang). He Zhao x Xie Yu 贺朝 x 谢俞 Original title - 伪装学渣 / Wei Zhuang Xue Zha (ေက်ာင္းသားဆိုး အေယာင္ေဆာင္) / (ကျောင်းသားဆိုး အယေ...
31.3K 5.1K 29
Title - Falling In Love In The Supernatural World Author - 即墨遥 Total Chapters - 47 Genre - Horror, Romance, Action, Shounen Ai Eng Tranator - Vivian...