My Destined Love [FOUR SISTER...

By miZzYrhonne

348K 16.4K 2K

Four Sisters Series #4 Pamela Macabagbag A well trained nurse from a private hospital. Dedicated siya sa trab... More

AUTHOR'S Note
Prologue
My Destined I
My Destined II
My Destined III
My Destined IV
My Destined V
My Destined VI
My Destined VII
My Destined VIII
My Destined IX
My Destined X
My Destined XI
My Destined XII
My Destined XIII
My Destined XIV
My Destined XV
My Destined XVI
My Destined XVII
My Destined XVIII
My Destined XIX
My Destined XX
My Destined XXI
My Destined XXII
My Destined XXIII
My Destined XXIV
My Destined XXV
My Destined XXVI
My Destined XXVII
My Destined XXVIII
My Destined XXIX
My Destined XXX
My Destined XXXI
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE

Chapter 53

3K 236 29
By miZzYrhonne

PAMELA

Wala akong pinapansin sa lahat ng staff ni Caine. Naiinis ako dahil ako lang ang hindi nakakaalam ng  next na pupuntahan namin. And now!

"I can't believe this!" Bulalas ko at pasalampak na naupo sa sofa. "Kaya pala ayaw niyong sabihin!" Nanggagalaiti talaga ako.

Caine knows that I don't want to be here pero---nyeta! Dinala niya pa rin ako dito! Ano pa bang hindi ko alam? Ano pa bang plinaplano ng lalakeng ito. Makukutusan ko talaga si Caine, promise!

Sobrang laking kliyente ba ang nakuha niya kaya kailangan niyang ilihim sa akin ang mga detalye? And take note---ako ang star model pero wala akong kaalam alam. Huli ko na nga nalaman na mag aabroad pa kami after that resort. Tapos dito?!

Geeez! Gigil niya talaga ako! Pasalamat siya at iniisip ko pa si Isabela. Kung hindi---nikayasan ko na siya dito ora mismo.

Imagine?

Nandito kami sa Italy ngayon. Yes! Italy! As in Italya! The place where my heart totally broke! Ang lugar kung saan ko iniwan at pinakawalan ang taong pinakamamahal ko. Ang lugar kong saan ipinaubaya ko ang mahal ko.

They all know what happened at hindi ko iyon nilihim sa buong pamilya ko. Caine is my family too, so, he knows it very well. Tapos! Aaahh! Never mind! Mas nanggigigil lang ako kapag naaalala ko.

Tinawagan ko si Isabela para magtanong. I wanted to clear my mind.

"Did you know about this?" Agad kong tanong pagkasagot pa lang nito ng tawag.

"About what, Ate Pamela?"

"About this Italya project. Don't tell me na hindi mo alam dahil hindi ako maniniwala. Caine never lies to you at isa ka din sa nag empake ng gamit ko. Did you all know about this?" I added and I had no choice but to accept everything kaso paano naman ako nito? Ni hindi nila kinonsidera ang mararamdaman ko.

" We all know about that, Ate Pamela. Even Ate Katherina at Kasandra knows aboit it too. Hindinkoniyon ipagkakaila. Business is business, Ate Pamela. At alam naming hindi ka papayag kapag nalaman mo. Saka, it's an opportunity for the agency kapag nag succeed ang project na ito. They will get another contract sa atin at saka hindi ka naman mapapaano diyan ate. Isang buwan lang naman, eh. Malaking tulong mo na iyon sa agency namin." Nanlalambing na sambit niya.

Napatampal na lang talaga ako sa aking noo. Pinagkaisahan nga nila ako. Naiintindihan ko naman sila kaso sadyang yung puso ko lang ang hindi ko maintindihan. Madami namang lugar peo bakit dito pa? Pwede naman sa Maldives o kaya sa America o kaya kahit saan. Huwag lang sana dito.

"I don't know what to say." Saad ko nalang at pumikit.

"Galit ka ate?" mas lumambing ang boses nito sa kabilang linya. "Sorry na..." dagdag pa nito na ikinahinga ko ng malalim. Ano pa bang magagawa ko?

"What's done is done. Alangan namang umuwi pa ako, eh, nandito na kami. Siguraduhin lang ng asawa mo na malaki ang kita ko dito. Kung hindi---magreretire na talaga ako sa agency niya. Hmmmp!" Umirap pa ako sa ere.

"I love you ate!" Masayang bigkas nito at hinalikan ako sa telepono.

"I love you too," naiiling na lang na sagot ko pabalik. Isang lambing lang talaga ng kahit na sino sa mga kapatid ko ay lumalambot na ako.

"What if---" she paused. Hinihintay ko ang sasabihin pa nito pero wala na atang balak magsalita si Isabela.

"Anong what if?" Magkasalubong ang kilay kong tanong. "Nag what if ka lang tapos hindi ka na nagsalita diyan. May problema ba?"

"What if magkita kayo ni Kuya Aiden diyan?"

Hindi agad ako nakasagot sa tinanong niya. What if nga ba? Hindi pa ata ako handa at hindi ko pa iniisip ang pagdating ng araw na iyon.

"Masyadong malaki ang Italya para magkasalubong man lang kami, Isabela. That won't happen." Puno ng kumpiyansang sambit ko.

"Huwag masyadong makampante ate. Hindi mo kaya ang tadhana kapag ito ang gumalaw. Tandaan mo yan." Nanunuksong saad nito.

"Speaking of tadhana---baka gusto mong kausapin ang tadhana mo na huwag muna magpakita sa akin at baka mapalipad ko palabas ng hotel ko. Nanggigigil ako sa kanya." Mas pinili kong ibahin ang topic ng usapan namin. Alam ko sa sarili kong hindi pa talaga ako handa. In time  siguro but not now.

Oo, hinihintay ko siya sa matagal na panahon pero hindi ko pa naiisip na magtatagpo na ang landas namin.

" Okay, okay, I'll tell him that. Huwag mo namang kawawain ang asawa ko, Ate. Mabait kaya yan lalo na kapag tulog." Halatang nagingiti ito sa kabilang linya. Sa boses niya palang. Mahina akong natawa.

"Sige na, bye na muna for now. I want to roam around. Saka, lahat ng lalake---mabait kapag tulog. So, huwag mo na ipagtanggol ang asawa mo. Tse! Wala kayong pasalubong sa akin. Pinagkaisahan niyo ako." Inirapan ko ito kahit na alam ko namang hindi niya iyon nakikita.

" Ang irap ate, nakakapangit yan." Tumatawang saad nito. Paano niya nalaman na umirao ako? " Kapag ganyan na ang tono ng boses mo, I know for sure na nakairap ka na naman ng bongga. " Grabe ang tawa niya. Mas napairap ako. Bakit ang bubully nila sa akin this past few days. Lagi nila akong pinagtritripan.

"Just hug them for me. Miss ko na kayo at isang buwan din tayong hindi magkikita. Ngayon palang namimiss ko na talaga kayo. Sige na, ba-bye na. Lalabas lang ako to roam around. Ayokong matengga dito sa hotel. Alam kong babalik balikan ako ng asawa mo. Hindi nun ako titigilan. So, aalis na lang muna ako. Maya ko na siya kausapin. Kapag wala na ang topak ng ulo ko."

"Okay, Ate, miss you too. I love you. Mag iingat ka diyan."

"Yeah, I will. Kayo din diyan. Bye."

Nang mamatay ang tawag ay nagsuot ako ng jacket ko at lumabas ng hotel. Gusto kong makasagap ng sariwang hangin. Paglabas ko ng hotel ay naglakad lakad lang ako sa malapit. Hindi ako pwedeng lumayo dahil hindi ko kabisado ang lugar.

Nang may madaanan akong cafe ay agad akong pumasok at doon tumambay. It's better here than on that hotel. Tahimik at walang katok nang katok.

I was about to sip my coffee when someone entered.

I was stunned.

Hindi na naalis ang tingin ko sa kanya. Yes, it's kamahalan. I miss him so much. Gusto kong tumayo at tumakbo papunta sa kanya at yumakap. But I know that isn't right.

Nakaramdam ako ng sakit sa aking puso ng may pumasok na babae kasunod niya at kumpit sa kanyang braso. He's smiling and caressed the hair of that girl.

Sakit, inggit, pangungulila at lahat lahat na---naramdaman ko iyan sa isang minuto lamang habang nakatingin sa dalawang taong nag uusap. They're sweet couple. Bagay na bagay sila.

Gusto ko mang tanggalin ang mga tingin ko sa kanila pero hindi ko kaya. Gusto kong matitigan ang lalakeng matagal ko ng hinihintay. I've missed him so bad. Wala pa ring pinagbago ang hitsura niya. Mas gumwapo pa nga ito at nahiyang sa kanya ang pag aasawa.

Napayuko na ako dahil malapit ng tumulo ang luha sa aking mga mata. I wanted to run away. Gusto kong tumakbo paalis ng hindi nila nakikita. Pero kapag ginawa ko iyon---impossibleng hindi nila ako makita. Nasa harapan sila at kapag may papasok o lalabas---they'll see it.

"It's okay, Pamela. Hindi ka niya nakita at hinding hindi ka niya makikita. Umiwas ka, Pamela. Umiwas ka..." bulong ko sa aking sarili at pinilit na  pakalmahin ang panginginig ng aking mga kamay.

I wanted to cry my heart out. Akala ko ay okay na ako sa mga nakalipas na taon. Pero mahirap palang sabihin kapag nakita mo na mismo ng iyong mga mata.

"Hi, can we join you?" Napatingala ako sa nagsalita. Tila nalunok ko ang sarili kong dila ng makita ko na ang kasama ni kamahalan na babae ang nagsasalita sa aking harapan.

Napatingin ako sa paligid. Hindi ko napansin na puno pala lahat ng lamesa. And my seat is for four person. Hindi ko alam kung tatango ba ako o hindi. I heave a deep breathe para kumalma.

"You can have the table. I'm about to go," pinilit kong ngumiti at akmang tatayo na ng marinig ko ang boses ni kamahalan.

"Is there any problem, dear?"

Hiniwa ng milyong milyong kutsilyo ang puso ko sa lambing ng boses nito para sa babae. Bakit sobrang sakit? Kailangan kong makaalis dito pero paano? He'll see me.

"Nothing, dear. I'm asking her if it's okay to join on her table but she said she's about to go. So, I guess this will be our table." Masayang saad ng babae. "Thank you, Miss."

Tumango lang ako at hindi na lumingon sa kanila. Sinadya kong tumalikod para hindi niya ako makilala. But destiny don't let me leave this place peacefully.

"Hey, here's the front door. You can't walk through that direction." Napasinghap ako sa sinabi ni kamahalan. Ang sakit lang na hey ang tawag niya sa akin tapos sa kasama niya---dear. It hurts real bad.

Hindi ako nagsalita at kinuha na ang bag ko. Sinigurado kong naisuot ko ang hood ng aking jacket at yumukong humarap sa kanila at naglakad na. Akala ko ay makakaalis na ako pero nakakailang hakbang palang ako ng magsalita na naman si kamahalan.

Nakakasakit lang na hindi man lang niya ako makilala. Samantalang siya---isang sulyap palang ay kilalang kilala ko na siya. Lalo na ang puao ko.

"You forgot your phone." Mas nanginig ang kamay ko sa sinabi niya.

"Damn it!" napalamurang bulong ko. How can't I just walk out of this place peacefully? Kailangan ba talagang magkaharap na kami ngayon?

Huminga muna ako nang malalim at pinigilan ang sarili bago humarap ng nakangiti.

"Oh, I'm sorry and thank you." Pasasalamat ko at yumuko sa kanila sabay kuha ng phone ko sa kamay niya.

I know he was stunned. Nakita ko ang gulat sa mga mata nito. Ni hindi na siya nakapagsalita.

"I'll get going, enjoy your coffee." Nginitian ko pa sila ng mas matamis pero deep inside nagdurugo na ang puso ko sa sakit.

How could Isabela has a hot tounge? Katatanong niya lang sa akin kanina and now---we actually met. Bilog nga naman ang mundo.

Kahit nanginginig ang aking mga paa ay pinilit kong maglakad para makalayo. Sana nag stay nalang ako ng hotel. Nagsisi tuloy ako sa aking paglabas.

Nang makabalik ako ng hotel room ko ay doon na tuluyang bumagsak ang luha sa aking mga mata. Sobrang sakit parin talaga na makita ang mahal mo na hawak ng iba. Sobrang sakit.

At kung kailan hindi pa ako handa doon naman kami nagkita. Sana inisip ko na lang ang mga  possibilities dahil nandito kami sa bansa nila. Kaso nagbulagbulagan ako. And now---nasasaktan na naman ako.

Sa ilang taon---hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. But it seems---hindi na niya ako mahal. Dahil kung mahal niya ako, dapat nakilala ako ng puso niya, pero hindi and it hurts me.

Iniiyak ko lahat ang sakit na nararamdaman ko. Para kinabukasan ay okay na ako. Pero nagkamali ako. Tumatak sa isip ko ang nangyari kahapon at hindi na ako makapag isip pa ng tama. Ni hindi na nila ako makausap. Tahimik lang ako at nag iisip ng malalim. Tinatanong ko ang sarili ko kung tama pa bang nandirito ako?

Kaso iisa lang ang sagot.

Business is business. Kapag umuwi ako---ayoko namang masira ang imahe ni Caine at ang agency. Pinapaalala ko na lang sa sarili ko ang salitang professionalism. In that, mapapaalala ko sa aking sarili na andito ako para magtrabaho hindi para magmukmok at damhin ang sakit.

Sa mga sumunod na araw ay pinilit ko talagang maging masigla. Alam ko na mahirap at hindi madali. Nakaya ko nga ng ilang taon---isang buwan lang kaya. Pasalamat na lang ako na andito si Caine at ang staff para kahit papaano ay makalimot ako sa tunay na nadarama ng puso ko.

I came here not for him, so, I guess---I'll act professional. Kaya ko ito at kakayanin ko.

Napangiti na lang ako at ngumiti sa camera habang patuloy akong kinukuhanan ng picture.

In time---I know it will heal all wounds at maging masaya na din ako...

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 97.9K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
215K 11.9K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
131K 2.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...